Isa
sa mga krimen ng digma na naging dahilan upang hatulan ng kamatayan si Japanese
General Tomuyuki Yamashita ay ang pagsunog sa kabahayan ng mga taga-Pandurucan
(San Jose, Occidental Mindoro) at ang pagtortyur at pagputol ng ulo kay Mayor
Fermin Barretto sa pampang ng Ilog Busuanga noon panahon ng Hapon.
Simula
ngayong taon, ang ika-3 ng Setyembre ay working holiday na matapos itong
ideklara ni Pangulong Rodrigo R. Duterte bilang Surrender of Yamashita Day sa
bisa ng RA 11216. Take note, may pasok ngayon kasi working holiday lang ito. Idineklara ito ni Digong para gunitain ang pagsuko ng puwersang militar ng
mga Hapon sa pangunguna ni General Yamashita sa American High Commissioner’s
Residence sa Camp John Hay, Baguio City. Ang pagsukong ito ay naging hudyat ng
pagtatapos ng digmaang sa Pasipiko. Sumuko si Yamashita sa presensya nina
Heneral Arthur Percival at Jonathan Wainwright noong Setyembre 3, 1945.
Sa
kanyang aklat na ''The Remains of War: Apology and Forgiveness,'' na
inililathala noong Setyembre 2, 2001, 56 na taon matapos sumuko si Yamashita, na inilimbag ng Megabooks Company sa Pilipinas,
nakapanghihilakbot na ikinuwento ni Jintaro Ishida ang maraming mga krimen na
ginawa ng mga sundalong Hapon sa pamumuno ni Yamashita noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Halimbawa dito ay ang pagmasaker sa may 400 katao, bata, matanda, babae at lalake, at matapos ito ay
itinapon sa isang malaking balon ang kanilang bangkay sa Barrio Lipa sa
Batangas. Isinalaysay din ng gurong manunulat na 79 anyos na noon kung papaano hinampas sa ulo ng malaking bato ng isang kawal Hapon ang isang babaeng tagaroon.
Hindi raw maunawaan ng mga ordinaryong sundalo noon kung bakit
ganoon ang nangyari sa kanila. Kung bakit parang insekto lang nila kung patayin ang tao at hindi nila nadaramang masama ito. Basta ang alam nila, ginagawa nila
ito sa ngalan ng emperador. Wala rin pinag-iba sa EJKs at balaclava deaths na nararanasan ngayon.
Sa
unang paggunita ng tinatawag na Surrender of Yamashita Day ngayong araw na ito
ngayong taon, baka naman magkamali tayo na parangal ito kay Yamashita. Gunitain
natin ang ‘di kilalang mga bayani na sina Lieutenant Colonel Romulo Maniquez,
Major Paredes, Lieutenant Santiago Balaho na nakipaglaban sa Kiangan, Ifugao. Maging
si Lieutenant Marcario Abarillo at mga kasama na siyang naghanda para sa
negosasyon sa pagsuko ni Yamashita na siyang naging daan patungong ganap na
kapayapaan.
Nagmatigas
si Yamashita noong una at kasama ang kanyang libu-libong mga sundalo na nagkampo sa Mt.
Napulawan sa Bayan ng Hungduan doon pero kalaunan ay sumuko rin ito at pormal
itong nilagdaan ni Yamashita noon ngang Setyembre 3, 1945 at tuluyang sumuko sa
mga tropang Kano. Hindi rin natin dapat makalimutan ang mga bayaning Ifugao na
matapang na nakihamok sa mga Hapon hanggang sa magapi nga nila ang mga
mananakop.
August
15, 1945 pinulbos ng Amerika na kasama sa Allied forces ang Nagasaki at
Hiroshima at libu-libong sibilyang Hapones ang namatay. Nasa pagitan ng 90,000 at 146,000 katao ang nasalanta
sa Hiroshima at 39,000 hanggang 80,000 naman sa Nagasaki.
Pumirma
ng Instrument of Surrender ang mga opisyal ng Japanese Imperial Army sa
paliparan ng Battleship Missouri noong ika-2 ng Setyembre habang nang sumunod
na araw ay sumuko na nga sa Baguio si Yamashita. Inaresto siya at ipinagsakdal
ng pamahalaang Kano sa mga krimeng ginawa ng kanyang mga tauhan na hindi niya
naman inuutos at wala naman siya doon nang ito ay maganap. Binitay si Yamashita
noong Pebrero 23, 1946 sa Los Banos, Laguna.
Kay
Heneral Yamashita nagsimula ang tinatawag na “command responsibility” para sa
mga krimen ng digma at mula noon ay tinawag na na Yamashita Standard.
Sa
anumang digmaan simula noon, sa command responsibility, hindi na makapagtatanong
ng ganito ang mga kinauukulang opisyal: “Ako ba ng pumatay?”
----------
Larawan : abc.es
Mga Reperensya:
No comments:
Post a Comment