Friday, May 24, 2019

Mindoro Team sa MPBL



Bago tumulak papuntang Amerika si Senator Manny Pacquiao para sa two-city press tour doon sa laban niya kay Keith Thurman sa Hulyo 20 ngayong taon, pormal nang naselyohan ang pagpasok ng koponan na magdadala sa Mindoro para sumabak sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Si Pacquaio ay nakipag-pulong sa mga team owner na kinatawan ni Justin Tan, miyembro ng La Salle Green Hills coaching staff, noong Huwebes at hanggang sa pormal na ngang mapabilang ang team sa liga. Tatawagin itong Mindoro Tamaraws, ang ika-28 na team na pumasok sa MPBL ngayong.

Ayon sa isang news report ng FOX Sports Philippines, kinumpirma ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang balita tungkol sa pagpasok ng koponang Mindorenyo.

Ang MPBL ay nagsimula noong Agosto 2017 sa pamamagitan ng inisyatiba ni Sen. Manny Pacquiao, ang nag-iisang 8-division boxing champion sa daigdig. Hindi naman daw ito panapat sa PBA kundi panibangong pagkakataon umano ito para sa mga kabataang basketbolista para maihayag ang kanilang galing, kakayahan at abilidad sa laro. Itatampok ng MPBL ang mga regional commercial at barangay-level na mga palaro. Napapanood ito sa telebisyon at ako man ay tumutugaygay rin dito. Malaki ang potensya ng MPBL bilang breeding ground ng mga basketbolista at basketball sa bansa. Sa pagpasok ng Mindoro sa liga, magsisilbi itong bagong El Dorado ng mga kabataang mahilig sa basketbol mula sa ating mga komunidad.

Sa isang discussion thread sa Facebook na nag-aanunsiyo ng pa-try-out ng team at ng pagpasok nito sa liga, nabaling ang aking atensyon sa pangalan ng team: “Mindoro Tamaraws”. Nakilahok ako sa diskusyon at sinabi kong mukhang markado na ang katawagang “Tamaraw” sa larangan ng basketbol at balibol sa mga varsity team ng Far Eastern University (FEU). Deka-dekada na nilang ginagamit ito sa NCAA at maging sa UAAP.

Hindi lamang ang kanilang varsity players ang tinatawag na “Tamaraw/s” kundi maging ang lahat ng mga estudyante at alumnus din ng FEU. Hindi man ito patented sa unibersidad, nakasanayan na na ganoon ang tawag sa kanila. Sabi nga ng isang lumang kasabihan, "Quae Est Utilitas Dominus". Sa Tagalog, "Kung sino ang gumagamit, siya ang may-ari."

Idinagdag ko pa na kahit sa PBA noong late 70s, ang Toyota franchise ay nagkaroon din ng team na ang tawag ay Toyota Tamaraws na mahigpit na karibal noon ng Crispa. In short, palasak nang ginamit ang pangalan sa mga kilalang liga sa bansa.

Sa akin lang, gasgas na gasgas na ang paggamit ng “Tamaraw” bilang pangalan ng team sa larong basketbol, tapos heto, sa MPBL, “Tamaraw” pa rin ba ang itatawag sa bagong Mindoro team? Tiyak ang lalabas niyan ay gaya-gaya puto-maya lang sa pagpapangalan itong bagong team na ‘to. Walang originality.

Maaaring totoo na rightfully ang pwede lamang mag-claim ng name o brand na “Tamaraw” ay ang team na mula sa Mindoro sapagkat dito matatagpuan ang Tamaraw. Sarkastikong tanong nga nung isang nag-komentaryo doon sa sinasabi kong thread, “Papaano naman nagkaroon ng Tamaraw sa isang university campus (FEU ang tinutukoy niya)?” Nasagot ko tuloy ng ganito : “Mas lalo naman ng Tigers sa kaso ng UST!”

Pwede rin sanang na-explore ang paggamit ng Mt. Halcon as name ng team. Mt. Halcon is the grandest natural land mark of Mindoro Island, 7th tallest peak in the whole Philippines, rich in flora and fauna, dwelling place of the Tamaraws and home of the Mangyans, our first inhabitants. If I were the team manager, I will call it Mindoro Halcons (or Halconites), para maiba naman. O kaya ay Mindoro Sling na classic Puerto Galera Cocktail na dinarayo sa lugar. Kahit na ano, huwag lang “Tamaraw”.

Kung ang team ay nakabase sa Calapan, malamang Oriental Mindoro lang at hindi ang buong isla ang kinakatawan nito....

-------

Sources:


No comments:

Post a Comment