Sunday, March 22, 2009
Anino ng Pitkin
Tutok marino na naman ang inaabot sa amin ngayon ng mga nagpapatupad ng Service Contract No. 53 ng Pitkin Petroleum Ltd. at ng Department of Energy (DoE) sa kanilang isinasagawang community consultations para sa isasagawang Seismic Survey sa ilang tukoy na barangay sa Kanlurang Mindoro. Pero ngayon ay sa tabi-tabi na lang kami at hindi na rin nakikipag-tarayan sa Open Forum dahil mismong ang Pamayanang Kristiyano o Pakris na ang kumakastigo sa kanila ng mga tanong at akusasyon. Pangiti-ngiti na lang kami sa tabi. At naglulunsad kami ng sarili at patuloy naming sesyon ng konsiyentisasyon at pagpapamalay. Daig pa namin dito ang anino ng Pitkin…
Ewan ko tigas pa rin ang kakatanggi ng mga taga Pitkin na iba ang Mining kaysa sa Oil Exploration at ang pagkakaibang ito ay malinaw daw sa legal at teknikal na mga reperensiya. “Ipalagay na, pero pareho itong pagkuha ng anumang bagay sa ilalim ng lupa? Hindi ba pareho itong bubutas sa itaas na bahagi ng lupa?” Tanong ng isang palaban na matandang babaeng lider sa So. Upper Ticol, Brgy. Pitogo sa bayan ng Rizal nang sila ay maglunsad ng konsultasyon doon noong Miyerkules, ika-18 ng Marso, 2009.
At para mairehistro ng mga Pakris ang kanilang pagtutol sa Oil Exploration sa aming lalawigan na kapwa isinusulong ng aming mga lider-pulitika, maliban sa paglulunsad ng mga pag-aaral ay gumugulong na rin sa bawat barangay na tatamaan ng 2D Seismic Survey ang Signature Campaign kontra sa nasabing proyekto at ang pagsasabit ng mga anti-oil exploration streamers sa mga matataong lugar.
Malihis lang ako ng konti. Tuwing panahon ng Kuwaresma sa buong ‘Pinas ay inilulunsad sa pamamagitan ng mga Social Action Center (SAC) ng bawat diyosesis ang programang tinatawag na Alay Kapwa o AK. Ang AK ay isang Lenten Campaign ng Simbahang Katolika sapul pa noong 1975 na nagtatampok ng gawaing pagbabahagi ng time, talent and treasure para sa ating mga kapatid na kapus-palad kaakibat ng ebanghelisasyon o pagpapamulat. Mayroon itong tema kada taon at para ngayong 2009 ay ganito ang theme: “Love, Share, Empower. Citizenship Building and Solidarity Toward a Culture of Peace and Integrity of Creation.” Ang mga pinansiyal na kontribusyon sa AK ay ginagamit sa iba’t-ibang proyekto ng Social Services Commission (SSC), in our case.
Sa kanyang AK message ngayong taon, ganito ang habilin ni Bishop Broderick S. Pabillo, DD na siyang National Director ng National Secretariat for Social Action o NASSA : “Furthermore, we cannot be in good standing with God if we do not respect the things He has made… This is our primal vocation as human beings. Therefore our social responsibilities to society and our environment are NOT peripheral to our being good Christians. We cannot be good Christians with our being good citizens working for justice, peace and truth in our society and without being good stewards of God’s Creation!”
Noong Biyernes ng hapon, ika-20 ng Marso,- ay muli na naman naming binuntutan ang Pitkin sa So. Mangat, San Pedro, Rizal sa kapareho ring pagtitipon. Maigting din na pagtutol ang bumulaga sa kanila mula sa mga Pakris at mga mamamayan matapos ang kanilang presentasyon. Sa aming pagtataya, mukhang resolbado na ang DoE at ang Pitkin na ituloy ang Oil Exploration at babrasuhin tiyak ng mga ahensiyang ito ang aming mga lokal na lider pulitika para matuloy ang proyekto ayon sa panahong kanilang inaasahan. Paulit-ulit nilang pinagdidiinan na wala nang magagawa dito ang mga mamamayan sapagkat aprobado na umano ito ng mga nakakataas. Sabi nga ni Kagawad Dodoy Bayubay ng San Pedro, “Sila ‘yun…Sila payag pero kami hindi !!” Hudyat na sa isyung ito ay maghihiwalay ang pananaw ng mga taumbayan kaysa sa aming mga political leaders (na sa ibang isyu ay magkabangga) sa hinaharap.
Sana ay maunawaan ng mga taga DoE at Pitkin maging sa magkabilang panig ng pampulitikang bakod sa Kanlurang Mindoro na ang lahat ng anyo ng pagiging makasarili kagaya nang hindi pagiging sensitibo ay contrary to the virtue of love, ‘ika nga. Sabi nga sa Compendium of the Social Doctrine of the Church, No. 461 : “Man’s pretension of exercising unconditional dominion over things heedless of any moral considerations is a serious disrespect to the God of love”.
Sa Diyos na labis na nagmamahal sa atin na kahit ang kanyang bugtong na anak ay isunugo Niya....
--------
(Photo: SSC File, taken from Brgy. Malpalon, Calintaan, Occ. Mindoro)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ingat lang tayo dahil ang militar hindi nila kayang ihiwalay ang pagtingin na ang aktibista o ang mga tutol sa mga "anti-development projects" ay hindi katulad ng mga rebolusyunaryo (NPA). Para sa kanila, pareho lang lahat. Umasa tayo na sunod-sunod na naman ang pagpasok ng militar sa mga lugar na iyong binanggit.
ReplyDeleteSana patnubayan tayo ng Diyos at umasang ang nangyar kay Rebelyn Pitao at sa marami pang biktima ng karahasan ay hindi mangyari sa atin.
kairos
nasa Mangat din po ako noong may public consultation doon ang Pitkin. Halos ipangalndakan nila na wala na kayong magagawa dahil pumayag na ang mga lider ng ating pamahalaan. Malaking katanungan tuloy sa isang kabataang katulad ko na kung totoong pumayag ang ating governor sa proyektong ito, bakit hindi sya lumantad at tahasang ipahayag ang kanyang pagsuporta sa proyektong ito. Kung totoong ang proyektong ito ay para sa kapakinabangan ng Occidental Mindoro, hindi ba lalantad at maninindigan ang governo? Malinaw lang na ang katotohanan na hindi talaga ito para sa kapakanan ng buong lalawigan.
ReplyDeleteDear Kairos:
ReplyDeleteWala pa naman akong nakikitang presensya ng militar o pulis sa mga lugar na iyon. Umaasa pa rin ang sambayanang Mindorenyo sa sinasabi ng mga militar na hindi sila gagawi sa pagpu-protekta ng mga grupong minero at sa mga gawaing kontra-insurhensiya lamang sila tutuon. Ngunit tunay na sa karanasan ng bansa ay maraming pagkakataon na nagagamit ang mga ito sa mga tinatawag na developmental agression ng pamahalaan na nagluluwal kadalasan ng mga paglabag sa karapatang pantao. Congratulations with prayers sa iyong current academic endeavors...
Dear Anonymous:
Tama ka sa iyong punto pero hindi man lantaran (o opisyal) na magbigay dito ng pahayag ang pamahalaang panlalawigan ay hindi naman maitatanggi na pabor sila sa oil exploration. Una ay nang mag-isyu sila ng liham noong 2006 para sa kooperasyon ng mga LGU sa mga pampamayanang gawain at iba. Sa ilang pampublikong pahayag ay binabanggit din ng ating Punong Lalawigan na malaki ang maitutulong ng proyekto sa atin, at iba pa.
By the way, sa April 13 nga yata ay may naka-iskedyul na konsultasyon at paghaharap ang Pitkin at ang SP sa Mamburao para dito. Isa pa, maging ang kampo ng mga Villarosa, batay sa kanilang mga recent gesture ay pabor din sa oil exploration (maging sa mining in general) basta umano matitiyak ang mga safety measures hinggil dito.
Nananatili ang tindig ng mga Pamayanang Kristiyano at ng lokal ng Simbahang Katolika sa pagtutol dito. Salamat sa pagbisita...
PS- Bakit hindi ka nagpakilala sa akin noon sa Mangat?
Bakit unang isinasagawa ang IEC para sa dalawang geophysical studies ng Pitkin? Hindi ba dapat at higit na mahalagang ipakilala sa atin ang nilalaman ng Petroleum Service Contract 53 sa pagitan ng DOE at Pitkin? Ano nga ba ang nilalaman nito? Para nga ba ito sa pambansang interes? Makakatulong nga ba ito sa Occidental Mindoro? Dapat po itong tingnan at suriin sa ngayon, baka po matulad ito sa kontrata sa pagitan ng OMECO at IPC na naging talunan ang member-consumer.
ReplyDelete