Ang malaman mo pa lang na binabasa ni Didaskalos ang blog mo ay malaking karangalan na, e,.. ano pa kaya kung binahaginan ka niya at iyong readers ng kanyang insights at komento mula sa aking posting na “Ina Ko” (5/11/08) dito sa “Pamatok”. Basahin natin si Didaskalos:
“sa aking pagkaunawa, ginoong pamatok, mukhang walang teolohikal na batayan ang pagsasabing sumandig ang mga alagad -- sa panahon ng kanilang pagkakaduwag -- kay Maria. kasi sa mga mahihirap na araw kaugnay sa misteryo paskuwal ng panginoong hesus, ang larawan ni Maria ay lohikal na isiping kagaya rin nang matapos nilang makita muli ang batang si hesus sa templo kausap ang mga pantas tungkol sa batas ni moises. nagugulumihanan si maria, at itinago na lamang ang lahat-lahat sa kaniyang puso..ang paliwanag ng tanyag na dominikanong teologo -- si Schilleebeckx -- sa kung paano nakatawid ang mga apostol sa ganitong panahon sa kanilang buhay (at pananampalataya) ay PNEUMATOLOGICAL. (note: hindi MARIOLOGICAL.)deboto rin ako ni maria, pero dapat lamang na intindihin ang kaniyang naging papel sa tama ngunit makabuluhang perspektibo, nang isinasaalang-alang ang kaniya ring limitasyon.keep on, g. pamatok.”
Gusto ko lang idagdag ang bahagi ng kaisipan mula mismo kay Edward Schillebeeckx tungkol sa tinatawag niyang ‘pneumatological mariology’ (mula sa p. 61 ng aklat na “I am a Happy Theologian, Conversations with Francesco Strazzari” na inilimbag noong 1993 ng Crossroads Publishing Company and SCM Press):
“From immediately after the (Second Vatican) Council, over the last 30 years, there has been a kind of moratorium in mariology, and there has not been much talk about Mary. Now research is being resumed from other perspectives, putting on the emphasis on the relationship between Mary and the Holy Spirit. This is the Mary of the Gospel, of the infancy narratives. There we find the foundations of mariology, not to forget St John, where we find the relationship between Mary and the Holy Spirit.....” “... The Council did not want to consecrate the invocation ‘mother of the church’; it said only that some call Mary ‘mother of the church’. I think that we need to work out a pneumatological mariology.”
Salamat, Sir Didaskalos!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nabanggit mo na rin lamang ang theologically-loaded na mga salitang pneumatological mariology, hayaan mong magbahagi na rin ako ng kaisipan tungkol dito. ito ay ang pag-unawa sa katauhan at naging pagkilos ni maria sa kasaysayan ng kaligtasan nang isinasaalang-alang ang pagbibiyaya sa kaniya ng banal na espiritu. sa katunayan, ang kaisipang ito ay mapanganib. sapagkat kung sasangguni tayo sa banal na kasulatan kaugnay sa okasyon ng "pneumatological mariology," masusumpungan natin ang fiat ni maria na nagbunga ng inkarnasyon!!!
ReplyDeletesa kasaysayan ng kaligtasan, wala nang mas radikal pa kaysa sa pagkakatawang-tao ng diyos na naganap nang kasama ang isang willful at voluntary assent ng tao...
ang ganitong mariology ay hindi pangkaraniwan, at kalimitang hindi kilala sa sirkulo mismo ng legion of mary atbpang mga grupong pang-simbahan na para daw sa ina ng diyos at ina ng simbahan.
g. pamatok, mapanganib -- sabi ko nga -- ang magkaroon ng isang pneumatological na perspective ng pag-unawa kay maria ang isang mananampalataya.
ang isang simbahan na ganito ang pang-unawa ay nagdadala ng pagbabago sa lipunan... sa partikular na salita, ang simbahang ganito ang punto de bistang pinanggagalingan ay magtatalaga ng sarili para maganap ang pagsuhay sa isyung agraryo ng mga magsasaka matapos na pumalpak ang implementasyon ng CARP sa pilipinas..
maraming salamat sa pagbibigay ng puwang para sa akin sa iyong blog. isang karangalan ito sa akin..
(bago ko malimutang iyong blog nga pala ito, at hindi sa akin. hehehe)