Thursday, March 19, 2009

Da Gradweyts '09


Panahon ngayon ng Commencement Exercises o Graduation. Sa Kolehiyo, Elementarya at maging sa Hayskul. Hindi n’yo man naitatanong, ang Educational Assistance (o Scholarship) Program ng Bikaryato Apostoliko ng San Jose ay nakapailalim sa Alay Kapwa (AK) Apostolate ng aming Komisyon.

Apat sa labing anim na beneficiaries ng programa na pawang mga estudyante ng kolehiyo ang ga-gradweyt ngayong taon. Sina Dickson A. Magan ng Occidental Mindoro National College (OMNC), BSED at mula sa Parokya ni Santa Teresa; Cristy E. Cabonegro ng Divine Word College of San Jose (DWCSJ), BSA at mula sa Parokya ni San Jose, ang Manggagawa (Katedral); Christine Joy Bautista ng DWCSJ, BSA ng Holy Cross Parish; Annely C. Fernando, DWCSJ, BEED at mula sa San Jose, Ang Esposo (Central); at Veronica U. Fernandez, OMNC, BSMA at mula sa Parokya ng Mabuting Pastol. Parang kaylan lang ay mga uhugin pa ang mga ito at ngayon ga-gradweyt na pala.

Marami sa kanila ay mga working students at mga kaanak ng mga taong naglilingkod sa kani-kanilang mga parokya. Mga katekista, lay minister, mga nagta-trabaho sa kumbento, sa mga tanggapang pastoral at mga mahihirap na lider ng mga Pamayanang Kristiyano na kailangang agapayan para makapagpa-aral ng anak. Mga estudyanteng kahit salat ay matiyagang nag-aaral at mulat sa mga usaping panlipunan. Mga kabataang dumaan sa paghuhubog ng aming tanggapan. Alay ko sa kanila ang posting na ito at narito ang panalangin para sa kanila:

“Dear God, pour out your blessing upon our new graduates. Guide them in their journey to greatness. Show your power and majesty to this troubled and sinful nation through these young Filipinos who will strive to live lives of righteousness and excellence. Make them healers of our wounded people and restorers of our broken land. Anoint them as the new generation of living heroes who will bring this country to our destiny of greatness.”

Ang panalanging ito ay galing sa Commencement Speech ni Tony Meloto sa Ateneo de Manila noong 2006 na may pamagat na “The Eagle Will Not Fly Without the Poor” na mababasa natin dito. At sana ay maging inspirasyon sa mga estudyanteng sumusubaybay sa “Pamatok”,- katulad ni Mindoro Turk, ang speech na ito at lalung-lalo sa graduating "scholars" ng Bikaryato, kasama ang mga seminarian na sina Jeffrey Agnas at Ronnie Cuyos na kapwa magtatapos ng BSE sa DWCSJ. Ang dalawang seminarista ng St. Joseph College Seminary (SJCS) ay pawang mula sa Parokya ni Sta. Teresa de Avila sa bayan ng Magsaysay at mga isla ng Iling at Ambulong.

…..Teka, si Yobhel nga pala ay ga-gradweyt na rin ngayon sa hayskul at happy graduation sa kanila ni Patrick. Maligayang bati sa lahat ng mga magsisipagtapos!

(PS: Kung may gusto kayong batiin ng Happy Graduation ay gamitin n'yo lang ang comment box ng blog na ito.)

---------
(Photo: SSC File. Ang mga Alay Kapwa- Educational Assistance Beneficiaries na sina Dickson Magan, Angelica Espiritu,Joseph Antonio, Veronica Fernandez, Rhea Sansano, Tanya Ida Paula Delos Santos, Raymund Suriaga, Juvy Almano, Edmon Delapa, Julieta Malo, Leopoldo Gregorio, Jr, Cristy Cabonegro, Christine Joy Bautista, Annelyn Fernando, Marc Christian Leido at Jamaica Villanueva. Hulaan na lang kung sinu-sino at saan sila sa larawan. Kasama rin ako at si Thess sa picture.)

5 comments:

  1. kilala ko ang mga ga-gradweyt na yan!!!
    nakakataba ng puso na malamang nagbubunga ang inyong inisyatiba na tumulong sa mga mahihirap ngunit mahuhusay na estudyante... keep up! (MS)

    ReplyDelete
  2. tamang-tama sa mga gagraduate nagbebenta ako ng mga produkto ni Tony Meloto, ang HUman Nature, mga organic shampoo, lip balm,lotion etc. ang ingredients sa products na ito ay mula sa mga beneficiary ng GAwad Kalinga Program. contact mo lang ako for orders ha.

    ReplyDelete
  3. Dear MS:

    Tumuntong lang kami sa balikat ng unang nagpasimuno ng proyektong ito sa SSC na sa aming pinakahuling pulong ay kanila itong binalik-tanawan... Salamat din daw.

    Dear Eunice:

    Hindi ko kilala si Tony Meloto, nabasa ko lang siya at so, far ito ang isa sa pinaka-magandang graduation/commencement speech na nabasa ko na mula sa isang Pinoy lately. Hindi ko alam na natural beauty products pala ang isang linya niya... totoo.

    ReplyDelete
  4. Tony Meloto - He is the founder of Gawad Kalinga. He recently released his new book “Builder of Dreams” saying it was a result of his journey in life, inspired by the good deeds and patriotism of Ninoy and Cory Aquino.

    ReplyDelete
  5. To GK :

    Can we have a complimentary copy of that book for the EAP beneficiaries of our Vicariate?

    Thank you in advance and more power...

    ReplyDelete