Halos dalawang linggo na kaming na-disconnect sa internet. Narito ako ngayon sa isang internet café sa Rizal St. sa San Jose. Magulo ang paligid. Nasa tabi ko ang mga maiingay na kabataang naglalaro ng computer. Para tuloy akong isang alien na napadpad sa isang kakaibang planeta. Parang isang OFW na wala sa sariling bansa. Sa kabila nito, kailangan kong paglabanan ang pagkakainis sa kanila na aking nararamdaman. May kailangan akong isulat ngayong araw. Generation gap lang siguro itong inis ko sa kanila…
Ngayon ay ika-19 ng Oktubre at ginugunita ang tinatawag na World Mission Sunday. Itinatampok ng Simbahang Katoliko ang kahalagahan ng misyon. Oo, nga pala,- ang taong 2008 ay Taon ni Apostol Pablo at ngayon ay Ika-2000 Taon ng pagtatangi sa kanyang pag-mimisyon. Sabi nga, ang misyon ay hindi lamang daw tumutukoy sa lugar kundi sa sitwasyon. Ibig sabihin, hindi na kailangang lumabas ka pa sa iyong tinitirhan,- tahanan, pamayanan o bansa para magbahagi ng sarili para sa iba. Sa madaling salita, para maglingkod. Kaya hindi lamang ito tumutukoy sa sitwasyon ngunit higit sa gawain, sa pagkilos o sa ating ginagawa.
Kung ito ay tumutuon din sa pagkilos, mas mabuting mabatid natin sa ating sarili kung ang ating ginagawa bang pagkilos sa araw na ito ay may pinagkaiba sa ginawa nating pagkilos kahapon? Mahirap maging tunay na misyunero ang isang taong ang kanyang mga pagpapasya at ginagawa ay hindi dumadaloy, hindi sumusulong, hindi humahayon kada araw na lumipas. Kung ito ay nananatiling naka-bagak lamang. Sa isang misyunero, ang buhay ay hindi normal kaya hindi boring. Sa akin, iyan ang konteksto ni Pido Dido noon ng Sprite sa pagsasabing “Normal is boring…” At sabi nga sa isang nabasa ko, “Walang taong dinadakila ang hindi gumawa ng pagbabago sa paghayon ng panahon at naghangad ng pagbabago sa mundo at lipunang kanyang kinagisnan."
Speaking of pagbabago, matindi na talaga ang paghahangad ng pagbabago sa loob ng Occidental Mindoro Electric Cooperative o OMECO hindi lamang ng mga mamamayan kundi ng mga empleyado mismo nito. Inaasahang ilalabas na ng National Electrification Administration o NEA ang isinagawang NEA Audit Report nito bago matapos ang buwan. Ang tanong na lang ay kung magiging tuntungan kaya ito ng BOD para umaksyon nang kontra kay GM o ide-dedma lang nila ang report. Anu’t-ano pa man, inaasahang sa Biyernes ng hapon, ika-24 ng Oktubre ay maglulunsad ng isang multi-sectoral prayer rally ang pansamantalang tinatawag na Save OMECO Movement para sa ikaliliwanag ng isipan ng lahat ng BOD sa kabila ng pressure sa kanila ng ilang puwersang pulitikal dito sa atin. Inaasahang makapagmo-mobilisa ng mga participants mula sa Magsaysay hanggang sa Sablayan. May regular na pulong kasi ang BOD sa Sabado.
Marami pang mga susunod na hakbangin. Basta ang mahalaga sa mga lugar, sitwasyon at gawaing walang katiyakan kagaya ng ating pagkilos na ito para iligtas ang ating kooperatiba, magandang tayo ay maging mapang-angkop at magkaroon ng konting pasensya.
Kagaya ko na ngayon na tila misyunero sa ibang mundo, wala sa sarili kong balwarte (ang aming opisina) sa harap ng computer na hindi ko nakasanayan…..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hi, eunice here... open my blog (http://eunicenovio.blogspot.com) he he he...
ReplyDeleteclick mo tuloy ung mga ads dun para kumita naman ako...
p.s. subscribe ka sa googleads para may advertisement ka rin...
Insan,-
ReplyDeleteHindi tinanggap ng Googleads yung request ko. Hindi raw puwede yung ginagamit kong language. Ayaw nilang tanggapin ang Tagalog (Filipino) buti pa ang Vietnamese gusto nila. Kawawa talaga ang wikang Filipino at mga nagpasyang gumamit nito.
Eniwey, OK lang wala akong ads, hindi ko naman layunin ang kumita sa blog ko e... ang tumanggap ng donation pwede... he,he,he, (rin)
See you this sem break...
Norms,
ReplyDeletemasyadong talagang malayo mamburao. di namin alam mga isyu sa omeco e. binulatlat ko ang blog mo pero mukhang walang nakalagay na mga isyu puro balita ng pagkilos. sana mag-post ka naman ng isyung kinahaharap ng omeco lalo na yung audit report ng coa.
wala akong magawa dito kaya sinusubukan kong gumawa ng blog ng nsdp. puro pics pa lang laman dahil kulang pa sa materyales. (dalaw mo naman @ http://nsdp-mamburao.blogspot.com,paki comment na din kung pano mapapaganda!)di ito official blog ng parokya.
link ko blog mo sa blog ko (sa ayaw mo at sa gusto!he he he)
Pards:
ReplyDeleteAng mga isyu ay nananatiling ang mga alegasyon laman ng Open Letter na nai-post ko na. 'Yung Audit Report ay wala ako sa posisyon na ibukas dahil sa ilang bagay na internal na napagkasunduan ng mga leader-convenors ng movement. Binigyan ng chance ng NEA na sagutin ang nilalaman ng report up to November 20 'ata. Sasagutin ito ng BOD,GM at Dept. Managers. May ilan pang legal actions na hindi pa maaaring ilabas at i-detalye. Patuloy ang paglulunsad sa VF-I ng mga education campaign. Nasa NEA ang bola ngayon at sa BOD,- habang wala pa rilang opisyal at konkretong posisyon sa kasasapitan ni GM. I'll keep you posted... Thanks.