Tuesday, November 20, 2018

A Power Story



I am telling this story anchored on an aphorism I posted in my Facebook Page today: “Power has its own story to tell and every story has its own power when told.” But this is not just my reaction to our present predicament of power shortage, this is also a product of my personal reflection on being a writer and, you've guessed it right, a story-teller. Aphorism oftentimes consist a metaphor, remember?

This coming December 3, 2018, the power company called Energy World will be finally launching their bid for the CSP to be presented to OMECO. This power company is just one of the many prospective new players in the horizon. It looks forward for the finalization of the Off-Take Agreement that would hopefully pave the way for the building of a plant somewhere in Sablayan if no trouble (of whatever nature) would exist in the process. Sablayan LGU had already signed a MOU with Energy World regarding the construction of the plant within the jurisdiction. According to people from Energy World, due to its geographical location, the municipality is ideal in supplying power in the whole of Occidental Mindoro. The company is using Liquefied Natural Gas (LNG) in their operation as fuel. They have plants in Australia and Indonesia and here in the Philippines, they have a service utility in Pagbilao, Quezon. Be reminded that I am in no way endorsing said company and this is a statement of fact.

Led by Mayor Eduardo B. Gadiano, concerned heads of the legislative and executive branches of the Municipal LGU visited the plant, and for their part, Energy World already started to conduct prospecting for the plant site since the informal partnership was last year. While the Energy World renewed commitment for its realization, the town’s local chief executive made the same commitment whoever would provide sustained, affordable and reliable energy for the province. We hope that in due time, many players will ultimately be considered to provide power and energy in this doomed part of the planet, power supply-wise.

Electricity is life. Without access to reliable power, our lives would be much more like being sent back to the Stone Age, as one Facebook user used to post it. Needless to say, it is so crucial to modern life, in fact, the history of electricity is really the history of the modern world.

This writer is not pinning all out hope on the realization of the proposed project of Energy World because as we all know, there are still a lot of legal and technical processes to hurdle before this could come to fruition. Nothing in the industry works like magic. Also, it is expected that a lot of peripheral things will come along the way like partisan politics, vested interests of the local elites, to name just two.  

I am relating this not to fully expect its realization for it may bring us false hope. It is still a long, long way but what I am just trying to emphasize is there is an on-going progression with regards to the application of possible power (preferably “clean” energy) providers in the future for our province and this one, too, has a chance to remedy the decades-long power supply problem in our locality. Moreover, it is necessary for every concerned citizen and OMECO member-consumers to be aware of every bidding process which unfolds every now and then. The electric cooperative likewise needs to be very transparent on everything under the bulb, so to speak. The bidders should also be scrutinized and skinned like a jack fruit by the member-consumers in general. The local politicians should be aware of the limits of their authority and power with regards to intervening in the problem specifically in the operations of the electric cooperative.

I am not zeroing-in on Energy World alone or any in existing or other forthcoming specific power providers for that matter. That wouldn’t be my story line ever. I am out of the loop in legal and technical aspects of this situation. My story is all I can offer.  

The issue of problem of power and energy has certain implication to one’s candidacy for sure to those who are occupying or struggling to get a political position especially the provincial slots. It is clear that this issue could again make or unmake political careers. With high expectation, this issue is domineering to be in the front lines in every miting de avance in due time.

Since the time of Thomas Edison, the electricity industry is already politicized. Before Pearl Street (his pioneering streetlight project) ever opened, Edison had to bribe New York politicians just to begin laying the foundations of his work. As Time magazine recounts, Edison “obtained with great difficulty the consent of New York’s famously corrupt city government to build his proposed network on the southern tip of Manhattan.” As the early electricity industry grew, it became more involved with city politics over lighting contracts. Electricity providers had to receive franchise rights from city officials in order to serve local areas, opening the door for those officials to extort power companies for campaign contributions or personal bribes. Who says it’s a different story now? I am mentioning this with the national situation in mind.

In going back, some may say that this and all the proposals are just “drawings”, far-fetched. Well, even drawings, and not only stories, have power. If one is not moved by the power of stories and images, one could not be a story-teller (or a witness) of his time, therefore, he cannot transcend from darkness to light….

-------

Photo: Concept News Central

References:







Thursday, November 8, 2018

Musmos pang maituturing ang Kanlurang Mindoro



Anaki’y sanggol pa lang tayong kilik-kilik ni Inang Bayan. Musmos pa ang Occidental Mindoro kung ihahambing sa ibang munisipalidad sa bansa na naitatag noong panahon pa ng Kastila at libong taon na mula nang opisyal na kilalanin. Sanggol pa lang tayo sa aspetong ito.

Noong magsimula hanggang matapos ang Ikalawaang Digmaang Pandaigdig, hindi pa tayo ganap na lalawigan. Sa taong ito, 68 anyos pa lang tayo at wala pa sa century mark, ‘ika nga. Ang taunang pagdiriwang upang gunitain ang ating pagkaka-tatag ay tinatawag na Arawatan Festival. Walo pa lang ang bayan noon sa lalawigan nang ito ay likhain sa pamamagitan ng R.A. No. 505 na isinulong ni Congressman Raul Leuterio noong 1950. Isandaan at apatnapu’t siyam na barangay na ang bumubuo dito sa kasalukuyan.

Wala pa noong Magsaysay, Rizal at Calintaan. Ang mga bayan pa lang noon ay Abra de Ilog, Looc, Lubang, Sta. Cruz, Mamburao, Paluan, San Jose at Sablayan. Batay ang nasabing Batas Republika sa Panukalang Batas Blg. 640 ni Congressman Raul Leuterio.

Bago ito, sa bisa ng Act No.  2964 noong Pebrero 20, 1921, itinalagang isang probinsya ang buong isla ng Mindoro kasama ang Lubang hiwalay sa lalawigan ng Balayan (Borbon) na pinagtibay ng Pamahalaang Espanya noong 1581, hanggang sa opisyal na inihiwalay ito sa dalawang lalawigan noon ngang Hunyo 13, 1950 at dito isinilang ang probinsiya ng Occidental at Oriental Mindoro. Nagkabisa ito noong Nobyembre 15 ng taon ding iyon.

Sampung araw na selebrasyon para sa paggunita ang magaganap ngayong taon. Simula Nobyembre 8 hanggang 18, 2018, hitik sa kabiserang bayan ang mga aktibidad dahil maliban sa ika-68 na taon nga ito ng pagkakatatag ng ating lalawigan, sa Mamburao din gaganapin ang 4th MIMAROPA Festival na kakatampukan ng search para sa Ginoo at Binibining MIMAROPA 2018, MIMAROPA Tourism Unity Night, MIMAROPA Grand Street Dance, at kung anu-ano pa. Pinagsama, sa madaling sabi, ang Arawatan Festival at MIMAROPA Festival na magtatampok sa kultura, sining at kalakal ng iba pang mga lalawigan sa rehiyon. Magkasunod na masasaksihan ang dalawang higanteng okasyon.

Matapos opisyal na malikha na isang bagong lalawigan, itinalaga bilang una nitong gobernador si Damaso Abeleda ng Paluan noong 1950 at noong 1952 naman ay nahalal bilang kauna-unahang kongresista ng lalawigan si Jesus Abeleda.

Noong Marso 10, 1952, sa makasaysayang unang talumpati ni Congressman Jesus Abeleda, sinabi niya, “… (The) people (of Occidental Mindoro are only) 70,000 few, but determined band of pioneering, hardy and industrious men and women. They are carving homes… in the last frontiers of civilization… they are there to stay, including by degree their foothold upon a territory which is a wilderness today but will be towns and cities of tomorrow.” Ganyan ka-optimistiko ang ating mga naunang lider sa punto de vista ng progreso. Pero sa aspeto ng kamulatan bilang mga mamamayan, pasulong ba tayo o paurong? Na-differentiate na ba natin ang Politics of Patronage sa Politics of Service o hindi pa? Ang Politics of Vision sa Politics of Ambition?

Kung noon ay 70,000 pa lang ang bilang ng mga mamamayan natin, ngayon, ayon sa 2015 census, matapos ang lampas anim na dekada ay umaabot na tayo sa 487,414 katao na may density na 83 inhabitants per square kilometer or 210 inhabitants per square mile. Sa pinaka-bagong datos, ang ating lalawigan ay ang may highest magnitude of poor population sa buong MIMAROPA na may 208,435 katao. Sa buong MIMAROPA, ang Occidental Mindoro ay ang may pinaka-mataas na poverty incidence sa bilang sa 41.2%, kasunod ng Romblon na may 36.6%

Magkagayunman, malayo-layo na rin ang naabot ng lalawigan at hindi natin maipaparangal ang kasalukuyang pagbabago at progreso sa iba’t-ibang larangan (gaano man kabilis o ka-kupad ang mga ito) sa iisang pangkat lamang ng mga lokal na pulitiko. Sa mga pagbabagong ating natatamasa ngayon, mas higit ang papel ng mga ordinaryong mamamayan at pribadong sektor, kaysa sa mga halal na lider. Humantong tayo ngayon sa magpi-pitong dekada ng pag-iral at maliban sa mga panandaliang kasiyahan at palabas, sana ay maalala nating kilalanin ang mga tao na nagsumikap upang marating natin ang kinalalagyan natin ngayon, hindi lamang yaong mga kasalukuyang naka-upo sa pampulitikang poder.

Ang susunod na taon ay taon ng halalan, muli ay lilikha na naman tayo ng kasaysayan, maghahalal ng bagong tao at magbibigay ng bagong mandato sa mga nais umulit (o ng paulit-ulit!). Isang pagkakataong muli ito ng pinaka-marubdob na pagkilos para sa ating paghayon sa kasaysayan tungo sa isang maunlad na dako pa roon. Nagkakaiba-iba man tayo sa maraming importanteng bagay ay alalahanin natin na nagsasalo tayo sa iisang lalawigan, sa iisang pamayanan. Sama-sama nating sinisimsim ang mga biyayang mula sa kanyang kanlungan, hininga at sinapupunan na parang mga sanggol.

Sa diwa ng pagkaka-tatag ng lalawigan, sana ay maunawaan natin na ang serbisyo-publiko kagaya ng pulitika ay entablado ng paglilingkod kaya sa ibabaw ng entabladong ito, matatag tayong manindigan upang hindi tayo mahulog….

-----------

Larawan kuha ni Arlo Macaraeg (+)

Mga Reperensya:


Source: House of Representatives, Congress of the Philippines, Congressional Record, 2nd Congress, 3rd Session (march 10, 1952), pp. 696-698.)