Tuesday, December 30, 2008

Taon ng Bokasyon


Saint Joseph College Seminary (SJCS) is the diocesan seminary of the Apostolic Vicariate of San Jose in Occidental Mindoro, Philippines. It actually opened its doors for the first batch of seminarians in June 1984 but was formally inaugurated on July 15, 1984 - a year after the creation of the Apostolic Vicariate of San Jose in Mindoro (1983). Today, Saint Joseph College Seminary continues to form seminarians and work towards “one true Christian Community, united in worship, service and witness of Christ”. Our vicariate, in line with the Silver Jubilee of the SJCS, proclaimed June 2008 to July 2009 as Year of the Vocation. Occidental Mindoro seminarians need your support and prayers...

At habang ipinapaskel ko ito, may isinasagawang Convention ng mga seminarista at ilang “kandidato” na nagsimula noong isang araw at matatapos bukas, ika-31 ng Disyembre 2008.

A key feature of the celebration will be the promotion of the priesthood and religious life with the hope that a considerable number of youth from Occidental Mindoro will reflect more deeply on these vocations as life choices. At hindi lang sila, tayo rin. Our faith calls on each and every Christian to fulfill our vocation as asked of us in our baptismal promise. Let us embrace this responsibility so that the words of Jesus will ring true in our lives: "You will be My Witnesses" (Acts 1:8).

Sabi nga ni Catherine of Siena : "If you are what you should be, you will set the whole world ablaze!"

-------
(Photo taken by Allan Potestades of AVSJ Bigkis Balita)

Tuesday, December 23, 2008

Ambahan sa Birthday ni Misis



Sugot nga maaw kunman
Tangdayan no ma-amban
Sabungan no manuywan
Impad las yami daywan
Hanggan buhok timbangan
Hanggan sa balod pangdan
Bugkat di way yamungan
Bilang dayi bunlagan
No kang tinaginduman
Kang magpahalimbaw-an
Ga bugtong ti bilugan

(Isn't this the truth with all:
If the wife is good and kind,
the husband reasonable,
you have always friends around,
like long hair drooping so nice.
Till the final burial mount,
you'll be sleeping on one mat.
You don't want to separate
Putting down my thoughts like this:
An example very clear,
being TWO, you're only ONE.)


---------------

Ang mga Hanunuo-Mangyan dito sa ating lalawigan ay kasalukuyan pa ring gumagamit ng pamamaraan ng pagsusulat na ginamit na bago pa man dumating ang mga Kastila noong 1521. Ito ay isang halimbawa ng “Ambahan” ng mga Mangyan. Birtdey ngayon ni Misis at ang tanging maire-regalo ko sa kanya sa pamamagitan ng aking blog ay ang tulang ito…at ang pagmamahal.

---------

“Rough” Translation :

The Hanunoo Mangyans of Mindoro here in the Philippines still practice an original script which was in general use all over the country at the arrival of the Spaniards in 1521. This is an example of an “Ambahan” poem of the Mangyans. Today is my wife’s birthday and all I could give through my blog is this poem… and my love.

(Credits: Photo-www.flickr.com : Poem- www.mangyan.org.)

Saturday, December 20, 2008

Certified Batang Bubog


Ngayon ay masaya sa aming barangay. Hindi lamang dahil ang mga opisyal doon ay nakatanggap ng tumatanginting na Christmas bonus at 15th Month Pay. Lahat as in everybody,- mga elementary teacher na naka-assign sa amin, mga tanod, mga lider ng bawat purok, mga Barangay Health Worker o BHW at halos lahat ng key leaders ng Brgy. Bubog dito sa San Jose, Occidental Mindoro ay may pamasko mula sa aming El Kapitan. Nauna dito, may pasinaya din kahapon sa katatayong barber shop para sa mga miyembro ng Bubog Farmers Cooperative o BUFACO. Marami pa raw pang-ayudang tulong ang kanyang ibibigay sa aming mga ka-barangay. May pagawaan ng ice drop o popsicle, to name a few. Tila tinutupad niya ngayon ang kanyang pangako noong nakaraang halalan na gagawin niyang isang modelong barangay ang Bubog.

Ang ribbon cutting ceremony ay kumpleto with radio coverage, kaya lahat ng tagpo ay hindi nakaligtas sa Occidental Mindoro pati ‘yung berdeng joke niya tungkol sa ice drop na “ipapa-salubong” sana ng lalakeng Mangyan sa kanilang tribu. Na enjoy na enjoy namang pinakinggan at “pinagtawanan” ng aking mga kababaryo. Kunsabagay kahit sa mga opisina, ang mas nakakatawang joke naman talaga ay ang joke ni Boss, ‘di ba?

Ngayoon ay Barangay Day Celebration sa amin. Mamaya ay may street dancing competition, mga parlor games, inter-purok basketball game, variety shows na katatampukan ng ilang kilalang singer at komedyante mula sa Maynila, inter-faith activities at kung anu-ano pa. ang tema ng pagdiriwang? Original na original : “Makulay ang buhay sa modelong barangay”.

Papaano ba nagsimula ang Bubog Barangay Day Celebration? Wala pang ganito noong kapanahunan ng kauna-unahang naihalal na Teniente del Barrio na si Leoncio Chan noong 1952. O kaya ay sa termino nina Ernesto Espiritu, Enrique Perez at Teofilo Tumpalan nong 1960s. Wala nito sa mga taon ni Pantaleon “Addie” Novio, Jr. (na uncle ko at tatay ni First Kagawad Sharon "Bong" Novio-Ligaya) Nag-umpisa lang ito sa kapanahunan ni Kapitan Aquino “Panong” Acla, Jr. Ipinapalagay ng marami na ang selebrasyong ito ay isang hiwalay na selebrasyon na ipinantapat sa Pistang Parangal sa Patrong San Isidro Labrador (Ika-15 ng Mayo) ng mga Katoliko. Si Acla ay ang kauna-unahang Kapitan ng baryo na hindi Katoliko. Hindi rin naman ito ang Foundation Day ng Bubog sapagkat hindi ito opisyal na pagkilala sa pagkakatatag ng barangay na pinagtibay ni Mayor Isabelo Abeleda, Sr. ng San Jose noong taong 1950.

At ito ang mas nakakatawa sa alinmang toilet humor ng sinumang pulitiko sa entablado: ang TOTOONG PETSA ng aming Barangay Day Celebration ay hindi ngayon,- December 20, kundi sa December 30 pa! Sabi nila, wala daw kasi sa araw na iyon si Kapitan kaya inadvance na lang. Kunsabagay, malaking bagay nga naman kung wala siya sa araw ng selebrasyon...(?)

Kuwento ko lang konti. Tunay po akong taga-Bubog. Isa pa, kung ako po ba ay hindi naniniwala sa mga pinaggagawa ni GMA ay hindi na ba ako taga-Pilipinas? Komo ba hindi ibinoto ni Palin si Obama ay hindi na siya taga-Amerika? Sa Bubog ako nagkaisip. May bahay pa kami diyan. Diyan ako bumuboto. Diyan ipinanganak ang aking mga anak. Dama ko at naging bahagi ako ng buhay noon ng mga tao diyan. Katulad rin ninyo marahil.

Maiba tayo ng konti, sana ay matapos ko na ang inumpisahan kong sulatin na pinamagatang, “Brgy. Bubog: Then, Now and Tomorrow (A Historical Outline From the Stories of its People)” na noong April 1996 ko pa inumpisahan na parang tinamad na akong gawin. Ewan ko kung bakit. Pero ngayon ay ganado na naman akong ipagpatuloy. Dahil siguro may internet na. Heto ang konting silip:

“Bubog then belongs to a vast hectares of land in the province considered as friar land. It was acquired by the Philippine Milling Corporation after the Sugar Central Mill was put into operation. Some of its land are converted into sugarcane plantation but most of it are kept unproductive because its soil was not suitable for farming. Around 22,484 hectares of land in the whole San Jose has been turned to hacienda for commercial sugar cultivation” “In 1964, the Salt Industry of the Philippines was erected and put into operation. Laborers from other barangays worked as laborers for the salt factory. This paved the way for improvements of roads and bridges leading to the factory and administration building near Sitio Curanta of Brgy. San Agustin and its other pumps and installations in Bubog Barrio Proper.”

Ako ay isang bata na noon ay naliligo sa plum sa Bubog. Binatang unang nalasing sa tuba galing sa mga niyog ng Bubog. Namamadangan sa dalampasigan ng Bubog. At humabi ng pangarap na makatapos ng pag-aaral sa parang ng Bubog. Wala pa noon ang mga wala nang pampublikong silbing mga gusali katulad ng ITT-Telecom at IPC. Papaano nila idedeklarang “persona non grata” ang HINDI sampid at lehitimong anak ng Bubog? Bakit nila ako itatakwil?

Happy Barangay Day Celebration na lang sa “Model Barangay” ng lalawigan!

Thursday, December 18, 2008

Sulyap sa Kasaysayan, Suri sa Pulitika


Pa-gabi na noon. Pagkalabas na pagkalabas ko sa Katedral noong Gaudete Sunday ay tumuloy na ako sa San Jose Town Plaza para panoorin ang isang palabas na pinamagatang “Mga Sulyap sa Kasaysayan ng Occidental Mindoro” noong December 14, 2008, isang araw bago ang ika-64 na Taong Anibersaryo ng San Jose Liberation. Ang presentasyong ito ay idinerehe’t pinamahalaan nina Prof. Gil C. Manuel ng Occidental Mindoro Historical Society at Mr. Luis Sumajit, Jr. Nilahukan ito ng may limampung mga kabataang babae at lalake na pawang sa tingin ko ay may hinaharap sa teatro at iba pang kaugnay na larangan ng sining.

Apaw ang tao sa plaza. Binaybay ng palabas ang ilan sa mahahalagang bahagi at yugto ng kasaysayan ng aming lalawigan. Bilib at saludo ako kaya wala akong masabi sa ganda ng palabas sa punto ng choreography, productions design, costume, sounds and lighting at halos lahat ng teknikal na aspeto nito. Bagama’t superb ang palabas at nakapag-bigay nga ito ng impormasyon ay bitin naman ito sa hamon. Tigmak sa trivia pero tigang sa pamumukaw ng damdamin. Kunsabagay “sulyap” nga naman ito at hindi “suri” sa kasaysayan…

Noong 1950s ang San Jose Liberation ay isa sa mga tampok na okasyon sa loob ng taon. Sabi ng mga matatanda, maliban sa bonggang selebrasyon, dito rin itinatampok ang aming mga lokal na bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na hindi ko na rin maisa-isa maliban kina Fermin Baretto ang alkalde noon ng San Jose-Pandurucan na pinugutan ng ulo ng mga sundalong Hapon sa may Ilog Busuanga at lider-gerilyang sina Vincent Fortune, Sr. at Lawrence Cooper. Mga kuwento na una kong narinig sa mga bibig ng aking lolo at lola. Mga kuwento nang kanilang buhay noong sa Tunnel, Central pa raw sila naka-tira.

Sa kanyang sulatin na pinamagatang “Mindoro: Key That Unlocked RP Liberation” na lumabas sa Philippine Daily Inquirer (PDI) noong December 15, 2007 ay ganito isinalarawan ng local historian na si Rodolfo Meim Acebes AKA “Ka Bise” ang Mindoro Landing: “At dawn of Dec. 15, 1944, R/Adm. Arthur D. Struble, the leader of the naval force, ordered the bombardment of San Jose-Pandurucan to clear it for the landing of the liberation forces. Gen. Douglas MacArthur was right; there were not many Japanese soldiers in Mindoro to meet his force. They retreated to the mountains while the others were left to guard their radio equipment”.

At idinugtong pa ni Acebes, “At 7:10 a.m., the 24th Infantry Division with 11,780 combat men, 9,516 Army Air Force and 5,901 service troops landed at the Red Beach in Caminawit Point, White Beach in Barrio Bubog, Blue Beach in Barrio San Agustin and Green Beach across the Bugsanga River. It was followed by the landing of VII Amphibious Forces carrying 16,500 soldiers with 27,600 tons of supplies.”

Bagama’t hindi na bago sa akin ang ilang istorya na aking napanood dahil nai-kuwento na nga ito sa akin at nabasa ko na rin sa sulatin ng mga Mindoro historian na sina G. Rudy Candelario at Ka Bise ay mas nag-enjoy ako sa panonood ng sayaw at kanta ng mga kabataan sa entablado. Napa-indak rin ako at napa-kanta habang pinapatugtog ang mga awiting matagal ko nang hindi naririnig tulad ng “You Are the Sunshine of My Life”, “Hello Dolly” at “Twist and Shout”. Naaliw ako sa indayog ng mga batang mananayaw. Muli sa aking buhay…

Ngunit palibhasa siguro ay salat ako sa kaalaman sa katutubong sayaw (o sa sayawan in general), noong gabing iyon ko lang nalaman na ang sayaw na “Pandanggo sa Ilaw” pala ay dito sa Kanlurang Mindoro nagsimula partikular sa Bayan ng Lubang. Kaya naman pala sa sayaw na ito ipinangalan ng yumaong social scientist na si Prof. Remigio Agpalo ang pamagat ng isa niyang aklat na “Pandanggo sa Ilaw: The Politics of Occidental Mindoro” na inilimbag noong 1965. Totoo pa rin ngayon ang kanyang political analysis: “Because Philippine society is hierarchical, politics based on personality and patronage has been prevalent. As "Pandanggo sa Ilaw" politics, this resembles the manipulative as well as the graceful movements of politicians who compete for power in the political arena” (p. 86).

Siyanga pala, kabilang sa mga panauhing pandangal sa palabas ay sina Mayor Romulo M. Festin ng San Jose, Bokal Roderick Q. Agas at Governor Josephine Y. Ramirez-Sato. S’yempre pa dahil sa kanilang presensya, hindi mo na kailangang maging si Madam Rosa para mahulaan na ang Pamahalaang Panlalawigan ang siyang nag-pondo dito. As expected, wala ni anino ng mga taga-kabilang political camp sa crowd.

Tinapos ang palabas sa pamamagitan ng talumpati ni Governor at ni Meyor at noong gabing bisperas ng Mindoro Liberation, hindi lamang balik-1944 ang simoy hangin kundi fast forwarded-2010 na kaagad…

Tuesday, December 16, 2008

Be Honest


Naka-polo kami ni Dikong Rey (once in a blue moon, lang ‘to!) noong Sabado kasi nga naman, kami ay naimbitahang magbigay ng talk hinggil sa paksang “Ang mga Naka-ambang Pagmimina sa Kanlurang Mindoro” sa Provincial Chapter ng Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals o BCBP. Ang Forum ay ginanap sa Sikatuna Beach Hotel sa Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro noong Sabado, December 13, 2008. Ito ay bilang pagpapa-unlak sa isang imbitasyon nga Chapter Chairman nito na si G. Tirso F. Espiritu na kaibigan ko simula nang kami ay mga binata pa sa Bubog. Humigit-kumulang sa 40 na mga kasapi na karamihan ay couples ang naroroon sa kanilang regular na Breakfast Meeting.

Noong nakaraang linggo kasi, ayon sa mga dumalo, nagbigay din ng input ang mga taga- Mindoro Nickel Project (MNP) sa pangunguna ng Intex Resources Corporation. At para naman umano ma-balanse, binigyan rin nila ng pagkakataong kami ay magpaliwanag bilang kinatawan ng Social Services Commission (SSC) ng ating Simbahang Lokal.

Ano nga ba ang BCBP? Pangunahing pundasyon ng pagkakatatag nito ay nagsasabing, “Life in Christ in its fullness for businessmen and professionals”. Sa kongkreto, ang mga sumusunod ang kanilang mandate:

* Creating an atmosphere where love, compassion and justice prevails in the marketplace.
* Overcoming situations of injustice, inequality and abuse.
* Provide a more equitable distribution of profits and benefits to labor.
* Fairness and honesty to the consumer.

Ang BCBP ay ang naglunsad ng nationwide advocacy program na tinatawag na “Be Honest” limang taon na ang nakalilipas na nilahukan ng may 113 Chapters sa bansa. Ang programa ay pangunahing ginagawa sa pamamagitan ng pag-iimprenta at pagsasabit ng mga streamer o pagpapa-tatak ng t-shirt, billboard o anumang bagay na pwedeng paglagyan ng mga pang-madlang mensahe ng programa.

Nagkalat sa downtown San Jose ang mga naglalakihang billboards at very visible ang mga salitang ito sa bawat sulok ng bayan: “BE HONEST. Even if others are not, Even if others will not, Even if others cannot.” Bilib ako sa mensahe at sana ay makanti nito ang kalooban ng sinumang makababasa especially our local elected officials. Kahit papaano, dito sa lalawigan ko ay masasabi nating tagumpay ang “Be Honest Campaign” ng nasabing trans-parochial group. Kaya lang, nang minsang kami ay naka-sakay sa traysikel ni Yob at nabasa niya ang billboard, mayroon siyang itinanong sa akin na hindi ko masagot. Ang sabi ko na lang sa aking panganay, “Hayaan mo ‘pag may naka-usap ako na taga-BCBP ay itatanong ko ‘yan…"

At noong Sabado ay dumating nga ang pagkakataong iyon. Kahit malinaw naming naibahagi ang aming puntos sa pagtutol sa pagmimina, hirap akong makapa kung nabigyan namin sila ng inspirasyong kumilos o hindi. Mukhang na disturb pa ‘ata namin ang grupo. Sabi pa nga ng iba, “Kapag kumilos tayo d’yan, patay tayo! Delikado yan!”. Isa lang ang tiyak ko, mukhang matatagalan pa bago lubusang makasama ng mga katutubong Mangyan at buong Pamayanang Kristiyano ang ilang grupong Simbahan sa mga pagkilos nito kontra sa mina. O sa alinmang isyung panlipunan, kahit na sa paglaban sa katiwalian sa korte at maging sa lansangan. Hindi ko alam kung bakit. Siyanga pala, marami sa kanila ang umuwi na bago pa man namin simulan ang input at kalahati na lang ang natira bago ito matapos!

Sa pagwawakas ng aming input ay itinanong ko sa kanila ‘yung tanong ni Yob sa akin habang nasa traysikel nang minsang pauwi kami sa Bubog, “Be Honest, Even if others are not, Even if others will not, Even if others cannot.”, binasa muna niya ang dilaw na mga titik sa kulay asul na billboard sabay tanong : “Teka ‘Tay,.. Anong gagawin natin kapag kinukurap tayo ng mga taong taong HINDI honest maliban sa personal appeal na ito at prayers na magbago o kaya ay patawarin natin sila?” Kagaya ko nang itanong ito ni Yob sa akin, hindi rin naging kongkreto ang sagot sa akin ng grupo…

Sunday, December 14, 2008

Pari Na (Naman?)!


Ewan ko kung nagbibiro lang siya pero in-introduce ng aming Brgy. Captain (na former Governor at ex-…Congressman ng Oksi) ang kanyang political ally at kabig na pari bilang, “…tatakbong gobernador sa susunod na eleksiyon.” Kung ating matatandaan, isa ang tinutukoy niya sa tatlong pari sa Pilipinas na sumabak noong May 14, 2007. Ang kasalukuyang kontrobersyal na gobernador ng Pampanga na si Fr. Eduardo "Among Ed" Panlilio at si Msgr. Crisanto Dela Cruz ng Zamboanga(..na kagaya niya ay natalo rin sa halalan. More or less 20 thousand votes ang lamang noon ng incumbent governor sa aming "pari-na-biglang-naging-pulitiko".) Ang tila maagang “pronouncement” na ito ay nangyari sa isang pasinaya sa proyektong pang-elektripikasyon sa Purok 7, Brgy. Bubog, San Jose, Kanlurang Mindoro noong Huwebes, ika-11 ng Disyembre, 2008 na dinaluhan din nina Engr. Parvenu Naungayan at Engr. Ricky Gonzales ng Occidental Mindoro Electric Cooperative o OMECO, mga residente at ng mga opisyales ng Brgy. Bubog. Ang proyekto ay malaking tulong para sa mga residente na higit onse anyos na 'atang naghintay para magkaroon ng kuryente sa kanilang purok. Maging ang dating Kapitan at ngayon ay Kagawad na si Aquino "Panong" Acla, Jr. ay pinuri ang inisyatibang ito ng aming kasalukuyang Kapitan, na asawa rin ng aming kasalukuyang Kongresista, na mga magulang ng kasalukuyang alkalde ng Mamburao na kabiserang bayan namin.

Hindi ako naniniwala na muli siyang ('yung mamang may gawad ng Banal na Orden)kakandidato at least sa gubernatorial post. Sigurado akong nagbibiro lang noon si El Kapitan sapagkat tunay na maaga pa para sa mga pa-anunsiyong ganito. (Hindi ba walang anumang pinal na kandidato sa mga tahidan na sa pulitika? 'Ika nga, "Nothing is final unless a COC is filed", 'di ba?) Sa Parokya ng Banal na Krus sa bayan ng Sta. Cruz huli itong na-assign bilang Kura-Paroko. Sinasabing sa Brgy. Barahan sa Sta. Cruz din ipinanganak at lumaki 'yung bigating pulitikong tinutukoy ko. Pero hindi ito ang ating paksa ngayon at wala itong kinalaman sa ating main topic or subject matter for today…..

Isang araw matapos ang insidenteng nabanggit, noong December 12, 2008 ay inordenan bilang isang pari si Rev. Ronald Dela Virgen Panganiban ng bayan ng Sta. Cruz. Ang nag-gawad sa kanya ay si Obispo Antonio P. Palang, SVD, DD. Si Father Onad ay tubong Brgy. Mulawin sa nasabing bayan. Matapos ang serye ng mga Thanksgiving Mass sa Sta. Cruz ay bumalik siya sa Saint Joseph Cathedral Parish sa San Jose ngayong araw ng Linggo, December 14, 2008 para sa Misang Pasasalamat. Si Fr. Ronald ay tubong Brgy. Mulawin sa Sta. Cruz. Sa Invitation Card ni Fr. Ronald ay may mababasang ganitong Bilical Text : “A good shepherd lays down his life for the sheep”.- John 10:11. Si Fr. Onad ay isa sa limang supling ni Ginoong Rading at Ginang Ellen Panganiban.

Sa iyo Fr. Onad, Congratulations and God Bless, kahit kami ni Dikong Rey ay hindi nakadalo sa iyong ordinasyon.

Isang pagninilay lang. Ang Sakramento ng Banal na Orden ay isa sa pitong Sakramento ng Simbahan at sabi nga ni Archbishop Oscar V. Cruz sa aklat na “Priest-Politicians”: “…the ordained Priesthood has practical primacy among the Sacraments in the Church in the sense that without it, there would be no ministers for all the other six other Sacraments in the Church…” Samakatuwid, Sakramento dapat ang prayoridad ng pari at hindi ang partisan politics. Sinulat ni Cruz ang aklat bilang eksperto sa Canon Law at 'di bilang Arsobispo ng Lingayen-Dagupan.

Pero dito ako naniniwala at alam kong hindi ito nagbibiro nang karugtong niya itong isulat: “... This not necessarily saying that politics is ethically bad or morally evil. It only says that Priesthood and politics do not mix which precisely makes the figure of a “Priest-Politician” not only very questionable but also rather disturbing". Amen.

Friday, December 12, 2008

Mula KBP Hanggang NEA


Dumayo pa sa opisina ng NEA (National Electrification Administration) Office sa Diliman ang BOD ng Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) noong Martes, December 9, 2008, para magpalitan ng maaanghang na salita. Ang pulong sa pagitan ng BOD ng OMECO at ng mga matataas na opisyales ng NEA ay ipinatawag mismo ng nasabing pambansang ahensiya upang once and for all ay unti-unti nang matuldukan ang isyu ng umano'y maling pamamalakad at pagpapatalsik sa/kay OMECO General Manager Alex C. Labrador. Siya ay imbitado at dumalo rin sa nabanggit na pulong.

Sa pahayag ni Dir. Samuel A. Villar sa DZVT noong Miyerkules, sinabi nito na sa unang bahagi ng pulong ay binaybay ng mga taga-NEA ang kanilang ginawang Audit Report . Ano ang kanilang rekomendasyon batay sa report at iba pang mga dokumentong natanggap nila? Heto ang kanilang hatol ayon sa salaysay ni Villar: “TERMINATION” para kay Labrador o kaya ay mag-“GRACEFUL EXIT” na lang siya. Ngunit ayon sa panayam, hanggang sa huling sandali ay tigas-tanggi si Labrador na bumaba sa puwesto at sinabing bigyan pa siya ng sapat na panahon para pag-isipan ang pagbaba sa poder. Palibhasa nailahad na nila ang kanilang tunay na layon at komo ang usaping ito ay internal na sa mga taga-OMECO, kumalas na sa miting ang mga taga-NEA para bigyang-daan ang OMECO Board Meeting na tatalakay sa kasasapitan ni Labrador.

Sa panimula ng BOD Meeting na ang nag-preside din naman ay si BOD Chairman Jerry R. Villanada ng District II ng San Jose Area,- kaagad na nag-motion si Dir. Arsenio “Boy” C. Samson ng bayan ng Calintaan bilang susog sa naunang rekomendasyon ng NEA para sa termination ni GM. Naging very vocal umano si Dir. Melito C. Pasol, Jr. ng bayan ng Rizal sa pagtatanggol kay Labrador. To cut the long story short,.. wika nga, matapos ang litanya at palitan ng ayon kay Villar ay “very harsh words”, gumawi na rin sa wakas ang miting sa division of the house. Tatlo (3) ang nag-affirm sa recommendation ng NEA habang dalawa (2) naman ang umabsuwelto sa kanilang General Manager. Ang tatlo ay sina Villar, siyempre si Samson at si Dir. Francisco T. Servando. Sa panig naman ng mga pumabor kay Labrador ay sina Dir. Myrna Galindo-Magno ng Magsaysay at saka si Pasol nga. Bilang presiding officer at walang nangyaring tie sa botohan, ayon sa batas ay hindi maaaring bumoto si Villanada. Kaya hayun, sa wakas ay naka-iskor din ang mga anti-GM,- ang mga pro-Save OMECO. At nagkabisa nga ito at tinawag na Resolution No. 138…

Ang siste, may drama pa uling naganap. Ayaw pirmahan ni Villanada bilang Chairman ang Resolution No. 138 at patuloy pa rin nilang kinukuwestiyon ang ginawang proseso ng botohan. Wala umano si San Jose Area District I Director Leonardo S. dela Fuente kaya hindi dapat natuloy ang botohan. Sabi naman nina Servando, Samson at Villar, kahit wala si dela Fuente ay may quorum naman ang pagpapasya at iyon ay ayon naman sa parliamentary rules and procedures. Taasan na naman po sila ng boses. Balitaktakan na naman. (Ang ilan nga sa kanila ay nagpa-tingin ng blood pressure sa clinic sa 4th Floor ng gusali at pawang mga na-hypertension!!)

Noong pa-hapon na ay dumating si Dir. Dela Fuente at sinabing hindi siya napasabihan na umaga pala ang iskedyul ng pulong with NEA kung kaya siya nahuli. Pero ayon kay Samson, imposible ito dahil kasabay nila si dela Fuente na lumuwas ng Maynila. At nang matantiya siguro ng mga pro-GM na may bilang na naman sila, nagpatawag ng regular session at pinagtibay nila ang isang Resolusyon (Resolution No.139) na naglalayong i-quash ang naunang Resolution No. 138. Ang 138 ay ayaw pirmahan ni Villanada as Chair at yung 139 naman ay ayaw ding pirmahan ni Villar bilang Secretary. Kaya hayun, dead lock na naman uli…

Sa puntong ito nila kinailangan ang isang abogado at nag-provide naman ang NEA. Parang ganito more or less ang sabi ng abogado : “Pareho kayong walang mapapala kung hindi ninyo pipirmahan ang mga iyan. Magiging legally walang bisa pareho ang mga papeles”. Kulang na lang siguro na katusan sila at sabihing, “Magsi-tigil na kayo. Para kayong mga bata!!” Papaano mo nga naman iku-quash ang isang papel na ayaw mong kilalanin? Tingin ko lang ito ha, exercise in futility na ang Resolution No. 139. At saka pa lamang nalagdaan ang parehong resolusyon.

Ayon kay Dir. Servando, sa December 15 pa malalaman ang final verdict ng NEA tungkol sa magiging kapalaran ni Alex Labrador. Araw na siyang anibersaryo rin ng tinatawag naming "Mindoro Landing" or "Liberation of Mindoro from (Japanese)Invaders".

Teka, gusto ko rin idagdag na ako kabilang ang dalawa ko pang kasama sa DZVT ay inireklamo sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ni Gng. Marilyn R. Labrador, asawa ni GM at Administrator ng West Mindoro Technological Institute (WMTI), sa pamamagitan ng isang sulat kay KBP President Ms. Maloli K. Espinosa noong November 7, 2008. Nang matanggap namin ang sagot ni Ms. Diana C. Gozum, Chairperson ng KBP-Standards Authority noong November 28, 2008 ukol dito, alam ko na ang reklamo sa amin ay kagaya lang ng OMECO Board Resolution No. 139, - made out of desperation at HINDI na dapat ginawa pa. Sabi nga ni Gary Granada, "Kapag ikaw ay nasa kumunoy, ang pinaka-matalinong pagkilos ay ang HINDI pagkilos!"

Wednesday, December 10, 2008

Si PacMan sa Sablayan


Darating o maaring dumating na mula sa Amerika ngayong araw si Manny Pacquiao mula sa matagumpay niyang laban noong Sabado (Linggo sa ‘Pinas). Sama-sama sa pagbubunyi ang higit na ipapakita ngayon ng mga Pinoy dahil ginto at hindi basta-basta bakal ang nadale ni Manny. Isa na namang ma-alamat na balahibo ang inadorno niya sa kanyang buntal (uri ito ng sombrero na gawa ng mga Tagalog at hindi po ito brand ng glab kagaya ng Cleto Reyes o Everlast!) sa katauhan ni Oscar dela Hoya.

Ipaaalala ko lang (at para sa kabatiran ng mga hindi pa nakaka-alam) na may importanteng papel ang Occidental Mindoro sa boxing career ni Manny Pacquiao partikular ang bayan ng Sablayan. Sa Sablayan Astrodome sa Brgy. Buenavista unang natikman ni PacMan ang panalo bilang propesyunal na boksingero. Tinalo niya sa unanimous decision sa kanilang apat na round na laban si Edmund “Titing” Ignacio noong ika-22 ng Enero, 1995. Si Ignacio ay tubong Oriental Mindoro na halos apat na taon ang tanda kay Pacquiao (November 24, 1974 ipinanganak si Ignacio habang December 17, 1978 naman si Manny). Huling namataan (bagama’t hindi naging ‘sing bagyo ng low pressure area ang kanyang career) sa ibabaw ng ring si Ignacio noong November 16, 2001 nang siya ay matalo sa isang flyweight boxer na nagngangalang Rolly Lunas. Narito ang kartada ni Titing (Edmund na nga kung Edmund!) sa kanyang buong boxing career: 35 fights, 8 wins (with 1 KO), 3 draws and 24 defeats!

Habang si Manny saan mang bansa sa planeta pumunta ay alam ng madla, si Titing Ignacio ay hindi alam kung nasaan na (Paglilinaw: hindi niya kaanu-ano at ka-apelyido lang niya yung isang Bokal na at-large ngayon at hindi rin malaman kung nasaan). Kung nagkataong dito sa San Jose Gymnasium nangyari ang first professional fight ni Pacquiao, baka nag-unahan na ang mga SB Member na gawin si Manny na “adopted son” para may dahilan man lang na maka-hingi ng balato sa kinita nitong dolyares mula sa laban sa Las Vegas. Kung hindi man, karangalan nga namang maging kumbaga sa mapa ay “land mark” ang iyong bayan sa boxing career ng “Pambansang Kamao”.

E,.. kung si Sen. Richard Gordon nga na nagkataon lang na ang isa sa ipinaglalaban sa Senado ay interes ng mga Pilipinong beterano (na hindi lang naman sa Mindoro mayroon) ay ginawang “adopted son” ng Pandurucan. Eniwey, second landing site nga naman ng puwersa ni Gen. Douglas MacArthur ang San Jose sa buong ‘Pinas noong December 15, 1944. Ang gawad na ito ng SB ay mula sa isang inaprobahang Resolution ilang buwan na ang nakalilipas. At matapos na "maampon" si Sen. Gordon, namigay ang senador as Chairman ng Philippine National Red Cross (PNRC)ng maraming biscuit at iba pang sa tingin ko ay Band-Aid na tulong para sa aking mga kababayan…

Hayy...malaki talaga ang kaibahan ng Sablayan keysa sa San Jose. Tsk,..tsk,..

Balik na lang tayo kay Manny. Maligayang pag-uwi sa Pilipinas, PacMan!

Monday, December 8, 2008

Sundalo at Mangyan Sa Isang Kasunduan

Isang simple at tahimik (kasi walang media coverage) na Covenant Signing ang isinagawa sa Chancery Building ng Bikaryato Apostoliko ng San Jose sa Mabini St., San Jose, Occidental Mindoro noong ika-2 ng Disyembre, 2008 sa pagitan ng kasundaluhan at mga katutubong Mangyan. Ang seremonya ay sinaksihan ng may 20 kataong kinabibilangan ng mga Philippine Army officer, mga lider ng Pantribung Samahan sa Kanlurang Mindoro o PASAKAMI kabilang ang ilang staff at worker ng Mangyan Mission.

Ang signatories sa bagong Kasunduan ay sina COL. EMMANUEL AMAT, Commanding Officer of the 203rd Brigade, PA and LT. COL ARNULFO BURGOS, Battalion Commander ng 80th IB, PA . Sa panig naman ng PASAKAMI, ang kumatawan ay sina JUANITO LUMAWIG, Chairman at SILDA SANUTON, na Kalihim nito. Ang PASAKAMI ay pederasyon ng mga samahan at tribong Mangyan sa Kanlurang Mindoro.

Naging saksi sa kasunduan sina GOV. JOSEPHINE Y. RAMIREZ-SATO at OBISPO ANTONIO P. PALANG, SVD, DD. kabilang si FR. ANTHONY TRIA, SVD, Mangyan Mission Coordinator. Ang paglagda ng magkabilang panig sa nasabing Kasunduan ay itinuturing na pagkilala at pagpapatibay sa Kasunduan na nilagdaan noong taong 2005 ni dating 203rd Brigade Commander COL. FERNANDO MESA, PA at ng liderato ng PASAKAMI. Ito ay nagtitiyak sa paggalang sa karapatang pantao ng mga katutubo at maging ang pagkilala sa kanilang kultura sa panahong may operasyong militar sa kani-kanilang pamayanan. Sa panig naman ng mga sundalo ay ang pagtitiyak na hindi pagagamit ang mga Mangyan sa ilang tukoy na gawain ng mga rebelde.

May ilang bagay lamang na idinagdag dito kagaya ang pagtitiyak ng kaligtasan ng mga kabataan at kababaihan sa panahon ng operasyong military at pagpapatuloy ng paglulunsad ng mga cultural sensitivity training/seminar na ibibigay ng mga katutubo para sa mga sundalo.

Sa panayam sa “Pintig ng Bayan” sa DZVT noong Miyerkules, binigyang diin ni Burgos na, "This (Covenant) is anchored on the basic principle of human rights." Umaasa naman ang mga pinuno ng tribo na magiging hadlang ito sa paglabag kanilang karapatan tungo sa pagkilala sa kanilang kultura. Naniniwala ang PASAKAMI na malaki ang maitutulong ng regular na dayalogo sa mga sundalo upang maligtas sa digmaan ang mga inosenteng sibilyan at kaagad na mapag-usapan ang mga problema bunsod ng operasyong militar sa lugar ng mga Mangyan na kalimitang pinaglulunsaran nito.

--------
("Naniniwala ka bang magiging tunay na protektor ng karapatang pantao ang mga sundalong 'yan? Psy-war lang 'yan!" Asik sa akin ng isang kakilala matapos kong ibalita ito sa kanya sa telepono. Sabi ko na lang na sa pagkakataong ito para safe ay, "My job is to inform, not to convince" na binigkas noon ni Bernadette Soubirous. Siya 'yung katorse anyos na batang taga Lourdes, France na pinag-pakitaan at sinabihan ng isang Mahiwagang Babae noong 1858 na, "I am the Immaculate Conception", na kapistahan ngayong araw. -NAN)

Sunday, December 7, 2008

Sentenaryo

Umabot na sa century mark ang blog na ito at ito na ang aking ika-100 posting dito sa “Pamatok”. Ang kinse anyos kong anak na babae na si Anawim (o Tutz) ang nag-ganyak sa aking mag blog kasi siya ang mas exposed sa computer sa lahat sa amin sa bahay. Ito ay para naman daw lumawak ang maka-basa sa akin maliban sa naabot ng “Bigkis”, ang (dating?)newsletter ng Bikaryato ng San Jose,- kung saan ay isa ako sa mga kolumnistang layko bagama't hindi naman ako tunay na manunulat. Si Tutz ang humimok sa aking pasukin ang cyber space at nalaman kong hindi lang ito pang tinedyer. Kaya ‘yung title ng aking kolum sa aming opisyal na babasahin ay siya ring ginamit kong pamagat. Nagsimula akong mag-post noong ika-14 ng Enero, 2008 sa pamamagitan ng posting na “Templo ng mga Anino” na tungkol sa isang dating sinehan dito sa amin.

Ang buong blog na ito ay parang at pawang pira-piraso ng bubog (broken glass) ng iisang salamin ng lipunan ng Kanlurang Mindoro sa pangkalahatan. Isang salamin na ang lahat ay nakalantad ayon sa abang perspektiba ng nagbabahagi na nagkataong panulat lang ang ginagamit. Mananatiling ang aking target readers ay ang ordinaryong mamamayan at mananampalataya ng Kanlurang Mindoro, o yaong mga may interes sa Kanlurang Mindoro at may anumang pagkakaugnay sa Kanlurang Mindoro, nasaan man sila sa daigdig.

Mananatiling Tagalog o Taglish pa rin ang aking gagamitin kahit grammatically wrong kadalasan ang paggamit ko dito. Wala akong magawa dahil mas masama talaga ang aking English. Wala akong magagawa dahil ito ang wika ko, ang wika natin. Wala akong magawa dahil ito ang mas madali nating maunawaan. Ito ang wikang malapit sa ating puso dahil ginagamit natin ito sa araw-araw,- kapag tayo ay sumisigaw o bumubulong, natutuwa o nagagalit, nagmamahal o nagiging makasarili, nagbibigay o tumatanggap, nangangaral o nang-aasar, nagmumura o nagdarasal. Sa lahat ng karaniwan nating pakikipag-talastasan saan at kanino man. Kagaya nang unang pagtatagpo ng dalawang magkaibigan, magpapakilala ako sa pamamagitan ng pagsasabi ko ng aking tunay na pangalan.

Mananatiling layunin ng blog na ito ay pumukaw at gumanyak sa ating kumilos para sa pagbabago. May maniwala man sa akin o wala. May mga tumigil o may mag-umpisa mang bumasa dito. At hindi ako mawawalan ng loob kung ako ay maging bigo. Basta ang mahalaga, ako ay nakapag-bahagi sa panahong kailangan sapagkat ang pakikibahagi ay isang paraan ng pakikialam. Sa totoo lang, mas nauunawaan ko pa ngayon ang taong walang Diyos kaysa sa taong walang pakialam!

Tsamba lang na may bahid ng pagiging Katoliko ang aking blog. Hindi ito sinasasadya. Nagkataon lang na ako ay isang manggagawa ng aming Simbahang Lokal. Nagkataon lang na nagamit ko ang salandra ng pananampalataya sa aking mga sulatin ngayon. Higit sa lahat, hindi naman ako graduate ng Catholic school at walang pormal na pag-aaral sa Teolohiya. Kung nagkataong sa dati kung buhay ako nag-blog, tinitiyak ko sa inyong hindi ganito ang magiging tema at itsura nito. Maaaring ito ay isang isang bastos o kaya ay puro kabulastugang blog. O kaya ay blog na ang mga mensahe ay katulad ng naka-sulat sa pulang pintura sa mga pader sa Maynila. O anumang blog na tila walang puwang ang pagninilay,- o anumang bagay kaugnay ng espiritwalidad.

Matapos ang aking ika-100 posting ay ipapakita ko pa rin sa iba ang nakikita ko. Tanging ang ibig ko lang ay magbahagi ng kuwento, balita at saloobin sa perspektiba ng aking ginagawa at karanasan sa araw-araw dito sa Kanlurang Mindoro. Makasagasa man ako o makapagpa-angkas. Ipaaalala ko sa lahat sa pamamagitan nito na bahagi din ng mundo ang Kanlurang Mindoro. At palibhasa ako ay nasa “kalagitnaan” na ng buhay, lalong hamon ang winika ni Henry James sa nobelang “Middle Years”: “We work in the dark – we do what we can - we give what we have. Our doubt is our passion and our passion is our task..”

Salamat sa pagiging ka-manlalakbay….

Wednesday, December 3, 2008

Ninong (na) Naman..

Talagang matanda na ‘ata ako. Maraming mga bagay na iniisip at ginagawa ngayon ang mga kabataan na hindi ko maintindihan. Sabi nga nung isang kumpare ko, “Noon para maging pogi ay sinusuklay ang buhok. Ngayon para maging pogi ay ginugulo ang buhok!”

Matanda na talaga ako dahil tatlo na ang aking inaanak sa kasal. At sa Lunes ay may aanakin na naman ako ulit. Wala ako mamahaling bagay na maireregalo sa kanila. Tutal Christian role ko naman bilang Ninong ang gabayan sila sa kanilang buhay may-asawa, bigyan ko na lang kaya ‘yung groom (bahala na ‘yung mga ninang sa bride) ng paalala. Ipapaalala ko sa kanya ang istorya nina Adan at Eba sa Eden pagkatapos ay itatanong ko sa kanya, “Si Eba ba ang puno’t-dulo ng kasalanan ng tao?”. Sabay follow-up, “Hindi ba pareho naman silang naka-tikim o kumain ng forbidden fruit?” At ang ganito ang magiging daloy ng aking one-on-one paalala cum story-telling sa lalaki:

“Alam nating lahat ang istorya nina Adan at Eba kung papaano sila tinukso. Pero bakit parang kay Eba lang ‘ata natin itinambak ang lahat ng sisi? Ganito pa nga sinabi ni Adan: “Ang babaeng ibinigay mo sa akin ang nagbigay sa akin niyan…” Pero nang ibigay ng ahas ang prutas kay Eba, hindi ba niya katabi ang partner niya? Wala ba si Adan sa “scene of the crime”? Sa ibang bersyon ng ilang Bibliya ay nasusulat na magkasama sila nang oras na iyon. Kung magkasama sina Adan at Eba noon sa “crime scene”, bakit hindi niya pinigilan si Eba na kunin ang forbidden fruit gayung siya (Adan) ang unang binigyang babala ni God ukol dito?

Simula pa pala sa Eden (hindi lamang ngayon) ay ang babae na ang gumagawa ng dirty works para sa kanilang esposo. Enjoy na enjoy tiyak noon si Adan sa paglantak sa bunga ng kahinaan ni Eba (Kagaya rin ngayon na ang paminsan-minsang pagiging bungangera ni Misis (na kadalasan ay may balidong dahilan din naman..) ay dakilang katwiran na para i-manhandle siya! O ang pag-mamadyong ni babae ay excuse na sa pambababae ni lalake..). Hindi pinigil ni Adan ang kabiyak at lalong hindi niya ito tinanggihan. Bagkus, sinisi pa niya ang Diyos sa pagbibigay sa kanya ng kaulayaw, kasama at katuwang (na huwag namang mangyaring gagawin mo, inaanak).

Naganyak nga si Eba sa pagkakamit ng “karunungang katulad ng sa Diyos” na kung susuriin ay tila siya lang ang may higit na positive attitude ukol sa paghahanap ng karunungan. Hindi naman siguro si Eba lang ang nagnais nang marubdob sa karunungan. Maaaring may ganito ring mithiin si Adan pero naghintay pa siya nang pagkakataon na gawin ng kanyang asawa ang mga bagay na kaya naman niyang gawin (Halimbawa sa makabagong panahon: Gusto ni Mister pumorma araw-araw pero hindi naman siya tumutulong, kahit umigib man lang ng tubig sa paglalaba ng kanyang pang-videokeng t-shirt.).

Remember, bagamat naunang kumagat si Eba sa prutas ay nang DALAWA na silang nakakain nito ay saka lamang nag-react ang Diyos. PAREHO silang nagkaroon ng probable cause at later naging guilty sa kasong iyon. Pareho as in EQUAL kaya conspirators sila sa mga kauna-unahang krimen ng sanlibutan: theft, bribery, graft and corruption at public scandal(?).

Kaya lahat na PAREHONG ginawa ng lalake at babae bilang mag-asawa, kasal man o sila o hindi,- ay PAREHO dapat harapin, ang bunga man nito ay sumpa o biyaya. PAREHO ninyong tanggapin ang responsibilidad sa inyong mga desisyon. Naiintindihan mo ba ako Ijado?” At sasabihin niya, “Opo, Ninong. Salamat po, Ninong”. At ihahabilin ko rin na sa susunod ay sa Simbahan na sila magpakasal.

Galing ‘no? Hindi ba’t walang mamahaling regalo ang hihigit pa sa paala-alang ito? But the truth is, wala akong pambili ng mamahaling regalo sa Lunes. Wala pa kaming bonus, e…

Sunday, November 30, 2008

Birthday Ni Yob Ngayon!

16th Birthday na ngayon ni Yobhel at sa pasukan ay mag-e-enroll na siya sa college. Dito lang sa San Jose. Nagbunga kasi nang maganda yung naging activity nila ni Ryan Corpuz noong October 25. Si Yobhel (o Yob) ay ang aking panganay at kaisa-isahang anak na lalaki. November 30 nang siya ay ipinanganak at siyempre birtdey niya tuwing Bonifacio Day na kapistahan din naman ni St. Andrew o San Andres.

Noong sanggol pa lang siya at hindi pa nabibinyagan, akala ng mga aktibista kong kaibigan noon ay sa kilalang rebolusyunaryo namin siya ipapangalan. Halimbawa ay “Andrew” (na variation ng “Andres” (Bonifacio)) o kaya ay “Karl”, “Sandino”, “Joma”, "Amado", "Crisanto" o "Ernesto" (na papalayawan ng "Che"). Nagbabasa ako noon ng isang babasahing binigay ng isang kaibigan na may titulong “From Darkness to Light” na inilimbag ng United Church of Christ of the Philippines o UCCP at isinulat ng isang Sharon Rose Joy Ruiz-Duremdez na hindi ko kilala kung sino. Isa itong modyul sa pagsasanay para sa pagpapamalay sa karapatan ng kababaihan sa Simbahan at lipunang Pilipino. Doon ko lang nalaman na ang salitang “Jubilee” pala ay mula sa isang salita na ang ibig sabihin ay “ram’s horn” o “tambuli” o “trumpeta” (o ang tunog nito) na kadalasang pinatutunog kada limampung taon. Ang “Jubilee” o “Hubileyo” ay mula sa salitang Hebreo na “Yobhel”. Sa mga magulang, may panahon pa bang mas sasaya kaysa sa pagsilang ng kanilang anak? Hindi ba’t dapat na hatid nito ay isang isang dakilang selebrasyon at hindi takot at pangamba? Pero bakit sa iba ay tila tumor o kanser kung ituring ang pagbubuntis?

Iyan ang kuwento kung bakit Yobhel ang kanyang pangalan. Siyanga pala, isa pang dahilan kung bakit hindi ko siya pinangalanang “Andres” ay dahil baka kako hindi ang mga kabayanihan ni Bonifacio ang kanyang masundan balang araw, o kaya ay ang mga yapak ni San Andres ng Galilea na kapatid ni Simon Pedro, kundi ang sa Andres na karakter sa isang kuwento sa komiks ni Carlo J. Caparas noon. ‘Yun bang si Andres na asawa ni Matilde (Sa loob-loob ko, ako na lang 'yun at 'wag na siya!)...

At palibhasa hindi lang naman ako ang may kagagawan kung bakit lumitaw si Yob sa Brgy. Bubog, idinugtong sa “Yobhel” ang “Viktor” na Russian version at male variation naman ng pangalan ng HIGIT na may kagagagawan sa kanyang pagsilang sa mundo,-ang kanyang nanay na “Victoria” ang buong pangalan. Para sa aming mag-asawa noon, ang kanyang kapanganakan ay isang celebration of victory!

Ngayong araw ay ang Unang Linggo ng Adbiyento at pasimula muli ng ating Liturgical Calendar. Ang “Adbiyento” kagaya ng itinuro sa atin ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay “arrival” o “pagdating”. Sa Panahon ng Adbiyento ay may apat na kandila tayong sinisindihan sa sumisimbolo sa pag-asa, kapayapaan, pag-ibig at kaligayahan. Maliban dito ito ay isa ring Kristiyanong selebrasyon katulad ng Hubileyo. Mamaya ay bisita ng Saint Joseph-Cathedral Parish si Fr. Jerry Orbos, SVD para sa isang Advent Recollection na inisponsor ng Worship Ministry ng Parokya na dadaluhan namin.

Ang Advent ay paghahanda ng liwanag sa gitna ng kadiliman o wika nga, ‘from darkness to light’ na pamagat din ng babasahing binabasa ko noong 1992 na taon nang ipanganak si Yob.

Friday, November 28, 2008

Sulong Mindorenyo

Isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat, lalung-lalo na sa ating mga panauhin (isa-isang banggitin ang kanilang mga pangalan) mga kasapi at pamunuan ng ating samahan. Magandang gabi po…

May kababaang-loob kong tinatanggap ang ibinigay ninyong tiwala sa akin bilang Pangulo ng Samahang Mindorenyo dito sa Hong Kong . Hindi madali ang gawaing ito kaya kailangan nating manalangin upang tayo ay maging isa,- iisa sa ating mga prayoridad, iisa sa ating mga pagpapahalaga at pagtatalaga ng sarili tungo sa pag-unlad ng bawat kasapi.

Ang pagpunta ng iba’t-ibang tao sa dayuhang bansa,- kagaya nating mga Pilipino sa Hong Kong ,- sa palagay ko ay magiging isa nang permanenteng tagpo sa pandaigdigang eksena. May krisis man sa ekonomiya, ang panlipunang puwersang ito ay patuloy na magtutulak sa mga tao upang tumungo sa ibayong dagat at maghanap nang maunlad na buhay, para sa kanila at kanilang pamilya hanggat ang labor export ay centerpiece ng istratehiyang pang-ekonomiya ng pamahalaan natin sa Pilipinas. Ngunit may mga bagay lamang na mahirap nilang maunawaan sa kalalagayan natin. Ang mahalaga ay hindi natin sinusuong at nilalampasan ang mga balakid na ito para lamang sa ating mga sarili.

Sa inyo na mga kasama sa samahang ito, nais kong ipabatid na higit kaylan man, ngayon natin ipakita ang ating pagkakaisa, pagtatalaga ng ating sarili tungo sa kaunlaran at kapakanan nating lahat. Ipakita natin ang dangal ng Mindorenyo. Maging kasing tatag tayo ng Bundok Halcon, ang ikaapat na pinakamataas na bundok sa bansa na matatagpuan sa ating Isla ng Mindoro . Kung kinakailangang umakyat tayo sa Mt. Tai Mo Shan at isigaw ang katagang “Mabuhay ang Occidental Mindoro” ay gagawin natin batbat man ng lumang tensiyong pulitikal at dati na ring kahirapan na nararanasan ng ating mga ka-lalawigan.

Dito sa Hong Kong ay namumuhay tayo at nabubuhay, nagta-trabaho tayo at gumagawa. Hindi lamang PARA SA IBA kundi KASAMA NG IBA. Isang bagay na hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa IBANG TAO: sa ating pamilya at sa ating mga amo na kapwa masasabing pareho nating mga MAHAL SA BUHAY. Gayundin, ipinapakita natin ang ating pagiging alagad ni Hesus sa pamamagitan ng ating mga pagpapasan ng ating kanya-kanyang Krus sa araw-araw sa isang lupaing dayuhan, sa mga gawaing itinalaga sa atin ng Diyos.

Sa mga kapwa ko opisyal, buwagin natin ang pader na naghihiwalay sa atin at gawin natin itong tulay tungo sa ikauunlad at kapakanan ng bawat isa sa atin. Sa inyong lahat, hangad ko ang iyong mga panalangin at suporta. Sabay nating pag-alabin ang diwang dangal ng Mindorenyo sa ating mga puso…

Maraming salamat po at kasihan nawa tayo ng Diyos.

--------------
(NB: Inaugural Speech ito ni Ms. Criselda B. Marcelo na newly elected Chairperson or President ng Occidental Mindoro Association in Hong Kong na i-re-render niya sa kanilang Oath Taking sa Hong Kong sometime in December '08.-NAN)

Wednesday, November 26, 2008

Pahayag ng Pakikiisa sa Save OMECO

Sa laban ng mga taga-Kanlurang Mindoro sa layuning sagipin ang OMECO ay nagkakaisa ang iba’t-ibang sektor. Mga sektor na tila malayong magtagpo sa usapin ng kultura at iba pang dimensiyong panlipunan, kagaya ng mga empleyado ng private school at mga samahang Mangyan. Walang labis at walang kulang kong ipu-post ngayon ang solidarity statements ng Divine Word College of San Jose Employees Association (DWCSJEA) at ng Pantribong Samahan sa Kanlurang Mindoro o PASAKAMI para sa SAVE OMECO Movement:

----------

November 14, 2008
Statement of Support to the Objectives of SAVE OMECO Movement
By Divine Word College of San Jose Employees Association (DWCSJEA)

JUSTICE IS GIVING TO OTHERS WHAT IS DUE TO THEM. Everyone knows that there is injustice when something belonging to one is appropriated by another. Everything unjust implies that what belongs to one is withheld or taken away from him by another man.

What happening now to OMECO is a clear manifestation of a committed INJUSTICE. Because of selfishness of few individuals in the “cooperative”, (if they wanted to call it a cooperative), the coop is now suffering from its great losses and will suffer if we will allow this people to continue doing irregularities in its posts.

We call the attention of the OMECO Board of Directors, to do the necessary actions to at least rehabilitate the deteriorating condition of the coop. We call them to make moves according to what is right and according to what its members would like to happen. Being in the position as BOD, they are highly responsible in OMECO’s operation, hence responsible also to restore OMECO and for the necessary restitution.

We therefore express our support to Save OMECO Movement believing its noble attempt to save OMECO. With all the teaching and non-teaching personnel of the Divine Word College of San Jose, we are one with all the people of Occidental Mindoro who want reforms in the present set up of Occidental Mindoro Electric Cooperative.

On behalf of DWCSJ Employees,


(Signed)
Jason S. Valera
President
Divine Word College of San Jose Employees Assn.

-------

PASAKAMI
Ika 10 ng Nobyembre 2008

Kami pong mga katutubong Mangyan sa ating lalawigan ng Occidental Mindoro na mayroong samahan na tinatawag na PASAKAMI (Pantribong Samahan sa Kanlurang Mindoro) ay sumusuporta sa interes ng Mangyan ng SAMARICA (San Jose, Magsaysay. Rizal at Calintaan) at sa Pamayanang Kristiyano sa Pakikipaglaban na matamasa ang tamang serbisyo at pamamahala ng OMECO. Upang magtaguyod ng kaunlaran at kaalaman sa mga kabataan at maitaguyod ang kabuhayan sa mga mamamayang tumutupad sa kanilang obligasyon at tumutugon sa pananagutan at pagserbisyuhan ng tagapamahala at tagapag-patupad ng tunay na serbisyo para sa mamamayan ng Kanlurang Mindoro.

Ang Serbisyong Totoo ay Tunay na Pilipino at Tunay na Kristiyano.

(Signed)
Juanito Lumawig
Chairman, PASAKAMI

Silda Sanuton
Vice Chairman, PASAKAMI

Martesio Oninao
HAGURA Chairman

Wag-Ay Ramos
HABANAN Vice Chairman
-----------
(PS : Sa ika-6 ng Disyembre 2008 ay maglulunsad muli ng isang mahabang motorcade ang Save OMECO Movement sa buong bayan ng San Jose hanggang sa mga kalapit na barangay. Sa Disyembre a-2 ay maaaring may malaki nang kaganapan sa ilang mahahalagang bagay. Sana...-NAN)

Sunday, November 23, 2008

Dyosa (?) at Hari

Ang mga Pilipinong kabataan ng ating panahon ay mas ibig pang sundan ang buhay ng “Takda” kaysa sa mga pulitikal na kaganapan sa ating lalawigan. Kung ano ang kahihinatnan nina Kulas, Mars at Adonis sa paborito nilang telepantasya na pinamagatang “Dyosa”. Kunsabagay, hindi natin sila masisisi sapagkat mas naka-aaliw nga naman pag-usapan ang “Josephine” na ginagampanan ni Anne Curtis sa telebisyon kaysa sa “Josephine” sa tunay na buhay na isang babaeng lider-pulitiko dito sa Kanlurang Mindoro. In short, mas ibig nang nakararaming kabataang Mindorenyo ang maaliw sa TV kaysa sa mabaliw sa mga lokal na pulitiko natin …

By the way, baka hindi n’yo pa nabalitaan, sa isang news write-up ni Jomar Canlas na lumabas sa The Manila Times noong Martes (Nobyembre 18) ay may naisulat na ganito : “The Office of the Ombudsman charged before the Sandiganbayan Occidental Mindoro Governor Josephine Ramirez-Sato for failure to surrender the mobile clinic donated by then President Joseph Estrada, after the end of her term in the year 2001… in an 11-page Resolution, approved by Ombudsman Maria Merceditas Navarro Gutierrez, the governor was indicted before the anti-graft court after being charged with the crime of “Failure to Make Delivery of Public Property, defined and penalized under Article 221, paragraph 2 of the Revised Penal Code..” At sa huling bahagi ng balita ay mababasa natin, “.. Assistant Special Prosecutor Pamela Baying-Uy recommended the bail for the governor for her temporary liberty in the amount of P2,000. On the other hand, the charge of Malversation of Public Property against Ramirez-Sato was junked for lack of probable cause to acquire the property…”

Ang kontrobersyal na mobile clinic ay nagkakahalaga ng P3,460,000. at natanggap ni Governor Sato noong ika-20 ng Oktubre 2000 na siya pa noon ang Provincial Governor. Matatandaan na noong taong 2001 ay tumakbo si Sato sa Kongreso at nanalo naman. Kaya lang ay hindi niya itinurn-over ito sa noon ay newly-elected governor na si Jose Tapales Villarosa (o JTV). Ayon sa ulat, ipinagkibit-balikat lamang ni Sato ang mga request na ito ay isauli sa Pamahalaang Panlalawigan noon.

Ngayon ay hindi na pinapakinabangan ang mobile clinic at bulok na raw ito. Tanong ng sambayanan: “Tunay ba itong napakinabangan ng mga mahihirap na pasyente?”, “Pinagkakitaan lang ba ito?”, "itinuring n'ya ba itong personal niyang pag-aari?", “Bakit hindi ito na-maintain?” at iba pa…

Isang istoryang mala-telenobela na naman na susubaybayan nating mga Mindorenyo sa mga barberya, pondahan, tambayan, paradahan at sa alinmang umpukan. Ilalahok sa papaitan at kinilaw na kambing na pulutan ng mga tirador ng alak sa bawat inuman. Sa mga palatuntunan sa radyo ng magkabilang political propagandists lalo na ngayong malapit na ang 2010. Sa mga pagkakataong iniisip at ipinapalagay natin na tayo,- kabilang yaong mga nag-papalagay na lahat nang hindi sumasang-ayon sa kanyang gusto at paniniwala ay pawang "utak-biya",- na sa usapin ng pagbibigay ng impormasyon ay pawang mga “Dyosa” o “Hari”…

Speaking of “Hari”, ngayong araw na ito ng Linggo (Nobyembre 23) ay ipinagdiriwang ang Solemnity of Christ the King. Ito ang last feast of the Liturgical Year. Pero, ano nga ba ang mensahe ng araw na ito para sa ating mga Katoliko?

Hindi natin batid kung ano ang kasasapitan ng mga panlipunan at pam-pulitikang kaganapan sa Kanlurang Mindoro. Hindi natin batid kung kailan ang kaganapan ng ganap na paghahari ng Diyos para sa atin ngunit pinaniniwalaan natin na ito ay MAGAGANAP. Pinapanday natin ito at hindi hihintayin lamang na parang naka-tanghod sa waiting shade. Ito ang ating pinapangarap at paniniwala : “In the kingdom of God, people will no longer have to worry about eating or drinking, as we do in this world, for it will be a kingdom of truth and grace, justice, love and peace. It is a kingdom built for individual and common freedom, as a thanksgiving to our King ,-Jesus Christ.” Panahong dapat nating itatag ngayon at inuulit ko, hindi natin ito hihintayin lamang na maganap. Ito ang panahon ng kaganapan...

Panahong labis na kinasasabikan natin. Panahong hindi na natin kailangang aliwin pa ng “Dyosa” at isalba ng kontrobersyal na mobile clinic!

Wednesday, November 19, 2008

Pambulabog Lang Ba Ang Pasko?

Dalawang istasyon lang ng radyo sa Occidental Mindoro ang hindi pa nagpapatugtog ng mga awiting pang-Adbiyento at Pamasko,- ang Spirit FM at ang DZVT-AM na kapwa pag-aari ng Simbahang Katoliko at kasapi ng Catholic Media Network o CMN. May mga texter pa nga na nagtanong kung bakit hindi kami nagpapatugtog ng Christmas songs. At nung rally namin kontra anomalya sa Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) noong Biyernes, (Nobyembre 14) ay tinapatan (na naman!) ang aming sound system nang malakas na trompa na tumutugtog ng mga awiting pamasko.

Walang batas na nagbabawal sa pagkanta at pagpapatugtog ng mga ganitong awitin nang ganito ka-aga pero hindi ito wasto kung tutuusin ayon sa aral-Katoliko. Ang Adbiyento at ang Pasko ay pawang mga selebrasyon ng pagsamba. Alam at sinusunod ito ng sinumang tapat na alagad ng Simbahan. Sa ating paniniwala, hindi nararapat at ‘di pa angkop ang pagsasaya sa ganitong paraan kaakibat ng Pasko, sapagkat maituturing na ang mga aktong ito ay mababaw pa at walang ganap na kahulugan. Hindi pa ngayon panahon ng isang ganap na pagsasaya at selebrasyon kaugnay sa Pagsilang. Labas pa ito sa malawak na konteksto ng pagsamba at teolohiya. Hindi pa panahon nang pag-papatugtog at pag-awit ng ganitong mga kanta’t tugtugin.

Ginagawa lamang ito kadalasan sa mga commercial advertising o media organizations or stations na hindi pag-aari ng Simbahan o hindi pinamumunuan ng mga pari (o madre).

Sa Kalendaryong Kristiyano ang Pasko ay nagsisimula lamang sa ika-25 ng Disyembre hanggang ika-6 ng Enero o Epiphany. Ang Adbiyento naman, kagaya nang alam natin is the season of PREPARATION for Christmas at hindi CELEBRATION of Christmas at ang Unang Linggo ng Adbiyento ngayong taon ay magsisimula pa lang sa ika-30 ng Nobyembre. Magkaiba ang Adbiyento sa Pasko kagaya kung papaano magkaiba ang Lent sa Easter. May esensyal na gamit ang Christian Holy Days sa pagtuturo natin ng pananampalataya. Siyanga pala, dapat ay alam din natin ang pagkakaiba ng mga awiting pamasko sa Pang-Adbiyento. Bilin sa atin ito noon ni Fr. Gerry F. Causapin.

Sa ganitong aspeto, ang Adbiyento ay may malalim na kinalaman sa expectation and longing, a preparation for Christmas,- a great day of celebration. Kagaya nang kung papaano ang Lent ay isang paghahanda tungo sa kaganapan ng Easter. Umuusad at humahayon ang mga pangyayari sa ating buhay at hindi naka-himpil. Kung hindi ganito ang ating magiging pagtingin dito, hilaw ang ating magiging maagang pagdiriwang dahil mawawala ang katotohanan ng buhay na siyang unang nagbunsod sa panahong ito ng ating buhay pananampalataya. Na siya nang nangyayari sapagkat mas namamayani ngayon ang komersyalismo sa makabagong Pasko kaysa sa pam-pananampalatayang layon nito. Ang ganitong Pasko at pagsasaya ay pambubulabog lamang sa ating pagsamba. Kagaya nang ginawa ng OMECO na ginawang pambulabog lamang ang (mga awiting para sa) Pasko!

Matapos ang ganitong paghahanda ng sarili at sa buhay ay magiging ganap na ang Pasko sa atin at hindi ang mga ampaw at mabababaw na kaligayanang dulot ng mga awiting pamasko na inaawit at pinatutugtog sa mga himpilan ng radyo at mga bagay na pamaskong pinapalamuti sa mga commercial at paanunsiyo sa radyo at telebisyon. Kabilang ang iba pang kaugnay na bagay kagaya ng Christmas card, decors at Santa Claus na pawang mga bahagi lamang ng hiram na kultura at tradisyon na inilahok pa sa negosyo.

Sa pagtatapos ng ganitong paghahanda pa lamang tayo makakatagpo ng tunay at makabuluhang pag-asa at pananalig sa Diyos na naging bahagi ng kasaysayan ng sanlibutan, sa tunay na buhay ng bawat tao, sa mga bagay na magagawa at ginagawa natin kasama si Hesus ngayon. Konkretong halimbawa ay ang pagtutol sa pagmamalabis at katiwalian ng mga namumuno sa OMECO.

Magiging isa itong pagkakataon upang maging makabuluhan ang Kanyang muli ay “pagpapalaya sa Israel”. Siya ay darating at panunumbalikin at pag-iisahin ang lahat ng bagay. Naging kasa-kasama natin ang lumaki na at nagkaisip na na Sanggol sa Sabsaban sa ating mga panlipunang pagkilos. Kagaya nang pagigiit ng katarungan, pagkakapantay-pantay at katapatan sa pamumuno at pamamalakad sa OMECO.

Sa ganito, tiyak kong may hindi tayo nakikitang Kasama na nainis din sa pang-gugulo at pagpapa-tugtog nang malalakas na Christmas song sa ating rally noong Biyernes.…

Sunday, November 16, 2008

Kakaibang Alak, Kakaibang Panaginip

Kapag ganitong malapit na ang Disyembre at malakas ang hampas ng hanging amihan ay wala nang sasarap pa sa matulog nang maaga. Mga gabing malimit na nagbubunga ng panaginip. Kagaya nang napanaginipan ko kagabi. Ganito ang istorya:

Bumaba daw mula sa langit ang isang anghel. Isang kompyuter o kung ano ang kanyang bitbit na ang itsura ay parang pinaghalong vacuum cleaner at laptop. Ipinatawag daw nito ang lahat ng mga lokal na mamamahayag at in alphabetical order ay pinapila papunta sa kanya ang lahat ng mga komentarista sa radyo para ma-interview. Hindi malinaw sa aking panaginip kung ano ang layunin ng misyon niyang ito sa lupa at kung sino ang nag-utos sa kanya. Palibhasa anghel siya, inasyum ko na lang sa aking panaginip na order ito ng kanyang Bossing sa langit.

Eto ang kakatwa sa panaginip ko. Hindi ko maalala kung anu-ano ang mga itinanong niya sa akin at kung papaano ko ito sinagot. Hindi ba kadalasan sa ating mga panaginip ay tayo ang bida, ang main character? Ewan ko kung bakit higit kong naaalala sa aking paggising kanina ang conversation sa pagitan ng anghel at ng brodkaster na sumunod sa akin.

May parang headset daw na ikinabit sa kanya ang anghel sabay tanong : “Boses mo ba ‘yan?”. “Opo”, sagot ng announcer. “Gusto mo bang malulong sa pag-iinom ang mga listener mo?”. Salubong ang kilay ng sugo ng langit. “May drink moderately naman ako sa huli a…”, katwiran niya. “Ipalagay na, pero hindi ka ordinaryong tao. May kakaibang biyaya ka na hindi taglay ng iba. At tila wala ka pang balak na isuko iyon batay sa mga ikinikilos mo ngayon. Bakit hindi na lang isa sa mga tao mo ang gumawa nito, lalung-lalo na yaong mga tunay na tumutoma? Kung mahalay ang mga endorsement na ganito sa isang menor de edad ay gayundin sa iyo.”, paliwanag ng anghel. “Illegal ba ito para sa akin?”, apila pa ng brodkaster. “Hindi, pero unethical…may kilala ka bang kapareho mo na gumagawa nito? Kahit mga laklakero ang mga kapatid mo ay ikinukubli nila ito as much as possible at hindi ginagawa sa publiko ang pagiging patay-lasing. May mga kilalang celebrity nga na kahit alukin ng malaking halaga ay ayaw mag-endorso ng alak at sigarilyo. Hindi mo pa ba naisip iyan?” Kahit medyo galit na daw ang anghel ay ayaw pa ring matinag ang program host. Sabi pa ng anghel, “Tunay na unethical ang inclusion ng ilang commercial advertisers sa buong mundo ng religious themes or the use of religious images and PERSONALITIES to sell products, e ‘di lalo na ang alak. Hindi ba nakalagay iyan sa p. 25 ng “Ethics in Advertising” na ipinalabas ng Pontifical Council for Social Communication ng Simbahang Katoliko noong 1997? By the way, pinaniniwalaan mo pa ba ito?”

“Bakit si Panfilo Lacson may Facial Care, si Richard Gordon may Safeguard, si Pia Cayetano may Downy, si Kiko Pangilinan may Lucky Me at si Chiz Escudero may Circulan? At saka bakit ka ba nakikialam sa akin??!! WALA KANG PAKIALAM BUHAY KO!!!”. Sa sunod-sunod na mga tanong na ito ay napahiya ang anghel at hindi kaagad naka-imik. Isang napakahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.

Binasag ito nang malumanay na winika ng anghel, “Pasensya na kaibigan,…ituring mo na lang na hindi nangyari ang interview kong ito sa iyo, na hindi kita nakita at naka-usap. Nakalimutan ko na karaniwang pulitiko ka na nga rin pala ngayon...”, marahang ibinuka ng anghel ang kanyang pakpak at bumalik sa langit dala ang kanyang mga kagamitan. Malungkot na malungkot daw ito. Pero umaasa ang anghel na matapang na haharapin nito,.. itutuwid ang lahat at babalik sa kanyang kawan ang mamang iyon . Gagamitin niyang muli ang kanyang talento para sa tunay na Hari ng Sanlibutan. Muli siyang papasok sa loob ng liwanag mula sa "pagkaka-patapon sa dilim" at hindi na muling "magngangalit ang kanyang mga ngipin" kagaya nang mababasa sa ating Ebanghelyo sa araw na ito (Mt. 25:14-20).

Iyan din ang aking inaasahan noon pa man at ‘di lamang nang ako ay magising kaninang umaga....

Tuesday, November 11, 2008

OMECO Issue and CST


Tatlong pangunahing dimensiyon mula sa mga Panlipunang Turo ng Simbahan o Catholic Social Teaching (CST) ang ating pag-uukulan ng pansin sa ating layuning iligtas ang OMECO. Mga prinsipyong halaw sa Compendium of the Social Doctrine of the Church na ipinalabas ng Pontifical Council for Justice and Peace sa Roma noong ika-2 ng Abril, 2004:

1. Ang ating Responsibilidad para sa Paghuhubog ng Konsensya Batay sa Panlipunang Turo ng Simbahan.
2. Ang Awtoridad Bilang Isang Puwersang Moral (Authority as Moral Force)
3. Ang Paglaban sa Kasinungalingan


Ang ating Responsibilidad para sa Paghuhubog ng Konsensya Batay sa Panlipunang Turo ng Simbahan.

• Lahat ng mga mananampalataya ay may panlipunang responsibilidad sa pagsasa-katuparan at kaganapan ng katarungan at kawanggawa sa ating mga Pamayanang Kristiyano;
• Ang pakikisangkot ay bunga ng maigting na ugnayan sa bawat bahagi ng pang-araw-araw na buhay Kristiyano at dapat ito ay malayang isinasa-buhay.
• Ang partisipasyon ay esensya ng demokrasya na esensya rin ng ating pananampalataya
• Sa bawat usaping ng pagpapalakad/pamamahala sa OMECO, nararapat lamang na ito ay bukas sa lahat ng impormasyon, pinakikinggan at sinasangkutan.

Ang Awtoridad Bilang Isang Puwersang Moral (Authority as Moral Force)

• Anumang awtoridad o kapangyarihan,- kagaya ng sa mga namumuno sa OMECO, ay dapat na ginagabayan ng moralidad o mga panuntunang moral. Sa kaayusang moral dapat na hinuhugot ninuman ang kanyang kapangyarihan bilang pinuno at tagapamahala
• Ang awtoridad o kapangyarihang ito ay dapat na kumikilala, gumagalang at nagtataguyod sa makatao at moral na pagpapahalaga
• Ang awtoridad o kapangyarihang ito ay dapat magluluwal ng mga makatarungang batas na tutugon sa pagpapataas ng dignidad ng tao at kung ano ang tumutugon sa wastong katwiran

Ang Paglaban sa Kasinungalingan

• Imposibleng mapagmahal tayo sa ating kapwa kagaya ng ating sarili kung hindi tayo gumagawa para sa kabutihan sa kanila o sa ating mga manggagawa. Responsible tayo sa kanila bilang mga katiwala ng Diyos at mamamayan.
• “This path requires grace, which God offers to man in order to help him overcome failings, to snatch him from the spiral of lies, to sustain him and prompt him to restore with an ever new and ready spirit the network of authentic and honest relationship with his fellowmen”- (Catechism of the Catholic Church, 1889)
• Samakatuwid, hindi natin kinukondena dito si GM Labrador at kanyang mga kasama kundi upang ituwid niya ang kanyang sarili tungo sa katotohanan.

Sunday, November 9, 2008

Cesar ng OMECO

Apat na araw na lang mula ngayon, sa ika-14 ng Nobyembre, 2008 ay muli na namang huhugos sa harapan ng Main Office ng Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) ang mga empleyado at mga member-consumer nito at kanilang mga taga-suporta mula sa iba’t-ibang sector ng lipunan, partikular sa mga bayan ng San Jose, Magsaysay, Rizal at Calintaan o SAMARICA. Hindi katulad noong nagdaang Save OMECO Prayer Rally noong ika-24 ng Oktubre, 2008, tampok pa rin dito ang pagkilos ng mga pari at pastor mula sa iba’t-ibang grupong pam-pananampalataya dito sa atin sa Occidental Mindoro.

Tiyak na kukuwestiyonin na naman ang presensya na ito ng mga taong Simbahan ng mga taga-suporta ng taong namamahala sa kooperatiba na tuwiran namang pinararatangan nang katiwalian ng mga ralyista. Mga paratang na bina-bak-apan naman ng kalalabas na NEA Audit Report. Tulad ng dati, ganito na naman ang tanong (na may halong pang-iinsulto) na ipupukol ng mga supporter ng mga namumuno sa OMECO sa mga taong Simbahan: “Bakit ba nakikialam ang Simbahan sa OMECO? Hindi ba’t nasusulat na ‘ ibigay kay Cesar ang kay Cesar at sa Diyos and para sa Diyos?” Ganito rin ang komento sa aking isang post re: OMECO noong Lunes. Abala ako sa ibang mas mahahalagang gawain kaya ngayon ko lang ito masasagot.

Nang bigkasin ito ni Hesus, hindi ganito ang ibig niyang sabihin: “Paghiwalayin ninyo ang Simbahan at ang Estado (o kaya ay OMECO) at matali lamang ang mga taong Simbahan sa spiritual realm habang ang OMECO (o ang Estado) ang siyang bahalang tumugon sa temporal affairs,- kagaya ng serbisyo ng kuryente.

Ngunit heto ang nakalimutan nating itanong sa ating mga sarili: “Anong bagay kaya ang kay Cesar na HINDI sa Diyos? Isa lang ang sagot diyan, WALANG BAGAY kay Cesar o sinuman sa atin ang HINDI sa Diyos. Maliban sa isa: ang ating KASALANAN. Lahat ng bagay kay Cesar ay galing sa Diyos at galing sa Diyos ang lahat ng sa Diyos.

In short, all things that belong to Caesar came from God, except Caesar’s sins. Inversely, all that belongs to Caesar, save his sins, belongs to God, too. But not everything that belongs to God belongs to Caesar.

Kung gagamitin natin ang katagang ito para batikusin ang mga lider-mananampalataya na mamumuno sa Save OMECO Prayer Rally sa Biyernes ay hinahadlangan natin ang kanilang pastoral duty to safeguard the morality in OMECO and we are misquoting Jesus. Sabi nga ni Fr. Bobby Titco sa isa niyang sulatin : “Give to Caesar what is Caesar’s and to God what is God’s. All things belong to God, including Caesar. Anything we hold from God, our sins not counted, is something we steal from God.”

Syut na syut ito sa mga taong umano ay nagsamantala sa katungkulan at kapangyarihan na patutungkulan ng rally sa isang linggo. Hindi nga lang pala mga Katoliko ang kasama dito kundi pati mga pastor ng ibang sekta na kabilang sa mga mainstream Protestant group...

Thursday, November 6, 2008

Litanya ng Pagkalugi ng OMECO

Financial Analysis

OMECO, as of June 30, 2008, is totally bankrupt.

Property Capital/Stockholders Equity Php 249 M+
Less: Total Unappropriated Margins (Losses) ( 265 M+)
Deficit (Php 16 M+)

This means that negative operating performances have already eaten up more than 100% of the capital base.

Technically, OMECO is a deficit spending cooperative since 2001 (average of Php 3.5 M net loss per month from January to June, 2008 alone).

Consequently, this uncertainty may affect the cooperative’s financial statement, and ultimately, its ability to remain on a “going concern” basis.

Key Points for Losses Incurred

A: Questionable Contracts entered into by the Board of Directors (BOD) and General Manager (GM)

Genset Rental with Fabmik Construction and Equipment Co., Inc. (2MW’s)

1.Hiring of genset was done in haste and without proper consultation.
2.OMECO should not be in the business of power generation since its mandate is power distribution.
3.National Power Corporation (NPC) should have been vigorously persuaded by OMECO to shoulder the genset rental since power generation is their mandate, more especially, in island provinces as part of its missionary mission. It is clearly defined in the EPIRA law.
4.Not sanctioned by the Energy Regulation Commission (ERC).
5.OMECO failed to oblige Island Power Corporation (IPC) to generate power in spite of the essence of the Energy Conversion Agreement (ECA) mandating them to provide the necessary 2MW’s shortfall.
6.Hiring was not subjected to open bidding. Justification made was the frequent brown-outs.
7.The contract was grossly disadvantageous to the cooperative in the absence of off-setting provision wherein the value of rental shall be applied as payment to power purchased. Also, the usual prompt payment discount provision was not integrated in the contract, OMECO payments always ahead of time.
8.De-rated amount for inability of the genset to run other than its maintenance period was not deducted although de-rated statement was always submitted by NPC every billing period.
9.Assumed losses to OMECO of this amounted to more or less Php 30 M.

Hiring of System Loss Consultant

1.The contract executed is an open ended contract. No cap and no definite coverage.
2.This hiring is a duplication of function and an insult to the Technical System Department who can handle the job better. Matter of fact, they were not consulted in this matter, although, a program for system loss reduction was already in place and proven effective in MAPSA area..
3.System Loss Consultant showed up in OMECO only for a week and just in time to collect his fees.
4.System Loss Consultant accommodation in hotel and air fares is so enormous for OMECO.
5.System Loss Consultant is not an Electrical Engineer but a Mechanical Engineer.
6.Assumed losses for this hiring is Php 500,000 to Php 1 M.

Island Power Corporation Energy Conversion Agreement

1.This agreement is one sided and all the benefits accrued only to IPC.
2.This agreement which will still be binding for twelve (12) more years is the greatest stumbling block for power generation development in Occidental Mindoro.
3.It must be rescinded by the OMECO BOD since it is no longer tenable at present condition for their units are no longer serviceable. Its failure to generate power resorted to hiring of genset by OMECO which should not be the case.

Procurement and Services

1.Procurement was overly centralized to the GM office.
2.Prices of materials were higher than the NEA Price Index of 2006 and 2007.
3.Accredited suppliers were limited to the chosen few for years.
4. Bidding was rigged by manipulations of suppliers which almost always resulted to failed bidding. Faxed quotations were transmitted to GM office even at the wee hour of the evening.
5. Orders were made without even assessing its urgent need. Instead, the warehouseman just annotate the “for warehouse stock” on it.
6.Assumed losses for this is Php 3 to 4 M per year.

B: Act of Bribery undertaken by the GM

Foodstuffs given to NEA and NPC officials

1.A violation of Anti-Graft Law on the part of NEA and NPC officials.
2.It could have direct bearing on the periodic evaluation of GM performance by the NEA to accelerate the OMECO category into a passing grade and the conversion of power bill payable into a restructured loan by the NPC to avert warranted disconnection on the basis of non-payment of power bill for six (6) months.

C: Extravagant Expenditures undertaken by the BOD and the GM

Purchase of Toyota Fortuner and its excessive maintenance

1.This is highly immoral for the deficit spending cooperative.
2.The GM was already provided an elegant Nissan Frontier which will suffice his need.
3.Said vehicle was privately used by his family in many instances.

Purchase of Cellular Phones and Load Provisions to OMECO officers

1.This is highly immoral for the deficit spending cooperative.
2.There was no clear cut policy in the use of cellular phones and load provisions by the beneficiaries.

Excessive Travels and Accommodations by the BOD and the GM

1.Travels were not prioritized in accordance to its necessity.
2.Cash advances for travels remained unliquidated.
3.This is one of the reasons why budget for non-power cost was already in deficit in just seven (7) months of the year.
4.There were BOD meetings that were held in five star hotels and other venues outside the cooperative territory.

D: Unpaid Power Bill to NPC

Payables to NPC as of June 30, 2008

Power Bill Payable - converted to loan Php 108,730,587.63
Power Bill Payable – current 62,064,590.12
Power Bill Interest 28,212,060.41
Penalty 11,474,562.55
Php 210.481,800.71

Re-structured Loan

1.It offered no relief since it is still a payable on the part of the cooperative to NPC.
It was just a mere change of account name in the books of account of OMECO.
2.It could have been done, possibly, just to avert power disconnection by the NPC if OMECO could not pay its power bills within six (6) months period. Perhaps, out of gratitude, the GM sent foodstuffs to NPC officials chargeable to the cooperative.
3.The Power Bill Payable to NPC account which has a balance of Php 60 M after the restructuring now surpassed the Php 100 M benchmark as the cooperative used portion of would be payments to NPC for its operating expenditures just to survive.

Accumulated Interests and Surcharges

1.Non-payment of power bills to NPC for several months although there was an almost 100% collections from consumers subjected the cooperative to paying Php 28 M+ in interests payment and surcharges.
2.Also, prompt payment discount was not availed for failure to pay on time (equivalent to 1 to 2% of monthly power bill payments).
3.It is a clear case of member-consumers subsidizing the gross incompetence of the BOD and the GM.

Generation E-Vat

1. Generation E-Vat (12% output E-Vat of NPC power sales to OMECO) collected from the consumers was not remitted to the BIR on time via NAPOCOR in violation of the BIR policy in withholding tax collection and payments.
2. The reason given by OMECO BOD is that the generation E-Vat is inclusive in the NPC Power Bill and since they are months in arreages with NPC, the amount pertaining to generation E-Vat collected was not remitted. Meaning, they will only remit the generation E-Vat collected once there is power bill payment to NPC on a per month basis.
3. Worse, the unremitted generation E-Vat is not appearing in the financial statement of the cooperative under withholding tax payable account because it was integrated under current power bill account which is not appropriate..
4. Need to be explained by the management.(status).


CONCLUSION

Based on the relevant facts herein presented, no doubt, there was a case of gross incompetence and mismanagement at the highest level on the part of the BOD and the GM which warranted removal of both in their offices.

Our cooperative is now endangered. We should intervene to save OMECO. We should not be passive and will just sit down to allow what is happening in OMECO unabated. We should sustain the initiative until we hit the objective.

And the right time to do it is NOW!

-----------
(Mula sa "OMECO: Unsurmountable Losses" na Discussion Paper ng isa sa mga Save OMECO convenor na si Joaquin "Jake" Castronuevo sa kanilang series of forum na inilulunsad simula pa noong November 2, 2008. Na ini-mail niya sa akin the other day. Siguro naman ay hindi na masasabi ngayon na 'unsubstantial' ang mga isyu ng kilusan-NAN)

Tuesday, November 4, 2008

Maling Pamumuno at Pamamahala Nga Ba?

Isang mambabasa ng "Pamatok" (na tinatawag niya ang sariling "Trial") ang nag-comment kung bakit hindi ako nagpu-post ng mga tukoy na isyu kung bakit disgustado ang Save OMECO Movement sa pamamahala ng mga kasalukuyang namumuno sa ating kooperatiba. Si "Trial" ay taga-Mamburao. Heto ang mga isyu at sampol pa lang ito dahil mismanagement at malgovernance pa lang ito. Wala pa dito yung isyu ng pagkalugi:
---------

1.Cash Advances

a)The GM abused his authority, because he availed of cash advances without supporting documents in willful violation of NEA Memorandum to all ECs dated March 10, 1993 - Policy on Cash Advances of Officials and Employees, as adopted by OMECO Board Resolution No. 107 dated December 12, 1997. By mere telephone instructions, the vouchers were prepared, encashed and deposited to his personal account. A further aggravating circumstance is that the responsibility for implementation of the above policy rests guidelines on the GM.
(Per III-5 of the NEA Guidelines – All requests for travel cash advances must be supported by an approved itinerary of travel including a pre-determined estimate of expenses)

b)There was laxity on the part of management in the grant and liquidation of cash advances. Cash advances were granted despite un-liquidated and/or un-refunded balances.
(Per III-5 of the NEA Guidelines – No official or employee of the coop shall be granted any cash advance until he has fully liquidated all previous cash advances.)

e)In 2007 and the first 7 months of 2008, the total amounts of P939,469 and P905,517.16 were granted to the GM; PP458,469 and P556,917.16 for travel, and P481,000 and P348,600 for contingencies, respectively. As of September 22, 2008, the balance of his cash advances is P402,924.28.

f)Additional cash advances were granted for contingencies during the GM’s travel; others were for the maintenance of coop vehicles and for purchases in Manila which ranges from P5,000 to P20,000. Other activities such as travel by group to Manila, to LUBELCO during annual meeting, and for other activities entailed additional expenses for the cooperative because the Driver had an Assist Driver for the duration of the travel.

g)Cash advances for the procurement of equipment and supplies were granted to employees other than the Purchaser.

Cash advance was made to a certain employee amounting to P216,500 (in August 2006) and P117,900 (in September 2007), for the purchase of materials in gathering of systems loss analysis which was deposited to his Metrobank account, for the maintenance of coop vehicle and the procurement of Printronix ribbon.
Cash advance was also made to another employee in the amount of P40,392 for purchasing a laptop computer , and to another employee also for a computer.
Per III-3 of the NEA Guidelines – Only the purchasing specialist/purchaser can be given cash advance for purchases.

h)A cash advance amounting to P9,194 granted last February 19, 2007 to a former OMECO Board director remained unliquidated.

i)There were cash advances split and claimed by several officers/employees, which will lead to difficulties in monitoring.

j)There were cash advances granted to casual employees and an office trainee for the purpose of bid publication and for plane tickets of the Board of Directors, for purchasing an Asus notebook PC and foodstuff.

k)Cash advances were granted for foodstuff given to various offices/personnel, including those of the NEA.

l)Cash advances in excess of the actual amount expended were not immediately refunded but were allowed to be deducted from the payroll.

m)The reported refund of un-liquidated damages by the GM still raises questions of possible falsification or mis-representation in the application for those cash advances which were purportedly made for specific purposes and those for official travel that never actually transpired. The GM’s whereabouts during the period corresponding to the official travel claimed for cash advance but not consummated also has to be established and accounted for.

The reimbursement or refund of cash advances that were not authorized or supported by proper documentation in the first place does not extinguish culpability of the officer involved for malversation or misappropriation of coop funds.


2.NEA Color Code Rating and Categorization

a)The Color Code Rating is based on NEA’s Comprehensive Operations Audit of OMECO which covers management, financial, technical and institutional aspects, for the period July 1, 2005 to July 31, 2008.
The objectives of the NEA’s EC Color Code Rating are:

•To measure the performance and capability of the ECs, and
•To determine the level of supervision/ assistance which could be extended by NEA

b)NEA’s latest Color Code Rating for OMECO is RED reflecting a numerical rating of 64.40%.

The color RED signifies poor performing ECs and those needing definite NEA intervention.

c)The NEA Categorization and Classification of ECs is a yearly performance-driven assessment serves as the basis for the upward or downward adjustments on per diems and allowances granted to EC personnel. It is part of NEA’s incentive program for improving the performance of ECs.

d)The results of NEA’s Categorization of ECs for the 1st Semester of 2008 reflects a rating of “D” for a numerical rating of 36 (out of a possible perfect score of 100), signifying and adjectival rating of “Poor”. This rating was lower than the “C” the coop received for 2007.

e)OMECO received “ZERO” points for registering a systems loss higher than 15.51% in 2007 and the 1st semester of 2008. The full score of 25 was awarded for EC’s with system loss of less than 10%. There were 12 ECs who have been maintaining single-digit system loss as of the 1st semester of 2008.

f)Excessive cash advances brought down OMECO’s Color Code Rating and Categorization. The maximum demerit of minus 20 points was imposed on OMECO. This reflects NEA’s drive to discourage ECs from granting excessive cash advances and encourage them to strictly effect immediate liquidation of the same.

One (1) point is deducted for every P50,000 unliquidated cash advances at the end of the year in review but not to exceed 20 demerit points. Without this limit, OMECO should even have received 22 demerit points for the P1.110 M in unliquidated damages at the end of the 1st semester of 2008.

g)On the basis of NEA’s Color Code Rating and Categorization of ECs it is evident that OMECO’s poor performance (financial, technical and institutional) is a result of mismanagement and ineffective governance.

3.Frequent Unnecessary and Fictitious Travel by the GM

a)The GM travels to Manila almost weekly.

b)In 2007 and the first 7 months of 2008, P458,469 and P556,917.16 for travel and P348,600 mostly for travel-related contingencies.

c)There is a need to verify whether expenses for official travel including contingencies are within budget, whether all these were properly authorized as evidenced by supporting documents and the reasons for the non-consummation of some trips.

4.Political Intervention

a)It is public knowledge that local political leaders sometimes support candidates for the OMECO Board Directors or use their influence and patronage to further their own partisan interests. This results in some OMECO officers and directors being primarily subservient to the interests of their political patron rather than being responsible champions of the welfare of the member-consumers.

b)A local political leader has connections with Island Power Corporation (IPC), an independent power producer (IPP) which has an on-going energy conversion or supply contract with OMECO that is patently one-sided in his favor and unfairly disadvantageous to OMECO as gathered from the following facts :

•IPC continues to assert its right as exclusive power supplier to OMECO in spite of its failure to supply power since January 2005, or more than 3 years and 9 months to date.
Article 10.4 of the contract (Amendatory Agreement dated February 28, 1996) provides that OMECO shall not enter into further contracts with NAPOCOR or revise or extend the contract with NAPOCOR without the prior written consent of IPC.
Article 10.5 (Amendatory Agreement dated February 28, 1996) provides that – “Except for the Contracted Amount, OMECO covenants to purchase electrical energy only from IPC to the extent of IPC’c capacity and further purchases by OMECO from NAPOCOR of electrical energy in excess of the contract amount or from other electrical energy provider(s) shall be with the prior written consent of IPC which consent shall not be unreasonably with held.”

•The contract unnecessarily and unfairly restricts OMECO from freely engaging other IPPs even when IPC cannot reliably fulfill its obligations under the contract, thereby preventing the coop from availing of the efficiencies provided by a competitive and unregulated power industry as provided for under RA 9136 or the EPIRA of 2001.

•The OMECO management and BOD have not taken any initiative to have the contract with IPC rescinded due to the latter’s failure to fulfill its obligations under the contract and thereby preventing OMECO from freely negotiating more advantageous terms with other IPPs in the market.

c)The intervention of partisan political interests has prevented the institution of accountability and transparency in the governance of OMECO. At the same time it has emasculated the member-consumers by alienating and preventing them from effective participation in the selection of their representatives and in the shaping of the policies of a public service institution crucial to the improvement of the quality of their lives and the local economy.

--------
(Ang Sulating ito ay mula kay Engr. Omar Costibolo, isa sa convenor ng Save OMECO Movement, at binigyan niya ako ng sipi noong Biyernes,- Oktubre 31, 2008. Isa ito sa mga gagamitin sa mga nakakasang pagpapamalay sa iba't-ibang bayan dito sa Oksi. -NAN)

Sunday, November 2, 2008

Paalala sa Pag-alala sa Kanila

Simula noong isa pa lamang akong gusgusing bata na naliligo nang hubo’t-hubad sa Ilog Pandurucan, ang Araw ng mga Patay ay isa sa mga araw na aming pinaka-aabangan sa loob ng isang taon. Maliban s'yempre sa Pasko. Panahon kasi ito ng paglipat ng venue ng aming mga kalokohan at katarantaduhan mula kalye, bahay at paaralan tungo sa sementeryo.

Ang pandedekwat ng mga mamahaling kandila at pagkain mula sa mga puntod ng mga negosyanteng Intsik at mga prominenteng tao, (na lalantakan namin sa tabing dagat. Yung atang ,ha... hindi yung kandila!), ang pananakot sa mga babaeng ka-edad namin para magpa-cute at kung anu-ano pang kabulastugan. Pero ang pinaka-paborito ko ay ang paglibot sa mga nitso at puntod ng namayapang anak ng Pandurucan na nag-iwan ng alamat, kuwento at kasaysayan sa aming musmos na isipan noon. Sisilipin lang namin ang kanilang puntod at pagkukuwentuhan nang bahagya ang kanilang mga adventure o kasaysayan. Oo, ang sementeyo man ay isang malawak na sanggunian o reperensya sa pagsusulat ng lokal na kasaysayan.

Halimbawa lang ay yaong puntod ng mga kilalang pamilya na biktima ng Philippine Airlines (PAL) plane crash sa Sablayan noong 1966 na may isang taga-Bubog na high school student ng Divine Word College of San Jose ang naka-survive; ang isang idol naming basketbolista na napatay ng isang matandang residente; ang isang high school student na artistahing binatilyo na namatay sa isang vehicular accident sa Caminawit kasama ang kanyang mga ka-klase na na-ligtas naman; ang kilalang piloto ng PAF na taga-Camburay at member ng Blue Diamond; ang tila-Robin Hood na lider ng mga armadong grupo hanggang sa siya ay mapatay ng mga military sa Magsaysay ; ang sharp shooter na dating miyembro ng Philippine Army na maraming sundalo ang tinarget at natapos ang kasaysayan nang kuyugin ng mga pulis at militar sa Magbay; ang aktibistang guro na binaril sa harap ng isang bangko bago mag-Undas; at iba pa. Ilan lamang ito sa mga kuwentong nasa likod (o ilalim) ng mga lapida ng mga taong bahagi ng kasaysayan ng bayan kong sinilangan. Mga taong namatay na hindi man tayo kilala at ni hindi natin naka-usap man lang. Mga taong nakilala lamang natin sa mga kuwento ng ating mga kababayan ngunit hindi personal nating wika nga ay naka-daupang palad.

Pero bakit pa tayo lalayo? Ang ating mga malalapit na kaanak o mahal sa buhay na pisikal na nahaplos tayo at nahaplos din natin. Sila na kahit papaano ay nag-isip para sa ating ikabubuti, ang mga asal at gawi na naka-impluwensiya sa atin, ang mga moral and material legacies na iniwan nila sa atin. Sila na nagpasaya sa atin sa iba’t-ibang paraan. Marahil sa kabila ng mga adhikain nila para sa atin ay mayroon din silang mga bagabag na taglay hanggang sa kanilang huling sandali sa mundo. Ngunit isa lang ang tiyak, ang buhay nila ang nagturo sa atin kung papaano mabuhay sa San Jose, sa Kanlurang Mindoro o saan mang lugar sa mundo…. katulad nina Tito Oca, ang 'maalamat' na si Tito Caloy at Tito Bert na dating Chief Tanod ng Brgy. Pag-asa, na sukob sa taon ang pagkamatay noong nakaraang taon. Sila ay magkakapatid. Isama na rin natin ang mga kapatid nilang nauna sa kanila na si Manuel (ang tatay ko) at Kapitan Addie (na halos bente anyos na naging Kapitan ng Brgy. Bubog). Alay ko sa kanilang ala-ala ang posting na ito.

Kagaya ng ating pag-alala na alayan sila ng dasal, alalahanin din natin,- tayong mga nabubuhay pa,- ang isa’t-isa. Tayo na patuloy na nakikibaka sa araw-araw sa ating sariling buhay, buhay-pamilya, buhay-pamayanan at buhay-lipunan. Tayo na naghahanap ng kahulugan ng ating buhay. Tayo na nagsisikap pa ring mabuhay, matuto, magmahal at makapag-iwan ng legacy o tatak Kristiyano. Ipanalangin natin ang isa’t-isa upang sa pamamagitan ng ating pananampalataya ay sumulong tayo sa pakikibaka kasabay ng pag-aalala sa inspirasyong iniwan sa atin ng mga mahal nating yumao. Upang kung sakaling dumating na rin ang ating oras ay katulad ni St. Paul ay maipagmamalaki rin natin na, “I have run the race, I have fought the good fight, I have kept the faith”.

Wednesday, October 29, 2008

Trahedya sa Lansangan

Patay on the spot ang dalawang anak ni MIMAROPA Department of Trade and Industry (DTI) Regional Director Joel B. Valera nang sumalpok sa isang naka-paradang trak ang kanilang sinasakyang kulay itim na Nissan Terrano sa isang bahagi ng kahabaan ng West Coast National Highway sa Brgy. Bubog, San Jose, Occidental Mindoro kanina bandang alas-12:20 ng madaling araw. Ang mga nasawi ay ang magkapatid na Joelle Dominique,20 at Joelle Cecilia, 18 na pawang mga estudyante sa kolehiyo at nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Ang magkapatid ay umuwi para sa semestral break at All Saints Day.

Ayon sa report mula sa himpilan ng pulisya, ang 10-wheeler truck ay pag-aari ng negosyanteng si Zaldy Culla at may plate number na CFF 910 habang ang sasakyan ni Valera ay may plakang RAN 377. Ang trak ay minamaneho ng isang Leandro Geron ay tumatahak sa nasabing daan nang ito ay masiraan at habang ito ay kinukumpuni ay nabangga ito ng sinasakyan ng mag-aamang Valera. Sakay din sa likurang bahagi ng Terrano ang ina ni Joel Valera na si Flor. Sa kasalukuyan, ligtas na sa kapahamakan ang mga matatandang Valera. Galing sa Abra de Ilog ang pamilya Valera. Sinundo lamang ng nakatatandang Valera ang kanyang mga anak sa Abra de Ilog Pier sakay ng Ro-Ro mula sa Batangas. Kargado ng palay ang trak at napag-alamang hindi ito naglagay ng early warning device habang kinukumpuni. Galing ito ng Calintaan at maliban sa ito ay hindi nilagyan ng early warning device, hindi ito maayos na naiparada sa gawing iyon ng kalsada.

Si Joelle Cecilia Valera ay dating Editor in Chief ng The Divine Lens (2006-2007) at Valedictorian mula sa 179 highschool students na gumradweyt sa Divine Word College of San Jose (DWC-SJ) sa 44th Commencement Exercises ng nasabing paaralan. Nagkamit rin siya ng mga sumusunod na parangal noong taong iyon: Arnold Janssen Award for Academic Excellence at JP Laurel Award for Academic Excellence. Sa kanyang Valedictory Address noong March 29, 2007 ay may binanggit siyang ganito: "...Though the time has come to say farewell, this celebration will only be made complete by our expression of profound gratitude to you who have taken care of our well-being in the spring of our lives. It is with you that we share this moment of glory."

Monday, October 27, 2008

Sulyap sa Aktibismo sa San Jose at OMECO Rally

Sabihin na lang nating humigit-kumulang ay 300 participants ang dumalo sa Save OMECO Prayer Rally na ginanap noong Biyernes, Oktubre 24, 2008. “Manipis” ito at talaga namang hindi umabot sa 500 participants na target noon ng mga organizer. Pero overall ay naging matagumpay ito kung ang ating susukatin ay ang komitment ng mga dumalo. Wala ring kaguluhang nangyari maliban na lamang nang sa unang bahagi ng rali ay ikinasa din ng mga empleyadong loyalista ni GM Alex Labrador ang sound system sa harapan ng mga ralyista. Tinapatan nito ang aming mga trompa at siyempre ay hindi namin pinayagan na matalo ang aming sound system. At nagsimula na nga ang programa bandang alas-2 ng hapon.

Palibhasa ito ay broadcasted over DZVT, sa punto ng issue awareness at information dissemination ay tagumpay itong maituturing. Kahit papaano ay gumawa ito ng ingay. Isang panlipunang ingay na bihi-bihirang marinig sa Kanlurang Mindoro. Isang ingay na noon ay musika sa tenga ng ating mga homegrown activist. Masiglang ingay na unti-unting pinipi ng kanilang mga huling pagpapasya at pagpapahalaga. Nasaan na sila ngayon? Mamamaya ikukuwento ko….

Kumbaga sa dahon, kuluntoy na kundi man panat ang antas ng militansya at aktibismo sa lalawigan. Hindi na ito mataas kagaya noon. Pero may pag-asa pa naman matapos kong makita ang hanay ng mga kabataan kabilang ang mga seminarista noong Biyernes. Kung babalikan natin ang kasaysayan ng student activism partikular dito sa San Jose, naging mayabong ito noong early ‘70s. Sa kanya ngang lathalain na pinamagatang “Missionstagebuch” noong Abril 14, 1972 sinulat ni Msgr. Wilhelm Duschak, SVD, na: “In the college (Divine Word College of San Jose) there are already spreading Communistic and Maoist ideas with red paint hammer and sickle are scattered on the walls…” Ganyan ka-astig noon ang ating mga lokal na aktibista. Dagdag pa dito ang idealismo ng mga kasapi ng Khi (or Chi) Rho Movement, ang Federation of Free Farmers (FFF) youth arm sa Occidental Mindoro. Bumagsak ang unang sigwa ng aktibismo dito sa atin matapos ang kalakhan sa mga kilalang lider ay nagpasyang mamuhay ng “tahimik” o magpa-enlist sa Philippine Constabulary (PC). Hindi nila nakayanan ang lupit at katusuan ng Batas Militar.

Bago patalsikin si Marcos at sa unang mga taon matapos ang EDSA 1, kaalinsabay halos ng pagpasok ng mga kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Aquafil Estate sa Brgy. Bubog, bukambibig sa mga kampus ang LFS o League of Filipino Students at ang pangalan ng kanilang mga lider. Noon umusbong ang mga kilalang personahe sa larangan ng social activism na ngayon ay naririnig pa natin. Naging palasak lalo ang LFS nang maging kaisa ito ng Alliance of Concerned Teachers-Occidental Mindoro o ACTOM sa pagpapatalsik kay G. Bernabe B. Macaraig, Pangulo ng Occidental Mindoro National College (OMNC) noong 1987. Muling nagtagumpay ang estado sa pagsugpo sa aktibismo dito sa atin. Ang mga aktibistang ito ngayon ay mga pulitiko na rin o kaya naman ay propagandista na ng mga bigating pulitiko. Mayroon namang iba na wala na dito sa atin o kaya naman ay nasa ibang bansa na.

Ito ang punto ko: tunay na mahihirapan tayong kagyat na pag-alabin ang aandap-andap na diwa ng aktibismo dito. Hindi natin kaagad na maaasahan na bigla ay “kakapal” ang mga dadalo sa mga susunod nating pagkilos. Ang isyu man ay pagmimina, STL, graft and corruption, political dynasty at iba pa. Doble kayod tayo sa pagpapapamalay….

Siyanga pala, noong Sabado sa kanilang Board Meeting ay natanggap na ng BOD ng OMECO ang Audit Report mula sa National Electrification Administration o NEA. Saka ko na ikukuwento ang buong detalye ng ulat pero pabor sa mga nag-rally sa harap ng opisina ng OMECO noong Biyernes ang resulta. Kagaya ng ating inaasahan.

Sa ng pagiging “manipis” ng pagkilos, muling nabuhay ang dugong tibak ng mga laman ng lansangan noon dahil sa Save OMECO Prayer Rally noong Biyernes. Kagaya ni Jose “Jun” Norella, Jr. na isa sa mga rally organizer na nag-iwan ng isang mensahe at hamon: “Patikim pa lang ito… Magra-rally uli tayo sa Nobyembre!”

Kagaya ng standard extro ng mga ralyista sa alinmang pagkilos, ito lang ang aking masasabi : “Babalik kami, mas marami!”

By the way, may internet connection na kami ulit…