Kung mayroong pelikulang halos may dalawampu’t-limang ulit ko na ‘atang napanood (at patuloy pang pinapanood sa DVD) ay ang “Enter the Dragon” ni Bruce Lee. Ang pelikulang ito na idinirehe ni Robert Clouse ay una kong napanood sa Golden Gate Theatre ng pamilya Castillo. Ito ay ang lugar na kinatatayuan ngayon ng Novo dito sa San Jose.
Maliban kay Lee, gumanap din dito ang mga Hollywood stars na sina John Saxon, Jim Kelly, Robert Wall, Anna Capri at ilang Chinese actors sa pangunguna ni Kien Shih sa papel na Han. Ang martial art film classic na ito na may original title na “Blood and Steel”ay isinulat ni Michael Allin at prinodyus ng Warner Brothers exactly 35 years ago. February rin noon taong 1973 nang ito ay matapos i-shooting at ini-release noong August 19 nang nasabi ring taon sa Amerika. Huwag na ninyo akong tanungin kung anong grade ako nang una ko itong mapanood. Ang masasabi ko lang, me kadobol pa ang pelikula noong araw. Isang Tagalog at isang English.
Hindi ko ikukuwento dito ang synopsis, plot, sequels, fight scenes, o iba pang detalye’t inside story tungkol sa “Enter the Dragon”. Gusto ko lang ibahagi sa inyo na ang “Enter the Dragon” o si Bruce Lee in particular ay “ipinakilala” ko noon pa sa aking katorse anyos na ngayon na panganay at kaisa-isahang anak na lalaki. Kagaya nang kung papaano halimbawa “ipinakilala” sa kanya ng telebisyon o media si Bugs Bunny at ang Disney World, hanggang kay Tim Duncan at ang NBA, si The Undertaker at ang WWF,- nang hindi ko alam. Sa mga pagkakataong nakakaligtas siya sa aking “parental guidance”.
Unang niyang nakilala si Lee,- hindi lamang bilang isang martial artist kundi isang philosopher, sa kauna-unahang librong iniregalo ko kay Yobhel na may pamagat na “Letters of the Dragon -Volume 5” noong graduation niya sa San Jose Pilot Elementary School. Ito ay isinulat nina John Little at ng balo ni Lee na si Linda Lee Cadwell. Isang regalo na naglalayong maging intresado siya sa martial art partikular sa Jet Kune Do, imbes na sa cosmetology at iba pang kaugnay na interes, bagama't nasa kanya na iyon kung 'yun talaga ang gusto niya. Pero sa halip na sa Kung Fu siya magkahilig ay sa Pilosopiya siya naging ganado. Mabuti na iyon kaysa sa iba pa!
Kadalasan, may nais tayong mangyari sa ating mga anak na hindi natutupad ayon sa ating inaasahan. Ang mahalaga ay kung papaano tayo nakikipag-ugnayan sa kanila at sa bawat events of our life .. bilang mga ama ng tahanan. Kagaya ngayon, maikuwento ko lang,- hindi namin pagsasawaang panoorin ng sabay ang “Enter the Dragon” o kaya ay patuloy itong pag-usapan kapag walang ibang magawa,- kapag nag-aasaran ... kapag naghaharutan. Sabi nga ni Bruce Lee, “Life is a constant process of relating”.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment