Sunday, March 15, 2009
Mga Magkakarne
Tinedyer na ako noon kaya madali ko pang mailalarawan ang itsura ni Tata Abe. Mabilog ang kanyang katawan na angkop sa kanyang bilugan ding mukha. Suot ang kanyang tsinelas na goma, kamisetang may mga tilamsik ng dugo, tirintas ng sari-saring uri ng kutsilyo sa bewang at kulay puting labakarang naka-tali sa ulo, siya ang unang taong makikita mong babagtas sa hindi pa sementado noong Bonifacio Street. Mas nauuna pa siyang tumatapak sa kalye kaysa sa mga batang naglalako ng pandesal na gawa sa Panaderia De Oro at maging sa mga tindera ng gulay sa palengke.
Wala pa halos alas-dos ng madaling araw ay uuga-uga na ang katawan niya sa kalsada patungo sa Pamilihang Bayan ng San Jose na noon ay kadikit lamang ng Slaughter House noong ito ay ‘di pa naililipat sa Brgy. Pag-Asa,- malapit sa lugar na ibang karne ang inilalako, hanggang sa muli itong ilipat sa Brgy. Magbay. Oo, si Tata Abe ang pinaka-beteranong matansero o matadero at magkakarne sa aming bayan.
Panahon na ngayon ng Kuwaresma at isa siya sa mga taong naaalala ko kapag sumasapit ang ganitong panahon. Isang Huwebes Santo ng gabi kasi, habang ako ay papunta sa Pasyunan kila Aling Charing ay naka-salubong ko si Tata Abe na patay-lasing at pasuray-suray sa kalsada. Tatlong ulit pa itong nadapa sa noo'y ma-grabang daan. Balita ko ay halos araw-araw at walang patid na tumutoma ang matandang magkakarne pero malagihay lang at hindi kagaya noon. Inalalayan ko siya papauwi at habang naka-sampay sa aking balikat ang kanyang maigsi ngunit matabang braso, ay sinabi niya sa akin na sinadya niyang uminom nang marami dahil wala naman siyang katay o pasok sa matadero kinabukasan. Dangan nga kasi Biyernes Santo kinabukasan at wala halos nagtitinda ng karne sa palengke. Day off nga pala ng mga matadero kapag Biyernes Santo dahil “day off” rin ng mga Katoliko sa pagbili at pagkain ng karne sa okasyong iyon.
At habang ako ay pabalik na sa tambayan namin sa Pasyunan ay itinanong ko sa sarili: “Ilang hayop na kaya ang pinahirapan at pinatay ni Tata Abe?”. “Ang mga matadero ba ay mas walang takot, sa panahong ipinagtatanggol niya ang sarili, na pumatay ng tao kaysa sa ibang tao, halimbawa ang isang magsasaka?”. “Ano kaya ang kaibhan ng pagpapahirap at pagpatay ng tao kaysa sa pagpatay ng hayop?”
Iwan muna natin si Tata Abe. Kung ang pinag-uusapan natin ay ang pagpapakasakit o pasyon ni Hesus, wala nang tatalo pa sa ipinakita ni Mel Gibson sa pelikulang “Passion of the Christ”. Sabi pa nga, yun daw mga pang-tortyur na kagamitang ginamit dito ay siya ring mga tunay (o malapit na replika) na kagamitang ginagamit ng mga Romano noong panahon ni Hesus. Ngayong malapit na naman ang Semana Santa, marami na naman sa atin ang muling panonoorin ang nasabing pelikula sa DVD (Noong panahon ko, ang malimit naming pinapanood sa betamax kapag Mahal na Araw ay ang “Ten Commandments” ni Cecille B. De Mille na likha pa noong 1956).
Grabe naman talaga ang mga eksena ni Gibson. Isang dram ‘ata na pekeng dugo ang ginamit dito, lalung-lalo na sa eksenang kinaladkad si Kristo papalayo ng posteng bato matapos pagpapaluin. Pero okey lang ‘yun. Ang karahasang ipinakita dito ay sapat lang para tumimo sa ating puso kung papaano nagpaka-sakit si Hesus alang-alang sa sitwasyon ng tao (hindi lamang sa ating mga kasalanan, ha..). Isa lang ang medyo puna dito ng ilang progresibong teologo: ang huling sandali lamang umano ng buhay ni Hesus ang binigyang-diin at hindi binigyang pansin kung bakit siya pinahirapan at pinatay. Kung papaano niya itinaboy ang mga mapagsamantalang negosyante sa Templo at pinagbantaang ito ay wawasakin. Kung papaano siya naging biktima ng kawalang katarungan sa harap ng batas ngunit una rito ay kung papaano niya tinuligsa ang mga mapang-aping sistema sa kanyang panahon kaya siya siguro ipinagsakdal at pinatay. Hindi lamang basta namatay si Hesus kundi Siya ay pinatay ng mga mataderong kabig ng pamahalaan noon. Hindi umano kumpleto ang ipinakita ni Gibson sa pelikula. Kagaya ng buhay ni Rizal na hindi magiging kumpleto at mawawalan ng katuturan kung ang mga huling bahagi lamang ng kanyang buhay mula Intramuros hanggang sa Bagumbayan ang iyong ipapakita.
Pero sa darating na Mahal na Araw, hindi na “Ten Commandments” at “The Passion of the Christ” ang panonoorin namin ni Yobhel sa DVD. Ayon sa isang film review na nabasa ko, may hindi napansing religious references ang mga film critic sa pelikulang “The Wrestler” ni Darren Aronofsky na isinulat ni Robert Siegel. Ang lead star dito ay si Mickey Rourke sa papel ng isang laos na wrestler na si Randy “The Ram” Robinson. Nang mabasa ko ang ginawang review dito ng mga kagaya ni Mike Parnell na mababasa mo rin dito, ay naenganyo rin akong mapanood ito ngayong Holy Week. Intresado ako sa pag-uugnay dito ng isports (o entertainment) at pananampalataya.
Kagaya ng “Ten Commandments” ni De Mille ang “The Wrestler” ay talo rin sa Best Film Category ng katatapos na Oscar Awards na alam ninyong napanalunan nga ng “Slum Dog Millionaire”, isang pelikulang maganda rin daw at inspiring ang pagkakagawa.
Siya nga pala, si “The Ram” sa pelikula, kagaya ni Tata Abe,- ay bumagsak sa pagiging magkakarne matapos kumupas sa wrestling. Inialay ni "The Ram" ang kanyang katawan (laman o karne), hinayaang itong dustahin at dungisan para lamang makapagpasaya at aliwin ang ibang tao kapalit ng salapi. Kagaya ng mga babaeng makikita mo sa tinatawag naming Gitna (read: red light district), sa lugar na may mga patay-sinding ilaw malapit sa dating karnihan o katayan sa amin. Hindi kaya may mga banal na aral din tayong mapupulot sa mga magkakarne sa mundo, maging yaong sarili nilang laman ang kanilang ipinagbibili?
Kung ang Salita ay naging “karne”, ano kaya ang simbolismo at kahulugan ng karne sa atin bilang isang Kristiyano?
---------
(Photo grabbed from www.slashfilm.com)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kapag ako'y mahirap at palaging gulay at isda ang kinakain, sapagkat di hamak na mahal ang karne sa palengke, sa panahon ba ng pag-aayuno at abstinensya ay di pa rin ako kakain ng karne?
ReplyDeleteang literal na kahulugan kasi ng ayuno ay isang full meal lamang sa isang araw (at ang hirap sa canon law ay di ito ispisikong nagsasabi ng sukat ng isang full meal [ibig sabihin ang full meal ng magsasaka ay di kagaya ng full meal ng isang estudyante sa elementarya), o kung ang ibig sabihin ng isang full meal ay wala nang iba pang pagkaing kakainin sa naturang araw na iyon[ibig sabihin, isang beses lamang kakain]), samantalang ang abstinensya ay yung HINDI PAGSASAGAWA NG MGA NAKAGAWIANG GAWAIN NA, NA NAGDUDULOT NG SAYA O GINHAWA.
halimbawa ng absteninsya ay ito: kung nagyoyosi ka, di magyoyosi sa isang araw (mahirap yun!); kung addict ka sa friendster, di ka mag-friendster sa isang araw (mahirap din yun sa mga kabataang pinoy!).
balik lamang tayo sa aking tanong: kung lagi akong naggugulay o isda, di ba dapat namang ako ay magkarne sa miyerkules ng abo at biyernes santo? (MS)
Wala bang nutritionist na Canon Law expert para malaman talaga ang katanggap-tanggap na sukat ng isang full meal?
ReplyDeleteKung ang pag-aayuno ay hindi lamang pagkain ng full meal sa isang araw kundi isang paraan din ng sakripisyo, hindi kaya ang pagkain ng karne sa isang VEGETARIAN tuwing Ash Wednesday at Biyernes Santo ay isang sakripisyo rin?
At katulad ng sabi mo, Sir MS sa isang post mo, ang pag-aayuno at abstinensiya o pagsasakripisyo ay may kaakibat na panalangin at kawanggawa....
MS sa amin sa panahon ng Kwaresma, mahal ang isda. kaya isda man o karne parehong sakrispisyo ang pagbili lalo pa't kung ang papakainin mong anak ay kalahating dosena o mahigit pa.Araw-araw ay ayuno sa mga pamilyang Filipino na maraming anak at kumikita lamang ng kakarampot.Araw-araw ang pagdurusa ng mga kapatid nating nakikibaka para sa katarungan.
ReplyDeleteSA panahon ng Kwaresma,ang tanging gagawin ko ay alalahanin ang mga martir ng sambayanan na tulad ni Kristo ay nagbuhos ng dugo para sa katubusan ng ating mga "sins".
pwede po bang malaman ang full list ng local official ng san jose pati narin board member ng district 2
ReplyDeleteDear Anonymous:
ReplyDeleteHere's the list:
Mayor Romulo "Muloy" M. Festin
Vice Mayor Emmanuel "Toto" T. Agustin
Councilors:
Joel "Jiji" Aguilar
Victoria "Vicky" Villaroza
Edgardo "Guy" Abeleda
Renato "Allen" Tan
Dr. Senen Zapanta
Allan Ismael (appointed as substitute for deceased Cesar Asilo)
William Almogela
Marjoree Sales (ABC President; ex-officio)
District 2 Board Members:
Sonny Pablo
Rod Agas
Nathan Cruz
Gerry Dela Fuente (ABC Prov'l. President; ex-officio member)
Sugar Villaroza
Salamat sa pagbisita..
spking of kawanggawa o charity, d poor does not need charity but justice said karl marx. almsgiving are the way of d ruling class not to work for justice at para hindi makoncncya ang mga rich wyl preserving der status and robbing d maralita of der rights. we must instead fight and build a just social order and not depend on charity. ‘wat can u say bout dat, dude?
ReplyDelete-Mindoro Turk
Dear Turk:
ReplyDeleteSabi ni BXVI sa kanyang sulating “Deus Caritas Est” (No. 26) ay ganito:“It is true that the pursuit of justice must be a fundamental norm of the State and that the aim of a just social order is to guarantee to each person, according to the principle of subsidiarity, his share of the community's goods. This has always been emphasized by Christian teaching on the State and by the Church's social doctrine.”
Ganito lang kasimple ito sa aking palagay. Hindi kagaya ng mga Marxista, ang mga Kristiyano ay naniniwala na hindi lamang maililigtas ang mga mahihirap sa pamamagitan ng gawaing para sa katarungan kundi lalo na ng gawaing para sa pag-ibig. Sabi nga sa Mikas 6, 8 : “Itinuro na niya sa iyo, O tao, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong ibigin ang iyong kapwa, at buong pagpakumbabang sumunod sa iyong Diyos.” Sa huling anim na salita nito makikita ang pundamental na pagkakaiba ng Marxismo at Kristiyanismo.
Salamat uli sa pagbisita, Dude..
salamat po sa pagsagot sa aking inquiry...pwede po ba ulit malaman kung saansg political wing sila i mean the sato wing or the villarosa's,im doing a study about politics in mindoro. thanks...
ReplyDeleteDear Anonymous :
ReplyDeleteYou may call me at (043) 491-4973 para maka-establish tayo ng communication line aside from this blog. Para maibigay ko sa iyo ang aking e-mail address at pribado ko itong sagutin. Baka kasi sumabit ako kung isasapubliko ko agad ang sa palagay ko ay kanilang mga political affiliations. Wala pa akong instrumentong magpapatibay sa aking pagsusuri dito. Mababaw pa kumbaga. Besides, 'sing bilis magbago ng weather vane ang kanilang mga political loyalty!
Sana ay maunawaan mo at salamat uli sa pagbisita...
kasin,
ReplyDeletepa-upload ng link ng pix ko jan tnx
http://www.triond.com/users/dyoma0607
hallo I'm visitin U....nice to know U friend.Good Blog...i wanna give u a gift by click your ads....have a nice day....pls adding me Ok...
ReplyDeleteDear Jojo:
ReplyDeleteOkay. Your wish is my command. I'll upload it today..
Dear Ms. Lidia:
Nice to know that a cyber friend from Indonesia visited my blog. Thank you for the visit and I'll include you in my blogroll. See you at BC.
Salamat ng marami !(Thank you very much)
-Halconite
Dear Jojo:
ReplyDeleteSa blogroll ko lang muna inilagay baka magmukhang photo blog o photo album ang blog ko e..he,he,.
Pag may nakita akong widget o badge na bagay sa iyo, iyon ang ilalagay ko. Thanks again...