Thursday, November 4, 2010

Hindi Lang Boksing


Dahil sa kaliwa’t-kanang public appearances ni Congressmanny nitong mga nakaraang araw, baka mas pinag-uusapan pa siya sa Tate kaysa kay Barack Obama. Sa totoo lang, kabado ako na baka ang mga kasalukuyang ‘distraction’ sa ensayo ni Manny Pacquiao laban kay Antonio Margarito sa isang linggo ay mauwi sa ‘destruction’ ng Pinoy boxing champ.

‘Langya, papaanong hindi tayo kakabahan kung mismong sina Freddie Roach at Bob Arum na medyo nagtatampo noon sa kabi-kabilang appointments ni Pacman sa labas ng training camp sa Baguio City, ay tameme ngayon sa mas grabeng abala o distraksiyon na dulot nito sa preparasyon laban sa pambato ng Tijuana, Mexico sa Dallas Cowboy Arena sa Nobyembre 13. Tingnan n’yo ha, bago umalis ang Team Pacquiao ng ‘Pinas noong bago mag-Undas, tiniyak ni Roach na kapag lumapag na sila sa Los Angeles, wala nang iba pang aatupagin si Manny kundi ang kanyang mga sparring partner sa Wild Card Gymn at ang mga training equipments doon. Pero nasunod ba ito? Hindi.

Si Bob Arum naman na medyo naging masama ang loob sa pagsali ni Pacman noon sa public events kagaya ng 10.10.10 Run to Save Pasig River at ang Family Sports Festival ng Philippine Military Academy (PMA) Alumni Association, noong nasa L.A. na ay nag flip-flap na rin ito.

Sa biyahe pa lang ay bugbog na kaagad si Manny. Noong Linggo, ayon sa ulat, dalawang oras at kalahati na nagbiyahe si Pacquiao papunta sa San Diego para i-coach ang kanyang basketball team doon imbes na nagpahinga na lamang sana siya matapos magsimba. Si Manny pa rin ang nasunod dito imbes na si Roach.

Si Arum naman, noong Biyernes, ilang minuto lang umano matapos ang praktis ay pinalipad agad ang boksingero sakay ng private jet ng Top Rank promoter papuntang Las Vegas para i-endorso ang kandidatura sa pagka-senador ni John Reid, majority leader ng Democrats. Si Arum at si Reid ay matalik na magkaibigan. Ewan ko kung naging matalik na ring magkaibigan sina Reid at Pacquiao.

Noong Sabado naman, umapir uli si Manny sa grand opening ng Nike Store sa Sta. Monica Place kasama si Laila Ali na kapwa niya endorser ng nasabing brand ng toga,.. este, sapatos. Maraming mga kaeklayan ang itinampok sa opening na wala namang kinalaman sa pagsampa niya sa ring sa Dallas. Maliban sa pag-introduce sa sapatos na kanyang susuutin sa laban niya kay Margarito. Hindi ba kumanta pa nga ito sa “Jimmy Kemmel Live” noong Lunes at tinira ang “Imagine” ni John Lennon na ka-dueto si Will Ferrell? Pero hindi na bago ang ganito at huwag nating ipalagay na kapag boksing ay boksing lang. Kung aking matatandaan, kahit si Gabriel “Flash” Elorde nga noon ay naging endorser din at naging artista.

Sa dami ng ‘side trip’ na ito ni Manny, kabado ako baka maubusan siya ng gasolina sa darating niyang laban. Baka masira ang kanyang konsentrasyon at mawala sa pokus. Huwag naman sana. O baka naman ma-over-exposed na siya at dibdibin natin masyado ang resulta ng anumang kahihinatnan ng aktuwal niyang laban sa susunod na linggo. Tandaan natin, mas gutom sa panalo si Margarito para makabawi siya sa kahihiyang inani niya sa kanyang laban noon kay Shane Mosley.

Pero sabi nga sa kanyang bagong tagline o catch phrase, “Manny Knows”…

-------
(Larawan mula sa www.pinoyscoop)

1 comment:

  1. I got a collection of the funny manny pacquiao pics and it is the first time I saw this one... lol... :D.. saving it.. thanks for sharing...

    Uhhhmmm hey... Wondering if you could attach my Christmas Card in any of your future posts. By doing so, you get a chance to win a Brandnew Blackberry phone from the number 1 Pinoy-owned website in the Philippines... (Even if you're not in the Phils right now for as long as you have a Philippine address.)

    You can also create your own Christmas card and get a chance to win fabulous prize. (You can be both a poster of somebody else's Christmas card and a contestant. :D)

    You can get the code of my Christmas card and read about the details of the contest here: http://pinoylandia.blogspot.com/2010/11/isang-masagana-at-makabuluhang-pasko.html

    Please leave a comment on my blog if you did attach my Christmas Card.

    Thanks and more power!

    Noypi of http://noypistuff.blogspot.com

    ReplyDelete