Monday, February 23, 2026

EDSA KUWARENTA


 

Kuwarenta anyos na ngayon EDSA People Power Revolution. Medyo may katagalan na.

Sa Bibliya, ang bilang na apatnapu ay karaniwang sumasagisag sa panahon ng pagsubok, paghahanda, paglilinis, at paglipat sa bagong yugto ng buhay. Sa Genesis, umulan nang apatnapung araw at gabi sa panahon ni Noah bilang paglilinis ng daigdig. Sa karanasan ni Moses, nanatili siya sa bundok nang apatnapung araw upang tumanggap ng kautusan ng Diyos. Si Elijah ay naglakbay nang apatnapung araw patungo sa Horeb bilang bahagi ng kanyang espirituwal na pagpapanibago. Sa Bagong Tipan, ayon kay Mateo, si Hesus ay nag-ayuno nang apatnapung araw bago simulan ang Kanyang ministeryo.

Noong 1986 sa EDSA, milyong Pilipino ang humugos sa kalsada para magdasal pero bakit hanggang ngayon ay lugmok pa rin sa kahirapan ang ating bayan dahil sa sanga-sangang kurapsyon, mala-kultong pulitika, historical revisionism at maling impormasyon? Bakit wala pa ring direksyon ang ating buhay-lipunan? Hindi ba dininig ang mga panalanging iyon?

Isa ako sa mga sumugod sa EDSA noon pero hindi ako nagdasal. Hindi ako marunong magdasal noon. Basta ang alam ko, nagtatakda ako ng isang komplementaryong ugnayan sa isang kung ano na nakakaalam ng lahat ng bagay sa bawat pagtaas ko ng kamao at pagsigaw ng mga islogan. Napatalsik na ng mga mamamayan si Marcos Sr. nang matuto akong magdasal at habang kunsumido ako sa kapalpakan ng sumunod na administrasyon ni Cory, napagtanto ko na ang panalangin ay hindi lamang ginagawa upang makamtan ang ninanais at makamit ang resulta ng bawat kahilingan. May mas higit pa itong esensya kaysa roon. Susi din ito ng paghiling, pagsamba at pasasalamat. Naging mala-impyerno man ang Pilipinas matapos ang EDSA, ang samabayanang Pilipino ay patuloy pa ring tayong humihiling, sumasamba at nagpapasalamat sa Diyos.

Pero ang pagdarasal ay hindi lamang pakikipag-usap o pakikipagtalastasan. Ito rin ay panawagan sa isang pansariling pagbabago. Tayo ay nananalangin upang tayo ay maging isang bagong tao, naiibang tao at isang hindi basta-bastang tao. Isang alagad na kumikilala at umuunawa sa Kanyang mga plano at kapasyahan, pagbigyan man niya tayo o hindi sa ating mga kahilingan sa ating bawat panalangin. Kung ang pagdarasal ay para sa pagbabago ng ating pagkatao, mula sa mga pansariling kahilingan ay dapat na umiigpaw ito sa lipunan. Ito ang mahalagang aral na natutunan ko sa EDSA noong aking kabataan.

Sapagkat ang isang hindi basta-bastang tao ay nananalangin at kumikilos hindi lamang para sa pansariling kaligtasan kundi maging sa kaligtasan ng kapwa at ng lipunang kanyang ginagalawan. Kumbaga sa anyong tubig, kung ang mga personal at pampamayanang mga panalangin ay mga ilog at lawa o may pakinabang na tulad ng mga ilog at lawa, dapat ang lahat ng mga ito ay mauuwi sa dagat,- dagat na nagpapahayag ng Kanyang pag-ibig at dagat na nagtatatag ng Kanyang kaharian. Kung ang diwa ng EDSA sa isang panig ay isa lamang pabalat-bungang pagbabago na ginawang tuntungan ng ilan sa pagsasamantala sa pulitika, ito rin sa hinaharap ay inaasahang maging diwa na magtutulak sa atin sa pagtatatag ng isang lipunang mapayapa at makatarungan, madasalin at palaban.

Tayo rin ay patuloy na nananalangin upang maging isang bagong bansa, naiibang bansa at hindi basta-bastang bansa bagama't hindi perpekto. Tumutugon ang Diyos sa ating dasal hindi lamang sa paraang kagyat, radikal, mapaghimala o dramatiko,- sa mga penomenal paraan kundi tahimik na katulad ng isang dalisay na panalangin, sa unti-unti, dahan-dahan, simple at madalas na hindi napapansing mga hakbang. Saan o kailan man ito ginawa sa bahagi ng kasaysayan na kung saan tayo kabilang.

Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa, sapagkat tulad noong EDSA 1986, naniniwala tayo sa diwa ng Pilipino. Naniniwala rin tayo na ang Diyos ay nananatiling kasama natin. Kung paanong pinangunahan ng Espiritu si Kristo sa ilang at ginabayan Siya sa Kanyang misyon, gayundin ay ginabayan tayo ng Diyos patungo sa tunay na EDSA. At patuloy na kasama natin ang Diyos sa ating paglalakbay habang itinatayo natin ang ating bansa batay sa nagpapatuloy na pamana at diwa ng EDSA.

Ito ang aking naging pagninilay sa sulating “Faith Beyond Doubt,” na ipinalabas at binasa sa mga pulpito noong Linggo. Ang liham ay panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pilipino na alalahanin, magsisi, at kumilos nang may tapang at pagmamahal para sa patuloy na pag-unlad ng bansa.

Tandaan natin, ang bilang na apatnapu sa Bibliya ay larawan ng isang panahong hinuhubog ng Diyos ang tao bago Niya dalhin sa mas mataas na layunin o bagong simula.

Harinawa.

++++

(Larawan: Philstarlife.com)


Tuesday, January 20, 2026

Revitalizing Philippine Boxing


 The glory days of Philippine boxing are a cherished part of our nation’s sporting history, and efforts are now underway to bring them back. Leading this charge is the Philippine Boxing Federation (PBF), the country’s most prestigious boxing organization, headed by its president, Dante Almario. Recently, the PBF convened prominent boxing personalities from Metro Manila and Luzon to brainstorm ways to revive the sport.

My friend, Ford Rafa of the Glenford Fitness and Boxing Gym in Taguig, shared in a recent Facebook podcast that one of the group’s main goals is to ensure that boxers in every stable continuously have tune-up matches or “activity fights” as they prepare for world-class bouts. Rafa explained, “One of the hardest things for a boxer who trains relentlessly is not knowing whether he has a fight coming up or not.”

An active fight schedule is indeed vital for any aspiring boxer. While training hones technique and conditioning, only real bouts build true skill, ring intelligence, and mental toughness. Regular fights also boost confidence, sharpen instincts, and keep a boxer visible to promoters, helping careers progress steadily. As Rafa emphasized, “We must not deny our boxers these opportunities.”

A key feature of this initiative is fund-sharing. Each boxer’s manager is expected to contribute a portion toward financing these fights, including the prize money for the fighters. Managers and promoters may also shoulder additional costs, though financial matters were not heavily emphasized during the meeting. “The most important thing is that boxers actively training have immediate fights and are never left idle,” Rafa added.

The historic exploratory meeting took place on January 18, 2026, at Max Restaurant in Sucat, ParaƱaque. Attendees included President Almario and Rafa, as well as VP for Luzon Gerry Balmes, international boxing manager Bebot Elorde, expert matchmaker Art Monis, and boxing legend Gerry Penalosa, among others. Beyond regularly holding events across the country—especially in Metro Manila and Luzon—the PBF is strengthening partnerships with local government units and private companies to sustain boxing competitions in various provinces and municipalities.

The PBF plays a crucial role in organizing and developing boxing in the Philippines, supporting both rising stars and established fighters through sanctioned events and community engagement. It closely coordinates with the Games and Amusement Board (GAB) to ensure proper oversight and support.

Excitingly, the first Philippine Boxing Federation Promotion is now scheduled for March 23, 2026, at the Elorde Sports Center’s Grand Ballroom. More details about this landmark event will be shared as they become available.

In my view, the golden era of Philippine boxing stretched from the 1960s to the 1980s, before gradually fading. Yet, the spirit of grassroots boxing never disappeared entirely. Local boxing organizations must now revive the sport to nurture the next generation of champions. While Philippine boxing may not enjoy the same widespread prominence as in the past, the legacy of those glory days continues to inspire Filipino fighters nationwide. This is the vision that the PBF is pursuing, as highlighted by Ford Rafa and Dante Almario.

-------

(Photo: Ford Rafa)