Sunday, September 8, 2019

Araw ni Maria Ngayon





“Papaano naging national holiday ang isang selebrasyon na para lamang sa mga Katoliko?,” tanong ito ni Archbishop Emeritus Fernando Capalla ayon sa isang panayam sa UCANews. Sinabi rin ng dating arsobispo ng Davao na sa ganitong mga pagtatakda, napupulitika ang isang panrelihiyong gawain. Pero “welcome and commendable” naman daw ang mga deklarasyon na ganito na nagtatalaga na gawing holiday ang ilang Marian celebration. Sa katotohanan, kahit sa ibang bansa gaya ng Mexico, Puerto Rico at iba pa ay may mga Marian national holiday observance din.

Simula ngayong araw ngayon ring taon, special working holiday na sa buong bansa ang kapanganakan ng Birheng Maria o ang Feast of the Nativity of the Blessed Virgin. Nilagdaan ng pangulo noong ika-8 ng Agosto, 2019 ang RA 11370 na nagtatakda ng nasabing pambansaftng selebrasyon.

Nag-ugat ito sa isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan na akda ni First District of  Ilocos Norte Congressman Rodolfo Fariñas. Ito na ang ikalawang kautusan na gawing pista opisyal ang isang araw na pagpaparangal kay Maria. Una ay noong taong 2017, pinagtibay ang RA 10966 na si Fariñas rin ang awtor na nagtatakda na holiday din ang Disyembre 8, Pista ng Imaculada Concepcion. Samakatuwid, dalawang batas na ang nilalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para opisyal na kilalanin ng estado ang kabanalan ni Maria. Una ay ang Immaculate Conception at ito ngang Nativity of Mary.

Malakas ang debosyon ng mga Pinoy kay Maria at sa katotohanan, naniniwala kaming mga Katoliko na si Maria ay patronesa ng bansa. Ito rin ang paniniwala ni Congressman Fariñas na umano ay isang Marian devotee. Si Congressman Fariñas ay kasal sa dating modelo at artistang si Maria (pansinin ito) Teresa Carlson ng Zambales at ina ng walo niyang mga anak. Nagpatiwakal si Carlson noong 2004. Ang kaso ng pagkamatay ni Carlson ay isa sa mga naging panulukang kaso kung bakit naisa-batas ang RA 9262 or the Anti-Violence Against Women and Children Act. Itinanggi ni Fariñas na biktima ng domestic violence ang kanyang asawa.

Papaigting ang kagutumang dama ngayon ng mga magsasaka. Ito ay sanhi ng Rice Tariffication Law na nararanasan ngayo ng nasabing sektor. Kagutuman sa kanayunan na parang panlipunang bulkan na maaring sumabog anumang sandali simula ngayon. Isang sitwasyong halos walang pinag-iba sa sitwasyon ng pamumuno ng mapaniil na si Herodes nang ang sanggol na si Maria ay isilang.

Tiyak ko na mas magiging masaya si Maria kung sa kanyang kaarawan ay kasabay na maaksyunan ng gobyerno ang krisis sa bigas kaysa sa itakda na national holiday ang araw na ito. Kapag ang pamahalaan ay nanindigan laban sa panghihimasok ng World Trade Organization (WTO) sa bansa at kung ititigil ang deregulasyon at pribatisasyon ng National Food Authority of NFA. Kasabay ng pagtutuon sa suportang serbisyo sa mga magsasaka tulad ng libreng irigasyon, binhi at ilan pang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim. Kasama rin ang pagbili ng gobyerno sa inaning palay ng mga magsasaka sa tamang presyo nang sa gayo’y maiwasan ang pagsasamantala sa kanila ng malalaking rice traders na siyang kumokontrol at nagtatakda sa suplay at presyo ng bigas na pinapasan ng kapwa magsasaka at mamimili.

Ito ang isa sa mga katulad na sitwasyong sa kanyang paglaki ay kamumulatan ng bagong silang na si Maria. Ang sanggol na sa kanyang paglaki ay aawitin ang kanyang Magnificat sa ganitong mga salita, “Mapadadakila ninyo kahit ang pinakaaba, mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha. Maihahanay ninyo sila sa mga maharlika, mabibigyan ng karangalan kahit na ang dustang-dusta.” Huwag na nating pansinin kung totoong ito nga ang araw ng pagsilang ni Maria. Alalahanin na lang natin na ang bawat pagsilang ng tao ay dapat nagpapabago sa mundo at sa lipunang kanyang ginagalawan. Ito ang isasamo natin sa araw na ito sa banal na Ina ni Hesus.

Mas magandang pa-birthday ito sa kanya ng gobyerno sa papalapit nating pagsalubong sa ika-500 anibersaryo ng pagdatal ng Kristiyanismo sa bansa sa taong 2021 na sakop pa rin ng termino ng kasalukuyang pangulo, kahit sabi niya hindi dapat ipagdiwang ito.

-----------

Monday, September 2, 2019

Yamashita Day Ngayon



Isa sa mga krimen ng digma na naging dahilan upang hatulan ng kamatayan si Japanese General Tomuyuki Yamashita ay ang pagsunog sa kabahayan ng mga taga-Pandurucan (San Jose, Occidental Mindoro) at ang pagtortyur at pagputol ng ulo kay Mayor Fermin Barretto sa pampang ng Ilog Busuanga noon panahon ng Hapon.

Simula ngayong taon, ang ika-3 ng Setyembre ay working holiday na matapos itong ideklara ni Pangulong Rodrigo R. Duterte bilang Surrender of Yamashita Day sa bisa ng RA 11216. Take note, may pasok ngayon kasi working holiday lang ito. Idineklara ito ni Digong para gunitain ang pagsuko ng puwersang militar ng mga Hapon sa pangunguna ni General Yamashita sa American High Commissioner’s Residence sa Camp John Hay, Baguio City. Ang pagsukong ito ay naging hudyat ng pagtatapos ng digmaang sa Pasipiko. Sumuko si Yamashita sa presensya nina Heneral Arthur Percival at Jonathan Wainwright noong Setyembre 3, 1945.

Sa kanyang aklat na ''The Remains of War: Apology and Forgiveness,'' na inililathala noong Setyembre 2, 2001, 56 na taon matapos sumuko si Yamashita, na inilimbag ng Megabooks Company sa Pilipinas, nakapanghihilakbot na ikinuwento ni Jintaro Ishida ang maraming mga krimen na ginawa ng mga sundalong Hapon sa pamumuno ni Yamashita noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Halimbawa dito ay ang  pagmasaker sa may 400 katao, bata, matanda, babae at lalake, at matapos ito ay itinapon sa isang malaking balon ang kanilang bangkay sa Barrio Lipa sa Batangas. Isinalaysay din ng gurong manunulat na 79 anyos na noon kung papaano hinampas sa ulo ng malaking bato ng isang kawal Hapon ang isang babaeng tagaroon.

Hindi raw maunawaan ng mga ordinaryong sundalo noon kung bakit ganoon ang nangyari sa kanila. Kung bakit parang insekto lang nila kung patayin ang tao at hindi nila nadaramang masama ito. Basta ang alam nila, ginagawa nila ito sa ngalan ng emperador. Wala rin pinag-iba sa EJKs at balaclava deaths na nararanasan ngayon.

Sa unang paggunita ng tinatawag na Surrender of Yamashita Day ngayong araw na ito ngayong taon, baka naman magkamali tayo na parangal ito kay Yamashita. Gunitain natin ang ‘di kilalang mga bayani na sina Lieutenant Colonel Romulo Maniquez, Major Paredes, Lieutenant Santiago Balaho na nakipaglaban sa Kiangan, Ifugao. Maging si Lieutenant Marcario Abarillo at mga kasama na siyang naghanda para sa negosasyon sa pagsuko ni Yamashita na siyang naging daan patungong ganap na kapayapaan.

Nagmatigas si Yamashita noong una at kasama ang kanyang libu-libong mga sundalo na nagkampo sa Mt. Napulawan sa Bayan ng Hungduan doon pero kalaunan ay sumuko rin ito at pormal itong nilagdaan ni Yamashita noon ngang Setyembre 3, 1945 at tuluyang sumuko sa mga tropang Kano. Hindi rin natin dapat makalimutan ang mga bayaning Ifugao na matapang na nakihamok sa mga Hapon hanggang sa magapi nga nila ang mga mananakop.

August 15, 1945 pinulbos ng Amerika na kasama sa Allied forces ang Nagasaki at Hiroshima at libu-libong sibilyang Hapones ang namatay. Nasa pagitan ng 90,000 at 146,000 katao ang nasalanta sa Hiroshima at 39,000 hanggang 80,000 naman sa Nagasaki.

Pumirma ng Instrument of Surrender ang mga opisyal ng Japanese Imperial Army sa paliparan ng Battleship Missouri noong ika-2 ng Setyembre habang nang sumunod na araw ay sumuko na nga sa Baguio si Yamashita. Inaresto siya at ipinagsakdal ng pamahalaang Kano sa mga krimeng ginawa ng kanyang mga tauhan na hindi niya naman inuutos at wala naman siya doon nang ito ay maganap. Binitay si Yamashita noong Pebrero 23, 1946 sa Los Banos, Laguna.

Kay Heneral Yamashita nagsimula ang tinatawag na “command responsibility” para sa mga krimen ng digma at mula noon ay tinawag na na Yamashita Standard.

Sa anumang digmaan simula noon, sa command responsibility, hindi na makapagtatanong ng ganito ang mga kinauukulang opisyal: “Ako ba ng pumatay?”

----------
Larawan : abc.es

Mga Reperensya:



Friday, August 30, 2019

Italy Kontra Pilipinas, Noon at Ngayon





Malay natin.

Bilog ang bola.

Bukas ay mapapasabak na ang koponan ng Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA Basketball World Cup at Italy ang una nating kalaban. Sabi ni Pangulong Digong, “We will lose dito sa Italian, ang lalaki kaya niyang mga gagong ‘yan.”  Sabi niya, sa China na lang tayo kumampi na siyang bansang  pagdarausan ng mga laro. Ewan ko kung manonood ang presidente kasama si Michael Yang at si Jackie Chan.

Parati ba tayong lampaso sa Italy sa kasaysayan ng pandaigdigang pabusluan? Hindi naman. Bago sila naging higanteng koponan sa larangang ito may kung ilang ulit na silang tinalo ng koponang Pinoy.

Maniwala man kayo o hindi, dalawang beses binigti ng Pilipinas ang Italy noong taong 1985. Hiyang-hiya daw noon ang mga Italyano. Una ay nang talunin ng San Miguel Philippines ang Banco de Roma sa iskor na 98-79 sa Girona, Spain. Umiskor ng 33 puntos ang pambato nating si Samboy Lim na harap-harapang kumamada sa kabila ng presensya ng mga NBA imports ng Italy na sina Leo Rautins at Leroy Combs.

Noong taon ding iyon sa Jones Cup sa Taipei, tinalo uli ng Pilipinas ang Italy sa talang 96-75 na ang mga naging top scorer noon ay sina Allan Caidic (28 puntos) at Hector Calma (19 puntos). Ang yumaong si Ron Jacobs noon naging taga-panuto ng ating koponan.

Pero unang nakasagupa ng Pilipinas ang Italy noong 1936 sa Berlin Olympics. Sa liksi ng ating mga manlalarong pinangunahan nina Ambrosio Padilla, Charlie Borck at Jacinto Ciria Cruz sa final tally na 32-14. Panlima tayo noon, pampito ang Italy.

Pero kung susumahin, sa lampas dosenang pagkakataon na nakaharap ng Pilipinas ang Italy sa basketbol, ito lamang ang mga pagkakataong pinalad tayong manalo.

Pinakakrusiyal ang unang laban natin sa Italy. Pero ano ang dapat gawin ng Gilas? Sabi ni Filipino basketball historian Jay P. Mercado, mga tirada sa labas ang makapapatay sa kalaban. Yun bang mga attempt na kahit 'sing layo ng Iling hanggang Caminawit ay maisusyut pa. Kailangan din daw na mag-dominate ni Andray Blatche ang kanilang mga higante at pumatas ang mga Italyano ng maraming foul. Huwag mapabayaang tumira sa labas ng bahaghari sina Danilo Gallinari at Marco Belinelli ng kalabang bansa. Mahihirapan silang posasan si Blatche at kung puputok ang ating downtown shots, me laban-laban tayo.

Kapag naging kampante sila sa atin, silat sila. Kapag minaliit nila tayo, giba sila. Lalo na kapag hindi lang puso kundi utak ang pinagana ng Gilas, tagilid sila.

Ayon naman kay Wira Pori, Sec-Gen ng Brunei Basketball, “Hustle and energy on both ends of the court and the willingness to make the extra pass are also critical in tipping the scales in Gilas’s favor.” Harinawa.

Kung sakali, kung sakali lang na matalo natin ang Italy, sana ay manatili ang ating kisig at paghahangad na makapasok nang tuluyan sa torneyong nabanggit.

Bilog ang bola.

May mga inaasam na napopornada pa.

Malay natin.

Parang mas may tsansa pa nga tayong manalo sa Italya sa basketbol kaysa sa umasang igalang ng China ang Arbitration Case na ating napanalunan noon.

----------
Photo: PhilStar

References:


Sunday, August 11, 2019

When Discipleship is Seditious



To those who serve tyrants, discipleship is seditious and a product, not of faith, but of brainwashing. Discipleship in the eyes of the devil is sedition and persecution is his most devilish way. 

In Adolf Hitler’s Germany, Nazism, which was a state ideology, could not accept an autonomous establishment whose legitimacy did not spring from the government so they desired the subordination of the church to the state and they were persecuted.  An estimated one third of German priests faced some form of reprisal in Nazi Germany and 400 of them were sent to concentration camps and was tortured. The Gestapo, abbreviation of Geheime Staatspolizei (German: “Secret State Police”), the political police of Nazi Germany, is the state’s main implementor in such an oppression. This reminds us of the PNP-CIDG’s cases against some disciples of Christ, priests and bishops, filed recently. The police officials believed more on the statement of a hooded swindler named Bikoy than their pastors who are just inclined to do their prophetic roles totally discerning as witnesses in the senseless killings around them.

Hitler, according to author Richard Weikart, is, “a religious chameleon, a quintessential religious hypocrite,” by the way. Not unlike someone you know well.

If we have “War on Drugs” in the Philippines today, Hitler had “War on the Church” in Germany then. The fate of the Catholic bishops accused of plotting to oust Duterte been in the headlines recently, as I have said. Let me repeat, discipleship in the eyes of the devil is sedition and persecution is his most devilish way. Their accusations are mostly baseless.

Taking your cross could mean that the police officers for instance, can carry their cross by defying the unjust and persecuting orders from their superiors, a thing that Hitler’s police didn't do.  Taking our cross could also mean resisting the evils of totalitarianism. Carrying our cross is also a way of saying “no” to those who make the legal processes weapons against their rivals.  Lifting our cross may be a staunch adherence to law of men and of God, to humanity versus barbarism.

But that is not enough. Such discipleship is focused only on performance. A true disciple aims how to reform and not much how to perform. This is the most “seditious” discipleship Jesus has taught us. Prophets and  Christian witnesses do pray and reflect before the judge and act. Just like in Germany during Hitler.

This discipleship is genuine for it is about spiritual discernment and only through these we can be a self-denying, cross-carrying Christ follower…

----
Photo: global-politics.eu





Friday, August 9, 2019

Meet Jazzwel Black, the Magician



He is a magician and as far as he knows, he is the only puppeteer in town.

My namesake, a UAE-based Filipino magician, Norman Macalinao said in an interview with the Gulf News, “I just love making people happy. I can make people happy through magic. Every time I see the reaction of people, it means a lot to me.” Magical, isn’t it?

There is a thing called “Black Magic” which is a demonic kind but the surname of this well-known local magician residing in Barangay Tuban in Sablayan, Occidental Mindoro is Black. His stage name is Jazzwel Black. He not only a magician but also a party host, vocalist, clown, ventriloquist, rolled into one. Black has been all over the town and some nearby municipalities performing in various events and private functions that has made him a local celebrity of sorts.

He even performed in the indigenous cultural communities of Taobuid when then Councilor now Vice-Mayor Bong Marquez sponsored a children’s party in the boondocks for the Mangyan kids, almost gratis et amore. Wearing a make-up of a clown, he appeared before the kids and they initially ran away shouting, “Bukaw! Bukaw!” (NB: “Bukaw” is “Aswang” in Tagalog). Well, as the saying goes, the show did go on. They loved him and his antics as the show went own for it was a first hand experience for them.

Jazzwel Black is Charlie Concepcion Black in real life and from Dinalupihan, Bataan whose grandfather was a black American. He started as an animal trainer at the Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) in a joint called Subic Safari and later studied magic tricks by himself. In 1998 he did his first performances in magic. Because of life’s hardship in Olongapo, he and his wife, Claudette (nee De la Cruz) who was born and raised in Sablayan, went back to this central town in Occidental Mindoro for a new life and a greener pasture.

Having hard time in farm works and banking on his skills and talents in performing magical shows back in Zambales, he polished his craft like a diamond. From being a clown he became the first puppeteer in the whole province. According to him, “Kahirapan ang nagtulak sa akin na pumasok sa industriya. Walang nagturo sa akin ng pagma-madyik. Pinag-aralan ko ito mula sa panunuod sa iba,” says the magician who idolized and loved to watch the performances of Lance Burton on tapes. Burton is an American stage magician who performed in more than 15,000 shows in Las Vegas and retired in 2010. 

If you want to meet Jazzwel Black in person along with his puppets Cholo, Dodoy and Tonton, including Janny, the monkey doing some acrobats, you may visit his Facebook account provided at the bottom of this page or contact them at CP# 09506641200 and 09271656896.

Just like Normando Macalinao, Jazzwel Black greatly loves making people, especially the kids, happy. Black said that his inspirations are his children and the children in his every show. He further added, “Inspirasyon ko rin ang ngiti at tuwa ng mga bata lalo na ang may kaarawan.” By the way, your Mr. Amazing Performer is a singer too. Black’s magic is not for show but a continuing hard work and dedication. He continues to innovate and enhance his performance and achieve them through life.

Life is like magic. Just as well. It is believing in yourself…

-------
Photo: Jazzwel Black’s Facebook Account









Wednesday, August 7, 2019

Ang Gilas at si Digong



Kung si Pangulong Digong ay walang tiwala na kayang talunin ng Gilas Pilipinas ang Italy sa 2019 FIBA World Cup sa kanyang paboritong bisitahing bansa, mas may tiwala naman sa koponan ng Pilipinas si Coach Rajko Toroman ng Serbia. Kulang daw tayo sa height kontra sa Italy kaya  sa China na lang daw tayo pumusta (kumampi?) Sabi ni Digong: “We will lose dito sa Italian, ang lalaki kaya niyang mga gagong ‘yan.” Walang ka-gilas-gilas na statement ito. Duwarog na pahayag na dinaan lang sa pagmumura (sa paggamit ng “gago”).

Sabi nga ni Coach Jason Webb ng Magnolia Hotshots sa PBA, "I also have no plans of cheering for a country stealing our land from us." Told you, napaghahalo talaga ang sports at politika.

Noon pa man, ang kay Coach Toroman ay mas kariringgan ng totoong motibasyon kundi man  pag-asa: “I think that the chance is against Italy than against Serbia. For me, the Philippines can make surprises. And whenever you play, you have a chance to win.” Sa tantiya ni Toroman, mas may tsansa pa raw and Gilas sa Italy kaysa sa team niya (Serbia).

Nagpapakatotoo lang daw si Digong sabi ng isang DDS sa internet. Kagaya kung gaano nila binigyan katwiran ang pagmumura at dyokis ng pangulo na nagpapaka-totoo lang daw. Ang kanyang kagaspangan sa mga pormal na okasyon at ang kanyang pagiging sexist ay pagiging totoo lang daw. Eniwey, nagpapaka-totoo rin naman siguro sa kanyang lakas ng loob at tiwala sa kanyang koponan si Andray Blatche nang sabihin niya na, “Our goal is to come in and win that game right there and take the momentum going on to the next two.” Sa pahayag na ito ng pangulo na sa China na lang kumampi, siyempre, palakpakan ang mga nasa harap niyang kasapi ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry kamakailan. Sabi ng pangulo ay manonood siya sa laro ng Gilas at makakasama raw niya ang Vice-President ng China.

Palusot naman ng iba, baka daw gusto lamang bigyan ng motivation ni Digong ang Gilas. Kailan pa naging motivational speaker si Digong? Motivation din ba yung, “Shoot them in the vagina” at iba pang atas?

Henga pala, sa opening round, sasagupain ng Gilas ang Italy sa August 31, Serbia sa September 2 at Angola sa September 4. Si Duterte ay pupunta sa China para makipag-pulong kay Chinese President Xi Jinping, para manood ng FIBA games at pasinayaan ang isang school building doon na itinayo sa pagpaparangal sa kanyang inang si Soledad.

Hindi ako umaasa na ipaaalala ni Pangulong Digong kay Pangulong Xi kung papaano tinalo minsan ng Pilipinas and China sa larong basketbol maraming dekada na ang nakalipas. Kung papaanong mula sa pagiging literal na bansot sa basketball ay literally at figuratively naging basketball giant sa Asia ang mga Tsino. Bumangon lang sila bilang bansa. Malaki kasi ang tiwala ng kanilang mga pinuno sa kanilang mga mamamayan. 

Pero kwidaw tayo, noong unang lumahok sa international competition sa basketbol ang Pilipinas ay nilalampaso natin ang China. 1913 noon nang ang mga basketbolistang Pinoy ay nagkampiyon sa kauna-unahang Far Eastern Games na Olympic version ng Asya noon. Olats ang Japan at China sa Philippines noon. Lampaso parati ang China sa Pilipinas noon, lalo na noong 1923 nang ang isang Luis “Lou” Salvador (Tatay ni “Mamatay Kayong lahat” Philip Salvador) ay umiskor ng 116 points para makopo ang kampiyonato.

Huwag na tayong maghangad muli ng basketball dominance sa mundo pero ang sports ay paraan din ng pagpapamalas ng tatak natin bilang mga mandirigma para sa pagiging makabayan, sa palakasan at kasarinlan. Matalo manalo.

Sa tiwala at suporta ng mga nasa poder ay utay-utay na mananaig tayo sa China huwag lang tayong susuko sa kanila sa anumang bagay na ating pinagtatalunan.  

Sa basketbol, sa maraming bagay….

--------

Sources:
Photo: Rappler











Saturday, July 27, 2019

Si Titus Brandsma: Isang Pagninilay Panlipunan



Sa isang baliw na lipunan, ang mga tahimik na naghihirap na mamamayang nagnanais ng tinapay ay binigyan ng bato. Ang umaasam ng isda ay inaabutan ng ahas at ang mga munting bata na humihingi ng itlog ay binibigyan ng alakdan. Ganyan ang panahon natin ngayon at ganyan din noong panahon ni Titus Brandsma sa ilalim ng pamamahala ni Adolf Hitler at ng Nazi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Si Titus Brandsma ay isang pari at martir na ang Feast Day ay ipinagdiriwang ng mga Katoliko ngayon, ika-27 ng Hulyo. Si Blessed Titus ay isinilang sa Bolsward (The Netherland) noong 1881, naging pari noong 1905 at ginawaran ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection noong Hulyo 26, 1942 sa isang piitan ng mga sundalong Aleman sa Dachau, Germany.

Noong panahon ng pamumuno ni Adolf Hitler, lahat ng sasabihin nito ay utos. Kapag sinabing ipasara ang ganitong establisemyento dahil sa hindi ito umaayon sa kanyang ninanais, kahit maraming mga nangangailangan ang tatamaan ay ipinapasara ito ng kanyang mga sunod-sunurang sundalong alipores. May parusang kamatayan noon, oo nga pala. 

Napabilang sa Order of Camelite ang batang pari at nang lumaon ay masidhing bumatikos sa idolohiya ng Nazi at naging maingay na kritiko nito. Tinuligsa niya ang pagmamalabis ng rehimen bago pa man magka-giyera ngunit kanya rin naman ipinanalangin ang mga tumurtyor sa kanya nang siya ay makulong sa concentration camp. Noong siya ay tanungin kung bakit nagagawa pa niya ito (ipagdasal sila), sinabi niya, “Matutuwa ang Diyos na kahit saglit at hindi buong isang araw ay maipapanalangin natin ang mga nagkasala ay nagmalabis sa atin.” Kagaya rin marahil ng panalanging iginagawad nina Father Flaviano Villanueva, Father Albert Alejo, Father Robert Reyes, Bishop Honesto Ongtioco, Bishop Teodoro Bacani Jr, Bishop Pablo Virgilio David, at Bishop Socrates Villegas kay Pangulong Rodrigo Duterte, Justice Secretary Menardo Guevarra at kay Lieutenant Colonel Arnold Thomas Ibay ng CIDG.

Kung si Blessed Titus ay Pilipinong Katolikong mabubuhay lamang sa bansa ngayon, tiyak akong muli ay gagawa din siya ng kabanalan. Kabanalang sa mata ng mga panatiko ay pang-gugulo, pamumulitika, pag-aalsa laban sa gobyerno. Malamang mapagbibintangan din siyang "Dilawan" o Komunista ng mga mala-kulto kung sumamba sa tao na mga Katolikong kagaya niya, nang mga kapatid niya mismo sa pananampalataya.

Si Blessed Titus ay isang propesyunal na mamamahayag. Noong panahon niya ay naglipana din ang fake news mula sa makinaryang pampropaganda ni Hitler. Kagaya ng mga nababasa natin ngayon na hindi mula sa mainstream media at hindi gawa ng mga totoong journalists ngunit mas higit pa sa mga mga talata sa Bibliya tungkol sa kung papaano manalangin, nila ito kung paniwalaan. Mas kapani-paniwala pa sa bisa ng dasal na “Ama Namin” kung ituring nila ang mga ito kung minsan.

Kahit ang mga Katolikong imprenta ay tinuligsa rin ni Blessed Titus dahil sa paglilimbag ng mga ito ng mga propaganda at fake news ng  Nazi. Hindi niya maunawaan kung bakit natatawag pa ng isang Katoliko na Katoliko ang kanyang sarili habang tuwang-tuwa, palakpak na palakpak ito sa mga pagpatay at pagsisinungaling na nagaganap sa tungki ng kanyang ilong.

Ang panahon ni Blessed Titus noon ay panahon din natin ngayon. Sa ating pagwawalang bahala para kalingain ang kapwa ay ginagamitan natin ng palusot. Kung may kaibigan tayong nasa gipit na kalalagayan,  humihingi ng tinapay, kung may kapatid tayong nangangailangan ng hustisya dahil pinatay na lang basta, sinasabi natin na wala tayong tulong na maibibigay kasi, “Sarado na ang ating pintuan at natutulog na ang ating mga anak.” Mga palusot na sa katunayan ay pag-iwas para tumulong dahil alam naman natin na alam ng taong nangangailangan na madali naman buksan ang pinto at ang mga bata ay mahimbing kung matulog. Papaano ka maituturing na kaibigan o kapanalig ng mga taong ganito?

Si Blessed Titus Brandsma ay isa sa mga banal na pwede nating gawing inspirasyon sa ating atubiling panahon ngayon. Batid niya kung ano ang kaibhan at layon ng mga bagay-bagay kaya hindi siya malilinlang. 

Alam niya na ang ahas ay hindi isda at ang nakabalumbong alakdan kahit hugis itlog ay hindi itlog, na ang kasinungalingan ay hindi katotohanan, na ang una ay nakamamatay at ang pangalawa ay nagbibigay buhay…

-----------

Photo: Order of Carmelite)


Saturday, July 20, 2019

Coaching and Officiating: There Lies The Big Difference



As I write this blog entry, five basketball coaches from our province are attending the Samahang Basketbol ng Pilipinas Coaches’ Summit at the Meralco Fitness Center in Ortigas, Pasig. They will be there until tomorrow.

Looking back, Philippine basketball legend Caloy Loyzaga's career also took an extra recognition when he coached the Philippine Team called The Dirty Dozen, to regain the ABC (Now called FIBA Asia) title in 1967 from South Korea. Loyzaga, the greatest Filipino cager the world has ever known was born in San Jose, Occidental Mindoro, in August of 1930. This is a trivia to our province-mates who think that anything beyond Barangay Ginebra and the NBA are not basketball!

But sad to imagine, aside from him and Nelson Asyatono, who was born actually in Oriental Mindoro but raised in Mamburao and the PBA's The Bull, there are no other Occidental Mindoro-born basketeer that ever hit the big time, so to speak, and followed the footsteps of the late Carlos “The Big Difference” Loyzaga. But wait, there is a another San Jose-born hoopster now playing for the Bicol Volcanoes in the Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) named Chris Lalata. The young ring slammer now gaining recognition in MPBL via what I call his “rooster dunks” for he flies like one.

Occidental Mindoro basketball coaches, John Harold Gabriel of Santa Cruz, Joel Rivera of San Jose, Lexer Samson of Rizal and Rodel Benedicto and Jhyson Daingdingan of Sablayan joined the rest of the coach-participants from all over the country and some Asian countries for the event. Also among the attendees are UAAP coaches including coaches from Vietnam, Laos, and Thailand.

The pool of speakers consists of Damian James Cooter and Dean Vickerman of Autralia, Gilas-Pilipinas coach Joseller “Yeng” Guiao and the SBP Coaches’ Summit Director Joseph “Jong” Oichico, among others. Jokingly, Cooter called the event as the “Filipino-Australian Friendship Days” in allusion to the brawl occurred between players of the Philippine and Australian men's national basketball teams during a match held on 2 July 2018 at the Philippine Arena. The match was part of the 2019 FIBA Basketball World Cup Asian qualification process.

According to Coach Jhyson, “Basketball truly evolves and never ends.” He added that they are hoping that the coaches of our province would participate and learn in such skills development both in gaining strategies in offense and defense. “We look forward for the SBP to help us develop our officials or referees. Good coaching and good officiating breed good basketball players,” concluded Daigdingan, coach of the MIMAROPA Men’s Basketball Team in the Davao Palarong Pambansa…

---------

(Photo: Jhyson Daingdingan Facebook Account)



Saturday, July 13, 2019

Of Bruce Lee and Manny Paquiao


There are two Asian fists that shook the world. One is that of Bruce Lee and the other belongs to Manny Pacquiao.

Manny Pacquiao is an avid fan of Bruce Lee no doubt. SenaPac (Yes, this is how I call him at times) recently told GMA news that Bruce Lee is his idol. Boxing’s only 8-division champ further said, All of Bruce Lee’s movies, I watch it. The quickness of his hand speed – bop!” Pacquiao admitted that he formed his fighting style watching the martial arts legend’s flicks when he was still the Kid Kulafu of General Santos City.

I was able to see all the Bruce Lee movies at Golden Gate Theatre, one of the concrete buildings in town then located along Gen. Dunckel Street here in San Jose, Mindoro. The movie house was owned by Mr. Magno Castillo, a businessman from Batangas and later became the town's councilor, who is also the owner of the Castle Theatre which was moved from San Jose to Sablayan in the 70s. Castle Theater is the present site of Jollibee Sablayan fronting the Sablayan Astrodome venue of the first two professional fights of Pacquiao.

San Jose is also the birthplace of Drian "Gintong Kamao" Francisco, the former WBA International Super Flyweight champion who is now instructor in Evolve MMA, the Number One mixed martial art gymn headquartered in Singapore. Drian was raised in Sablayan though. 

In case you do not know, Leo Fong, former Bruce Lee student told EsNews Boxing in 2015 that Bruce Lee got his footwork from Muhammad Ali. Well, in this sense, Lee’s Jet Kune Do, in one way or another, has a root in boxing. In an interview in 2011, Jet Kune Do follower Teri Tom observed that Pacquiao throws his jab with his fist, turning his hip and putting the strong side forward, in a feinting movement that looks very similar to Lee’s technique. Tom further said, “There are people who have studied Bruce Lee for many, many decades and they can’t break it down and figure it out. Manny has done it,” Tom told GMA that year. “And I would assume he’s done it without an instructor. It seems like he absorbed a lot of what he saw Bruce Lee doing, he put the strong side up front,” Tom also said in 2011. 

Fast forward. On July 20, 2019, exactly one week from now, WBA World Welterweight Champion Keith Thurman will face WBA regular champion PacMan  in a bout that is greatly considered as the biggest event in boxing this year and after that, we'll have just one champion from one of the 4 major governing bodies of the sport. The venue  of the Pacquiao-Thurman is at MGM Grand Garden Arena, Paradise, Nevada, US of A.

Rewind, throwback. It was also July 20 when Bruce Lee died inside an apartment at 67 Beacon Hill Road, Kowloon Tong, Hong Kong. Yes, the philosopher- martial artist died on July 20, 1973 exactly 46 years ago on the Pacquiao-Thurman fight this coming Saturday, Sunday here in the Philippines.

I just do not know if Manny Pacquiao would dedicate this fight in memory his childhood screen idol Bruce Lee…

-----

Photo: Twitter/Manny Pacquiao


Friday, July 5, 2019

Baptism by Fire at the SP



My sympathy goes with Diana Apigo-Tayag and Eleonor Barrera-Fajardo, the two neophyte women provincial legislators of Second District of Occidental Mindoro for they, at first glance, may have been victims of the so-called tyranny of the majority. That is if what I’ve just heard from the grapevine is true. If they were amazons, it was their first exposure to combat.

Seemingly, each member of the Provincial Board will chair committee except for the two first-timer and minority SP members Tayag and Fajardo of San Jose and Magsaysay, respectively. Without a committee to chair in their own, their hands are handcuffed and their power and authority have been clipped therefore they cannot move as free as they like. They will just become a second-class citizen in the august body. H0w could change and unity be harmonized this way? With this, the “politics is just one day” rhetoric is just what it is - rhetoric. But one has to move on. 

The general criteria of what a committee for a legislator to chair are normally or usually given according to his or her capacity and advocacy. Unaware of the SP’s Internal Rules, I think the legislative body has a lot of explaining why Tayag and Fajardo, an accountant and a doctor of medicine respectively, did not get any chairmanship. Is “equity of the incumbent” becomes the rule of the thumb when they decided for such leadership in committees? Is there another newbie who got a chairmanship?  

Well, the phrase “tyranny of the majority” was first coined by French historian and political theorist Alexis de Tocqueville and memorialized by John Stuart Mill. A tyranny of the majority occurs when a majority takes action to thoroughly subjugate the minority.

I expect that in their Internal Rule, the Sangguniang Panlalawigan emphasized the balance of majority rule and minority rights. True, the will of the majority must in all cases must prevail and for that will to be rightful must be reasonable and must possess equal rights that the law or rule must protect, as US President Thomas Jefferson expressed it in 1801 in his First Inaugural Address.

Majority rule must be limited in order to protect minority rights, because if it were unchecked it probably be used to oppress persons holding unpopular views. I expect that this tenet is part of the SP’s existing internal rule.

I think Tayag and Fajardo are now automatically members of major committees.  They are not after the perks relative to the chairmanship I am sure. What is important is they can still draft ordinances and resolutions, have salaries and budgets for their staffs  and can still render speeches and other functions as legislators, both oversight and otherwise. And the general fullfilment of their campaign promise.

One does not need a committee to perform well in the Sanggunian and come up with good resolutions and ordinances. Besides, such are one of the ugly faces of politicking. Time will come a Sangguniang Bayan is up through an election and become a part of the new majority and ultimately chairing a committee of his or her choice. In the next election, s/he may still be elected but will not have the number and stay in the minority, maliban na lang kung siya ay babaliktad.  

To be frank about it, at least to me, committee chairmanships are not a matter of life and death. Charge that to experience. Kung ayaw nila, wag nila. At any rate, Tayag and Fajardo could always chair the “committee” of genuine commitment and exemplary performance. They just showed what they are made of.

Baptisms, of water or by fire, always result to purification…

-------
(Photo: SP OCM)




Friday, May 24, 2019

Mindoro Team sa MPBL



Bago tumulak papuntang Amerika si Senator Manny Pacquiao para sa two-city press tour doon sa laban niya kay Keith Thurman sa Hulyo 20 ngayong taon, pormal nang naselyohan ang pagpasok ng koponan na magdadala sa Mindoro para sumabak sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Si Pacquaio ay nakipag-pulong sa mga team owner na kinatawan ni Justin Tan, miyembro ng La Salle Green Hills coaching staff, noong Huwebes at hanggang sa pormal na ngang mapabilang ang team sa liga. Tatawagin itong Mindoro Tamaraws, ang ika-28 na team na pumasok sa MPBL ngayong.

Ayon sa isang news report ng FOX Sports Philippines, kinumpirma ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang balita tungkol sa pagpasok ng koponang Mindorenyo.

Ang MPBL ay nagsimula noong Agosto 2017 sa pamamagitan ng inisyatiba ni Sen. Manny Pacquiao, ang nag-iisang 8-division boxing champion sa daigdig. Hindi naman daw ito panapat sa PBA kundi panibangong pagkakataon umano ito para sa mga kabataang basketbolista para maihayag ang kanilang galing, kakayahan at abilidad sa laro. Itatampok ng MPBL ang mga regional commercial at barangay-level na mga palaro. Napapanood ito sa telebisyon at ako man ay tumutugaygay rin dito. Malaki ang potensya ng MPBL bilang breeding ground ng mga basketbolista at basketball sa bansa. Sa pagpasok ng Mindoro sa liga, magsisilbi itong bagong El Dorado ng mga kabataang mahilig sa basketbol mula sa ating mga komunidad.

Sa isang discussion thread sa Facebook na nag-aanunsiyo ng pa-try-out ng team at ng pagpasok nito sa liga, nabaling ang aking atensyon sa pangalan ng team: “Mindoro Tamaraws”. Nakilahok ako sa diskusyon at sinabi kong mukhang markado na ang katawagang “Tamaraw” sa larangan ng basketbol at balibol sa mga varsity team ng Far Eastern University (FEU). Deka-dekada na nilang ginagamit ito sa NCAA at maging sa UAAP.

Hindi lamang ang kanilang varsity players ang tinatawag na “Tamaraw/s” kundi maging ang lahat ng mga estudyante at alumnus din ng FEU. Hindi man ito patented sa unibersidad, nakasanayan na na ganoon ang tawag sa kanila. Sabi nga ng isang lumang kasabihan, "Quae Est Utilitas Dominus". Sa Tagalog, "Kung sino ang gumagamit, siya ang may-ari."

Idinagdag ko pa na kahit sa PBA noong late 70s, ang Toyota franchise ay nagkaroon din ng team na ang tawag ay Toyota Tamaraws na mahigpit na karibal noon ng Crispa. In short, palasak nang ginamit ang pangalan sa mga kilalang liga sa bansa.

Sa akin lang, gasgas na gasgas na ang paggamit ng “Tamaraw” bilang pangalan ng team sa larong basketbol, tapos heto, sa MPBL, “Tamaraw” pa rin ba ang itatawag sa bagong Mindoro team? Tiyak ang lalabas niyan ay gaya-gaya puto-maya lang sa pagpapangalan itong bagong team na ‘to. Walang originality.

Maaaring totoo na rightfully ang pwede lamang mag-claim ng name o brand na “Tamaraw” ay ang team na mula sa Mindoro sapagkat dito matatagpuan ang Tamaraw. Sarkastikong tanong nga nung isang nag-komentaryo doon sa sinasabi kong thread, “Papaano naman nagkaroon ng Tamaraw sa isang university campus (FEU ang tinutukoy niya)?” Nasagot ko tuloy ng ganito : “Mas lalo naman ng Tigers sa kaso ng UST!”

Pwede rin sanang na-explore ang paggamit ng Mt. Halcon as name ng team. Mt. Halcon is the grandest natural land mark of Mindoro Island, 7th tallest peak in the whole Philippines, rich in flora and fauna, dwelling place of the Tamaraws and home of the Mangyans, our first inhabitants. If I were the team manager, I will call it Mindoro Halcons (or Halconites), para maiba naman. O kaya ay Mindoro Sling na classic Puerto Galera Cocktail na dinarayo sa lugar. Kahit na ano, huwag lang “Tamaraw”.

Kung ang team ay nakabase sa Calapan, malamang Oriental Mindoro lang at hindi ang buong isla ang kinakatawan nito....

-------

Sources:


Friday, May 3, 2019

Madam Edna and Me



Now that she and his principal have joined forces, this can openly be told.

Many, many decades ago in Mamburao, there lived two sisters named Francisca and Bernardita Monsobre (y Delos Trinos) with their other siblings. 

The other siblings are nicknamed Suela (Valdez), Ensiang (Pansalin), Maring (Novelozo), Pauling (Monsobre), Miliang (Tadeja) and Juana (Coden).

When they grew up and had their own families, Francisca or Kikay (Nicanor) gave birth to a son nicknamed Luving.

After few years, Bernardita or Ditang (Ablog) who married a merchant from Zambales, gave birth to a girl they fondly called Senyang.

In their teens, though first cousins Luving and Senyang seldom see each other for the former lives in Sablayan and the latter in San Jose, they were very close. Senyang is always visited by his Manong Luving in Pandurucan every time there is a chance for him of going in Occidental Mindoro's southern town.

Years have passed and having separate families of their own, Luving had a child named Edna and Senyang got a son christened Norman but the geographical and social distance between the second cousins literally and figuratively made them strangers to each other. They did not become close like their parents. He knows that they are cousins from the start but she only discovered it lately when she had a recent political alliance with his principal and appointee. She was once a rival of his political appointee, by the way.

She is vying again for mayoralty position in Sablayan this coming May 13 while he is trying his best to be a good local blogger and a civil servant in said progressing town at the geographical center of the province.

Politics indeed change things. In life there are things needed to be momentarily kept until predicaments, circumstances and time set them free all together.

Even beyond this particular case, blood is thicker than politics and politics is thicker than blood, interchangeably, at times...

------
Photo: Jasper H. Francisco

Saturday, April 13, 2019

Palaspas at Pulitika





Ang pagwawagayway ng palaspas ay isang pampulitikang protesta noong panahon ni Hesus. Ang palaspas ay simbolo ng tagumpay ng pakikidigma at hindi lamang pantaboy ng aswang o kaya ay para may masunog tayo para sa Miyerkules ng Abo sa isang taon, kagaya ng alam natin ngayon dito sa Pilipinas.

Sinakop noon ng mga Romano ang mga Hudyo. Inalipin sila, pinahirapan, inabuso at inalipusta. Brutalidad ang naranasan ng mga mamamayang Hudyo sa kamay ng mga mananakop. Ang palaspas ay simbolo ng tagumpay ng madirigma. Ang pagwawagayway ng palaspas din ay isang paghamon, isang protesta o banta ng insureksyon noong panahong iyon. Sabi nga ni Bo Sanders sa kanyang sulatin noong 2013 sa Tripfuller.com na may titulong Palm Sunday is the Most Political Sunday, “Laying down palm branches ahead of a man riding a donkey was an act of defiance and an aggressive political statement.”  Sa Pilipinas, ang kaisipan at historikal na katotohanang ito ay hindi gaanong napag-ukulan ng pansin at pagninilay. Dangan kasi naman, tayo man ay bansang sinakop din ng mga Kastila na siyang nagdala sa atin ng Kristiyanismo.

Papaano natin aasahan na ipamulat nila sa atin na ang orihinal na Linggo ng Palapas ay maituturing na isang kilos-bayan o aksyong pulitikal. Dagdag pa ni Sanders, “Palm Sunday might be the most flagrant example of ignorance and misappropriation. Palm Sunday is call for revolution against the powers of oppression, the systems and institutions that occupy foreign lands and repress its citizens with unjust practices and economic policies.” Sinong pari kaya ang mangangahas na iugnay ang tunay na diwa ng Linggo ng Palaspas sa mga aksyong panlipunan?

Pero hindi ko sinasabi na dapat gumamit tayo ng mga bagay na labag sa batas para tayo makalaya. Pang-aabuso, pananakot at panlilinlang ang gamit ng pamahalaang Romano noon para mapanatili ang kanilang paghahari. Ang pulitika ng matandang Roma ay nakatuntong nang labis sa otoridad at kapangyarihan.

Iba ang pulitika ni Hesus sa Pulitika ng Roma. Opo, si Hesus ay hindi pang-espiritwal lang. May pulitika sa Kanya, maniwala man kayo o hindi.

Halos lahat ng antas ng kanyang buhay, simula sa pagsilang Niya sa sabsaban hanggang sa pagkamatay Niya sa krus ay may pampulitikang kaugnayan at kahalagahan noon at ngayon. Ipinanganak Siya sa malayong lugar dahil sa kailangang silang masensus para mabuwisan at ipinako Siya sa krus, na parusa noon sa mga kumakalaban sa gobyerno. Ang pagbabayad ng buwis at pagsasalita, pag-aalsa kagaya nang ginawa Niya sa templo ay pawang mga pampulitikang gawain. Ang pulitika ay nasa sentro ng buhay ng Salitang Nagkatawang Tao.

Ang mga turo Niya tungkol sa pagdatal ng Kaharian ng Diyos ay maituturing na isang adyendang pulitikal. Ang Diyos ang totoong hari at ang kanyang kaharian ang siyang lulupig sa mga kaharian o mga terminong pulitikal  na gawa lamang ng tao.

Ayon kay Isaac Morehouse sa kanyang blog post noong Agosto 10, 2009 na Palm Sunday and Politics, “Physical freedom is a worthy goal. Defending oneself from violence and oppression is not immoral. But as a Christian, to use government to enforce the morality you believe in through law, backed up by the agents of the state, is to contradict Christ Himself.”  Ganyan ang sitwasyon ng lipunan ni Hesus noon. Ganyang din ang sitwasyon ng lipunan natin ngayon. Sinong tagasunod ni Kristo ang mananahimik sa mga pagpatay sa tungki mismo ng kanyang ilong? Sinong Kristiyano ang hindi kikibo kung ang kanyang Diyos mismo ay minumura? Sinong Kristiyano ang hindi magagalit sa panibagong pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa kagaya nang naranasan noon ng mga Hudyo sa mga Romano noong unang Linggo ng Palaspas?

Sa pulitika ni Hesus ay una ang paglilingkod kaysa sa anumang kapangyarihan. Ang pulitika ni Hesus ay may kababaang-loob, may paggalang sa paniniwala ng iba, hindi makasarili, nagbibigay ng pagkakataon sa iba pang ibig mag-lingkod. Hindi kumukuyapit sa pwesto. May totoong pagmamahal kahit hindi paulit-ulit na bigkasin.

Ang masaklap, hindi pulitika ni Hesus ang ating salalayan sa pagboto at pagwawagayway ng pampulitikang palaspas kundi pulitikang Romano. Pulitikang Romano na ang mga hari ay kapit-tuko sa kapangyarihan, marahas, mapanlinlang o kaya naman ay abusado.

Ang mga taong palaspas, malamang sa hindi, sa halalan ang ibuboto ay mga makabagong Hestas!

---------
Sources :

Photo: Imagenesmi.com