Sa pagtatapos ng Pambansang Araw ng mga Bayani at pasimula ng pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas, gusto kong bigyang pugay ang bayaning may kakaibang iniwang marka sa ating kasaysayan: Si Apolinario Mabini, ang Dakilang Lumpo. (Mula sa panulat ng nasa larawan na dating isang dakilang lumpen.)
Una sa lahat, ibig kong ipaalam na si Mabini, ay katulad ko, o katulad ng ilan sa atin, na maggagawa rin ng pamahalaan. Opo, siya ay taong gobyerno na naglilingkod sa bayan sa ilalalim ng isang lider-pulitiko.
Matatandaan natin na si Mabini, na tinatawag munang “Ulong Ginto” sa kanyang lalawigan sa Batangas, ay ipinatawag ni Heneral Emilio Aguinaldo nang ang huli ay makarating sa Pilipinas mula sa Hong Kong para maging kanang-kamay sa pamamahala ng bansa noong panahon ng himagsikan. Naging kasapi din siya ng gabinete ni Pangulong Aguinaldo at itinalagang Prime Minister at Secretary of Foreign Affairs mula Enero hanggang Mayo, 1899.
Si Mabini ay tulad ninyo, tulad ko, tulad ng ilan sa inyo na kawani rin ng pamahalaan.
Saan ba galing ang salitang “Bayani”? Ayon sa isang batikang historyador na si Zeus Salazar, ito daw ay mula sa salitang Javanese na "wani" o "wērani" na pinag-ugatan din ng salitang “kawani”. Samakatuwid, ang pamahalaan pala ay maaari ring maging “duyan ng magiting” at tayong mga kawani nito na nasa serbisyo sibil, sa pamamagitan ng ating mga gawain at posisyon, ay may malaking pagkakataon ding magpakita ng kabayanihan. Ang salitang “Kawani” ay may marangal na kahulugan kung gayon.
Kaya nga sabi ng CSC, bawat kawani daw ay lingkod-bayani. Kung tutuusin.
Kung masusunod lamang sana natin sa ating araw-araw na paggampan sa gawain ang kanyang mga habilin sa El Verdadero Decalogo, lalo tayong magiging isang mabuting lingkod-bayan.
Noong si Mabini, na single for life government employee, ay ilagay sa kalinga ni Heneral Paciano Rizal sa Los Baños sa ilalim ng Pamahalaang Amerkano, ay may isinulat siyang ganito:
“Fortunately, I have no wife or children for this reason is more tolerate the sadness of my life for I do not suffer in my loves except that of my country.” Kainamang hugot ‘no?
Shout out sa mga government employee na single diyan dahil syota sila ng tungkulin at jowa nila ang bayan!
------
Mga Referensya
https://opinion.inquirer.net/142355/mabini-conscience-of-the-nation#ixzz74zYpFZZ0
https://www.youtube.com/watch?v=SL7LR-Ut0GI
No comments:
Post a Comment