Natatandaan n’yo pa ba si Karyo? Oo, ‘yung hoodlum sa amin na nag-pi-pinitensiya tuwing Mahal na Araw. May naaalala pa pala akong tungkol sa kanya na sumagi sa isip ko kani-kanina lang. Mother’s Day kasi ngayon. Pero alam n’yo si Karyo ay mayroong isang malaking tattoo sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. Larawan iyon ng isang babae at sa ibaba nito ay may-nakasulat (“caption” din ba ang tawag doon?) na: “Ina Ko!”. Tiyak ko na hindi iyon larawan ng kanyang ng biological mother kasi, kung titingnan mo nang maigi ay may ‘halo’ ang babae sa drowing ....
Bihibihirang ipinapakita sa sining at literatura si Maria bilang isang babaeng matapang, matatag at palaban. Kadalasan ay may limitasyon ang larawang ipininta sa atin ng mga naunang taong Simbahan sa nabanggit na mga larangan. Kung si Maria ay mula sa mahirap na pamayanang magsasaka sa kanyang panahon, tiyak na may pagkakapareho rin sila,.. ng adhikain sa buhay, ng ilang konsepto ng pagiging babae at iba pa.... nang sinumang mahirap na babaeng kakilala mo.
Tiyak akong katulad ng ina mo at ina ko,- siya ay matapang, matatag at palaban. Kung wala sa kanya ang mga katangiang ito, papaano niya nakayanan ang maintriga, masalimuot at mapanganib niyang buhay sa lupa kaakibat ng kanyang pagiging Ina ng Diyos?
Aside from Mother’s Day ay Pentecost Sunday rin nga pala ngayon. Hindi ba’t hindi malayong isipin na nang maduwag ang mga apostol,.. matapos ang pangyayari sa Kalbaryo, ay sa katatagan at katapangan ni Maria sila lubusang sumandal at umasa? Hanggang sa dumating na nga ang gabing ang Espiritu Santo ay suma-kanila at sila ay biglang naging matapang na ipalaganap ang Mabuting Balita hanggang sa maitatag na nga ang Simbahan na sinundan ng mga pag-mimisyon.
Kamukha ng nanay ko at nanay ninyo,... simpleng mamamayan lang rin si Maria. Hindi siya kagaya nang kanyang contemporaries na ubod ng ga-ganda at tatalino (at least sa pamatayang maka-lupa, ha...) kagaya ng mga asawa ng Cesar at mga konsorte ng Jewish High Priests, ang poltically important na asawa ni Herodes at ng sweet lady ni Pilato. Wala silang panama lahat kay Mary of Nazareth na naging Perfect Mother. S’yempre kagaya rin ng ating mga nanay na nagluwal sa atin na hindi natin pwedeng ipagpalit kahit kina Hillary Clinton at Britney Spears gaano man sila ka-yaman o ka-sikat.
Masarap pa sanang magsulat ng tungkol sa mga ina natin, lalo na tungkol kay Maria, pero sadyang ganoon yata. Ang mga kataga at salitang patungkol sa ating Nanay ay hindi magiging ganap kailanman. Kaya ang ating sulatin o mga pagsusumikap ay mananatiling hindi maaaring ipagmalaki. Hindi kumpleto. Hindi sapat. Hindi karapat-dapat. Kung ating itatapat,ihahambing at ikukumpara sa kanilang pagmamahal.
Si Maria ay nabuhay dalawang libong taon na ang nakalilipas pero libong paraan din siyang nabuhay kasama natin. Nabubuhay siya sa katauhan ng ating mga ina. At kung ikaw ay babae, mabubuhay siya sa iyo kung magiging mabuti kang Nanay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sa aking pagkaunawa, ginoong pamatok, mukhang walang teolohikal na batayan ang pagsasabing sumandig ang mga alagad -- sa panahon ng kanilang pagkakaduwag -- kay Maria. kasi sa mga mahihirap na araw kaugnay sa misteryo paskuwal ng panginoong hesus, ang larawan ni Maria ay lohikal na isiping kagaya rin nang matapos nilang makita muli ang batang si hesus sa templo kausap ang mga pantas tungkol sa batas ni moises. nagugulumihanan si maria, at itinago na lamang ang lahat-lahat sa kaniyang puso..
ReplyDeleteang paliwanag ng tanyag na dominikanong teologo -- si Schilleebeckx -- sa kung paano nakatawid ang mga apostol sa ganitong panahon sa kanilang buhay (at pananampalataya) ay PNEUMATOLOGICAL. (note: hindi MARIOLOGICAL.)
deboto rin ako ni maria, pero dapat lamang na intindihin ang kaniyang naging papel sa tama ngunit makabuluhang perspektibo, nang isinasaalang-alang ang kaniya ring limitasyon.
keep on, g. pamatok.