Wala pa ring malinaw na balita hinggil sa insidente ng pag-puga ng tatlong inmates sa Magbay Provincial Jail sa San Jose, Occidental Mindoro noong ika-1 ng Abril, 2008 na nakilalang sina Junjun Talamisan na may kasong murder, kasama ang sina Jeffrey Servano at Edmund Estuesta. Oo,.. April Fools Day noon nang sila ay “maloko” ng mga bilanggo. Hay,..buhay!
Si Talamisan ay napatay ng mga tauhan ng BJMP at local police matapos umanong mang-hostage ng isang bata nang siya ay abutan ng mga awtoridad sa Brgy. Bayotbot sa nasabi ring munisipalidad. Ayon sa report ng pulisya, tinutukan ng kutsilyo ni Talamisan ang hostage nang siya ay barilin ng isang pulis pero nag-jam ang baril nito hanggang sa mag-agawan sila sa patalim at habang sila ay nag-papambuno, nasaksak ng pulis sa dibdib ang nasukol na pugante na siyang ikinamatay nito.
Kung paniniwalaan ang news report na lumabas sa Pilipino Star Ngayon noong Abril 3, taong kasalukuyan, ang mga bilanggo ay umakyat umano sa perimeter fence kaya naka-takas bandang alas dos y medya ng hapon that day.
Si Servano ay itinuring na Public Enemy No. 1 sa kalapit na Bayan ng Magsaysay na ang notoriety ay bukambibig hanggang sa karatig na Barangay ng Mapaya. Maliban sa ilang reklamo ng pagnanakaw, may kaso pa ito ng rape bagama’t hindi humantong sa korte. Pangalawang ulit na niya itong pagtakas mula sa kamay ng batas. Mga pulis ng Magsaysay ang sumakote kay Servano kaya ito muling naibalik sa kulungan hanggang sa ito ay tumakas sa Magbay Jail noong nakaraang Huwebes. As of this posting, on going pa rin ang ginagawang investigation at manhunt operation ng San Jose Police Station ukol sa pagtakas.
Sana sa huli ay maging malinaw sa madla kung sila ay tumakas mula sa jail o mula sa ibang lugar. Bakit ‘kanyo? Simula kasi nang ang kulungang ito ay ilipat mula sa Bonifacio St. sa Brgy. Poblacion III ng San Jose patungong Brgy. Magbay noong late 70s, hindi lamang may mahaba itong listahan ng mga insidente ng pagtakas, may ulat din na may mga pagkakataong nagpapalabas ng mga inmate dito para sa ilang pagawaing (pagtatanim ng palay, paggagapas, pagtatayo ng antenna,.. at iba pa) pang-gobyerno at pribado nang walang Court Order.
Sino ang makakalimot sa kaso ni Elizabeth Albacino na naganap noong ika-14 ng Agosto, 2003, maglilimang taon na ngayon ang nakalilipas? Si Elizabeth na noon ay disi-sais anyos na high school student ay ginahasa at pinatay sa Sitio Upper B1, Brgy. Central, San Jose. Pinatay siya sa pamamagitan ng pagpalo ng malaking tipak ng bato sa ulo. Ang itinuturong salarin dito ay grupo ng mga pinalalabas na bilanggo sa nasabing jail upang mag-trabaho sa pribadong palayan o bukid.
Hanggang ngayon, katulad ng pagtakas ng mga bilanggo noong isang linggo, wala pa ring linaw ang kaso ng kaawa-awang si Elizabeth. Yung mga tao at grupong dati’y mainit sa pagsuporta sa kaso (ni Elizabeth) ay naging ningas cogon lang,.. na huwag naman sanang kahantungan ng imbestigasyon sa pagkakatakas ng mga bilanggo noong nakaraang Martes.
Dagdag na detalye,- in case hindi ninyo alam, katulad ng ibang panlalawigang bilangguan sa bansa, ang Magbay Provincial Jail ay under ng Provincial Governor.
For the record , sa kaso ni Albacino, ang governor noon ay si JTV habang ngayon sa pagtakas nina Servano, et al, ay si Gov. Nene Sato.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment