Kung
tutuusin, hindi naman talaga boxing movie ang 1964 film Mano-Mano pero bida
dito ang Filipino all-time boxing great Gabriel “Flash” Elorde at si Fernando
Poe, Jr., ang King of Philippine Movies directed by Efren Reyes (Hindi si Bata
Reyes ha. Ibang tao ‘yun.) Kasama dito sina Paquito Diaz, Lito Anzures, Pablo
Virtuoso, Dencio Padilla, Victor Bravo, Vic Varrion, Larry Silva, Johnny
Montiero with Rebecca at Mila Montanez.
Ang
Mano-Mano ay isang action-comedy film at ang ikaapat na pelikula ni Flash
Elorde. Sa kanyang entire movie career, si Elorde ay lumabas sa anim na pelikula
bago siya bawian ng buhay dahil sa kanser sa baga noong January 2, 1985.
Ito
ay umiikot sa kuwento ng apat na mag-kaibigan, sina Nanding (Poe) at Dencio
(Padilla) na mga jobless na nakatira sa Tondo hanggang sa makatagpo nila ang
mga bagong salta na sina Bay (Elorde) at Pablo (Virtuoso) na mula naman sa
Bogo, Cebu. Sa tunay na buhay, si Elorde ay totoong ipinanganak sa nasabing
lugar noong Marso 25, 1935. Siya ay mula sa isang mahirap na pamilya at bunso
sa 15 magkakapatid.
Isa
lang ang napanpansin ko sa mga sine dati kapag pinapanood ko ang mga ito sa
YouTube: natural na natural and akting ng mga gumaganap. Hindi kagaya ngayon na
pulos OA na ang pag-arte ng mga artista. Kahit atrasado sa mga aspetong
teknikal, ang paag-arte noon ay totoong sining at hindi para lamang kumita, sa
tingin ko. Dangan kasi naman, ang hahaba ng mga linya o dialogue noon pero despite
of this, yakang-yaka itong i-deliver ng mga artista.
Maraming
eksena ng buntalan ang pelikula. Tipikal na sangkap ng mga sine noong
kamusmusan ko ang rambulan, suntukang grupo-grupo, walang kawawaang boksingan
na matatapos lamang at magpupulasan ang mga nag-aaway kung may paparating na
sumisilbatong pulis na may dalang batuta. Walang patalim, walang baril, walang
gaanong dugo, basta sumbagan lang at upakan gamit lang ang kamao. Black and
white pa noon ang sine.
Nakakatawa
rin ang batuhan ng linya nina Virtuoso at Padilla bilang mga sidekick nina
Elorde at Poe. Si Pablo sa kanyang Cebuanong diksyon at Batangenyo naman ang
kay Dencio. Ipinakita din dito ang galing sa gitara ni Virtuoso at ang kaalaman
ni Padilla sa nakatatawang pag-awit. Ito ay sa isang eksena ng harana, isang
tradisyong Pinoy na katulad ng itinatampok nating pelikula ngayon ay limot na
rin ng panahon.
Sa
mga bakbakang kalye sa Mano-Mano ay makikita mo ang ilang galaw na boxing
fundamentals, wika nga. Kung napanood mo lang ang mga lumang laban noon ni
Flash Elorde at ikaw ay totoong boxing enthusiast, madali mong makita na master
na master niya ang distansiya. Magaling siya sa step back habang nagka-counter
punch. Signature din niya ang angular in and out movement upang malagay siya sa
dominant position para umatake. Mga galaw at kilos na in-improve lang ni Manny
Pacquiao nang lumaon, sabi.
Pero si Flash Elorde, hindi kagaya ni Pacquiao, kailanman ay hindi nasilaw sa pulitika. Si FPJ naman, nanalo sana kung hindi lang dinaya.
Pero
nauna sa pelikulang Mano-Mano, noong 1962, pinagbidahan ni FPJ ang pelikulang
Apollo Robles (Oo, naunang gumamit si FPJ ng karakter na pinangalanang “Apollo”
sa isang boxing movie kaysa kay Apollo Creed sa Rocky movie franchise.) na
istorya ng isang aspiring boxer na iniwan ang kanyang pagiging medical student
at umibig sa isang dalagang itinatakwil ang boksing. Ang Apollo Robles ay tumabo
noon sa takilya at isa sa mga kauna-unahang boxing movie sa bansa kabilang ang
The Flash Elorde Story (1961) na bio-flick ng Pinoy world boxing champ.
Ayon
sa ulat, kinunsulta umano ng mga production staff at ni Gerardo “Gerry” de Leon
na direktor nito si Flash Elorde para sa mga boxing and fight scenes ng Apollo
Robles. Sinulat ni Simon Santos sa kanyang blog entry noong June 2008 na, “Those pointers became very crucial later in
many fight scenes the actor made in his movies. He integrated part of Elorde’s
styles and techniques to his own styles and came up with a unique “FPJ rapid
and lightning punches” we all know.” So, iyon pala ang umpisa ng cinematic
punching style ni Da King na nadala niya hanggang sa Durugin si Totoy Bato
(1979) in the coming years.
1950s
nang makilala sa mundo ng boksing si Flash Elorde. Sabi nga ng sikat na boxing
journalist na si Nigel Collins, “[Flash Elorde] galvanized the nation and carried boxing to greater heights than ever
before.”
Noong
1993, si Elorde ang kauna-unahang Asyano na na-induct sa New York-based
International Boxing Hall of Fame. Kahit matagal na siyang yumao, mababasa pa
rin ang kanyang istorya sa mga text book sa mga paaralan sa buong bansa.
Halos
lahat ng pelikula ni FPJ ay kakakitaan ng kanyang rapidong suntok (Gaya sa Roman
Rapido), suntok sa mukha pababa sa bodega ng goon na may grand finale na
pompyang o kaya ay matitinding wind mill uppercuts. Sa lahat ng sine ni Da
King ay may mapapanood kang signature rolling punch.
Bagay
na hindi kinayang gawin kailanman ni Flash Elorde sa buong buhay niya.
---------
(Photo;
Advocacine’s Blog)
No comments:
Post a Comment