Thursday, January 29, 2009

Radyo sa Mindoro


Ipalagay na eksena ito sa party headquarters ng isang pulitiko at kausap niya ang isang lider-Mangyan. Panahon ito BAGO ang eleksyon...

Pulitiko : “Hay, salamat,… sa wakas ay umabot rin tayo sa gusto kong mangyari...”
Mangyan : “Pauuwiin mo na ba ako sa amin?”
Pulitiko : “Wala… W-wala sa isip ko ‘yan...”
Mangyan : “May maasahan pa ba kami sa iyo?”
Pulitiko : “Naturalmente! Palagi at patuloy…”
Mangyan : “Hindi ba niloloko mo lang kami…?”
Pulitiko : “Hindi! Nagtatanong ka pa, e….”
Mangyan : “Paglilingkuran mo ba kami nang tapat?”
Pulitiko : “All the time…”
Mangyan : “Ikaw ba ay magiging sakit ng ulo namin?”
Pulitiko : “’Tangna,..Hindi!! Are you crazy???”
Mangyan : “Mapagkakatiwalaan ka ba?”
Pulitiko : “Yes…”
Mangyan : “O, Kaibigan ng aming tribo….”


Para malaman kung ano naman ang pag-uusap PAGKATAPOS ng eleksyon at NANALO na si Pol Pulitiko. Basahin lang simula sa IBABA PATAAS.

Seriously, ang nagtulak sa aking i-post ito ay ang binanggit minsan ni Bapa Sute Montales, isang lider-tribo ng mga Hanunuo sa bayan ng Magsaysay sa isa naming pakikipag-dayalogo sa kanila noong isang taon. Sabi niya : “Iyang mga pulitiko kapag malapit na ang eleksyon, may pahagod-hagod pa sa Mangyan at patapik-tapik sa likod. Pero kapag nanalo na, kapag kakausapin mo ay bigla na lang silang tatalikod…!!!”

Bilang lokal na media ay sumugod kami doon nang magsagawa ng pagkilos ang samahang HAGURA (Nanunuo, Gubatnon at Ratagnon) sa nasabing munisipyo para ipakita ang kanilang pagtutol sa isasagawang Magneto-Telluric Survey kaugnay ng Oil Exploration ng Department of Energy (DOE) sa Sitio Magarang na sakop ng kanilang Lupaing Ninuno. Inimbitahan noon ng Sangguniang Bayan (SB) ng Magsaysay sa pangunguna ni Vice-Mayor Ramon G. Quilit ang mga lider-katutubo para ipahayag ang kanilang panig sa inquiry ng SB. Pero hindi ang mina ang gusto kong tumbukin dito…

Tanging DZVT lamang ang istasyon sa Mindoro na malalimang tumatalakay sa ganitong usapin ng mga Mangyan. Mula sa isyung may kinalaman sa armadong tunggalian na inosenteng Mangyan ang kadalasang biktima; hanggang sa paggamit sa kanila ng mga pulitiko tuwing halalan kagaya nang nangyari sa Paluan noong nakaraang eleksyon. Magka-ugnay ang Mangyan Mission at DZVT,- ang Social Communication Apostolate ng Bikaryato, sa pagsugsog kung saang kampo ng pulis o sundalo dinala halimbawa ang isang inarestong Mangyan; hanggang sa kanilang paninindigan kontra sa mina at oil exploration partikular ng Intex at ng Pitkin. Tanong tuloy ng isa kong kakilala, “Trabaho pa ba ng media ‘yan? Hindi ba ang trabaho n’yo lang ay magbalita ng tama at patas, ng ayon sa mga tunay na pangyayari? Kapag kasama ninyo ang mga Mangyan sa kanilang mga layunin, halimbawa kontra-mina,.. kinakampihan na ninyo sila,.. may kinikilingan na kayo…”

Ang sagot sa mga tanong na ito ay naka-kawing (pasensya sa salitang ginamit ko!) sa isang mas malaking tanong : “Ano ba ang papel ng Mass Media sa lipunan?” O sa konteksto : “Ano ba ang katangian ng mga istasyon ng radyo sa Occidental Mindoro?” Gusto ko mang suriin ito ay hindi ko gagawin. Tulungan ninyo akong sumuri. Marami kasing magagalit sa akin kung sasabihin ko na may dalawang istasyon ng radyo dito na ginamit o ginagamit sa layuning pulitikal ng mga may-ari o namamahala nito. Baka putaktihin na naman ako ng hindi obhetibo at personal na mga argumento mula kay “Alipin ng Langit”. Pagbibintangan na naman ako. Kesyo ako naman daw ay hindi Mass Communication o baka lektyuran uli ako ng Journalism at saka kung anu-ano pa…

Isa sa mga Mass Communication Theories na binabanggit ni Franz-Josef Eilers, SVD sa p.67 ng kanyang aklat na “Communicating in the Community” (An Introduction to Social Communication), ay ang Agenda Setting Theory na nagsasabing ang isa sa main functions ng Mass Media ay ang mag-set ng adyenda at pumili ng mga paksang dapat lamang pag-usapan, depende sa gusto nating ilabas, depende sa ating mga personal o pulitikal na adyenda. Kagaya ng paliwanag ni MS na nai-post ko na minsan.

May mga propagandista ng lokal na pulitiko na aasta o magmamalaking wala silang mga adyendang pulitikal sa kanilang talakayin at mga pag-babalita, pero sana ay maunawaan nila ito: Sa pagsasalita natin sa radyo, iniisip ng tao ang mga sinasabi natin pero hindi nila ito ginagawa. Gayundin, hindi rin nila ginagawa ang mga sinasabi nating dapat nilang isipin. Kaya kailangang madama tayo ng ating mga taga-pakinig hindi lamang sa pamamagitan ng ating mga tinig sa radyo. At wala nang paraang mas madadama tayo kaysa sa pagsama sa kanila sa kanilang bawat karanasan sa pagkakamit ng adhikain sa lipunan …

Kung susumahin natin ang mukha ng Mass Media sa atin, maaaring i-cite ang n. 416 ng Compendium of the Social Doctrine of the Church na ipinalabas noong Hunyo 2004 ng Pontifical Council for Justice and Peace sa Vatican na nagsasabing: “In the world of the media the intrinsic difficulties of communications are often exacerbated by ideology, the desire for profit and political control, rivalry and conflicts between groups and other social evils.”

….At para sa amin, hindi nga lang pala ito trabaho kundi pagsasabuhay din ng pananampalataya!


(P.S.- Salamat din kay Sandi V. ng Wackwits sa konsepto sa itaas na halatang pilit ‘ata ang aking pagkaka-gamit..)

9 comments:

  1. mukhang nakatali ka ngayon sa pagninilay sa papel ninyo bilang media practitioners, a... (MS)

    ReplyDelete
  2. wag kang gagamit ng salitang 'tangna' bad un

    -Mindoro Turk

    ReplyDelete
  3. Sorry po...

    Oo nga pala, sabi ni Visno: "Profanity sucks"

    Hindi na mauulit....

    ReplyDelete
  4. what constitutes profanity? there is no objective determinant of what is profane and what is not. for profanity is cultural...
    yung isang lalaki sa kanto na sa pagkukuwento ng isang nakakatawang istorya ay "putang-ina" nang "putang-ina" nang walang patid ay hindi mo masasabing nagmumura bagama't gumagamit siya ng salitang kalimitang ginagamit sa pagmumura. Halimbawa, ganito ang kaniyang linya: "Alam mo, mga pare, yung kasama ko sa trabaho sa Saudi, putang-ina, ang lalakas magsugal. Putang-ina, palibhasa kasi malalaki ang sahod, e..."
    sa balita ngayong umaga, si obama ay nagsabing "shameful" at "irresponsible" ang mga big shots ng wall street na tumanggap ng perks na nagkakahalaga -- kung pagsasama-samahin -- nang double digit na dolyares. kung is pareng barack ay wala sa harap ng media, malamang maririnig sa kaniya na ang ginawa ng mga big time financial managers na ito ay "fuckingly shameful" and "bitchly irresponsible"...
    inaasaha kasing si barack ay susunod sa social convention, kaya galit na, pero pinipili pa rin ang mga salitang ginagamit... pero, in essence, minumura na rin niya ang mga pinatutungkulan dito...
    sabi minsan ng professor namin sa pag-define niya ng kung ano ang pabango: ito ay isang amoy na ginagamit upang itago ang isa pang -- i.e., di kaaya-ayang -- amoy.
    sa ating diskusyon, gusto ko ring sabihin na ang pagpili sa salita ay ginagawa ng mga socially conventional upang "itago" ang di kaaya-ayang damdamin. sa aming mga taga-kanto lamang, ang putang-ina ay "embellishment" sa aming kurso ng diskusyon (MS).

    ReplyDelete
  5. A,- parang yung PI ni Mar Roxas sa rali kamakailan...

    ReplyDelete
  6. Hindi pa rin nagbago ang paraan ng two recent comments ni “Alipin ng Langit” na itinuturing ko ring black propaganda laban sa akin. Pulos argumentum ad hominem kaya ni-reject ko ulit. Wala nang saysay kung magti-tit-for-tat waywardly lang kami.

    Sabi sa Communio et Progressio : “Some types of propaganda are inadmissible. This include those that harm the public interest or allow of no public reply. Any propaganda that deliberately misrepresents the real situation, or that distorts men’s mind with half truths, selective reporting or serious omissions, that diminish man’s legitimate freedom of decision, this propaganda should be REJECTED.” (n. 30)

    Mababasa rin natin : “Well known Catholics who go on the air whether they are clerical or lay, are automatically regarded as spokesmen of the Church. They must keep this in mind and try to avoid any confusion arising there from….” (n. 154)

    Diyan ako nalilito kasi hindi lamang ito tumutukoy sa sinuman na “…who appears in the name of the Church, whether he appears in media that are officially Catholic or as a spokesman in some UNCOMMITTED INSTITUTION that opens its facilities to the expression of a Catholic point of view.” (n. 135) Kagaya ng mga istasyong mayroon ding Catholic religious program maliban sa istasyon ng Simbahan.

    Pero ganito pa ang karugtong : “….even so they will be conscious of their responsibility when they express their views, when they decide on the style of their broadcast and, indeed, on their whole manner and behavior. If they can do so in time, they will consult with competent ecclesiastical authorities for whatever counsel and advise they feel they need.” (n. 154)

    Anu’t-ano man, handa ako palagi. Lantad, nanindigan…

    (Lahat ng naka- caps lock ay ako ang gumawa - NAN)

    ReplyDelete
  7. Lahat ba ng radio stn sa Mdo ay member ng KBP? Wala bang sa mandate ng KBP ang pagiging impartial at objectivity sa pagbabalita ng lahat ng kasapi ng KBP?

    ReplyDelete
  8. Norman, I like reading your blogs. Request lang, pwede ba alisin mo na yung poll mo about tapatan ni Girlie at Nene sa 2010? Sa akin lang, parang pinapahiwatig mo na sila pa rin or sila na naman sa darating na halalan. Wala na bang iba? Pwede ba bigyan natin ng bagong mukha ng pulitika ang ating lalawigan. Tito

    ReplyDelete