Tuesday, December 15, 2015

Mar Roxas V. Rody Duerte in a Slapping Galore


Since when slapping is the cavalier’s way to resolve a conflict? Ask Mar Roxas and his rival Digong Duterte that question. From a lowly  street bully as well as to big time warlords, manly conflicts are resolved by action that results pain on both sides. Compared to a gunfight or fistfight, slapping does not really have the potential to inflict damage. Do Mar and Digong really mean to slap each other? Isn’t slapping unmanly? Merely imagining Mar and Digong slapping each other ala Sharon Cuneta and Cherie Gil in Bituing Walang Ningning, would send us to the floor laughing. It’s a political hilarity to the maximum! 

How about male slappers? In early Philippine movies about the Japanese occupation, I’ve seen scenes where Japanese male soldiers slapping Filipino civilians and Japs military officials slapping fellow soldiers under their command. Slapping the face is an ordinary form of discipline, especially among Japanese Army, while among Filipinos it is an insult. To the captive guerrillas, I was told by my grandfather, that it is more honourable to die by bayonet or a bullet than being slapped repeatedly in the face. The “acceptability” and application of slapping can differ from one culture to another.

In the Philippines, slapping is socially unacceptable even in situations confined only to our homes, for instance, when parents seek to punish our children though domestic slapping galore does happen. Slapping, from dominant male Filipino mind sets, no matter how bad it is, is reserved between two married (or in a relation) men and women. Slapping is only acceptable in Philippine culture when young women shield themselves from undesirable sexual advances. Maybe to people like Mayor Digong and Mr. Mar, people belonging to the upper echelon of society, slapping is considered a grave affront to man’s honor and dignity. But to a common man in the slums or the rural area, slapping another man is a little bit “yucky” if not unmanly. To men of achievements like Mar Roxas and Rody Duterte, being slapped is a big shame to the perceived honor and the present fine status they are presently in as distinctive presidential aspirants of this great nation of ours. The slap that gives shame is what they both want to give to each other, if they truly mean what they say. Rody and Mar are adhered to a doctrine called Lex Taliones and that would bring bad example to their most ardent supporters, specially the youth, no doubt.

Duterte and Roxas displayed manhood showing their true colors as human male species. Theirs are pseudo-strong manhood that retaliates against dishonor to return slap for slap. Contrary to what the Great Leader have taught us. He who was born in a lowly manger and later called Prince of Peace...

---------

(Photo: www.mb.com.ph)





Sunday, December 6, 2015

Elekserye nina Rody Duterte at Bishop Soc Villegas


Walang mananalo kung magpapatuloy ang patutsadahan nina Bishop Socrates Villegas at presidential candidate Rodrigo Duterte. Saang anggulo man tingnan, ang pari kailanman ay hindi mananalo sa anumang diskusyon sa isang raskal gamit ang kanyang matatalim na dila. Ang taong raskal din ay hindi mananalo sa mga argumentong naka-tuntong sa etiko at moralidad. Milyong dipa ang layo ng mga karanasan at kaisipang pinaghuhugutan ng kani-kanilang magkaibang opinyon. Ang paghuhubog sa ka-taimtiman ng seminaryo sa paghuhubog sa ka-lumpenan ng lansangan ay magkaiba. Hindi sila magkatapat at malayong-malayo sa maraming bagay.

Kumustahin naman natin ang ating mga sarili bilang  “dakilang miron”. Sa panahong ito sa lipunang Pilipino, sa pagitan ng lider relihiyon at sikat na astig, mas kapani-paniwala sa atin lalo na sa mga netizen, ang huli kaysa sa una. Mas bilib tayo sa taong pranka, walang itinatago kahit na may masamang asal, kaysa doon sa mga nasa loob ang kulo, wika nga. Lalo na kapag pumupustura na sila ay mga moral beacon or guardian kagaya ng mga pari. Malakas ang loob ng mga maka-Duterte kahit banatan ng kanilang idolo ang sa kanila ay mga makabagong Damaso at ang Simbahang Katoliko dahil sapul nang maimbento nga naman ang halalan sa bansa, walang bloc voting mula sa mga Katoliko. Mabuti pa sa INC mayroon. Watak-watak tayo kagaya ng isinumpang kawan ni Zachariah sa pananaw natin sa paraan ng pagpapaunlad ng bayan.

Kagaya ng maraming pulitiko at mamamayang Katoliko sa bansa, dala nga ni Duterte ang kanyang bayag sa bawat pakikihamok ng buhay pero hindi ang mga Turo ng Simbahan sa pribado man o publikong pamumuhay. Sinakyan nito ang pandaigdigang salot na sex scandal ng mga pari at ang pagtatanggi ng Simbahan sa mga elitista at mayayaman, na may punto naman talaga si Digong sa mga isyung ito kaya dakila pa rin ang tingin sa kanya ng kapanalig niyang mga mananampalatayang Katoliko. Kahanga-hanga ang tapang ni Duterte dahil pati ang Simbahang Katolika ay parang grupo lang ng rice smugglers niya kung tuligsain. Bagama’t nagmamano rin naman siya sa mga obispo at pari. Hindi ba isa rin itong ka-ipokritohan kagaya ng kanyang paratang sa kanila?

Ang mga laykong nagtatanggol sa Simbahan ang siyang dapat na manguna sa pagsalag kay Digong at hindi ang mga pari at obispo. Abala ang mga pari at obispo sa parehong pagpapayamang makamundo at kagalingang espiritwal at sa pagtatakip ng kani-kanilang mga kapalpakan kaya huwag na natin silang abalahin. Dapat umagwat na sa eksena si Bishop Villegas dahil lahat ng kanyang mga aksyon at aktuwasyon sa panahong ito ay mababahiran ng political partisanship. Bakit? Una, si Villegas ay kilalang protégée ni Jaime Cardinal Sin na kilalang taga-suporta ni Corazon Aquino, nanay ni Pangulong BS Aquino III. Kung ating matatandaan, hindi ba’t si Bishop Soc din ang nagsabi noon na ang yumaong si Tita Cory ay maihahalintulad sa isang santo? Hindi natin mai-aalis na isipin ng mga taga-suporta ng ibang kandidatong pampanguluhan na ang obispo ay maka-Roxas dahil sa personal na ugnayan nito sa mga Aquino. (Hindi nga ba?)

Huminto man si Duterte sa pagbanat sa mga pari at pagkaladkad sa mga iskandalo ng Simbahan para sa kanyang interes sa pulitika, malamang na pailalim siyang ikakampanyang huwag iboto ng mga kilusang-layko sa bansa lalo na ang tinatawag na mga mandated church organizations. Ihihinto niya ito sa aking palagay sa lalong-madaling panahon. Bagamat ang Batikano sa Roma ay may panawagan sa bawat niyang nasasakupan na maging politically neutral na walang ikakampanya na iboto o huwag ibotong mga kandidato, maaari namang itong gawin sa pribadong pamamaraan. Upang pigilan ang sa anila ay napipintong despotiko, anarkiya at mestisong maka-Kaliwang gobyerno ni Duterte, o anumang paninindigan nito taliwas sa mga turo at doktrina ng Simbahan, gagawan nila ito ng paraan regardless kung pantal lang at hindi bakukang ang maging resulta nito sa balota. Iboto man o hindi si Digong ng mayorya sa milyong naka-poncho na mga pilatong totoong dahilan ng trapik nang dumating sa bansa si Pope Francis noong Enero. Kung hindi lang naging sunod-sunuran ang mga tao sa paanyaya (o pagpilit?) ng Simbahan na dumalo sa Papal Visit, e, di sana ay hindi nagka-trapik at malamang hindi nakapagmura si Digong!

Sa Second Plenary Council (PCP-II) na pinagtibay ng mga pari at layko noong 1992, bagama’t walang clear cut na strategic action kung papaano ito isasakatuparan, hinihimok ang aktibong partisipasyon ng mga mananampalataya sa bawat halalan na makilahok sa mga aksyong pulitikal. Ang pahayag na ito ay malinaw na bukas sa lahat ng pinaka-malayang interpretasyon. Kaya nga, may ilang grupo ng layko na binibigyang kahulugan ang hamon na ito na hanggang sa hayagang pagkampaya pabor o laban sa isang partikular na kandidato sa ngalan ng kanilang organisasyong pansimbahan. Pabor ako dito. Sinasabi na ang Simbahan na binubuo ng mga mananampalataya ay maaring manghimasok sa prosesong elektoral sa mga “extraordinary” situation. Sa pagpapalalim dito sinasabi sa PCP-II na, “This happens when a political option is clearly the only one demanded by the Gospel. An example is when the presidential candidate is clearly bent to destroy the Church and its mission of salvation ...” (Underscoring, mine) Nag-umpisa na marahil ang mga indirect, subtle at subliminal na panawagan na huwag iboto si Digong sa hanay ng kaparian at hayagan naman sa mga layko. Ang tanong, magkaka-igi kaya ito gayong karamihan sa mga pari at obispo ay kampante na lang sa mga kagalingang espiritwal at pangangalap ng pondo sa kanilang kawan at takot sumawsaw sa mga maiinit at kontrobersyal na panlipunang usapin? Mangyayari kaya ito kung marami sa mga pari at obispo ay nahumaling na sa luho na kanilang tinatamasa sa mararangya nilang palasyo’t kumbento sa piling ng kanilang mga bagets at poging sakristan? Pero tiyak ko, sa Enero 2016 matapos ang taunang pulong ng konseho ng CBCP ay magpapalabas ito ng isang Circular Letter na naka-ugat sa Pastoral Exhortation on Philippine Politics na maglalaman ng mga panawagang akin nabanggit. Katulad ng dati, sundin man ito ng mga mananampalataya o hindi, magiging bahagi ng mga pastoral na gawain ng Simbahan partikular sa Lenten program nitong Alay Kapwa na ipatutupad sa lahat ng parokya at ecclesial communities sa bansa.

Sa tingin ko, sa kabila ng lahat ay may malaking tsansa pa rin si Digong na maging pangulo. Ito ay kung hindi siya madadaya o hindi ka naniniwala na panghihimasukan ng CIA ng Amerika at/o ng Ministry on State Security ng Tsina ang ating eleksyon. Kung naniniwala ka na totoong sa mga botante lang talaga nakasalalay ang kapasyahan ng halalan at walang foreign intervention o ng mga institusyon mismo ng gobyerno kagaya ng mga Korte. Pero sakaling manalo siya, sana ang mga boboto sa kanya o ang mga kamag-anak ng kanyang mga taga-suporta specially those all out to defend him ay huwag bigla na lang bumulagta sa kalye, matapos likidahin ng mga death squad ng Palasyo mula lamang sa paratang na hindi dumaan sa hukuman o due process.  Na ang extra judicial execution ay katanggap-tanggap sa ngalan ng paglutas ng karumal-dumal na krimen, kahit na kamag-anak natin mismo ang salarin. Gagawin tiyak niya ‘yan. Kahit si Digong ay patuloy na hindi maging sensitibo sa kalagayan ng mga kababaihan at ipagpapatuloy niyang ipagmamalaki na siya ay maraming kabit at magiging lucrative business ang funeral services sa kanyang administrasyon. Kambal na isyu na pinuntirya nina Gabriela party list representative Emmie De Jesus at Bishop Emeritus Oscar Cruz kamakailan. Kapag nangyari ito, kailangang maging handa ang mga tinatawag ng mga kampon ng kanyang mga karibal na “Dutertards” at patuloy na suportahan ang kanilang inihalal at huwag nila itong iwanan sa ere kahit sila ay tuligsain ng oposisyon, mga human rights advocate sa hanay ng civil society sa bansa at sa buong daigdig. Kabilang ang Simbahang Katoliko kahit na hindi ito talimain ng mga mismong miyembro nito.

Uulitin ko, hindi na dapat patulan ninumang pari o obispo si Duterte maliban na lang kung ibig nilang bumaba sa kanyang lebel. Walang pangulo at walang obispo na makakaahon sa atin sa ating kinasasadlakan ngayon. Marami ng pangulo at obispo ang nabuhay at namatay, nagkasala at napatawad, pero ganito pa rin tayo. Dahil sa tanging sa pagsasa-Diyos at/o eleksyon lamang sumasalig ang marami sa atin. Pagkatapos ng panahon ng halalan, bumabalik lamang ang maraming botante sa pagiging “dakilang miron”. Kung gusto na rin lang natin na hindi sumunod sa batas kagaya ng mga ginawa (at ipinagmamalaki pa) ni Digong sa mga pinaghihinalaang kriminal sa Davao, sakaling siya ay matalo, bakit hindi natin subukan ang armed militancy o resistance na kanyang pangungunahan para kunin ang political power imbes na umasa tayo sa wala sa halalan? Joke. Seriously, dapat ay hindi double standard of justice ang kanyang ipatutupad.

Ang kuwento nina Mayor Duterte at Bishop Soc ay patikim pa lang sa marami pang uusbong na elekseryeng papatulan ng intrigue and rating-driven at AC-DC media na impluwensiyado din ng mga mamayamang negosyante at pulitiko na daluyan ng ating kantiyaw, pangagalaiti, katatawanan at iba pang mga kabalbalan hatid ng halalan. Mga kababawang tanda ng ating patuloy na pagiging politically immature…

----------
(Photo: Googleflick)