Monday, March 9, 2009
Babae at Mambabatas
Isang araw sana bago maaprobahan ang tinatawag na “Magna Carta of Women” ay muli na namang nalagay sa pambansang midya ang aming mambabatas na babae. Siya ang itinuturo ni Gabriela Representative Liza Maza na siya umanong buminbin sa ratipikasyon ng bicameral committee report ng nasabing panukala. Bago mag-isip nang kung anu-ano laban sa akin ang aking mga ka-lalawigan na kapanalig iya sa lokal na pulitika, paki-sulyapan na lang uli ang balita dito.
Pauna lang po. Hindi ko kinukuwestiyon dito ang panukalang batas sa kanyang ubod at laman maging ang substansiya't intensiyon nito. Talaga nga namang dapat na isulong ang pagtataguyod sa pagiging pantay ng babae at lalaki at batayang karapatang tao. Kasangga ninyo ako diyan. Pero medyo OA 'ata ang pagigiit dito ng pagkakapantay ng lalaki at babae.
Pero hindi ako natutuwa sa sinumang pulitiko na kaya lamang aatras sa kanilang dating mga paninindigan ay dahil sa “takot” o “banta” ng sinumang tao, samahan at maging anumang grupong pang-relihiyon. Hindi ako bilib sa mga mambabatas na nagpapa-tianod lamang sa tulak ng sinumang makapangyarihang lider-pananampalataya. Isama sa natin ang mga katulad nilang pulitiko na may mataas na katungkulan kaysa sa kanila. Ang kanilang mga padrino sa pulitika. O bigtaym na negosyanteng "lumilikha" sa mga pulitiko. Sa ganang akin, mabuting manindigan ka na nang tuluyan sa isang bagay na alam mong tama (na tungo sa kabutihang pang-madla, pagpapataas ng dignidad at dangal ng tao, at nagpapabanal sa kanya, at iba pa..) matapos ang sariling pagninilay at pagpapasya kaysa sa sumunod sa dikta ng ibang tao o grupo na may sariling adyenda't interes. Ang isang mambabatas ay hindi dapat basta na lamang naiimpluwensiyahan halimbawa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) maging ng Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women (CEDAW).
Hindi ang maling takot sa kasasapitan ng kanilang karera at interes sa pulitika ang dapat na manaig sa bawat kongresista, lokal man o pambansa, sa pagbalangkas at pagpapatibay ng anumang batas. Gumamit man sila ng puwersa, kapangyarihan o awtoridad o simpleng nagla-lobby lang.
Noon pa mang isang buwan ay nanindigan na ang Kapulungan ng mga Obispo sa Pilipinas o CBCP sa pamamagitan ng isang Pahayag na tinatawag na “The Dignity of Women Is Divinely Ordained” na mababasa mo rin ang full text dito.
Naninidigan sila na ang panukala ay labag sa ating Saligang Batas sa kabila na ito ay isinusulong ng pinaka-maimpluwensiya at makapangyarihang samahan sa daigdig : ang United Nations (UN) na pinagtibay sa pamamagitan ng General Assembly nito noon pang 1979. Ang mga Pilipinong mambabatas, una kanino man,- ay dapat tumuon sa mga batas para sa Pilipino at hindi para sa ibang lahi.
Ayon sa mga obispong Katoliko, ang “Magna Carta of Women” ay labag sa ating Konstitusyon. Nabasa n'yo na marahil na maraming moral and Constitutional points ang kanilang inihain dito. Ito lang ang isang medyo napansin ko, ganito ang mababasa sa bersyon sa Senado ng “Magna Carta of Women” : “No one shall invoke religious beliefs or customary norms as a means of evading compliance with this Act or preventing another person from exercising her rights.” Tunay na hindi na kailangan ang probisyong ito at pagyurak nga naman talaga ito sa religious freedom. Nasasaad kasi sa Artikulo III, Seksyon 5 ng Saligang Batas : “No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed.”
Hindi pa rin nasasagot ang mga tanong na ito ni Archbishop Oscar V. Cruz sa kanyang blog na “Viewpoint” noong ika- 4 ng Marso: “Does the ‘Magna Carta of Women’ cover the Muslim men and women? Do the Legislators mean to enforce the equality norm on the Muslim population of the Philippines?”
Imadyinin mo nga naman ang magiging reaksyon dito ng mga Muslim dahil batid naman natin na may “Muslim Personal Laws” na umiiral sa bansa at ang ilan dito ay tila sintunado sa “Magna Carta of Women” kagaya ng polygamy, early arranged marriages and unequal inheritance for women. Ang panukalang batas na ito, bago natin makalimutan, ay hindi lamang para sa mga Kristiyano o Katoliko kundi maging sa mga kapatid nating Muslim. Kaya kailangan natin itong higit na suriin, baguhin kung kinakailangan bago pagtibayin.
Ito rin kaya ang paniniwala ng babae at aming mambabatas na umano ay humarang sa pag-aproba nito noong Sabado?
------
(File Photo of Social Services Commission (SSC. "Mangyan Mother and Child". Taken by Ms. Teresita D. Tacderan)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ito lang ang simpleng basa ko:
ReplyDeletegirlie is courting the support of the RC church particularly the vicariate of san jose because as per my observation, there is this demarcation line between AVSJ community and the deputy speaker than that of AVSJ and the japanese's wife...
though the deputy speaker has her ways of winning (openly and clandestinely), it is but a big factor to have a religious backing especially so that election day is knocking...
iba pa rin kasi ang indirektang suporta na galing sa RC kesa sa hayagang suporta ng INC...
dagdag na rin ang salik na nagpapabango ang administrasyong Arroyo sa simbahang Katoliko dahil sa garapalang anomalya at korapsyon... siyempre pa, bilang attack dog (b_ _ _h) ng palasyo, natural lang na gagawin nya yun para everybody happy...
Marami ngang mga tinatawag na Muslim personal laws, ilan na dito ang child-marriage. Ito ay mahigpit na tinututulan rin ng mga kababaihang muslim. Sa isang pagtitipon, isang babaeng muslim ang nagbigay ng kanyang karanasan hinggil sa pagpapakasal sa kanya noong 9 taong gulang pa lang siya. Sabi nya, nagtatakbo siya sa gubat, pero nahuli pa rin siya. Kasama rin siya sa grupo ng mga kababaihang Muslim na sumusuporta sa Magna Carta for Women.
ReplyDeleteAng kultura ay isa sa aspeto ng buhay na nagpapahirap at nagpapalala sa sitwasyon ng mga kababaihan. Ang kultura ay hindi permanente (para ring relihiyon)at gawa lang ng tao, specifically ng mga kalalakihan. Ang kultura kung yumuyurak at nagpapahirap sa isang sektor ng lipunan ay dapat baguhin. Ang CEDAW ay tinaguriang Bill of Rights of Women, because it challenges patriarchy, it challenges culture and religious practices. It seeks to stop female genital mutilation (FGM, this is also a customary laws among the Muslim, do you think a law should not ban this?)the Magna Carta for women seeks to address discrimination and to see to it that the GAD fund is allocated rightly for gender development.
What is so amusing in this land, every law that concerns women/seeks women's rights takes a long, long time to be enacted. Take the case of anti-rape law. if not for the lobbying of women's groups, it would not materialize. the VAWC law, took a long time also. Now the Magna Carta for women might face the same fate.Only because of a privilege woman, who happened to be our representative blocks it.
Dear Eunice:
ReplyDeleteSabi ni Janice –Shaw Crouse ng Concerned Women for America, ito raw and isa pang acronym ng CEDAW:
C- Cultural Colonialism
E- Egregious Enforcement
D- Dangerous Demands
A- Abortion and the Homosexual Agenda
W- Want of the Elites vs. the Needs of the Needy
Idinagdag pa niya na: “Today’s feminists find themselves with vast storehouses of surplus political goods and bankrupt ideologies that they want to dump on the Third World. As a bonus, the impoverished, oppressed women of underdeveloped countries represent cheap political capital that the radical feminists are hungry to enlist. Having failed to establish their leftist agenda in the U.S., feminists are looking for “new lands” and “new materials”.
Hindi kaya ang kabilang sa “new lands” ang Pilipinas at “new materials” ang Magna Carta of Women? Palagay mo?
Salamat uli…
Siyanga pala. May natisod ko sa http://www.endeavorforum.org.au/articles/babette_UN.html na analysis on Feminism and the UN (na pinagmulan ng CEDAW). Try mo..
To Pawn :
ReplyDeleteReligious (read: RC) backing a factor? I thought in Occidental Mindoro there is no Catholic vote. At sabi pa nga ng iba hindi na kinikilala ng mga Pinoy ang awtoridad ng Simbahang Katoliko. Pruweba daw dito ang malawakang paggamit mismo ng mga Katoliko ng kontraseptibo. Sa ganito, bakit pa niya liligawan ang Simbahan? Any thoughts on this?
Salamat sa pagbisita...
Basta naman women's issues and concerns lalo na pagdating sa reproductive health at challenge sa patriarchy, pinagdududahan ng lahat, maging ng mga kababaihan mismo! Pero yung mga example ko sa itaas kagaya ng FGM at child-marriage, tama ba na kunsintihin iyon at pabayaan na lang na manatili? Kagaya rin sa mga katutubo, dapat ba hindi na rin natin sila tulungan? Parang batas IPRA din yan eh, at CADC at CADT kasi labag naman ang mga batas na ito sa kultura ng mga katutubo. Bakit pa isinabatas?
ReplyDeleteKung tutuusin nga dapat wala ng mga ganitong panukala eh, kaya lang patuloy ang diskriminasyon sa mga kababaihan, lalo na sa mga kababaihang minoridad, mga mahihirap atbp.
Ang tingin ng karamihan ang lahat ng tumutuligsa sa kultura at nagpapalaganap ng karapatan ng mga kababaihan ay laging may adyenda. Meron nga, ang pagkapantay-pantay ng lahat kahit ano ang lahi, kasarian, katayuan sa buhay o edad. Hindi ba't iyon ang nais ng Diyos? WAlang babae, walang lalaki, Gentil o alipin kay Kristo?
Isinusulong ang mga batas na ito para makamtan ang karapatan ng mga kababaihan sa lahat ng antas ng pamumuhay.
SA kasaysayan, ang FEminismo sa Pilipinas (hindi pa man ito PIlipinas) ay nakaugat na. Maging sa buong Asya. Sa katunayan, mas nauna pa ang mga taga Asya na maging FEminista kaysa sa mga nasa Kanluran. Ibinabalik lang ng mga Filipina ang mga karapatan na dati nang kanila.
PS.
Friend na kami ni MS
so, dude, what now? wats wrong with our d culture now of urs re women?
ReplyDelete-Mindoro Turk
Dear Turk:
ReplyDeleteIn our culture of today, the promotion of women includes taking into account the role of men. Since JPII wrote “Mulieris Dignitatem” 20 years ago not everything has been positive as far as new cultural tendencies are concerned. To promote the woman today, it is also necessary to talk about man. To talk about complementation, about the reciprocity between a man and a woman. New cultural tendencies often tend to create a conflict between man and woman, or on the other hand, to deny the differences between them.
This is the big challenge for all of us, specially tayong mga Katolikong layko. We are in a stage in which the Church has to give a positive message, of reconciliation, synthesis, reciprocity between men and women, so as to construct and build up the society and the Church. At sinusundan dito ni BXVI ang inumpisahan ni JPII.
Nevertheless there is a lot to do. Totoo, there are painful situations here in our country in which the idea of the woman is still undervalued, lalung-lalo na sa mga kanayunan. At ibinubunton natin ang lubos na sisi sa problematikong sitwasyong ito ng lipunan sa Simbahang ating kinabibilangan. At hindi natin nais na isulong ang pagtataguyod sa kababaihan sa balangkas ng moralidad at pananampalataya at ito ang pinakamasaklap.
Again, thanks for the visit, Dude…
just a thought...
ReplyDeletehindi man siguro dama ang RC vote sa occ mindoro pero ramdam naman ng kahit sinong politiko ang impluwensiya ng simbahang katoliko lalo't higit sa pagpapatalsik sa kung sino ang nasa pwesto (MArcos, Erap)... sa mga krisis at kontrobersya na kinasasangkutan ng administrasyon ngayon, kelangang bumalanse ang tayaan sa pagpapatintero, pagsasayaw ng pandanggo at tinikling ang palasyo sa simbahan...
dami pa namang nakakasang projects... pano na ang mga SOP he he
Dear Pawn:
ReplyDeleteKaunting paglalagom lang sa iyong ibinahagi: Sa Kanlurang Mindoro, sa "espiritwal" at sakramental na bagay pa lamang marahil lubusang nagtitiwala ang mga mamamayan (maging ang mga Katoliko mismo, lalung-lalo na ang mga pulitiko) sa Simbahang Katolika. Ang panlipunang papel nito ay hindi pa ganap na tanggap. Dito nagkulang o 'di ito masyadong napagtutuunang pansin ng aming mga pastol maging ng mga lider layko. Kulang pa sa alat at asim, sa palagay ko, ang aming ginagawang pag-aadbokasiya. Hindi katulad ng kaisipan, pamamaraan at halimbawang ipinapakita ng mga militante. Mga bagay na maaari naming gawin ngunit hindi lampas sa active non-violent means at iba pang prinsipyong nakatuntong sa CST o taliwas sa at iba pang turo nito.
Mas malalim na pagsusuri, pagninilay, paghatol at pagkilos pa rin ang patuloy na hamon sa amin sa bawat kinakaharap na usapin. Hanggat wala pa tayong kakayahang magpatalsik ng mga tiwaling lokal na namumuno sa pamamagitan ng pamamaraang higit sa prosesong elektoral. Hanggat may hibla pa ng hindi pagkakaisa sa pagtingin, sa pagtutol o pagpanig sa iba't-ibang mga lokal na isyung panlipunan sa aming mga sarili. Marami pang dapat gawin at kagaya ng pagpapatalsik kay Marcos at kay Erap, hindi ito kinaya ng Simbahang mag-isa kung wala ang iba pang sektor ng lipunang lumalaban sa diktaturya noon.
Muli, salamat Pawn sa ambag mong pagninilay. Mabuhay ka!