Salamat
naman at tapos na ang eleksyon at sana ay tapos na rin ang usapin ng umbok-umbok
sa balota. Sana. At palibhasa tinatawag ko ang aking sarili na isang Utilitarian, nilalagom ko ang nagdaang
halalan ng ganito sa pambansang perspektiba: Mas binigyan natin ng halaga ang
bilis (ng proseso ng eleksyon) kaysa sa kawastuhan ng pagbibilang ng mga datus
na pumapasok sa Precinct Count Optical Scan o PCOS machine. Sa ganitong diwa, may higit pang dapat gawin sa usaping
legal at teknikal sa susunod na automated
elections sa bansa sa 2016.
Huli
na nang maging available ang source code mula sa Commission on
Elections (COMELEC). Noon lamang ika-9 ng Mayo at 3 araw na lamang ang natitira
bago ang aktwal na halalan ito inilabas kaya naging hilaw ang pagre-rebyu dito. Sa ganito kaigsing panahon, papaano magkakaroon ng
obhetibong pagsusuri ang mga partidong pulitikal, mga accredited citizen’s arm at iba pang mga intresadong grupo,
lalung-lalo na ang independent groups ng
mga IT expert? Kaya ‘yun ang
nangyari, parang naging pakitang-tao na lang tuloy ang rebyu ng source code na ginawa sa antas nasyunal. Parang lahat ‘ata ng prosesong
pang-halalan ngayon ay via express lane na para sa mga PWD kundi man 'simbilis ng bullet train sa bansang Hapon. Ang
mahalagang katanungang ito sana, kung nagkaroon ng sapat na panahon para sa
rebyu ng source code, ang dapat na
matugunan : “Reliable ba at tamper-proof ang computer
program na ating gagamitin?”
Natatandaan
ko sa isang natisod kong pahayag ng Kontra-Daya na isang maka-Kaliwang election watchdog bago ang halalan : “We could not just simply rely on the
accreditation of the source code by SLI Global Solutions and be assured that
the PCOS machines will function properly. We have to verify that this source
code is translated into the proper program that will run on the machines during
election day. This could have been tested during the FTS with the hash codes
generated during the trusted build so that we can ensure that the same copy of
the program will be running in all of the more than 80,000 PCOS machines
nationwide.” Sino ang hindi mag-iisip na ang magdaang halalan ay batbat ng ‘sanlaksan
ngunit iba’t-ibang anyo ng elektronikong dagdag-bawas? Sa iba’t-ibang lugar na
may iba’t-ibang layunin, hokus-pokus at aritmetik. At ang pinakamasaklap ay kung habang panahon ang tingin ng botanteng Pinoy sa eleksyon at sa maniobrahan dito ay micro at parochial.
Mahalaga
ang masusi at may sapat na panahong source
code review sapagkat kung hindi o madalian at hilaw ang pagsasagawa nito, hindi
natin malalaman kung papaano ini-interpret
ng kompyuter ang mga vote mark sa
ating balota. Kung papaano ina-assign ang
mga boto sa piling mga kandidato, kung papaano binibilang ang mga boto, kung kakainin ba
o hindi ng makina ang mga balotang may umbok, sinu-sinong kandidato kaya ang makikinabang sa tampered ballots kung mayroon man, kung anu-anong mga datos ang isi-save, at iba pang teknikal na bagay o impormasyon. Noong May 2010 elections, hindi rin nasagot ang mga
katanungang ito.
Hindi
rin natin masisisi ang mga natalong kandidato na legal na kumilos para muling
bilangin ang mga balota, maging yung mga umano ay tampered man o hindi.
Noong 2010, si Sixto Brillantes, Jr. ay legal counsel
pa lang ni PNoy na kandidato sa pagka-presidente ng
Partidong Liberal (LP). Ito nga rin siguro ang dahilan kung bakit ang tawag ng
mga militante sa Komisyon ay “Yellow” COMELEC
na hindi ko malaman ang kaugnayan sa Yellow
Army noon ni Tita Cory! Si Pangulong PNoy nga pala ay ka-klase ng ating bagong
halal na gobernador.
Matatandaan
na bago ang Mayo Trese ay nag-file ng
pormal na petition ang may 34 na mga
Pilipino sa United Nations Human Rights Committee (UNHRC) ayon sa umano ay
paglabag sa kanilang mga batayang karapatan sa ilalim ng mga probisyon sa International
Covenant on Civil and Political Rights o ICCPR. Ang ICCPR ay isang Kasunduang
Pandaigdigan na isa ang Pilipinas sa bansang lumagda dito. Isa si senatorial candidate Richard “Dick”
Gordon sa mga petisyunero at sa isang bahagi ng petisyon, ukol sa kahalagahan
ng pagsasagawa ng maayos at kredibleng rebyu sa source code, sinabi nito ng buong diin na, “With the serious problem regarding the source code unresolved, perhaps
President Aquino and Chairman Brillantes know something the voters do
not." (Matigas talaga itong Dick (na ibinoto) ko!).
Isang
bagay ang muli kong natutunan ngayong Halalan 2013 bilang isang self-confessed Utilitarian. Ang anumang makabagong
teknolohiya ay may kabuluhan lamang kung papaano ito ginagamit at kung
papayagan ng may kontrol nito na gamitin ito ng tama at makatarungan. At kung
ito ay tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Kagaya
ng umbok sa ilang kalsada na ang gamit ay upang tayo ay huwag magmadali at maging maingat upang hindi tayo mapahamak...
--------
(Photo : Technicallyjuris)
No comments:
Post a Comment