Higit
sa paniniwala na ang paksang rape ay sensitibo
kaya hindi dapat maging materyal sa mga comedy
show, naniniwala ako na may mga tao ring gumagamit ng joke o pagpapatawa upang manlait ng kapwa. Upang kutyain ang
kanilang mga kaaway o karibal na maskarado ng pagpapatawa. O sa ibang kaso, para sadyaing hamakin ang mga
kababaihan o ilang grupo ng tao.
Bago
pa maging viral ang isyung Vice Ganda
at Jessica Soho ukol sa rape, isang
komedyante sa US na nagngangalang Daniel Tosh ang umani ng puna hinggil sa
isang rape joke na kanyang
pinakawalan sa isa niyang pagtatanghal. Sa dakong huli, si Tosh ay humingi ng public apology sa mga kababaihan.
Sa
akin lang, sa pagpasok at pag-uso ng mga stand-up
comedian sa telebisyon at mga engandeng benyu tulad ng Araneta, mula sa mga
maliliit at madidilim ng comedy bars, unti-unting
ang ilan sa mga komedyante mula doon ay nagiging OA na. Sa kanila, parang wala
nang pagkakaiba ang pagpapatawa sa panghahamak ng kapwa at hindi na kailangang maging responsable kapag nagbibiro't nagkakatuwaan.
Anuman ang ating trabaho o ginagawa, ito ay pagigiit ng ating kapangyarihan. Mapanlikhang kapangyarihan na ginagamitan ng isip. At ang mga bunga ng ating paggawa ay ekspresyon ng ating pagkatao. Patunay din ito ng ating kapangyarihan kumpara sa hayop. Halimbawa, ang isang magsasaka ay nagtatabas ng damo sa kanyang palayan upang igiit ang kanyang kapangyarihan laban sa tumutubong sukal sa kanyang panananim.
Anuman ang ating trabaho o ginagawa, ito ay pagigiit ng ating kapangyarihan. Mapanlikhang kapangyarihan na ginagamitan ng isip. At ang mga bunga ng ating paggawa ay ekspresyon ng ating pagkatao. Patunay din ito ng ating kapangyarihan kumpara sa hayop. Halimbawa, ang isang magsasaka ay nagtatabas ng damo sa kanyang palayan upang igiit ang kanyang kapangyarihan laban sa tumutubong sukal sa kanyang panananim.
Ganoon
din sa palagay ko ang mga komedyanteng katulad ni Vice Ganda. Maaari rin nilang
gamitin ang kanilang pagpapatawa upang igiit ang kanilang kapangyarihan para
magamit ito sa iba pang dimensiyon ng kanilang iba’t-ibang personal na paniniwala.
Paniniwala na mayroong tiyak na makikinabang liban sa kanilang sarili. Ang panggagahasa,
sabi nga, ay hindi lamang ukol sa libog o krimen sa ngalan ng laman kundi higit
sa lahat, ukol ito sa marahas na pagigiit ng lakas at kapangyarihan ng mga
malalakas sa mga mahihina, anuman ang edad, anuman ang kasarian ng biktima. Katulad
ng mga palabas sa telebisyon ngayon na nagwawasiwas pa ng mga lisyang
pagpapahalaga. Kagaya rin ng mga balitang ibinabalita kapwa nina Vice Ganda at
Jessica Soho sa kanilang mga show, ang
usaping ito na kanilang kinasasangkutan, sana naman ay kapulutan din natin ng
aral.
Mananatiling
si Vice Ganda si Vice Ganda at si Jessica Soho si Jessica Soho pagkatapos nito.
Unti-unti ay huhupa na rin ang lagnat (o kumbulsyon) na dulot nito sa cyberspace. Habang tayo na kanilang mga
tagapanood, ay patuloy pa ring magiging biktima ng "panggagahasa" ng isipan ng
mga komedyante at iba pang
showbiz personalities.
No comments:
Post a Comment