Bagama’t umiskor ng Unanimous Technical Decision sa
ikalimang round ang ating kababayang si Nonito Donaire para sa WBA Feather Weight Title kontra kay Simpiwe
Vetyeka na isang South African,
napanalunan ng una ang kanyang ikaanim sa apat na weight class sa boksing. Dalawang bagay ang nalagpasan ng The Filipino Flash kagabi:
ang mga suntok at pang-uulo at below the
belt punches ni Vetyeka at ang kapalpakan ng reperi ng laban na si Luis
Pabon, isang taga-Puerto Rico. Ginanap ang laban sa The Venetian Macao sa Macao,
China.
Hindi ko alam kung ano ito para sa
inyo. Pero para sa akin, Lutong Macau ang labang ito. Ang kusinero kumbaga, na
nag-spoil ng brooth ay walang iba kundi si Luis Pabon.
Ano ba ang “Lutong Macau” sa
diksiyunaryo ng karaniwang Pinoy lalo na yaong mahihilig sa isports? Ito sa
matuling sabi ay ang resulta ng isang laban o kumpetisyon na ang kinalabasan ay
hindi mula sa performance ng isa o
dalawang manlalaro o koponan. Dayaan kumbaga na maaring sinasadya o hindi, may dahilan
man o wala. Dalawa lang ang malinaw: ang resulta nito ay kontrobersyal at ang
mga manunood, ang fans, ang tunay na talunan sa mga labang Lutong Macau.
Bago pa man ang Donaire-Vetyeka, ito
palang si Luis Pabon ay may rekord na ng mga paglabag sa dalawang mortal sins na magagawa ng isang referee: ang manood na parang isang ordinary spectator sa labang kanyang inu-officiate
at i-break ang isang aksyong
hindi naman dapat na i-break. Yung tipo
bang nakukumutan ka ng absentmindedness habang
ginagawa ang tungkulin. In short, lack of
concentration. Imagine, tatlong head butt at isang low blow kay Donaire at isang knock
down (dahil sa pagsaklay ni Vetyeka sa ring) ang hindi tinawagan ni Pabon!
Akalain ninyo, sa labanang Marco
Huck-Alexander Povetkin sa isang heavy
weight fight noong Pebrero 25, 2012, kabaliktaran sa kanyang mga non-call sa Macau kagabi, sa
Huck-Povetkin match naman ay para
siyang nagpapapuri at kahit hindi pa man dapat na mai-break ang isang tagpo ay pumagitna na kaagad ito. Hayun, ang
nangyari, nasapul siya sa isang punto ng isang ligaw na suntok at mabuti naman
ay hindi solido ang tumama sa kanya. Nangyayari lamang ang mga
kapalpakang ganito kung papagitna ka sa dalawang boksingerong nagtatangkang manuntok o nagsusuntukan na hindi naman dapat kang mamagitan.
Bago pa man ang Donaire-Vetyeka sa
Macau, may isang isinulat si Pabon tungkol sa pag-rereperi na mababasa natin
DITO. Sabi niya, “Many times we see
situations during the fight that may lead to wrong decisions or involuntary
mistakes. A good example is when a referee doesn’t see a head-butt or illegal
blow.” Baka ito nga ang nangyari sa kanyang pag-o-officiate sa laban kagabi ni Donaire.
Pero dagdag ni Pabon, “This can happen to anybody, but this excuse
cannot be used as an easy way out when we make mistakes. Although we are not
God, we must try hard to avoid mistakes at all costs. This can only be
accomplished with concentration. I say this, because when the referee does not
see something during the fight, he simply says “I did not see it”, “I am
human”. This is unacceptable…” Unacceptable nga para sa akin ang mga non-call ni Pabon.
Bagama’t ligtas na naman si Donaire at
wala namang aksidenteng nangyari sa Macau, kahit Lutong Macau ito ay patatawarin ko na si Pabon. Tutal nanalo naman kahit papaano si Nonito at
may malaking posibilidad pa ang rematch.
Pero sa totoo lang, sa mga kapalpakang
ganito ko na mi-miss ang husay ni
Richard Steele…
----------
(Photo : eastsideboxing.com)
No comments:
Post a Comment