Kahit
ang magkatunggali, anuman ang kalabasan ng kanilang tunggalian, ay kapwa lumilikha
ng kasaysayan.
Ito
ang aral na mapupulot natin sa sagupaang Jerwin Ancajas (29-1-1 with 20 KOs) at
Jonas Sultan (14-3 with 9 KOs) sa Sabado, ika-27 ng Mayo, 2018 (sa Pilipinas) na mapapanood natin live sa ESPN 5 mula Fresno, California.
Ang
makasaysayang enkwentro ay ang unang world championship fight sa pagitan ng
dalawang Pinoy sa loob ng 93 taon. Noong 1925, tinalo ni Pancho Villa sa
pamamagitan ng UD si Clever Sencio at napanatili ng una ang kanyang korona sa
world flyweight noon. Mandatory challenger ni Ancajas ang kababayang si Sultan
na ika-limang ulit na sasampa sa ring para idepensa angsuot niyang IBF junior
bantamweight belt.
Isinulat
ko rin sa blog entry na mababasa mo kung iki-click mo ito, kung papaano naging makasaysayan ang Pinoy versus Pinoy na labang
ito.
Ipapalabas
ang laban sa Channel 5, Aksyon TV at ESPN 5.com ay hatid ng MP Promotions at
Knuckleheads Pro Boxing Fraternity sa pakikipag-tulungan sa Joven Sports
Promotions. Si Wayne Hedgpeth na siyang tatayong reperi ng laban at ang mga
judges ay ang mga taga-California na sina Jonathan Davis, Daniel Sandoval at
Zachery Young at si Robin Scott ng New Jersey ang magiging supervisor.
Langit
at lupa ang layo ng estilo ng dalawang boksingero sa isa’t-isa. Poetiko ang
pagsasalarawan dito ni Ed Tolentino, isang sikat na boxing analyst: “You have Ancajas, the skilled tactician who
dissects foes with clinical precision. And then you have Sultan, who offers an
unconventional style that almost borders on the kamikaze.” Para kay
Tolentino, bentahe at angat sa sagupaan ang kampiyon na si Ancajas. Kung
susumahin, mas maraming karanasan naman ito talaga kaysa kay Sultan na may 29
na naging laban habang 14 lamang ang sa huli.
Pero
para kay Edito Villamor na trainer ni Sultan, hindi umano mahalaga ang bilang
ng laban para sa pandaigdigang kampiyonato. Sabi niya, “Kahit anong record yan, kahit anong experience yan, mawawala lahat
(pagdating sa ring).” Idinagdag pa ni Villamor na kukuha ng inspirasyon si
Sultan kay Vasyl Lomachenko na naging world champion agad sa ikalawang
professional fight lamang. Si Sultan ay pinanday ng suntukang-kalye kaya tiyak
na magpupukol ito ng pakyawan at malulutong na suntok.
Hinulma
si Ancajas sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite ni Joven Jimenez, habang si
Sultan ay produkto ng kilalang ALA stable sa Cebu. "There are many great fighters in the Philippines, and I am happy
that Jonas and myself can share this big stage. We are making history, and I am
glad that we can fight to see who is the best," ani Ancajas. Sinegundahan
naman ni Sultan ang kababayang kampiyon. Aminado si Jimenez na ang lahat ng mga
challenger ay mapanganib.
Masaya
na naman ang mga boxing aficionado sa weekend na ito. Pahinga muna tayo sa mga
balitang pulitika sa Linggo.
Pero
ang pulitika ay parang boksing na kahit ang magkakalaban ay sama-samang lumilikha
ng kasaysayan sa kumpas ng pusok ng kanilang tunggalian…
---------
References
: http://news.abs-cbn.com/sports/05/22/18/boxing-ancajas-jonas-sultan-present-battle-of-contrasting-styles
Photo: Boxing Scene.Com
No comments:
Post a Comment