Wednesday, October 29, 2008

Trahedya sa Lansangan

Patay on the spot ang dalawang anak ni MIMAROPA Department of Trade and Industry (DTI) Regional Director Joel B. Valera nang sumalpok sa isang naka-paradang trak ang kanilang sinasakyang kulay itim na Nissan Terrano sa isang bahagi ng kahabaan ng West Coast National Highway sa Brgy. Bubog, San Jose, Occidental Mindoro kanina bandang alas-12:20 ng madaling araw. Ang mga nasawi ay ang magkapatid na Joelle Dominique,20 at Joelle Cecilia, 18 na pawang mga estudyante sa kolehiyo at nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Ang magkapatid ay umuwi para sa semestral break at All Saints Day.

Ayon sa report mula sa himpilan ng pulisya, ang 10-wheeler truck ay pag-aari ng negosyanteng si Zaldy Culla at may plate number na CFF 910 habang ang sasakyan ni Valera ay may plakang RAN 377. Ang trak ay minamaneho ng isang Leandro Geron ay tumatahak sa nasabing daan nang ito ay masiraan at habang ito ay kinukumpuni ay nabangga ito ng sinasakyan ng mag-aamang Valera. Sakay din sa likurang bahagi ng Terrano ang ina ni Joel Valera na si Flor. Sa kasalukuyan, ligtas na sa kapahamakan ang mga matatandang Valera. Galing sa Abra de Ilog ang pamilya Valera. Sinundo lamang ng nakatatandang Valera ang kanyang mga anak sa Abra de Ilog Pier sakay ng Ro-Ro mula sa Batangas. Kargado ng palay ang trak at napag-alamang hindi ito naglagay ng early warning device habang kinukumpuni. Galing ito ng Calintaan at maliban sa ito ay hindi nilagyan ng early warning device, hindi ito maayos na naiparada sa gawing iyon ng kalsada.

Si Joelle Cecilia Valera ay dating Editor in Chief ng The Divine Lens (2006-2007) at Valedictorian mula sa 179 highschool students na gumradweyt sa Divine Word College of San Jose (DWC-SJ) sa 44th Commencement Exercises ng nasabing paaralan. Nagkamit rin siya ng mga sumusunod na parangal noong taong iyon: Arnold Janssen Award for Academic Excellence at JP Laurel Award for Academic Excellence. Sa kanyang Valedictory Address noong March 29, 2007 ay may binanggit siyang ganito: "...Though the time has come to say farewell, this celebration will only be made complete by our expression of profound gratitude to you who have taken care of our well-being in the spring of our lives. It is with you that we share this moment of glory."

3 comments:

  1. saklap naman... kaka-graduate palang ni jade, at kaka-pasa sa chemistry board exam tapos gnun na nangyari...

    ReplyDelete
  2. Thanks for the comment Bub. Let us pray for the eternal repose of their souls

    ReplyDelete
  3. our grtitude 4 updating us of what are the latest news in our prvnce even wer in far away land. my condolences to the family. i'm from dwc also.

    ReplyDelete