Thursday, December 27, 2012

A 2012 Look Back


On January 2, 2012 at around 9:00 am I had a private meeting with the bishop of Occidental Mindoro and right at that very moment, with a heavy heart, I tendered my resignation effective that very day. The prelate ordered something that I cannot accept. I do not want to divulge what transpired on that one-on-one and heart-to-heart talk between us. It’s private as I have mentioned. Almost teary eyed that very moment, I typed a very brief letter written in the vernacular and handed it to him right there and then. I know that my separation pay would be sacrificed as a result of that speedy decision. Anyway, all of lay employees who were retrenched from our respective pastoral offices went out receiving not even a single cross-eyed 5-centavo coin. Even our monetized leave credits. But the bishop promised when everything is settled, I will get said employees’ benefit. And that promise remained what it is: a promise. But if I and my co-lay workers have risked our lives and limbs against structural evils of society for the Vineyard of the Lord, why would I be selfish not letting an earthly treasure go? But honestly, I am positively praying then for that “catch”, like the sons of Zebedee at sea above their nets cast into the deep. Not anymore. I believe that if only God has sole decision over my supplication, God’s response would be immediate and to my favor. But God is God and God cannot be a bishop neither the financial administrator of a Particular Church. That day I left the Vicariate, my refuge for more than 20 years, with my pockets literally turned inside out. Hours later, some priests have also filed their respective leave of absence.

The following morning, that was January 3, I went to Sablayan to attend the earlier scheduled Technical Working Group (TWG) meeting in my personal capacity and no longer as a representative of the Local Church’s Social Services Commission (SSC).  A TWG composed of civil society and faith organizations along with representatives from local and national governments and Mangyan leaders tasked to draft guidelines and other preparations for sectoral representation of Indigenous People/Indigenous Cultural Communities (IP/ICC) to the Local Executive Board of LGU-Sablayan. Through his executive secretary, the local chief executive of said municipality offered me a post at the newly-created Indigenous Peoples’ Affairs Office or IPAO. Immediately I accomplished my requirements, my Personal Data Sheet and so on and that same day I was hired on a contractual basis as the IPAO-Designate. I was assigned to work with the IPs and the task is somewhat similar to my former job. After series of baptism of fire, the rests became a series of fruitful days and months at LGU-Sablayan. I was blessed I was only jobless for less than 24 hours!

2012 is a transition period from being a Church worker to a government employee. A crossover move that made me sink that “as cool as a cucumber” finger roll a-la Tim Duncan, to borrow a basketball parlance.

This major change in my career didn’t stop me from writing or blogging. To date, a have posted a total of 42 blog entries for 2012 alone. My first entry for the year was something entitled “Mangyans as Municipal Legislators” and my last is about the recent Mindoro Landing celebration in San Jose. In-between were entries hinged on personal reflections about almost anything about Occidental Mindoro.

Modesty aside, during my days I was awarded Best Writer of the Year courtesy of my Alma Mater being the Managing Editor of the New Image, our school paper at Occidental Mindoro National College or OMNC. (Many of those who read my blog erred in thinking that I am a product of a Catholic school!)  This year my eldest, 20 years of age and taking up BSED, went to Puerto Princesa to represent the same campus organ, along with other students, for the 9th Regional Higher Education Press Conference last December 7 to 9. He grabbed the 4th place in Development Communication Writing and a 5th placer in Poetry Writing in Filipino. Another writing competition was held at the Philippine Normal College in Manila last December 12 to 14 for the Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) and made landed 7th   placer in Essay Writing Category in said national writing competition. Straight from the now- defunct Saint Joseph College Seminary or SJCS (Remember this story how he get there at the SJCS?), he entered into the gates of Occidental Mindoro State College (OMSC), our Alma Mater (my wife, by the way is also an alumnus of said school) with a slam, making his presence felt!

I has a hunch that my eldest daughter who is also an OMSCian taking up Bachelor in Elementary Education (BEed) just created a blog, I was told, under a fictitious name. But judging from her academic performance and her writing scrap books, I know she writes well too. He is more into technical writing. She belongs to the Top Ten of her batch. Her thesis on child rearing got good grade from her critic teachers. 2012 made them hooked into books. Now, almost ¼ of the space of our concrete but unfinished (and lightly furnished) little abode is filled with previously owned books and other reading materials.

Talking of my two grown-ups, I am happy at least year 2012 showed me a “sneak preview”, like a movie, of what they become in the near future. They are good students, of their school, of life and of society. Aside from writing, I have taught them sense of justice and fairness by telling them not to take things that are not theirs and give things they possess to their rightful owners. Me? There are two major things I have learned this year: First, my children’s achievements this year cannot be compensated by any earthly treasures such as money or monetary leave credits and laptop computer. From now on, I will not be complaining about my being a blogger without having a computer of my own. I realized that even elevator boys do not have their own elevators!

Second, I realized that there’s also a splash of divinity and holiness in striving for good governance and government service, and not only politicians break their promise. On the other hand, not all men of cloth,-… mind their own clothes!

But above all, I thank you Lord, for a blessed 2012. ..

--------
(Photo : ColourWorld.com)




Saturday, December 15, 2012

Mindoro Landing, 68 Taon Na



Bilang isang karaniwang mag-aaral ng ating kasaysayang lokal, sa kabila na ako ay hindi isang historyador sa istriktong kahulugan ng salita, saludo ako sa ginawang paggunita ng Pamahalaang Lokal ng San Jose sa pangunguna ni Alkalde Jose T. Villarosa sa ika-68 taon ng Mindoro Landing. Ang okasyon ay ginanap sa pamamagitan ng isang parada simula sa Brgy. Bubog  tungo sa marker nito sa Aroma Beach ng nasabing bayan kahapon, ika-15 ng Disyembre 2012.

Bilang isang karaniwang mag-aaral ng ating kasaysayang lokal, feel ko na malaking bagay ang pagiging kasangga ni JTV at ng LGU sa selebrasyong ito sa mga haligi ng larangang nabanggit, na sina G. Rodolfo “Bisi” M. Acebes, Prof. Gil C. Manuel at G. Rudy A. Candelario. Ang Tatlong Mago ng Kasaysayan ng Pandurucan at Kanlurang Mindoro na malaki ang naging impluwensiya sa aking pagiging self-proclaimed social communicator. Sila ang mga top brass ng Mindoro Historical Society. Si Acebes ay malapit na kaibigan ng aming pamilya na dating editor ko rin sa Mindoro Guardian-San Jose Bureau noon. Ang pagiging mapanlikha sa panulat at ilang mga gabay bilang alagad ng sining at Simbahan ay kay Sir Gil ko naman natutunan. At si Kuya Rudy, sa kanya ko nakuha ang kahalagahan ng pananaliksik (sa pamamagitan ng simpleng kuwentuhan) sa mga tao sa  pamayanan at ng pagtatala at pagsusulat ng mga pangyayari bilang kasama ko sa Bikaryato sa matagal na panahon. Sa ganang akin, ang kanilang pag-asa ay mas marubdob pa kaysa sa mga tala at sulatin na angkin nila. Matagal-tagal na rin mula nang makausap ko ang mga ito, pero okey lang dahil sa akin, everything they do looks better at a distance.

Bilang isang karaniwang mag-aaral ng ating kasaysayang lokal, sa aking palagay ay payak ngunit siksik sa impormasyon ang naging paggunita dito. Kahit papaano ay nakamit natin ang mithiin na, sabi nga ni Sir Gil, dapat maging makahulugan at makabuluhan ito. Matagumpay ito sa pag-uugnay sa mga pangyayari at tao noon at ngayon. Sa pamamagitan ng mga patimpalak sa pagbigkas, pagsusulat ng islogan at poster-making contest, at mga kultural na representasyon pati na ang dokyumentari hinggil sa pagmamahalan nina Sgt. Reynaldo Curva at Magdalena Chan. “I hope this [the celebration] happens every year”, sabi ni Bobby, anak ni Atty. Curva. All I can say is “Ditto.” Binigyan din ng pagpupugay at pagkilala ni Congresswoman Ma. Amelita C. Villarosa ang natitirang 14 na beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang samahan ng mga beterano ay binigyan din ng pondong 50 thousand pesos ng mag-asawang Villarosa, maliban pa sa mga indibidwal na insentibo.

Bilang isang karaniwang mag-aaral ng ating kasaysayang lokal, sa aking tingin ang kanilang deliberasyon ng historical perspective at personal account hinggil sa December 15, Mindoro Landing ay pasado.  Detalyado at vivid ang pagsasalaysay ni Ka Bisi hinggil sa military maneuverings ng mga Hapon at Amerkanong sundalo. Nakapagpapanilay din ang pag-quote ni Ka Bise kay Sen. Jovito Salonga na, “Ang bansa ay sinasalamin sa mga taong kanyang dinadakila”. Si Mrs. Felicidad C. Gaudiel naman ay kaswal na kaswal ang pagkukuwento ng kanyang karanasan noong giyera noong siya ay 13 anyos pa lang. Lalo na ang pag-akyat niya sa puno ng Katuray para manood ng dogfight. Para lang siyang nakukuwento sa mga batang sina Honey, Choy at Gino sa bahay nila sa Palanghiran. At, kwidaw ka, si Lola Idad, may bonus pang pag-awit ng “You Are my Sunshine”!

Bilang isang karaniwang mag-aaral ng ating kasaysayang lokal, sinususugan ko ang dalawang panukala ng Mindoro Historical Society na ituro ng mga guro sa Kanlurang Mindoro ang ating Kasaysayang Lokal at ang pagpapatayo ng Wall of Remembrance na kakikitaan ng mga pangalan ng mga lokal na bayaning namatay para Inang Bayan. Isang malaking sugpong ito sa Noon at Ngayon ng San Jose, ang bayan kong sinilangan.

Bilang isang karaniwang mag-aaral ng ating kasaysayang lokal, masasabi ko na naging totoo ang mga tao sa ikod nito sa hindi palulublob sa tinta at dyobos ng pamumulitika ang makasaysayang araw na ito. Pwede naman pala yun. Sana isa ang kasaysayan natin na magbubuklod sa ating mga lider balang araw. Hindi man sa gawa ay sa diwa man lang.

Ngunit ako ay hindi lamang mag-aaral ng ating kasaysayang lokal. Dahil sa ako ay isang binyagan, kritiko rin ako ng ilang isyung bayan…

----------
(Photo: King's Academy . Com)



Thursday, December 13, 2012

Alam Mo, Sa Occidental Mindoro...



Napag-tripan kong panoorin kagabi sa laptop ng aming opisina ang historical at classic Hollywood cowboy movie na “The Alamo” ni John Wayne na ipinalabas noong pang 1960. Ang pelikula ay nilahukan ni Wayne (na siya ring direktor nito) ng sub-plot : ang banggaan ng malalakas na personalidad ng lead characters na sina Col. Davy Crockett (Wayne), Jim Bowie (Richard Widmark) at Col. William Travis (Laurence Harvey). Ang nakaka-inggit sa mga ito, sa kabila ng kanilang personal conflicts, silang tatlo ay natutong magpakumbaba at ipasakop ang kani-kanilang pagkakaiba sa isa’t-isa at sa huli ay nagbigkis sila nang buong katapangan upang ipagtanggol ang fort laban sa mga mananalakay kahit na sila ay masakop at mapatay ng mga ito. May pag-asa pa kaya na ang dalawang higanteng patrong pulitikal ay magkaisa upang ipagtanggol ang lalawigan laban sa ating mga kaaway katulad ng lumalalang kahirapan, pagkawasak ng kalikasan, kriminalidad, moral na pagka-bangkarote, at iba pa?

Iyan ang maikling istorya ng “The Alamo” pero ang susunod kong ikukuwento ay tiyak kong alam mo na. Alam mo at alam ko rin.

Ang malalang bangayan sa pulitika ng dalawang higanteng paksyon sa ating lalawigan ay tila nagbibigkis pa sa kanila bilang IISA. Pareho silang nakikinabang sa bangayang ito dahil sa nakalipas na maraming mga taon, anuman ang kalabasan ng halalan, kapwa sila at ang kanilang mga masuwerteng kabig ang nananatiling nasa poder. Para silang mga batang akyat-manaog lang sa tsubibo. Kung ang bangayang ito ay nagpapatibay lalo ng kani-kanilang mga interes, ang mga lehitimong interes ng sambayanan ay hindi napagtutuunang pansin. Bakit pa nga ba naman nila nanaisin na magkasundo? Sa atin naman na wala sa arena ng pulitika pero nasa loob ng esperong ito, bakit naman natin gugustuhin na magkasundo sila gayong sa away na ito ay nakikinabang rin tayo? Sa sitwasyong ito, marami sa atin ang masaya, lalo na ang mga vote rich civic or religious organizations, mula sa PTA hanggang sa kooperatiba, na maaari nating hingian ng pabor ang magkabilang panig, mga personal man o pansamahan, lalo na ang mga umano’y non-partisan at yaong mga pumupusturang apolitical organizations. Hindi ba masaya tayo na mga bumuboto lang at hindi involved sa partisan activities dahil nagpapaligsahan at nagpapataasan pa sila ng pagbibigay ng political favors sa atin?  Bakit naman nanaisin pa natin silang magkasundo kung dahil sa pag-aaway na ito ay lumalabas ang kani-kanilang mga pinakatatagong lihim at anomalya na hindi lamang natin ikinaaaliw kundi atin ring ikinatututo? Dama rin natin dahil sa bangayang ito na importante tayo sa kanila sapagkat mahalaga para sa kanila ang bilang o dami ng tao o balwarte.

Kung ang pag-aaway na ito ay hindi sinasadyang (hindi nga ba sinasadya?) nagbibigkis sa kanila, tayo na mga naaaliw at nalilibang, tayo na mga walang pakialam pati na yaong mga nakikipag-patayan para sa kanila sa hidwaang ito, tayo na higit na nakararaming mamamayan ang tunay na talunan dito. Dahil habang sila ay nagpupukulan ng putik, akusasyon at asunto sa isa’t-isa, habang ang kanilang layunin na makopo ang pampulitikang kapangyarihan para umano makapag-lingkod ng ganap at walang balakid, nasasa-isang tabi ang kapakanan ng bayan, sabi ko nga, tulad ng pagbibigay ng malawak na serbisyong panlipunan, pagpapababa ng antas ng kriminalidad, paglaban sa pagkawasak ng kalikasan, pagpapalakas sa sistema ng hustisya at iba pa.

Ano ba ang matalinong gawin natin?  Ang mangampanya at bumoto ng straight (o block system) sa mga isahang posisyon mula sa Kinatawan sa Kongreso, Gobernador, Bise-Gobernador, Alkalde at Bise-Alkalde? Puwede dahil sa ganito, hindi na sila magtuturuan kung sakali mang may kapalpakan na mangyayari sa kanilang administrasyon. Iisang grupo na lang ang sisihin at pupurihin ng tao sa pagkakataong sila ay gumawa ng mali o tama. Maliit na rin sa kanila ang tsansa ng bangayan kung sakaling isang tiket lang ang mananalo. Kung mangyayari ito, dapat na tiyakin ng mga naka-upo na hindi na mababawi ng kalaban ang poder sa pamamagitan ng pagseserbisyo at pamamahala ng tapat, malinis, bukas at may karakter. Sabi ng mga tumataguyod ng ganitong kaisipan, sa kaunlaran ay wala nang hahadlang kung walang humaharang. Pero nasaan ang check and balance, kung hindi man ang pinakamahalagang kaluluwa ng demokrasya dito? Hindi ba mas lalong parang basura itong aakit sa uod at bangaw ng pagmamalabis at katiwalian? Kaya kaya nilang ipulis ang kani-kanilang mga sarili?

Matalinong hakbang din ba ang unti-unting pagbuo at pagpapalakas, pagba-bankroll at pagkasa ng mga kampanya para sa isang alternatibang grupo mula man sa labas o sa loob ng dalawang tradisyunal na pangkat para maging third force? Depende ito sa kanilang pagtatasa kung malakas na ang ating kolektibong kamalayang pulitika at babaling na ang tao sa mga totoong alternatibo sa pamamagitan ng mga multi-sektoral na pagpapamulat at pagkilos ng mga nasa akedemiya, mga asosasyon, lokal na negosyo, grupong pananampalataya, mga intelektuwal, at iba pang katulad na hanay. Kung sila ay pawang hindi pa mga willing victim sa tila ad infinitum na hidwaang ito. Kung hindi pa, kailangan na ang pagkukundisyon sa ganitong tunguhin, ipalagay na natin patungong 2016 o 2019. Ngunit ang tanong, nasaan ang mga “pamalit” na ito? Papaano natin sila lubusang makikilala? Papaano nating maihihiwalay ang kambing sa tupa? Papaano rin natin mahuhubaran ang lobong nasa anyong tupa? Sabi nga sa patalastas ng isang sabong panlaba, “Bakit pa tayo lilipat mula sa nakasanayan na?”

Pero kung ang karamihan sa atin ngayon at ayaw gumamit ng kukote, iwasiwas ang mga kamay at ipadyak ang mga paa para sa pagbabago, ano pa ang ating gagawin kundi hayaan na lang na ganito ang sitwasyon. Ayaw nating mapagod, ayaw nating masaktan kaya marahil ay ayaw natin ng pagbabago sapagkat ang pagbabago ay tunay na nakakapagod at masakit. Bomoto na lang tayo hanggang sa wakas ng panahon ng salisi (hindi straight) hangga’t naririyan sila at/o ang kanilang mga tagapagmana, by blood man o by political affinity. Para everybody (na nakikinabang ay) happy. At para sa mga nagmamasid lang, sundin na lang natin ang payo ni Clayton Williams ukol sa masamang panahon, “If it is inevitable, just relax and enjoy it.” Isa pa, mas masarap naman para sa ilan sa atin na tuligsain at sisihin ang iba na para bang wala tayong kinalaman sa pagkakaluklok sa kanila at sa kanilang pananatili sa poder sa halos tatlong dekada na.

O kaya ay hayaan na lang natin na Langit at husgado ang magpasya ng kanilang kasasapitan sa larangan ng pulitika. Pero sa ating pagpapasya na manatiling ganito pa rin tayo, ay sila pa rin sila, dahil pinahihintulutan natin na maging sila sila. Pero kahit sila-sila pa rin ang manalo, o manatiling ang dalawang paksyon ang uukopa sa upuang pulitikal, huwag sana nating kalilimutan kung sino ang nasa panig ng tama at mali sa pamamagitan ng malalimang pagsusuri sa mga isyu at hindi lamang sa salalayang personal. Kahit ang kapalit nito ay mapagbintangan tayo ng kung anu-ano at wasakin ang ating kredibilidad ng mga taong ayaw lumaban ng harapan at parehas.

Sabi nga ni John Wayne sa “The Alamo”, “There’s right and there’s wrong. You got to do one or the other. You do the one and you’re livin’. You do the other and you may be walkin’ around, but you’re dead as a beaver hat.” Tama. Kung hindi magkakaganito, tayo ay mistulang tuod lamang na lumulutang sa rumaragasang Ilog Mompong kapag panahon ng tag-baha...

 ---------
(Photo : Cinema is Dope)

Tuesday, November 27, 2012

Sablayan, Angat Na!



Isang makatang Aleman na ang pangalan ay Baron Friedrich von Hardenberg na lalong kilala sa kanyang penname na Novalis at sumulat ng klasikong “Hymns to the Night” (na batay umano sa kanyang mga mystical vision habang nasa harap ng puntod ng kanyang yumaong asawang si Sophie )  ang nagsabing “ Elevation is the most excellent means I know of to avoid fatal collisions..” Tama nga naman sapagkat kung segundo na lang ay magsasalpukan na ang dalawang rumaragasang sasakyan sa highway, at ang isa ay aangat lampas sa bubong ng isa, maiiwasan ang aksidente at walang mapapahamak. Gayundin naman, ang pagsulong at paglago na walang pag-angat ay hindi sapat lalung-lalo na sa larangan ng lokal na ekonomiya. Anumang sumusulong at lumalagong bagay ay maaari pa ring sumalpok sa isang bagay, moving man o stationary.

Isa sa mga dahilan sa aking palagay kung bakit bansot pa rin ang pag-unlad ng ating lalawigan sa saktong 6 na dekada mula nang ito ay itatag ay dahil hindi tayo nag-e-elevate. Hindi nailalatag ng mga namumuno sa lalawigan ang kanilang blue print o road map, kung meron man, tungo sa hangaring pag-angat  ng ating mamamayan. Kaya maliban sa walang puknat na drag race ng  bangayan sa pulitika, sa kakapusan ng serbisyo sa elektrisidad at sa mga inprastruktura, ang kabi-kabilang batuhan ng akusasyon at asunto at kakulangan ng pananaw sa progreso at kaunlaran, ang mga pangunahing dahilan kung bakit hindi tayo maka-akit ng investor kaya atrasado pa rin tayo sa maraming aspeto. Ngunit lisya din naman kung ang mga mismong pulitiko ang mga negosyante ay ginagamit ang kanilang political clout, authority and power para kontrolin ang lokal na ekonomiya upang kumita at yumaman.

Isa sa mga kasalukuyang instrumento na upang matiyak na ang proverbial na elebasyon o pag-angat na ibig turan ni Novalis ay ang Rapid Economic Appraisal (REA) na bahagi ng Local and Regional Economic Development Plan o LRED implementation ng Department of Trade and Industry (DTI). Ipinagmamalaki ng mga taga-Sablayan ang pagkakaroon ng mga tuntungang lokal na batas tuon sa pag-papaunlad kagaya ng isang maliwanag at tinutupad na Executive-Legislative Agenda (ELA). Tanging ang ating bayan lang sa buong lalawigan ang may sinusunod  na Local Investment Code kaya malaki ang potensiyal nito sa pang-ekonomiyang pag-angat kaya nga ito ang ginawang pilot  municipality ng DTI para sa LRED sa lalawigan.

Noong ika-21 hanggang ika- 22 ng Nobyembre 2012 ay ginanap sa Sablayan Convention Center ang pagsasagawa ng LRED. Dinaluhan ito pangunahin ng mga negosyante, lider-kooperatiba, mga kinatawan ng mga entrepreneur sa munisipalidad ay dumalo at bumalangkas ng plano. Nauna rito, bago pa pumasok ang taon ay nilikha na ng Punong Ehekutibo ang isang tanggapan na tututok dito na tinawag na  Local Economic and Investment Office o LEIPO na pinamumunuan ng Municipal Economist na si Ms. Erminda  V. Vicedo. Noong ika-31 ng Oktubre ay itinatag ni Alkalde Eduardo B. Gadiano ang EO No. 2012-013, S. of 2012 na lumilikha sa Technical Working Group (TWG) para sa LRED na dumalo rin sa gawain. Sa Planning-Workshop, inihanay ni Municipal Planning and Development Officer (MPDO) Ms. Muriel M. Reguinding ang Socio-Economic Profile ng bayan.  Sabi ni Mayor Ed sa nasabing Kautusan, “It is the objective of the Municipality of Sablayan to promote the emergence of vibrant and ecologically sustainable economy which will trigger pro-poor growth and ultimately better living conditions  for the majority of the population.” Pinadaloy ang LRED Planning nina Madam Fe Banayat, DTI Provincial Director at Ms. Olivia Palomaria, Business Development Service facilitator na tinap ng DTI at ng ating LGU para sa planning workshop.

Hindi katulad ng dati, bukas ngayon ang bayan sa pagpapaangat ng lokal na ekonomiya. Ito lamang taong ito, tatlong bangko ang itinatag na sinyales ng nasabing paglago. May mga kilalang establisimyento o chains na rin na nagpahayag ng kanilang interes ng pag-nenegosyo dito. May economic projection ang ating LGU sa aspeto ng agro-industriyal, turismo, transportasyon, property development at institutional development. Dito rin matatagpuan ang mga pinaka-mauunlad na kooperatibang pang-magsasaka sa Kanlurang Mindoro. Ang pag-angat na ito ay masasalamin hindi lamang sa aspeto ng kalakal at pananalapi kundi maging sa pamamahala. Two- time winner tayo ng Seal of Good Housekeeping para sa 2011 at 2012 na iginagawad ng DILG kaya nga naka-Silver Award tayo sa Seal. Kasama rin tayo sa Top Three sa on-going selection pa para sa Gawad Pamana ng Lahi sa Municipality Category sa buong Pilipinas. Kapag na-kopo natin ang unang puwesto, sa termino ni Novalis, mag-e-elevate o aangat na naman tayo. Ang LRED nga pala ay isang participatory approach at action-oriented na proseso ng planning at implementasyon na kung saan ang public and private stakeholders ay tulong-tulong na gumagampan upang mapa-angat ang kondisyon ng ekonomiya at employment sa isang lokalidad. Konsultasyon at diyalogo an pangunahing susi sa anumang balaking pag-angat. Ito ang runway ng lahat ng kaugnay na proyekto at aktibidad.

Balikan natin ang punto ni Novalis. Anumang pag-angat o elevation ay katiyakan ng pagiging secure. Kapag tayo ay makalilipad, hindi na tayo mahahatak pa pababa ng mga walang pakpak na higanteng alimango.  At kapag tulad ng ibong manlalakbay tayo ay sama-samang lililipad, malalayo tayo sa matagal nang nagtatagisang mga lobo at imposible nang sumalpok pa tayo sa Bundok ng Kalbaryo ng kahirapan…..

---------
(Photo: Sablayan Herald)


Thursday, November 15, 2012

P-Noy sa Mamburao



Bumisita nga kaninang umaga sa Mamburao si Pangulong Benigno S. Aquino III at nakakalungkot sapagkat tuwiran na ngang nabahiran ng pamumulitika ang ika-62 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng ating probinsya. Pero mayroon din naman mga silahis (Trans. “rays” hindi “gays”!) ng pag-asa na dapat ikatuwa ng ating mga ka-lalawigan. Sa kanyang as usual na emotionally charged na talumpati, inilitanya ni Gov. Josephine Ramirez-Sato ang mga naging achievement ng lalawigan. Ang pagkakapanalo ng Kanlurang Mindoro ng Seal of Excellence in Good Governance, ang One Laptop per Grade IV Pupil Program, Mangyan Empowerment Program at iba pa na malaki rin ang naitulong sa mga mamamayan. Bago sa kanyang pambungad ay kanyang sinabi na dadalawang pangulo lamang ng bansa ang naka-rating sa kapitolyong bayan sa panahon ng kanilang panunungkulan. Una ay si Cory Aquino noong 1991 at ikalawa ay si P-Noy na bugtong niyang anak na lalaki. Natural na bukod sa pagbibigay ng trivia, may ibang dahilan na alam n’yo na kung bakit ito binanggit ng ating punong lalawigan.

Ang pagdiriwang ay walang dudang nalahukan ng pamumulitika at dito ako unang nalungkot. Hindi na mabubura sa ating kasaysayang lokal na ang pagbisita ng pangulo para sa okasyon ay nalahukan ng proklamasyon ng mga tatakbong kandidato mula sa Partido Liberal (LP) ni P-Noy mula Magsaysay hangang Lubang. Dito sila nanumpa ng katapatan sa partido, nag photo ops sa presidente (na maaari nilang ilagay sa kanilang tarpaulin sa panahon ng kampanya), at nakipag-kamay. Wala po akong problema dito kung ito po ay ginawa labas sa pagdiriwang ng makasaysayang anibersaryo.  Kung ito ay hindi isinakay sa okasyon.  Hindi man obvious, ang pangyayaring ito ay nag-iiwan ng mensahe sa likod ng ating mga utak, na nagpapalagay na hindi ito naging tunay na benyu ng pag-uugat sa kasaysayan at pagkilala sa mga taong nagsumikap upang humantong tayo sa lampas na anim na dekada bilang nagsasariling probinsya. At dahil nga isinabay dito ang proklamasyon at naging partisan political event ito, naisa-isang tabi, sinasadya man o hindi, ang mga naging pagsusumikap ng mga hindi kapanalig sa pulitika ng mga kasalukuyang namumuno sa lalawigan.

Kung sinadya ngang hindi bigyang puwang dito ang mga karibal sa pulitika ni P-Noy, isa lamang ang malinaw: Nagdedeklara ng giyera ang Malakanyang laban sa mga grupong pulitikal dito sa atin na kakampi ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Masasalamin naman natin ito sa talumpati ng pangulo na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tumigil sa pagpapatutsada kay GMA at sa mga kampon nito, habang nag-ulat ng mga programa at proyekto sa ilalim ng kanyang kasalukuyang administrasyon. Sa ganito, hindi naging tapat ang mga naging organisador sa tema ng anibersaryo na “Arawatan” na mula sa salitang Hanunuo na ang ibig sabihin nga ay “pagkakaisa”. Hindi pagkakaisa ang tawag sa mga taong pinagbubuklod sa isip at gawa ng paging sila-sila. Kaya siguro malisyosong binigyang-kahulugan ng mga katunggali nila sa pulitika ang “Arawatan” na umano’y pinaikling “araw ng mga kawatan”.

Para sa akin, uulitin ko, nagdeklara na ng giyera si P-Noy laban sa mga aniya’y “tiwaling kakaladkad sa atin”. At alam na natin kung sino ang kanyang pinatatamaan dito. Nagbigay pa siya ng tugon, bagama’t hindi niya idinitalye, sa dalawang malalaking sumbong sa kanya ng gobernadora. Ang usapin ng exclusive contract sa kuryente at ang paglilinis ng hudikatura na alam na natin kung kani-kaninong mukha ang nasa likod ng nasabing mga usapin. Hindi mapasisinungalingang nasa opensiba ngayon ang posisyon, kumbaga sa giyera, ng grupo ng gobernador kung suportang pampulitika ng pambansang pamahalaan ang pagbabatayan.

Totoo ba ang mga ipinangangalandakan sa radyo ng mga tagapagsalita ng probinsiya na hindi pinahintulutan ng PSG at PMS magkaroon ng bahagi sa presidential visit ang kabilang paksyong pulitikal sa lalawigan? Ayon sa ulat, ipinatanggal daw ng PSG at/o PMS ang mga tarpaulin ng mga ito. Hindi ko alam kung totoo ito. Ang tanging alam ko lang, hindi isinama sa programa kahit na i-welcome man lang si P-Noy ang alkalde ng Mamburao at ang nanay niyang kinatawan naman sa Kongreso ng lalawigan, na alam nating lahat na malapit na kaalyado ng dating pangulo. Ito ay isang media event pero limitado lamang ang mga  nag-cover nito. Ano ang implikasyon ng aksyong ito ng Palasyo sa ating lokal na halalan sa 2013? Hayaan na lang muna natin siguro, tiyak naman na ang mga botante o mga mamamayan ang magpapasya kung sinu-sino ang gusto nilang maluklok. All politics is local, sabi nga. Sa dulo ng bolpen ng COMELEC na lamang ito pagpapasyahan. Ipanalangin na lang natin na maging payapa, tapat, malinis at may kredibidilad ang susunod na eleksyon.

Emosyonal na umapela ang gobernadora sa kanyang talumpati, “SAMAHAN MO KAMI MAHAL NA PRESIDENTE, SA PAGLABAN SA PAMIMINA SA KABUNDUKAN NA NAKAAAPEKTO SA AMING MGA WATERSHED. SAMAHAN MO KAMI SA LABAN NA YAN..” Sa bahaging ito ng talumpati ng gobernadora ako na excite at kinilabutan. Dahil nga aktibista ako para sa kalikasan, excited akong malaman ang magiging tugon dito ng pangulo at kinilabutan sapagkat alam ko na ang pangulo ay may pagkiling sa industriya ng pagmimina. Importante ang ating mga kanlugang tubig o watershed. Ito ay isang natural support ecosystem na proteksyon natin sa mga pagbaha. Sa operasyon ng minahan, tiyak na mawawasak ito at mauuwi tayo sa delubyo. Dapat nating ipanawagan sa pamahalaang pambansa ang pagkansela ng ECC (Environmental Compliance Certificate) ng Mindoro Nickel Project sapagkat hindi binigyang diin sa proseso ng EIA (Environmental Impact Assesment) ang pag-aaral sa sitwasyon at kalalagayan ng ating mga watershed. Kasabay nating panawagan ang pag-revoke ng mineral production sharing agreement (MPSA AMA-IV-097 at MPSA-AMA-IVB-103) dahil nga sa pinsalang maidudulot nito sa ating mga kanlungang tubig. Isa lang ang malinaw, kasama sa dapat nilang pag-debatehan sa 2013 ay ang isyu ng mga mining application tulad nito sa mga lugar na sakop ng lalawigan.

Nakalulungkot dahil tila smokers’ cough lamang ang isinagot ni P-Noy sa apela sa watershed at sa mining….

---------
(Photo: Bel Cunanan's Political Tidbits)

Saturday, November 10, 2012

Arawatan 62



Naniniwala ako sa sinulat ni Paul Veyne na, “An event becomes an event only because of the context in which it is situated.”  Isang malaking event ang kasalukuyang ginaganap na selebrasyon ng Ika- 62 Taon ng Pagkakatatag ng Kanlurang Mindoro. Sa kapitolyong bayan ng Mamburao sa kasalukuyan, mula Nobyembre 5 hanggang 15, ay hitik sa mga gawain at aktibidad, presentasyon at programa para sa naturang pagdiriwang. May karnabal at trade and job’s fair, fun run at ball games, mga parada at sayawan sa kalye, rodeo, timpalak pagandahan, at iba pa. Natural, mayroon ding  Banal na Misa ng Pasasalamat. Inaasahan ding magsasalita si Pangulong P-Noy sa Capitol Plaza sa huling gabi ng selebrasyon. Inaasahan sana na sa pagkakataong ito ay maipamamahagi na ng president ang matagal nang inaasam na Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng mga Mangyan Alangan sa Sta. Cruz at Sablayan pero mukha yatang mauunsyami ito sapagkat may naka-bara pa sa mga pambansang ahensiya na magpu-proseso nito. Ito ang pinakahuling update na nasagap ko sa tangapan ng National Commission on the Indigenous Peoples o NCIP Region IV noong kami ni Konsehal Ruben P. Dangupon, kinatawan ng mga Mangyan sa Sangguniang Bayan ng Sablayan noong ika-29 ng Oktubre ng kasalukuyang taon. Ang sitwasyon ng mga Mangyan, ang poorest of the poor ng Mindoro, ay isang halimbawa ng konteksto sa sitwasyong sinasabi ni Veyne.

Taong 1950 nang hinati ang isla ng Mindoro sa dalawang lalawigan, ang Silangan at Kanlurang Mindoro. Tumatanda na tayo pero ang ating kamulatang pulitikal ay hindi pa rin sumusulong. Kunsabagay, hindi nga naman siguro talaga mahalaga para sa atin ang magkaroon ng kamulatang ganito, dahil kung mahalaga ito sa atin, ito sana ang unang pinupuntiryang tugunan ng mga organisadong samahan sa atin. Sa aspetong ito, paumahin po, ay tumatanda tayo nang paurong. Wala tayong kamulatang pulitika na umusbong mismo sa pinagsama o kolektibong kaisipan ng mga mamamayan lalo na sa batayang sektor ng lipunan. Ang kamalayang pulitika sa Kanlurang Mindoro sa pangkalahatan ay hinuhubog at itinatakda ng mga pulitikal na pangkatin lamang. Kung meron man, sabog ito at hindi kagaya ng mga kuyay o elders ng mga Alangan na parating nakabatay sa kanilang kultura ang mga kustomaryong desisyon at pulitikal na pagpapasya. Bagamat hindi maiaalis na mayroon na ring bahid ng kaisipang patag ang ilan sa kanila.

Kung matutuloy sana ang seremonyal na pamamahagi ng titulo ng mga Alangan sa Mamburao sa a-kinse, lalong magiging relevant at angkop ang tema ng anibersaryo na “Arawatan” na mula  sa salitang Hanunuo na ang kahulugan sa atin ay “pagkakaisa”. Siyanga pala ang katumbas ng “Arawatan” sa mga Alangan ay “Kaisaan” at “Fakasadian” naman sa mga Taobuid. Kung bakit salitang Hanunuo ang pinili ng mga organisador ay hindi ko alam. Dito sa Sablayan, nang aming tipunin ang mga lider katutubo noong Setyembre, sa isang palihan na mismong pinadaloy ni Meyor Ed Gadiano, para pagpasyahan ang magiging tema ng aming mga susunod na mga aktibidad ay humanap sila at pumili ng isang salitang komon o pareho nilang ginagamit na ang kahulugan iisa para sa kanila. Sa resulta ng workshop lumabas ang salitang “Safaka”, na parehong sa mga Alangan at Taobuid ang ibig sabihin ay “running water” o “ilog na dumadaloy ng patuloy”.  Ang “Safaka” ay maaaring maging acronym din ng Sablayan Fakasadian-Kaisaan na pwedeng maging tawag sa pinaplantsa pang Pambayang Konseho ng Tribo dito sa amin. Sa pagkakaroon ng ganitong Konseho, ang simbolikong 9-figure Mangyan tableau sa aming Plaza ay magkakaroon ng buhay, figuratively speaking s’yempre!

Sa kanyang program sa radyo noong Sabado sa Radyo Natin si Bokal Roderick Q. Agas ng Ikalawang Distrito ay may ibinibidang isang proyekto para sa mga nasa elementaryang batang Taobuid sa Poypoy, Calintaan. Ito ay pagpapagawa ng isang dormitory para sa Mangyan pupils upang sa mga araw ng pasukan kung kanilang nanaiisin ay maaari na silang pansamantalang doon mamalagi o tumira. Lalo na kapag panahon ng bagyo at kalamidad. Higit apat na oras ang nilalakad ng mga bata, binabagtas ang mga mapanganib na bundok, ilog, talampas, lambak at iba pang anyong-lupa araw-araw (Parang nasa HEKASI lang?) upang makapag-aral. Proyekto ito na kanya ring ibinubukas ang pagtulong, kumakatok sa puso ng mga nais tumulong. Kaugnay nito ayon kay Bokal Rod, nagprodyus sila ng isang documentary film o video na tumatalakay sa sitwasyong ito ng mga katutubo. Sa akin lang, sana ay magkaroon ng pagkakataon na mapanood ito ng pangulo sa kanyang pagbisita sa gabi ng a-kinse. Magbubukas din ito sa kamalayan nating lahat kabilang ang ating mga bisita sa isa ngunit tunay na konteksto ng mga unang tao sa isla ngunit mga pinaka-aba nating mamamayan.

Para maisa-konteksto ang sitwasyon at pangarap ng mga Mangyan sa ika-62 anibersaryo ng ating lalawigan, magkaroon man lang sana ng kahit isang gawain na nagtatampok sa kanila. Bakit naman hindi e salitang Mangyan ang pinili nilang tawag sa nasabing selebrasyon. Tiyak malaking halaga ang gugugulin dito mula sa salaping-bayan. Sana kahit papaano ay may kamulatan at hindi lamang kasiyahan at serbisyo ang kanilang ialay sa tao, when we are 62…


(NB : Sa pinakahuling balita, matutuloy na ang distribusyon ng CADT sa mga Mangyan Alangan sa gabi ng kulminasyon at mismong si P-Noy ay mamahagi nito ayon sa NCIP. Salamat naman.)

--------
(Photo: occidentalmindoro.ph)

Friday, November 9, 2012

James Bond, Singkuwenta Na


Bihira siguro ang kalalakihan (at kahit kababaihan) na ka-edad ko ang hindi naimpluwensiyahan ni James Bond noong sila ay bata pa. Dumukwang at tumingkayad din ako sa mga takilya ng Levi Rama at Golden Gate, mga kilalang sinehan sa San Jose, para panoorin si Sean Connery at si Roger Moore. Pero ang mga pelikula ng mga huling James Bond na sina Timothy Dalton, Pierce Brosnan at Daniel Craig ay hindi ko na napanood. Habang nagkaka-edad na pala ang tao, nag-iiba na rin ang kanyang panlasa sa maraming mga bagay. Siyempre, hindi ko na inabot ang “Casino Royale” ni David Niven. Limang taon pa lang po ako noong 1967 ‘no?

Pati nga ang mga James Bond ispup ni Dolphy ay hindi ko pinalampas kagaya ng “Dr. Yes” at ang tatlong episode ng “Dolpinger” noong late 60’s. Pati na rin ang mga ala-James Bond na pelikula na tampok si Tony Ferrer  bilang Tony Falcon, ang Agent X44.

Pero teka, naiiba raw ang bagong James Bond na may pamagat na “Skyfall” na pinagbibidahan ni Craig at idinirehe ni Sam Mendes at prinudyos ng Eon Films na unang ipinalabas sa Tate noong Oktubre 26, ngayong taon. Sabi ng marami, iba raw si James Bond sa “Skyfall”. Mahina, nasusugatan, umiiyak, nagkakamali. Dalawang beses raw siyang tinamaan ng bala na kahit kaninong James Bond movie ay hindi makikitang nauubusan ng bala at nasasapol ng kalaban. Dito ay  senior citizen na si James Bond kaya siguro medyo slow down na siya sa dati niyang mga kinahuhumalingang apat na “G” : guns, girls, gadgets at glamour, habang ang marami sa kalalakihang Pinoy,  anuman ang edad, ay full speed pa rin sa mga ito.

Sabi ni Ronan Wright sa kanyang film review na mababasa natin sa sulating ito, mas tunay na tao raw si James Bond dito. Sa katunayan, ayon pa sa sulatin ni Wright, aprobado daw ito ng Vatican. Sa isang artikulo na lumabas sa L'Osservatore Romano, ang opisyal na pahayagan ng Simbahang Katolika, ang karakter dito ni 007 ay, “more human, capable of being moved and of crying: in a word, more real". Kapag ipinalabas ito sa Maynila sana ay may pagkakataon na mapanood ko ito sa wide screen. Pero mahal na kasi ang sine ngayon. Hindi kagaya noon na may singkuwenta sentimos ka lang ay puwede ka nang pumila sa Golden Gate Theatre na kung minsan ay nakakatalilis pa sa takilyera.  Huwag na lang. Sayang ang pera. Hihintayin ko na lang ito sa suki kong Muslim sa palengke.

Kung may pinakamahalagang bagay na aking natutunan kay James Bond, ito ay ang katotohanang ang lahat ng ating misyon sa buhay ay hindi lamang para sa atin. Para kay Bond, ang bawat misyon ay para sa kanyang Reyna at sa Englatera. Tayo naman ay para sa ating pamilya at sa Kanlurang Mindoro. Ikalawang importanteng bagay na aking natutunan sa kanya ay ang manalig sa mga eksperto sa mga bagay na hindi mo alam. Sa “Goldfinger”, hindi niya malaman kung papaano na diffuse ang bomba at ipinaubaya niya ito sa isang may higit na kaalaman ukol dito. Dito sa atin, tanging mga negosyante at pulitiko (o negosyanteng pulitiko?) lamang ang tinitingala at hindi ang mga alagad ng agham, alagad ng sambahan, alagad ng sining, at iba pa, mahiram lang sa isang kanta ni Gary Granada. Ikatlo at pinaka-mahalaga, si James Bond ay hindi nawawalan ng pag-asa. Hindi ba sa “Thunderball” ay na-trap siya sa isang akwaryum na puno ng mga gutom na pating pero hindi siya sumuko. Atrasado man ang pag-unlad ng lalawigan ay umaasa tayong darating ang araw ay atin itong mapagtutulungan sa pamamagitan ng mga taong tapat na nasa pamahalaan.  

Ang hindi ko lang natutunan kay James Bond ay ang kanyang direktang pagbibigay ng punto kapag nagsasalita. Wala na siyang paliguy-ligoy, tamaan ang dapat tamaan, masaktan ang dapat masaktan. Okey lang. Iba naman si James Bond at iba ako. Piksyon siya, totoong tao ako at akung-ako ako na kumakain ng pandesal sa umaga na alam nyo na siguro kung saan ko binibili!

At dahil ang kauna-unahang pelikulang James Bond na “Dr. No” na ipinalabas noong Nobyembre, 1962, singkuwenta anyos na ito ngayong akyat-manaog sa mga telon, sa mga paborito nating templo ng mga aninong de-kulay. Katulad ko....

--------
(Photo: Google Images)

Sunday, November 4, 2012

When One Is Too Old for Politics


In Philippine political scene, age, too, is a determining factor. One particular trait of Filipinos is their strong respect for elders. This respect, aside from saying “po” and “opo”, is also translated into deeds. We allow them to wash dishes or cultivate the garden but we do not allow them to be involved in extra physical activities like chopping logs, climbing up mountains or lifting heavy loads. We want them to be productive but based only on their mental capabilities and physical capacities. More than anything, we expect words of wisdom, guidance and encouragement from them.

Aged men and women in our midst, our grandparents, are already accomplished individuals. They have nothing to prove of because they already defied history and were able to experience deeds more precious than any gem. They are already ready leaving behind us a legacy, especially those who spent most of their lives in politics.  My hail and praises to seasoned politicians who doesn't toy with the idea of fielding his/her relatives to political positions after their retirement and consequently build a dynasty. The true blue seasoned politicians have the capacity to share new insights and advice regarding present socio-political realities if they learned well their “Public Service-Not Business Gains 101” when they are still at their prime.

In the Expanded Senior Citizens Act of 2010 defines senior citizens as a “resident citizens of the Philippines aged 60 and above”. Do not get me wrong. I do not opine to say that aged men and women should keep off from the political arena or to occupy any political position. By all means they could of course join, not unless senility and infirmity hold them back, when they are no longer mentally and physically capable and that depends on how healthy they are.

As long as the any of the following early symptoms of dementia is not experienced by an aged prospective public servant, it’s alright:  apathy, difficulty concentrating, difficulty learning new information, difficulty walking, disorientation, impaired communication, insomnia, fatigue, memory loss, mild confusion, personality changes, poor balance, uncontrolled peeing, among others.

There are exemplary individuals who keep their mind constantly active and agile even if they are already old. We need politicians of sort and that is an exemption to the rule. Generally, we need them mainly as advisers, titular heads and think-tanks but not as a candidate neither a “performing” official. Any public servant whether s/he is in the executive, legislative or judiciary branches, s/he needs to be endowed with energy including sharp and quick decisions. He needs to attend to hectic schedules representing his/her office in various occasions outside and inside his/her area of responsibility.

Old and physically unable politician also tends to lean on to someone, most likely his/her immediate family members, even for his/her exclusive functions. Thus, seeds of political dynasty are unintentionally being planted and nursed.

But I am more worried in the result of physical infirmity in public eye. This would not cause much trouble if his or her team members and fellow public servants in a particular government where he/she belong know this limitation and cease from driving him or her too far. Large number of our voters or constituents belongs to the youth sector. Young as they are and greatly influenced by western media and culture, unjustifiably expect any public figure, including politicians, to look good, oozing with dynamism and smart. Anything less is a restrainer.

More often than not, aged politicians can no longer get along with the so called Generation X and they usually stick to their old mind sets rather than sway with the modern boys and girls. The old politician would surely have a hard time getting along with young people because they lack sufficient will and energy. This way, they lose their appeal electorally and politically.

I do not totally buy the idea of prescribing age limit to them but the politician must know exactly when s/he would retire. God gave us all power to know for ourselves when to quit or to stop in anything we do. Unluckily, some of the politicians trust more the power of their political patron or their party’s heads and the agitating words of their avid supporters (who usually are just using them for their own political, selfish ends) or allies than this inner power that the Almighty installed in all of us. 

The old and seasoned politicians have already proved their worth. He or she is already an over stretched rubber band that cannot be stretched further by pressures that could affect his or her already diminishing health. In doing so, we are breaking the great circle of his legacy and his moments of victorious achievements by just a snap of our fingers.

But on the second thought, I might follow what the former Indian army chief of staff  General VK Singh have in mind who advocated that a retirement age be fixed for politicians as in the case of other fields related to governance. In this interview he said that the older people can play the role of guides, but should give up active politics so that young and new politicians can enter or remain in the system. He said, “There’s a fixed retirement age for every other profession. .. But there is no such limit for a politician. There’s need to fix a retirement age for politicians as well.” The right retirement age if you are going to ask me is 75.

At 50, I am just thinking aloud even though I know that this idea would only land on a dustbin...

-----
(Photo: Niticentral.com)

Sunday, October 21, 2012

Only Fire of Faith


(This is my personal reflections on the first anniversary of DZVT and Chancery Building burning last October 26, 2011 but the first attempt happened exactly a year ago today, October 21, 2012 -NAN)

Canon 822, Part 3 emphasizes the importance of the media in a Particular Church’s pastoral action: “All Church’s faithful, especially those who in any way have the duty of working together so that the use of the media, are to be diligent in assisting pastoral action, so that the Church can more effective exercise its office through this means…” These words from no less than the body of legislations that regulates the discipline of the Roman Catholic Church pricked my heart as I reflect on the fate of DZVT. The Church’s owned AM radio station in Occidental Mindoro successfully razed to ashes exactly five days from this day today as reported in this news item.

I have worked as an anchor of its banner public affairs and commentary program so in one way or another, the radio station became part of my life and that is the reason why I am dwelling on this issue charged with personal and emotional contents. I have been working in our local Church and other faith-based organizations for more than 25 years and that experience made me adhered to the major tenets of the Church Social Teachings (CST) including her other doctrines. Specifically, my work heavily concerns with social action: community organizing and formation, social advocacy through social communication and other tasks related to justice, peace, love and care for God’s creation, as well as charity projects. That experience, to reiterate, made me land at “Pintig ng Bayan”, the above-mentioned radio program.

Days after that tragic crime, DZVT management apparently knowing its importance as mouthpiece of the local Church that is why they promised to immediately rebuild and once again put it on air. Where are those promises now?  What made the present hierarchy of the local Church change its mind? Questions such as these likewise turned into ashes. How can she empower the laity without potent social communication tool like the radio? 

Need not to say, radio is an instrument and tool for propagating the Church’s Social Doctrine. It is, as every man of the cloth knows, is the primary concern of our era. In the document called “Christifideles Laici” it states “The lay faithful must bear witness to those human and Gospel values that are intimately connected with political activity itself, such as liberty and justice, solidarity, faithful and unselfish dedication for the good of all, a simple lifestyle and preferential love for the poor and the least” (CL, 42). On the other hand, “It is the specific task of the hierarchy to teach authoritatively what the Church believes or holds concerning the political order” (CBCP Pastoral Exhortation on Philippine Politics, 1997).

My heart bleeds even more to the present situation : No diocesan level initiative being laid so far on the pressing and still prevailing social issues like the Occidental Mindoro power crisis, participatory citizenship and good governance, graft and corruption, the sustained political education program, anti-gambling initiatives, actions against the programs for the care of the Earth and the likes, unlike before. Even charity projects under the diocesan Social Action Center (SAC) are already gone. We no longer assist concretely the poor through Alay Kapwa (AK) program namely the College Education Assistance Program (CEAP), relief and rehabilitation assistance to indigents and calamity-stricken communities, legal and paralegal assistance, etc. Some ministries and endeavors exist at parish and religious organization levels but ‘salt-less’ structurally. It is imperative for the Church to be involved in social action works such as social communication. 

Let us all get inspiration from Jesus, the founder of our Church. It matters not how nasty and painful are our wounds and how heavy is the cross in our shoulders, let us move on to Calvary and declare salvation. For Christ-sake, let us now move on! 

Faith is incarnate and historical. All of us apparently commit sin of omission by taking no concrete and unified actions from us who proudly call ourselves Christians or believers. Such gesture is uncalled for true men and women of faith much more those who belong to priestly ministry. No less than our local prelate issued a Pastoral Letter which was read in the masses just this morning entitled "The Truth Shall Set You Free" discussing among other things, the issue of DZVT and Chancery Building burning which I have posted here if you could remember. 

In the letter, the bishop is also urging us, the faithful, to report to authorities anything "conduct unbecoming" from man of cloth we know from our diocese. This all I have to say : our priests have to be involved once again in our mission for socio-political works as mandated by the richness our Social Doctrines and prophetic roles. By the way, the letter assured us that the investigations are still on-going and we have to pray unceasingly for the Apostolic Vicariate of San Jose.

The priestly ministry initiated by Christ himself purified by fire, fire of faith and not the fire ignited by evil arsonists. The former is a fire that purifies while the latter is a fire of destruction, a fire that descends from Hades…

--------
(Photo: Virtual Tourist.com)

Wednesday, October 10, 2012

Mt. Siburan’s Biodiversity


Lunito Dasa, an Alangan Mangyan tribal leader, came to Sablayan Convention Center armed with a mud stained Tagalog manual on the Indigenous People’s Rights Act (IPRA). He and the rest of his tribesmen, more or less 30 of them, attended the Project Launch of  “Partnerships for Biodiversity Conservation :Mainstreaming in Agricultural Landscapes” AKA “Biodiversity Partnerships Projects” or BPP. Aside from the Indigenous Peoples (IPs), also present are representatives from various NGOs and government agencies not only from Occidental Mindoro but from their respective regional offices as well. The activity was held yesterday, October 9, 2012.

The chief implementing agency for the BPP is the Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) of the Department of Environment and Natural Resources (DENR). One of the roles and functions of the PAWB is to enter into MOAs with selected National Government Agencies and NGOs as implementing partners in the sites. The bureau is also responsible for over-all management , monitoring and coordination of project implementation according to UNDP rules on managing the project. All over the Philippines, there are 8 BPP projects: 2 in Mindanao, 2 in the Visayas and 4 in Luzon.

In a letter sent to this lowly blogger in his capacity as Indigenous People’s Affairs Office (IPAO)-Designate of LGU-Sablayan, Theresita Mundita S. Lim, National Project Director of BPP stated that, “Mt. Siburan is a Key Biodiversity Area being the habitat of threatened and endemic species such as the Mindoro Bleeding-heart Pigeon, Mindoro Hornbill, among others which are globally significant for biodiversity conservation”. The project aims to assist Local Government Units (LGUs) in the country’s “eco-critical” regions to incorporate the conservation and sustainable use of biodiversity resources in their planning systems and economic growth activities.

Here in Occidental Mindoro, the national NGO partner for the BPP is the Haribon Foundation. They are tasked to provide co-financing for the project and serve as implementing partners in the sites where they are working on. One representative from Haribon also sits as member of the Project Board.

Over couple bottles of beer some weeks ago, Haribon’s Charlou Ormega told me that the target beneficiaries and on-site partners of the project are the 2 LGUs (Municipal and Provincial), the 2 IP groups in the municipality,- the SASAMA for the Alangans and FAMATODI for the Taobuids, local communities and local stakeholders like the Sablayan Prison and Penal Farm or the SPPF. Haribon works in Sablayan in various projects for less than a decade now.

By the way, this year commemorate the 40th year of Haribon's existence. We are fully aware that Haribon was instrumental in the formation of other environmental organizations in the country. So my wishes to the Haribon “eaglets” I was able to rubbed elbows with yesterday like Astrid Villanueva, Lira Canals and Ma’am Annabelle Plantilla, their Chief Operation Officer. Ms. Plantilla in her keynote address stressed that then and especially now under Mayor Ed Gadiano’s watch, Sablayan is a champion for the cause of the environment.

After the BPP Presentation by UNDP-PAWBs Ms. Joy Reyes there was an open forum and it became healthy and objective. Lunito and the rest of the Alangan’s also fearlessly and actively participated and shared their views. In the afternoon, there were 2 sets of Consultation Workshops,the Biodiversity-Friendly Businesses and Market LED Opportunities for Green Economy and another for Biodiversity-friendly Agricultural Practices. I joined the IPs and the Haribon people for a separate Focused Group Discussion or FGD.

Before the Kick-Off activity for the Mt. Siburan BPP ended, Ma’am Mutia Bambalan, Regional Technical Director of DENR’s PAWCZMS synthesized its process and announced the activities for the Tamaraw Month this October.

Lunito rose from his seat and put back his mud stained IPRA Manual inside his ‘pasiking’ smiled at me and uttered, “Hindi lang ng Tamaraw, buwan din ng KATUTUBO at ng IPRA ngayong Oktubre. Nalimutan...”   

--------

(Photo: Sablayan.Net)

Friday, September 28, 2012

Ready Get Set ….


The political race is on once again. On Monday up to Friday, October 1 to 5, both the contenders and pretenders will be filing their Certificate of Candidacy (COC) before their respective COMELEC offices.

And for those who are having a second thought, you still have enough time to back out. In the article “Candidates Must Follow Logical Step” that appeared in Winning Campaigns Magazine, Holly Robichaud presented necessary steps to start their campaigns with momentum. It maybe from the point of view of a westerner but I think some of them could be applied to Mindoreños who are thinking to jump into the political ring this 2013.

1. Discuss it with your family – Here in Occidental Mindoro the prevailing slogan seems not only “health is wealth” but “family is wealth”, the bigger the family,… there’s a more chance of winning (Just punning!). Discuss your decision with your relatives specially your immediate family members.  Robichaud explained, “If they are not on board, you will never win.” He stressed further, “ The impact of a campaign can be devastating on family life both financially and emotionally.”

2. Try to reflect on and answer these questions yourself with all sincerity “Can I win?” “Can I raise enough money?”  “Is this the year for me?”  “Is the incumbent vulnerable?”  “Can I devote the time to do this?”  Just be true to yourself, hear your inner voices then decide. This way, you are making a good decision to run. Hey, do not believe those who are just pushing you to run for they may be using you for their selfish ends. Or, maybe they are not your true friends and all they want is just put you into trouble.

     3.  Decide why you are running. Again follow the above (No. 2) process this time on the following questions : “What is my rationale for seeking the office?” “ Does it make sense?”  “Can I make a difference?”  “How can I interest people in my campaign?” Remember, we have to articulate why we are running. So, in every occasion, be ready to present your platform of government, to anybody and everybody.

      I just lumped all the other aspects: Conduct a survey or poll. Update your resume. Write and draw a Campaign Plan. Select good, credible campaign manager and find the key team members for your campaign. Of course, raise seed money.
  
     So when you are ready, you got to go! Go to the COMELEC for filing of the COC on time. When you are firmly determined to stay in the race, go for it!

Expect changes in your life, especially when you are a first timer in politics. Expect to taste mud, figuratively and literally. You may temporarily (or permanently) lose some of your closest friends. Expect that your friends and relatives will be dismayed at some things that will be said against you, especially on the campaign stage or over the local radio. They can also be targets, remember. 

Though the road to victory is as hellish as the roads of Occidental Mindoro during rainy season, victory at the end is still sweet.
   
Good luck everyone…

-----------

Source: Candidate Must Follow Logical Step
(Photo: http://www.news.nfo.ph)





Friday, September 21, 2012

Rez Cortez Goes to Sablayan


Rez Cortez, my favourite movie villain next to Johnny Montiero, came to Sablayan last Tuesday, September 18 not as an actor but as consultant of the Social Housing and Finance Corporation (SHFC). In behalf of Vice President Jejomar C. Binay as chairman of the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) and as ex-officio chair of the SHFC, the versatile Filipino thespian distributed the much-awaited land titles for around 20 members of the Gary-Cris Village Homeowners Association located at Brgy. Poblacion. The SHFC is committed to uplift the living condition of the under privilege Filipinos by providing access to affordable shelter financing and work in partnership with multi-sectoral stakeholders for the development and implementation of innovative and sustainable social housing programs. SHFC was created through Executive Order No. 272 while Rez Cortez’ first blockbuster film was with Trixia Gomez in the 1978 film “Halik na Lumalatay.” Judging from its title and his leading lady, we will know the genre of the film.

Aside from Poblacion and earlier that day, he was there to witness the Turn-Over Ceremony of the school building intended for Ligaya National High School (LNHS). Mayor Eduardo G. Gadiano turned over the facility to Department of Education (DepEd) headed by its Principal Mrs. Elvira Dayrit and Brgy. Chairman Edgar Hilario of Ligaya. It was in Ligaya where he informed his fans, students and faculty members of LNHS that he’s in the cast of an indie film called “Bwakaw”.

Rez in real life, according to Wikipedia, is Res Septimo Cortez, was born in Canaman, Camarines Sur in February 4, 1956. In “Bwakaw”, Rez is a tricycle driver who became particularly close with Rene (the Eddie Garcia character, a 75-year-old-gay man) and the old man’s dog named “Bwakaw”. Rez Cortez did not tell us that in the movie he have a kissing scene with Eddie Garcia. In an interview, Garcia admitted that he once did it (kissing scene with another man) before with the late Mario O’ Hara in 1971 award winning film “Tubog sa Ginto”. In his teaming up with the great Manoy, a co-Uragon, in this particular film he stated as told to PEP’s Noli Nicasio, “I highly respect the guy so I gave him all the support that I could give."

In his public speeches in three occasions for his two days stay in Sablayan, he was so amazed how Mayor Ed is steering this great town of ours…

-------

(Photo : File With some employees of LGU-Sablayan)

Sunday, September 9, 2012

Bansag


“Perlas ng Silangan” ang pinaka-kilalang bansag sa Pilipinas. “P-Noy” naman ang bansag sa ating kasalukuyang pangulo ng bansa. Ang bansag ay ang katawagan, sagisag, palayaw (ngunit kung minsan, may mga taong dinudugtungan ng bansag ang palayaw) sa isang tao, lugar o bansa. Ito ay mga pangalan o salitang naglalarawan, pandiwa man o pang-uri, na kadalasang idinudugtong sa pangalan o palayaw ng isang tao. Tao lamang ang ating tutumbukin sa sulating ito at hindi ang sa mga lugar o bansa. Pero hindi bansag o pagbabansag sa lahat ng tao ang nais kong ibahagi. Isasaisang-tabi natin kung bakit ang bansag kay Ernesto Guevarra ng Cuba at Argentina ay “Che” at “Agapito Bagumbayan” naman si Andres Bonifacio. Sa palagay ko, walang sinumang makakabasa ng blog entry na ito na tunay nakaharap at nakausap ang dalawang rebolusyunaryong aking nabanggit. Ang bansag sa taong ating tatalakayin ay tungkol sa mga tunay na tao na sa anumang paraan ay naging bahagi ng ating buhay-pamayanan. Maaaring sila ay mga kaibigan natin, kamag-aral, kamag-anak o mga kakilala man lang.

Hindi lamang ang mga taong binigyan ng bansag ang dapat tuunan ng pansin kundi kung papaano nagkakabansag ang isang tao at kung ano ang layunin ng sinumang nagbansag sa kanya. Una, ang pagbabansag ay ginagawa sa isang tao hindi lamang upang atin silang matandaan o matukoy kundi kadalasan ay may kakambal din itong katuwaan o katatawanan. Ang bansag at pagbabansag, kagaya ng karapatang pantao, ay unibersal. Wala itong pinipiling lahi, paniniwala, idolohiya, relihiyon, kredo, kasarian, tayo sa lipunan, edad at iba pang pagkakaiba ng tao. Ang bansag, kagaya ng mga balita sa pahayagan, ay nagdudulot din ng galak at inis sa mga pinatutungkulan at pinagmumulan ng bansag. Ang alam ko lang, ang pagbabansag ay bahagi ng kapwa pagiging masayahin at malungkuting buhay ng mga Pilipino.

Ikinakabit natin ang bansag sa mga taong may magkaparehong pangalan sa ating mga ginagalawang pook at lugar upang sila ay maiba sa isa’t-isa. Karaniwan ay ikinakabit ito sa pangalan ng kanilang nanay, tatay o asawa. Halimbawa, “Nestor ni Berang” at “Nestor ni Naty”. “Omar ni Ely” (asawa) at “Omar ni Resty” (tatay). Kagaya ng "Rico Punong Singer" at "Rico Puno ng DILG".

Isang uri din ng pagbabansag ang pagdudugtong ng lugar na sinilangan, kung saan siya lumaki o nakatira. Halimbawa sa Oriental Mindoro ay may “Macario Bulalacao”, “Marco Mansalay” at “Mar Roxas” (biro lang po, Tita Koring!). Pwede ring mabansagan ang isang tao sa pamamagitan ng mga salitang may kaugnayan sa kanyang trabaho katulad ng “Goriong Kartero” at “Paco Tubo” na isang tubero. O kaya naman ay mula sa mga bagay na prominenteng siya ay naroon. Kagaya ng isang komentarista sa radio at pahayagan na may programa at kolum na ang pamagat ay “Pwera Usog” kaya siya ay binasagang “Jimmy Usog”. Bansag na ginamit din niya sa kanyang pagtakbo sa pulitika. Ang mga bansag nga pala, ibig ko lang ipaalala, ay magagamit din nila sa darating na Oktubre 1 hanggang 5. Tinatawag rin nga pala sa bansag ang mga ordinaryong botante para sa kanilang personal na pagkaka-ugnay.

May mga sangkap din ang bansag at pagbabansag ng tila may tunog na pang-uuyam o pang-iinsulto sa itsura at manerismo ng isang tao. Kaya naman naririyan sin “Boy Pilig” at “Tacio Bakpak” (na isang kuba). Isama mo pa si “Peryong Bingot” at “Maria Puting Kilay”.

May mga bansag din na may mga kuwento ng mga pangyayari at kaganapan ng kapalpakan at katatawanan ang nasa likod. Sa amin, may isang maninisid ng isda na sa gitna ng kanilang kainuman ay napansing may bakas ng kagat sa leeg. Nang tanungin siya ng kanyang mga ka-toma kung ano ang nakasugat dito, sinabi niya na kinagat daw siya ng pakul (isang uri ng isdang bato). Pero ang totoo pala, nang minsang mag-away sila ni Misis, kinagat siya nito. Mula noon, siya ay naging si “Totoy Pakul”!

Sabi ko kanina, ang bansag at pagbabansag ay walang pinipiling edad. Noong tayo ay nasa elementarya pa lang, ay binabansagan at nagbabansag na tayo ng mga salitang katunog lang ng ating mga pangalan o palayaw kahit na wala itong ga-katiting na kaugnayan sa atin katulad ng “Lhot Balut” at “Jhong Mahjong”. Pero mayroon din naming halaw sa isang katawa-tawang pangyayari sa loob ng iskul. Halimbawa dito si “Karinang Bugrit”. Isang araw sa loob ng klase, habang ang kanyang mga ka-klase ay naka-tayo na para mag-reses, si Karina ay nanatiling naka-upo, magkadais ang mga hita at pinagpapawisan ng malapot. Bigla na lamang nagtakbuhan ang iba pang mga bata papalabas ng silid at hawak ang mga ilong!

Itong si Karina ay may kamag-aral na Jaime ang pangalan. May kapilyuhan ang batang lalake at isang araw, ewan kung anong kagaguhan ang pumasok sa kanyang kukote, nilagyan niya ng thumbtacks ang upuan ni Ma’am. Dahil nga pilyo asar sa kanya ang lahat at siya ay inginuso ng mga ito. Ang parusa sa kanya ay maghapon siyang pinalinis ng kubeta ng prinsipal. Mula noon, tinawag na siyang “Jaime Inidoro”.

Pero sa atin, hindi layunin ng bansag at pagbabansag ang makasakit ng kalooban o pagtawanan ang mga kapintasan at kapalpakan ng mga tinutukoy na tao. Kundi sa pagpapakita ng lambing kundi man pagmamahal at pagsinta, pagiging tunay na kaibigan at kakilala at pagiging malapit sa isa’t-isa. Halimbawa, matapos ang tatlong dekada, sa kanilang alumni homecoming, nagkita sa wakas sina Jaime at Karina. Sabi ni Jaime kay Karina, “Oy, Bugrit, lkumusta ka na?” Sagot naman ng ale, “Mabuti naman Inidoro. Salamat kahit bagay tayo ay hindi tayo ang nagkatuluyan!”

Ang bansag, lalo na ang pagbabansag ng mga kilalang tao sa kanyang sarili ay isa ring paraan upang mapagtakpan ang maraming kahinaan na hindi o ayaw niyang baguhin. Kaya si Pepe na isang lalaking ubod ng pangit hindi lang ang anyo pero pati ang ugali ay gustung-gustong tawaging “Pepe Pogi” ng kanyang mga tauhan. Kagaya ng komedyanteng si "Don Pepot" na mula sa Pepot ay nilagyan niya ng "Don". Sa isang panayam sa kanya noon, sinabi niya ang dahilan nito. Sa kanya umanong dekada ng pag-aartista ay hindi siya yumaman kaya niya idinagdag ang salitang "Don" at kahit man lang daw sa pangalan ay yumaman siya.

Bago tayo magtapos, mabuting sabihin na ang bansag sa bansang ito ay bunga ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-kaibigan, pagpapahalaga at pagtanggap. Isa ito sa iilang mga bagay na kusang ibinibigay at kusa rin nating tinatanggap. Isa pa, ang bansag ay maaaring manatili o maglaho depende sa mga tao at lugar na kanyang kaulayaw at ginagalawan sa kasalukuyan.

Ang mahalaga ay ang pagkakaroon nating lahat ng kamalayan na hindi lang sa bansag nakikilala ang tunay na pagkatao ng isang tao kundi sa ating karakter, legasiya, reputasyon at dangal na nakakabit sa ating palayaw at pangalan…


-------
(Paunawa: Bago nga pala ako maakusahan ng Sotto-copying, ang mga pangunahing punto dito ay halaw ko sa sulating "A.K.A" na sinulat ni Marco J. Guerrero, na lumabas sa pang-Hunyong edisyon (pp. 42-43)noong 1997 ng Blue Collar Magazine.)

----------

(Photo : IPAO File)