Monday, August 30, 2021

Si Mabini, Ang Dakila na Walang Jowa

Sa pagtatapos ng Pambansang Araw ng mga Bayani at pasimula ng pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas, gusto kong bigyang pugay ang bayaning may kakaibang iniwang marka sa ating kasaysayan: Si Apolinario Mabini, ang Dakilang Lumpo. (Mula sa panulat ng nasa larawan  na dating isang dakilang lumpen.) 

Una sa lahat, ibig kong ipaalam na si Mabini, ay katulad ko, o katulad ng ilan sa atin, na maggagawa rin ng pamahalaan. Opo, siya ay taong gobyerno na naglilingkod sa bayan sa ilalalim ng isang lider-pulitiko.

Matatandaan natin na si Mabini, na tinatawag munang “Ulong Ginto” sa kanyang lalawigan sa Batangas, ay ipinatawag ni Heneral Emilio Aguinaldo nang ang huli ay makarating sa Pilipinas mula sa Hong Kong para maging kanang-kamay sa pamamahala ng bansa noong panahon ng himagsikan. Naging kasapi din siya ng gabinete ni Pangulong Aguinaldo at itinalagang Prime Minister at Secretary of Foreign Affairs mula Enero hanggang Mayo, 1899.

Si Mabini ay tulad ninyo, tulad ko, tulad ng ilan sa inyo na kawani rin ng pamahalaan.

Saan ba galing ang salitang “Bayani”? Ayon sa isang batikang historyador na si Zeus Salazar, ito daw ay mula sa salitang Javanese na "wani" o "wērani" na pinag-ugatan din ng salitang “kawani”. Samakatuwid, ang pamahalaan pala ay maaari ring maging “duyan ng magiting” at tayong mga kawani nito na nasa serbisyo sibil, sa pamamagitan ng ating mga gawain at posisyon, ay may malaking pagkakataon ding magpakita ng kabayanihan. Ang salitang “Kawani” ay may marangal na kahulugan kung gayon.

Kaya nga sabi ng CSC, bawat kawani daw ay lingkod-bayani. Kung tutuusin.

Kung masusunod lamang sana natin sa ating araw-araw na paggampan sa gawain ang kanyang mga habilin sa  El Verdadero Decalogo, lalo tayong magiging isang mabuting lingkod-bayan. 

Noong si Mabini, na single for life government employee, ay ilagay sa kalinga ni Heneral Paciano Rizal sa Los Baños sa ilalim ng  Pamahalaang Amerkano, ay may isinulat siyang ganito:

Fortunately, I have no wife or children for this reason is more tolerate the sadness of my life for I do not suffer in my loves except that of my country.” Kainamang hugot ‘no?

Shout out sa mga government employee na single diyan dahil syota sila ng tungkulin at jowa nila ang bayan!

------

Mga Referensya

https://opinion.inquirer.net/142355/mabini-conscience-of-the-nation#ixzz74zYpFZZ0

https://www.youtube.com/watch?v=SL7LR-Ut0GI

 

Monday, August 23, 2021

Tayutay

Bago man lang matapos ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika, maganda rin sigurong pagnilayan natin ang isang bahaging ito ng balarila.

Malimit nating marinig ito ngayon: “Si (pangalan ng pulitiko) ay wala namang nagawa sa tagal ng kanyang panunungkulan.” Ang pangungusap na ito ay isang Tayutay at hindi literal ang dapat na interpretasyon. 

Ang Tayutay ay isang salita o grupo ng mga salita na kadalasang ginagamit upang maipahayag ang isang emosyon sa paraang hindi karaniwan upang makabuo ng mas malalim na kahulugan kaya ka-hunghangan na ito ay berbatim o letra por letra na patulan o intindihin.

Isa sa mga uri ng Tayutay ay ang tinatawag na Hiperbole o Pagmamalabis na ginagamitan ng eksaherasyon. Halimbawa ng Hiperbole ay ito: “Narinig sa buong Occidental Mindoro ang kanyang mga kasinungalingan.” At ito pa ang isang halimbawa: “Sa tagal niya sa pulitika, lawit na ang kanyang dila sa pagtatalumpati.”

Sa madaling salita, ang Tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Damdaming mula sa lahat ng tao, kabilang na dito ang mga botante na matagal nang dismayado dahil sa hindi umaayon sa kanilang mga inaasahan ang ginagawa ng nanunungkulang mga lider, pulitiko man o hindi, halimbawa. Ang mahalaga ay hindi ang paraan ng kanilang sinasabi (o pagtuturing na literal ang salitang “wala”) kundi ang mabigyang diin ang saloobin ng nagsasalita at ang karapatan niyang magpahayag at kalayaan niya sa ekspresyon.

Ang wika, kagaya ng batid na natin noon pa man, maliban sa instrumento ito ng pagpapahayag ng saloobin at pananaw ng isang tao, makapangyarihang sandata rin ito upang warakin (pahiram po, Kalihim Francisco Duque) ang kanyang kapwa o mga karibal sa paniniwala. Kabilang na ang maging magmukhang inaapi at kaawa-awa.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino, isang Tayag, este, tanyag, na lingwista at propesor sa UP, mas madalas gamitin ang Pambansang Wika sa mga usaping pulitikal gaya ng pangangampanya tuwing eleksyon at talumpati nila sa mahahalagang okasyon. Sa mga ganitong sitwasyon, mas kinakailangan ng mga pulitiko na maunawaan ng masang Pilipino ang kanilang mga sinasabi.

“Nasa wika ang mga konsepto o kaisipan na bumubuo sa lawak ng gawaing pulitikal kaya naman ginagamit ito para magkaroon ng political control,” ani Constantino. Aba’y tumpak, ‘di ba?

Balikan natin ang ating paksa hinggil sa Tayutay ngayong magtatapos na ang Buwan ng Wika 2021.

Isa sa mga uri ng Tayutay ay ang tinatawag na Simile/Pagtutulad. Halimbawa: Ang paghahangad niyang manatili sa posisyon ay parang walang katapusang araw at gabi.

Meron ding tinatawag na Metapora/Pagwawangis. Halimbawa: Talaba silang nakadikit sa nabubulok na bakawan.” 

Ang Paglipat-wika naman ay paggamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay. Halimbawa: “Ang pabago-bagong mukha niya ay nakikita ko na taon-taon sa kalendaryo, dalagita pa ako hanggang ngayong ako ay may mga apo na.”

Ilan lamang po iyan sa mga uri ng Tayutay at mga halimbawa. Paki-Google na lang po ang iba pang ibig ninyong malaman tungkol sa Tayutay.

Sa pagtatapos, taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang indibidwal. Sa pakikipag-ugnayan gamit ang wika, maraming bagay ang maaaring magbago.

Maging sa pananaw ng tao sa pulitika at sa mga pulitiko.

 

----------

Reperensiya:

 

https://varsitarian.net/filipino/20081117/pulitika_ng_wika_wika_ng_pulitika

 

 

 

Monday, August 9, 2021

A COVID History

I was confined at the COVID Fastlane section of the San Jose District Hospital (SJDH) when weightlifter Hidilyn Diaz got her medal for the country’s first-ever gold in the Olympics. I experienced difficulty in breathing with other severe symptoms of the disease.

They admitted me to the hospital on July 21, 2021, and for exactly one week, I was alone in that tomblike and white-painted square chamber. Either an oxygen mask or a nasal cannula is stuck in my nares to deliver supplemental oxygen and allows sufficient airflow to my lungs. I was in dire need of respiratory help. I have immediately undergone various tests and chest x-ray and other emergency procedures that I failed to ask the ill-equipped (compared to those in private hospitals in Manila) overworked, understaffed medical frontliners at SJDH.

I was lying helplessly in my hospital bed when hundreds of families have evacuated from four villages in three municipalities in Occidental Mindoro because of flooding caused by the effects of the southwest monsoon enhanced by Tropical Storm Fabian. I took a handful of different capsules and tablets until my breathing gradually becomes easy each day as the floods slowly subdued in the affected areas, and the evacuees came back to their dwelling places the next few days.

I also battled sleepless nights. It was Saturday morning, July 24, and while I was saying my morning prayer, a tremor followed. My fear doubled, for I am in a situation between the devil and deep blue sea: Earthquake and COVID. But as expected, the latter subsided, but it did not shake the COVID virus out of the breathing system of each Filipino in affected areas.

Global pandemics and disasters like earthquakes and floods or events like the Olympics, for that matter, are not only part of history. They are history themselves. We are victims of history, witnesses to history, and socialized by history and such reality made the human spirit always triumphant!

In my hospital bed, bored and isolated, I composed this short poem:

“You do not have regal bearing over my breathing,

Your crown has no dignity over me.

My breathing is a kingship where you are nothing but a slave

I am royal, no matter how I breathe.

As I inhale and exhale, my spirit behests my lungs and my mouth:

“Iustum inssufla.”

(Just breath.)”

The next day, a hospital apprentice appeared from my door in full PPE, pushing a wheelchair telling me that I will be moving to the recovery ward called “Italy.”

 “Ano naman ang pangalan nung room na inalisan ko?” I asked him while we are heading to the next building.

Wuhan po.”

Me to self: “Not a bad name.”

(I later found out that the names were just coined by Dr. Anna Monica Bracamonte, the former hospital head, and my cousin Barbie, her nurse, during the height of the pandemic.)

*****

I am patient number 638 logged in San Jose, Occidental Mindoro. I was already on my second day in the recovery ward when Nesthy Petecio settled for a silver medal for the women’s featherweight boxing final bout. She lost to Japan’s Sena Irie. That was the same day when they took out the oxygen tube from my nostrils, as my oxygen level had already been stable for days. All in all, I consumed five tanks of medical oxygen.

My hospitalization, other than realizing the importance of friends, family, and relatives in supporting both in terms of financial, moral, and other material supports. That includes medical guidance from my cousins in the medical field, which made me do something I could not do for decades: cry. 

I cried once again for my wife, the love of my life, showed me how much she cares for me.

I will not mention the names of my friends and relatives here for they will not indeed like it. Perhaps, such love and kindness they have shown to me are part of why I cried.

I repeatedly played through my Vivo Camera and Music phone Willie Nelson’s rendition of Yesterday When I Was Young. It just popped from my cellphone’s screen on the third day of my confinement while I was browsing for a piece of country music that I love to listen to. I hadn’t heard the song since the Nora Aunor version was released when I was ten.

At 88, Willie Nelson is still alive, and part of the collaborated Asleep at the Wheel 50th-anniversary album, due this coming October 1 in the US. The song made me reminiscence on my childhood and practically the significant memories of my life with places and people that are both gone and still alive.

I am 59 now, and next year I will be considered a senior citizen. 

Well, thanks for the tears. Crying made me feel great.

Those tears have curative value to me.

****

I took five doses of remdesivir. While clinical trials suggest the drug is not very effective in treating COVID, recent studies have shown that it does block Coronavirus activity. Remdesivir is an experimental drug developed by biotech company Gilead Sciences in collaboration with the US Centers for Disease Control and Army Medical Research Institute of Infectious Diseases.

Maybe my system responded positively to the drug. That is why I defeated COVID in this bout.

Finally, on July 29, 2021, I was discharged from the hospital, and since then, I have subjected myself to further home quarantine. I have comorbidities, so I have to stay on the safest part of the road.

I was vaccinated with Johnson & Johnson’s Janssen COVID-19 Vaccine on August 7 at the San Jose Public Health and Diagnostic Center.

It took 97 years for the Philippines to get its first gold in the Olympics. It took me 50 years or so to hear again the song Yesterday When I Was Young and I cannot remember when I last cried before this hospitalization and solitary confinement. One thing is sure. I will be a different man after this. I will cry a lot.

Remdesivir may have done its job well, but I am not counting out all your prayers and well-wishes, and my all-time favorite is the macaroni salad, which I devoured for the first time after many years.

------- 

(Photo: Deccan Herald)