Patay on the spot ang dalawang anak ni MIMAROPA Department of Trade and Industry (DTI) Regional Director Joel B. Valera nang sumalpok sa isang naka-paradang trak ang kanilang sinasakyang kulay itim na Nissan Terrano sa isang bahagi ng kahabaan ng West Coast National Highway sa Brgy. Bubog, San Jose, Occidental Mindoro kanina bandang alas-12:20 ng madaling araw. Ang mga nasawi ay ang magkapatid na Joelle Dominique,20 at Joelle Cecilia, 18 na pawang mga estudyante sa kolehiyo at nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Ang magkapatid ay umuwi para sa semestral break at All Saints Day.
Ayon sa report mula sa himpilan ng pulisya, ang 10-wheeler truck ay pag-aari ng negosyanteng si Zaldy Culla at may plate number na CFF 910 habang ang sasakyan ni Valera ay may plakang RAN 377. Ang trak ay minamaneho ng isang Leandro Geron ay tumatahak sa nasabing daan nang ito ay masiraan at habang ito ay kinukumpuni ay nabangga ito ng sinasakyan ng mag-aamang Valera. Sakay din sa likurang bahagi ng Terrano ang ina ni Joel Valera na si Flor. Sa kasalukuyan, ligtas na sa kapahamakan ang mga matatandang Valera. Galing sa Abra de Ilog ang pamilya Valera. Sinundo lamang ng nakatatandang Valera ang kanyang mga anak sa Abra de Ilog Pier sakay ng Ro-Ro mula sa Batangas. Kargado ng palay ang trak at napag-alamang hindi ito naglagay ng early warning device habang kinukumpuni. Galing ito ng Calintaan at maliban sa ito ay hindi nilagyan ng early warning device, hindi ito maayos na naiparada sa gawing iyon ng kalsada.
Si Joelle Cecilia Valera ay dating Editor in Chief ng The Divine Lens (2006-2007) at Valedictorian mula sa 179 highschool students na gumradweyt sa Divine Word College of San Jose (DWC-SJ) sa 44th Commencement Exercises ng nasabing paaralan. Nagkamit rin siya ng mga sumusunod na parangal noong taong iyon: Arnold Janssen Award for Academic Excellence at JP Laurel Award for Academic Excellence. Sa kanyang Valedictory Address noong March 29, 2007 ay may binanggit siyang ganito: "...Though the time has come to say farewell, this celebration will only be made complete by our expression of profound gratitude to you who have taken care of our well-being in the spring of our lives. It is with you that we share this moment of glory."
Wednesday, October 29, 2008
Monday, October 27, 2008
Sulyap sa Aktibismo sa San Jose at OMECO Rally
Sabihin na lang nating humigit-kumulang ay 300 participants ang dumalo sa Save OMECO Prayer Rally na ginanap noong Biyernes, Oktubre 24, 2008. “Manipis” ito at talaga namang hindi umabot sa 500 participants na target noon ng mga organizer. Pero overall ay naging matagumpay ito kung ang ating susukatin ay ang komitment ng mga dumalo. Wala ring kaguluhang nangyari maliban na lamang nang sa unang bahagi ng rali ay ikinasa din ng mga empleyadong loyalista ni GM Alex Labrador ang sound system sa harapan ng mga ralyista. Tinapatan nito ang aming mga trompa at siyempre ay hindi namin pinayagan na matalo ang aming sound system. At nagsimula na nga ang programa bandang alas-2 ng hapon.
Palibhasa ito ay broadcasted over DZVT, sa punto ng issue awareness at information dissemination ay tagumpay itong maituturing. Kahit papaano ay gumawa ito ng ingay. Isang panlipunang ingay na bihi-bihirang marinig sa Kanlurang Mindoro. Isang ingay na noon ay musika sa tenga ng ating mga homegrown activist. Masiglang ingay na unti-unting pinipi ng kanilang mga huling pagpapasya at pagpapahalaga. Nasaan na sila ngayon? Mamamaya ikukuwento ko….
Kumbaga sa dahon, kuluntoy na kundi man panat ang antas ng militansya at aktibismo sa lalawigan. Hindi na ito mataas kagaya noon. Pero may pag-asa pa naman matapos kong makita ang hanay ng mga kabataan kabilang ang mga seminarista noong Biyernes. Kung babalikan natin ang kasaysayan ng student activism partikular dito sa San Jose, naging mayabong ito noong early ‘70s. Sa kanya ngang lathalain na pinamagatang “Missionstagebuch” noong Abril 14, 1972 sinulat ni Msgr. Wilhelm Duschak, SVD, na: “In the college (Divine Word College of San Jose) there are already spreading Communistic and Maoist ideas with red paint hammer and sickle are scattered on the walls…” Ganyan ka-astig noon ang ating mga lokal na aktibista. Dagdag pa dito ang idealismo ng mga kasapi ng Khi (or Chi) Rho Movement, ang Federation of Free Farmers (FFF) youth arm sa Occidental Mindoro. Bumagsak ang unang sigwa ng aktibismo dito sa atin matapos ang kalakhan sa mga kilalang lider ay nagpasyang mamuhay ng “tahimik” o magpa-enlist sa Philippine Constabulary (PC). Hindi nila nakayanan ang lupit at katusuan ng Batas Militar.
Bago patalsikin si Marcos at sa unang mga taon matapos ang EDSA 1, kaalinsabay halos ng pagpasok ng mga kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Aquafil Estate sa Brgy. Bubog, bukambibig sa mga kampus ang LFS o League of Filipino Students at ang pangalan ng kanilang mga lider. Noon umusbong ang mga kilalang personahe sa larangan ng social activism na ngayon ay naririnig pa natin. Naging palasak lalo ang LFS nang maging kaisa ito ng Alliance of Concerned Teachers-Occidental Mindoro o ACTOM sa pagpapatalsik kay G. Bernabe B. Macaraig, Pangulo ng Occidental Mindoro National College (OMNC) noong 1987. Muling nagtagumpay ang estado sa pagsugpo sa aktibismo dito sa atin. Ang mga aktibistang ito ngayon ay mga pulitiko na rin o kaya naman ay propagandista na ng mga bigating pulitiko. Mayroon namang iba na wala na dito sa atin o kaya naman ay nasa ibang bansa na.
Ito ang punto ko: tunay na mahihirapan tayong kagyat na pag-alabin ang aandap-andap na diwa ng aktibismo dito. Hindi natin kaagad na maaasahan na bigla ay “kakapal” ang mga dadalo sa mga susunod nating pagkilos. Ang isyu man ay pagmimina, STL, graft and corruption, political dynasty at iba pa. Doble kayod tayo sa pagpapapamalay….
Siyanga pala, noong Sabado sa kanilang Board Meeting ay natanggap na ng BOD ng OMECO ang Audit Report mula sa National Electrification Administration o NEA. Saka ko na ikukuwento ang buong detalye ng ulat pero pabor sa mga nag-rally sa harap ng opisina ng OMECO noong Biyernes ang resulta. Kagaya ng ating inaasahan.
Sa ng pagiging “manipis” ng pagkilos, muling nabuhay ang dugong tibak ng mga laman ng lansangan noon dahil sa Save OMECO Prayer Rally noong Biyernes. Kagaya ni Jose “Jun” Norella, Jr. na isa sa mga rally organizer na nag-iwan ng isang mensahe at hamon: “Patikim pa lang ito… Magra-rally uli tayo sa Nobyembre!”
Kagaya ng standard extro ng mga ralyista sa alinmang pagkilos, ito lang ang aking masasabi : “Babalik kami, mas marami!”
By the way, may internet connection na kami ulit…

Sunday, October 19, 2008
Mission:Save OMECO
Halos dalawang linggo na kaming na-disconnect sa internet. Narito ako ngayon sa isang internet café sa Rizal St. sa San Jose. Magulo ang paligid. Nasa tabi ko ang mga maiingay na kabataang naglalaro ng computer. Para tuloy akong isang alien na napadpad sa isang kakaibang planeta. Parang isang OFW na wala sa sariling bansa. Sa kabila nito, kailangan kong paglabanan ang pagkakainis sa kanila na aking nararamdaman. May kailangan akong isulat ngayong araw. Generation gap lang siguro itong inis ko sa kanila…
Ngayon ay ika-19 ng Oktubre at ginugunita ang tinatawag na World Mission Sunday. Itinatampok ng Simbahang Katoliko ang kahalagahan ng misyon. Oo, nga pala,- ang taong 2008 ay Taon ni Apostol Pablo at ngayon ay Ika-2000 Taon ng pagtatangi sa kanyang pag-mimisyon. Sabi nga, ang misyon ay hindi lamang daw tumutukoy sa lugar kundi sa sitwasyon. Ibig sabihin, hindi na kailangang lumabas ka pa sa iyong tinitirhan,- tahanan, pamayanan o bansa para magbahagi ng sarili para sa iba. Sa madaling salita, para maglingkod. Kaya hindi lamang ito tumutukoy sa sitwasyon ngunit higit sa gawain, sa pagkilos o sa ating ginagawa.
Kung ito ay tumutuon din sa pagkilos, mas mabuting mabatid natin sa ating sarili kung ang ating ginagawa bang pagkilos sa araw na ito ay may pinagkaiba sa ginawa nating pagkilos kahapon? Mahirap maging tunay na misyunero ang isang taong ang kanyang mga pagpapasya at ginagawa ay hindi dumadaloy, hindi sumusulong, hindi humahayon kada araw na lumipas. Kung ito ay nananatiling naka-bagak lamang. Sa isang misyunero, ang buhay ay hindi normal kaya hindi boring. Sa akin, iyan ang konteksto ni Pido Dido noon ng Sprite sa pagsasabing “Normal is boring…” At sabi nga sa isang nabasa ko, “Walang taong dinadakila ang hindi gumawa ng pagbabago sa paghayon ng panahon at naghangad ng pagbabago sa mundo at lipunang kanyang kinagisnan."
Speaking of pagbabago, matindi na talaga ang paghahangad ng pagbabago sa loob ng Occidental Mindoro Electric Cooperative o OMECO hindi lamang ng mga mamamayan kundi ng mga empleyado mismo nito. Inaasahang ilalabas na ng National Electrification Administration o NEA ang isinagawang NEA Audit Report nito bago matapos ang buwan. Ang tanong na lang ay kung magiging tuntungan kaya ito ng BOD para umaksyon nang kontra kay GM o ide-dedma lang nila ang report. Anu’t-ano pa man, inaasahang sa Biyernes ng hapon, ika-24 ng Oktubre ay maglulunsad ng isang multi-sectoral prayer rally ang pansamantalang tinatawag na Save OMECO Movement para sa ikaliliwanag ng isipan ng lahat ng BOD sa kabila ng pressure sa kanila ng ilang puwersang pulitikal dito sa atin. Inaasahang makapagmo-mobilisa ng mga participants mula sa Magsaysay hanggang sa Sablayan. May regular na pulong kasi ang BOD sa Sabado.
Marami pang mga susunod na hakbangin. Basta ang mahalaga sa mga lugar, sitwasyon at gawaing walang katiyakan kagaya ng ating pagkilos na ito para iligtas ang ating kooperatiba, magandang tayo ay maging mapang-angkop at magkaroon ng konting pasensya.
Kagaya ko na ngayon na tila misyunero sa ibang mundo, wala sa sarili kong balwarte (ang aming opisina) sa harap ng computer na hindi ko nakasanayan…..

Sunday, October 12, 2008
IP Week Ambahan
Ginugunita ng mga Katoliko sa buong bansa ngayon,- ika-12 ng Oktubre, ang tinatawag na Tribal Filipino Sunday. Sa buong isla ng Mindoro ang buhay, pamumuhay at kabuhayan ng mga Mangyan ay naging tampok sa misyon ng Simbahan simula pa noon. Ang Kristiyanismo ba ay nakatulong o mas naka-sagka pa sa pagpapaunlad ng katutubong kultura’t tradisyon? Anuman ang naging impluwensiya ng Kristiyanismo sa katutubo, mananatili ang katotohanang sa kabila nang hirap ng buhay, ng hindi natin pagkilala sa kanilang kultura at karapatan bilang mamamayan ay matatag pa rin silang humaharap sa daluyong ng makabagong panahon at temang binuod sa isang “ambahan” (tula) ng mga Hanunuo:
Kawayan sa may inwag
Labong una naragdag
Puon danga lungalag
Panggamot di maayad
Sa daga mabanayad…
(Bamboos with the climbing vine
Even if the leaves fall down
The trunk will be strong and fine
Firmly rooted, straight they stand
In good and fertile land…)
Kawayan sa may inwag
Labong una naragdag
Puon danga lungalag
Panggamot di maayad
Sa daga mabanayad…
(Bamboos with the climbing vine
Even if the leaves fall down
The trunk will be strong and fine
Firmly rooted, straight they stand
In good and fertile land…)
Thursday, October 9, 2008
Omeco Again
Kahit hindi masilayan ang araw at parang uulan ay humugos noong Septyembre 30, 2008 sa tanggapan ng Occidental Mindoro Electric Cooperative o OMECO ang ilang prominenteng consumer nito upang humingi ng kopya ng ilang mahahalagang papeles ng kooperatiba. Mga bagay na pawang public documents naman. Hinarap sila ni GM Alex Labrador ngunit tumanggi itong pagbigyan ang pormal na kahilingan ng grupo dahil ipaaalam pa umano niya (GM) ito sa BOD. Ewan ko kung ano ang magiging aksyon dito ng BOD. Sabi nga ni Ka Popoy noon: “Tingnan (na lang) natin.”
Mababasa sa Article 3, Section 7, of the Bill of Rights sa ating Saligang Batas na: “The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized. Access to official records, and to documents and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizens…” Ganyan din halos ang probisyon ukol dito sa By-Laws ng OMECO.
Ang masakit, sa kanilang interpretasyon dito at sa Code of By-Laws ng OMECO, hindi talaga nararapat na ilabas o kumuha ng sipi (photo copy) ng anumang dokumento mula sa OMECO sapagkat ito umano ay ipinagbabawal. Hindi maaaring ilabas ng (mga) opisina kahit kopya man lamang ng mga ito. Maaari lamang itong busisiin at basahin. Hindi kagaya sa National Bookstore na, “ private reading is not allowed”. Sa OMECO, “… only private reading is allowed…(?) Hindi sana ito kasama sa Ten Commandments ng meter reader ng OMECO.
Whew!... kunsabagay, sabi nga ni Anthony Taverna,- kung gaano raw kadami ang mga abogado sa Pilipinas ay ganoon din kadami ang opinyon nila sa isang tukoy na batas. Pero sa kasong ito, halatang namimilosopo lang ang OMECO GM. Kahit siguro sinong mahistrado sa Korte Suprema ay tiyak na mahuhulog sa upuan sa katatawa kung ang legal na interpretasyong ito ang igigiit mo. Kailangan mo kasi ng photographic memory na mas masahol sa pa dolphin bago mo ma-scan ang saku-sakong papeles na iyon. O kaya ay artificially inseminated ka ng Minolta, Nikkon, Cannon o Ricoh. O ‘di kaya naman ay produkto ka ng experimental cross breeding ng tao at ng xerox machine. O kaya ang puwet mo sa iyong pag-uwi ay mag-iimprenta’t magluluwal ng papel ‘simbilis ng hp deskjet 3550.
Salungat sa lohika at praktika ang interpretasyong ito. Palusot na lang talaga ito in plain and simple word. Ang mas masaklap, sa legal na interpretasyong ito ay isina-sangkalan pa para gawing inutil ang batas,- o ang mismong Code of By-Laws ng OMECO. Para itong Melamine sa chocolate bar na made in China na bigay mo sa syota mo. O kaya ay sa Mommy niya….
Sinu-sino nga ba ang bumubuo ng BOD ng OMECO? Here is the line up… (boses ala-Vincent Price ang intro):
• Jerry R. Villanada (President and Board Chairman)
• Francisco T. Servando (Vice Secretary)
• Samuel A. Villar (Secretary)
• Melito C. Pasol (Treasurer)
• Leonardo S. dela Fuente (Member)
• Myna Galindo-Magno (Member)
• Arsenio C. Samson (Member)
Sana ay magliwanag ang kanilang mga isipan hindi lamang katulad ng streetlights na awtomatikong sumisindi kapag madilim ang kalangitan, kundi katulad nang matinding sikat ng araw sa tanghaling tapat…..
------------
(Post Script : Tinawag na “Save OMECO Peoples Forum” ang aktibidad na inilunsad noong Sabado, ika-4 ng Oktubre, sa San Isidro Labrador Formation Center (SILFC) sa bayan ng San Jose. Humigi’t-kumulang sa 100 participants mula sa SAMARICA ang dumalo dito. Kabilang sa mga naging resource speaker ang mismong mga OMECO employees na sina Ms. Cora Agustin, Mr. Jess Fordan, Engr. Ricky Gonzalez at Engr. Alfred Dantis. Kabilang ang mga BOD Members na sina Arsenio C. Samson, Samuel A. Villar at Francisco T. Servando. Ang members ng Core Group na nag-share ay sina Daisy del Valle-Leaño, Msgr. Ruben Villanueva at Jose Norella, Jr. Umpisa pa lang daw ito ng mga serye ng mga hakbangin para ILIGTAS ang OMECO…)

Wednesday, October 8, 2008
CIAC Met!
“Hindi kinakailangan ang ganyang mga pagpapamalay sa Kanlurang Mindoro dahil wala namang kaso ng paggamit sa mga bata sa digmaan dito sa atin”. Malamang ay ganito rin ang inyong magiging reaksyon kung may magpapanukala sa iyong maglunsad ng Forum on CIAC sa alinmang eskuwelahan dito sa atin. Ipagpalagay na natin na walang ganitong reported case dito pero hindi nangangahulugan na walang nagyayaring ganito dito. Does it mean na ‘pag walang reported cases ay hindi na ito nangyayari? Pero ano ba ang CIAC?
Ang CIAC ay acronym ng Children Involved in Armed Conflict. Sa Pilipinas, isa sa mga organisasyong tumututok sa isyung ito ay ang Philippine Coalition to Protect Children Involved in Armed Conflict o Protect CIAC. Isa itong grupo na tumataguyod sa karapatan ng mga bata. Patuloy itong nananawagan sa pamahalaan at sa pangkalahatan upang ipagpatuloy na harapin ang hamon at gampanan ang kanilang obligasyong masugpo ang paggamit sa mga kabataan bilang kasapi ng armadong grupo.
Noong Oktubre 2005 ay isa ako sa mga dumalo, bilang kinatawan ng Occidental Mindoro,- sa Workshop for the Development of Community-based Disarmament, Demobilization and Reintegration Framework for CIAC in the Philippines, at ganito namin binigyan ng depinisyon ang CIAC: “..any person below 18 years of age who becomes a member of any armed group, state and non-state, in pursuit of their ideological, political and cultural belief. They can function as combatant or non-combatant. Mode of membership can vary from being forced, recruited, personal decision to join armed groups. A CIAC may or may not be aware of the belief/s of the armed group.”
Noong ika-30 ng Setyembre at ika-1 ng Oktubre, 2008 ay naglunsad ag Protect CIAC sa pakikipag-ugnayan ng Vicarial Schools Office (VSO) ng Bikaryato Apostoliko ng San Jose ng Forum on CIAC and the United Nation’s Covenant on the Rights of the Child (UN CRC) sa Holy Family Academy (HFA) sa Brgy. Central sa San Jose at Colegio de San Sebastian (CDSS) sa bayan ng Sablayan. Kung pagsasama-samahin, hindi kukulangin sa 1,200 mga high school students ang dumalo dito. Pangunahing nagging tagapagsalita sa dalawang forum ay ang National Coordinator ng Protect CIAC na si Marco P. Puzon.
Noon pa mang nakaraang buwan ay ikinasa na ang inisyal sa paglulunsad ng Forum on CIAC sa pamamagitan ng Vicarial Coordinator ng VSO na si Fr. Giovanni “Jojo” Gatdula at staff nito na si Ms. Rose Bulawan. Sa kanilang mga pananalita at mensahe, pinasalamatan nina Gng. Librada C. Espinas, Principal ng HFA at Bb. Nimfa Yance ng CDSS ang Protect CIAC sa umano’y, “mapagpamulat na pagkakataong ito ukol sa karapatan ng mga bata.”
Sabi nga ng ipinamahaging polyeto ng koalisyon, “…likas na masalimuot ang isyu ng CIAC, may mga aspetong pulitikal, moral, ekonomiko, ideolohikal, relihiyon at sosyal na paninindigan ang kakabit nito na nakaka-apekto sa mga bata, mga pamilya at mga komunidad na naapektuhan ng digmaan. Ang pagsali ng isang bata (o maging ng matanda) sa digmaan, bilang sundalo man o rebelde ay may pinagmulan at dahilan….”
Ang lahat nang ito ay dapat na mapag-aralan, matuklasan at maintindihan kung bakit labag sa karapatan ng mga bata ang kanilang pakikilahok sa armadong grupo.
Wala nga kayang child soldier o dili kaya ay CIAC sa Occidental Mindoro na ginagamit kapwa ng AFP at ng NPA?

Saturday, October 4, 2008
Dalampasigan Ko
Kalakhan ay pribado nang totoo
Ang dalampasigan nung bata pa ako
Sa mga dayuhang pulitiko’t negosyante na ito
Mga maimpluwensiya, sikat at tinitingalang tao…
Ang mga ito ang nagtaboy sa akin
Upang ‘di makasamyo ang sariwang hangin
At dumakot, magpa-gulong-gulong sa buhangin
Nang walang kapalit na pera o bagay na mamahalin…
Pero hindi nila kailanman maibebenta at maipagbibili
Ang dagat sa Bubog sa aking guni-guni…
Sapagkat pera lamang ang kanilang maipagmamalaki
Kung sa dating ganda nito sila’y ‘di naging saksi….
-------
(Hindi lamang sa Brgy. Bubog. Malaking porsyento na ng beaches sa Occidental Mindoro, kabilang ang sa mga isla ay nai-convert na bilang mga resort at rest house sites. Sa Sablayan, Calintaan, Mamburao at kung saan-saan pa. Darating ang panahon, hindi na tayo makakapag-tampisaw sa dagat nang libre.)

Subscribe to:
Posts (Atom)