Monday, May 11, 2020

San Jose's Acrostic Man


Manunulat siya pero sa pader nga lang o kahit saang makinis na surface sa mga pampublikong lugar.

Sa San Jose town proper, dito sa amin sa Occidental Mindoro ay makikita mo ang kanyang mga obra, pentel pen at pintura ang gamit niya. Tadtad lalo nito ang kanilang bahay na matatagpuan bago ka sumapit sa tulay ng Marsan galing ng Bonifacio Street. Laman siya ng kalye, kadalasang naka-tsaleko, maraming borloloy sa katawan at pusturang hippie dati pero kalbo na lang ngayon at ubanin na. Malimit siya sa Plaza, sa Municipal Compound. Basta, kahit saan sa tabi-tabi, sa downtown at palengke, name it.

Ang tawag sa kanyang literatura (kung literature man iyong matuturing at hindi plain vandalism) ay mga acrostic piece to be exact. Sabi, ang acrostics daw ay anumang komposisyon na kung saan ang mga certain letters form a word or words.

May protesta sa kanyang mga akda. Nagbabanggit siya ng mga tauhan sa pulitika, mga lokal na personalidad at mga pangyayari noon sa lipunan na may mga acronym ng kung anu-anong magkakalahok-lahok na tanggapan ng pamahalaan. Walang sumiseryoso sa kanyang mga isinulat, pero marami naman ang nagmamalasakit sa kanya bilang tao.

Okay na siguro yun.

Somebody told me who is a former bosom buddy of Mr. Acrostics that he was once a good basketball player. He played for years in various ball clubs in the old San Jose Summer Basketball League in the mid-60s as a teenager. He was a member of WAROF Guys, a fraternity or gang of sort composed of 5 friends. It's actually an Acronoym for William (him), Antonio (Gomez), Rolando (Padilla), Oscar (Novio) and Fernando, Jr (Mabalot). He was the star player for the team called Wanderers then.

I was also informed by my source that the man was an avid fan of the Beatles and a member of the Samahan ng Demokratikong Kabataan (SDK). It is another national-democratic organization whose memberships comes from young students, farmers, workers, intellectuals and professionals.

Going back, kagaya ng statesmanship na ngayon ay endangered na ‘ata among politicians, ang acrostics noong unang panahon, sa iba’t-ibang antas at panahon sa kasaysayan ay itinuring na isang panulat na may mataas na literary value. Which is kadalasan ay sa anyo ng tula.

Si Edgar Allan Poe nga may tula pang pinamagatan niyang “An Acrostic,” na alay niya sa isang tagahanga na ang pangalan ay Elizabeth. Sino ang makakalimot sa “Prometheus Unbound" ni Pete Lacaba na tungkol sa Martial Law?

Ngayon sabi nga, ngayon daw ay wala ng literary prestige ang acrostics hindi kagaya noong unang panahon. Instead, acrostics are now often considered to be childish, if not totally nutty.

Para sa ating acrostic man: Every reachable smooth and flat surface is your democracy wall, your press freedom and expression in the taciturnity to your feelings.

Try lang ito:

Behold, your pen cannot win wars, mind or hearts

Over your prose are screams from your past

Yet, even the meanest of men are afraid to know their meaning

Silent are your verses, cannot be articulated neither spoken

In your thoughts, the best literature is an acrostic unpoetic graffiti

Eternally for you, you are Zeus in your own Olympus so kingly.

-----

(Photo: Kenneth Pangilinan)





No comments:

Post a Comment