“Hindi kinakailangan ang ganyang mga pagpapamalay sa Kanlurang Mindoro dahil wala namang kaso ng paggamit sa mga bata sa digmaan dito sa atin”. Malamang ay ganito rin ang inyong magiging reaksyon kung may magpapanukala sa iyong maglunsad ng Forum on CIAC sa alinmang eskuwelahan dito sa atin. Ipagpalagay na natin na walang ganitong reported case dito pero hindi nangangahulugan na walang nagyayaring ganito dito. Does it mean na ‘pag walang reported cases ay hindi na ito nangyayari? Pero ano ba ang CIAC?
Ang CIAC ay acronym ng Children Involved in Armed Conflict. Sa Pilipinas, isa sa mga organisasyong tumututok sa isyung ito ay ang Philippine Coalition to Protect Children Involved in Armed Conflict o Protect CIAC. Isa itong grupo na tumataguyod sa karapatan ng mga bata. Patuloy itong nananawagan sa pamahalaan at sa pangkalahatan upang ipagpatuloy na harapin ang hamon at gampanan ang kanilang obligasyong masugpo ang paggamit sa mga kabataan bilang kasapi ng armadong grupo.
Noong Oktubre 2005 ay isa ako sa mga dumalo, bilang kinatawan ng Occidental Mindoro,- sa Workshop for the Development of Community-based Disarmament, Demobilization and Reintegration Framework for CIAC in the Philippines, at ganito namin binigyan ng depinisyon ang CIAC: “..any person below 18 years of age who becomes a member of any armed group, state and non-state, in pursuit of their ideological, political and cultural belief. They can function as combatant or non-combatant. Mode of membership can vary from being forced, recruited, personal decision to join armed groups. A CIAC may or may not be aware of the belief/s of the armed group.”
Noong ika-30 ng Setyembre at ika-1 ng Oktubre, 2008 ay naglunsad ag Protect CIAC sa pakikipag-ugnayan ng Vicarial Schools Office (VSO) ng Bikaryato Apostoliko ng San Jose ng Forum on CIAC and the United Nation’s Covenant on the Rights of the Child (UN CRC) sa Holy Family Academy (HFA) sa Brgy. Central sa San Jose at Colegio de San Sebastian (CDSS) sa bayan ng Sablayan. Kung pagsasama-samahin, hindi kukulangin sa 1,200 mga high school students ang dumalo dito. Pangunahing nagging tagapagsalita sa dalawang forum ay ang National Coordinator ng Protect CIAC na si Marco P. Puzon.
Noon pa mang nakaraang buwan ay ikinasa na ang inisyal sa paglulunsad ng Forum on CIAC sa pamamagitan ng Vicarial Coordinator ng VSO na si Fr. Giovanni “Jojo” Gatdula at staff nito na si Ms. Rose Bulawan. Sa kanilang mga pananalita at mensahe, pinasalamatan nina Gng. Librada C. Espinas, Principal ng HFA at Bb. Nimfa Yance ng CDSS ang Protect CIAC sa umano’y, “mapagpamulat na pagkakataong ito ukol sa karapatan ng mga bata.”
Sabi nga ng ipinamahaging polyeto ng koalisyon, “…likas na masalimuot ang isyu ng CIAC, may mga aspetong pulitikal, moral, ekonomiko, ideolohikal, relihiyon at sosyal na paninindigan ang kakabit nito na nakaka-apekto sa mga bata, mga pamilya at mga komunidad na naapektuhan ng digmaan. Ang pagsali ng isang bata (o maging ng matanda) sa digmaan, bilang sundalo man o rebelde ay may pinagmulan at dahilan….”
Ang lahat nang ito ay dapat na mapag-aralan, matuklasan at maintindihan kung bakit labag sa karapatan ng mga bata ang kanilang pakikilahok sa armadong grupo.
Wala nga kayang child soldier o dili kaya ay CIAC sa Occidental Mindoro na ginagamit kapwa ng AFP at ng NPA?
Wednesday, October 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment