Isinagawa kahapon sa bayan ng Sablayan ang 29th Annual General Assembly Meeting ng Occidental Mindoro Electric Cooperative o OMECO na ginanap sa Colegio de San Sebastian College (CDSS) Gymnasium matapos ang ang dalawang taong hindi ito isinagawa. Ang huling GA ay ginanap sa Abra de Ilog noon pang May 28, 2006 sa kadahilanang hindi naman maayos na naipaliwanag. Ang OMECO ay isa sa 120 electric cooperatives sa buong bansa.
As usual, kakaunti ang bilang ng mga dumalo,- halos wala pa yatang 300 participants,- kasama na ang mga manggagawa ng OMECO na full mobilization yata kumpara sa kabuuang bilang na 45,750 consumers province-wide (na na-determine naman later na nasa korum ito). Kung intresado kayo, narito ang consumer’s breakdown: 90% dito ay residential; 6% ay commercial establishments; 2% ang public building at ang natitirang 2% ay street lights including industrial and large load consumers.
Naging tampok dito ang oath-taking ng mga pinaka-bagong member ng Board of Directors na sina Arsenio “Boy” C. Samson ng Calintaan at Myrna Galindo-Magno ng Magsaysay at ang naging taga-panumpa ay si Vice-Mayor Eduardo Gadiano ng nasabing bayan. Nawa ay maka-iwan sila ng marka para sa general welfare ng mga consumer at hindi nang iilang opisyal lang nito. Sana ...
Medyo “pinitik” ni Mayor Godofredo Mintu, bilang Guest Speaker, ang OMECO sa brown-out na malimit daw nararanasan ng kanilang bayan. Idinagdag pa nito na naka-pipigil sa kaunlaran ng alinmang lugar ang ganitong sitwasyon dahil hindi ito makaka-akit ng dayuhang investor. Ginanyak niya ang mga dumalong kasapi na magtanong, mag-usisa at humingi ng paglilinaw hinggil sa mga related issue sa malawakang operasyon ng OMECO sa Occidental Mindoro. Halata din sa patutsada ng alkalde, bagama’t hindi tuwiran, ang kanyang disgusto sa exclusivity contract sa pagitan ng OMECO at ng “isang independent power producer” na hindi man direkta ay tiyak na ang Island Power Corporation o IPC ang kanyang tinutukoy. Matapos ang kanyang speech, umalis na rin kaagad si Mayor Mintu kasama si Vice Mayor Gadiano.
At imbes na substantial na mag-report ng statement of financial condition at technical accomplishment at projections si OMECO General Manager Alex C. Labrador, sa aking palagay,- ay naging reactionary remarks lang ito sa naunang talumpati. Sa ilalim ng statement of financial condition at technical accomplishments, bilang miyembro ay inaasahan kong mapalalim ang pagtatalakay sa Barangay Electrification Management Program o BEMP at ang napipintong MSEAC o Multi-Sectoral Electrification Advisory Council; ang tungkol sa Exclusivity Contract sa IPC, to name a few ... wika nga.
Kung susuriin, ang General Manager’s Report (kung report nga itong matatawag) ay mababahagi lamang sa tatlo: maikling kasaysayan ng pagkakatatag ng OMECO; ang technical explanations sa systems loss at causes of brown-outs; at ang pagbibigay diin na ang OMECO ay service oriented kaya hindi umano dapat asahang hindi ito malugi o kumita.
Pero kaya din namang ipaliwanag nang isang department manager ng OMECO (o baka kahit na ng kanilang trainee) ang tungkol sa kasaysayan ng OMECO nang ganoon din kaikli. Kahit na ang isang ordinaryong lineman ay kayang ipaliwanag ang system loss at ang brown out causes kagaya (o baka mas mahusay at kredibol pa) sa pagpapaliwanag dito ni GM. O kaya ay sa isa niyang engineers. Yung tungkol naman sa pagiging service oriented, sanay na ang mga taga-MSD na ipaliwanag ito sa kanilang mga radio program at kahit saang venue and forum.
Sa madaling salita, ang mga isyung pinalutang ay hindi pang GM Report. At lalo nang hindi pang-GA! Sa GA dapat ay major policies and structure-related ang higit na pinagtutuunang-pansin at hindi ang mga mumunting bagay na ito na maaari namang talakayin sa mas mababang antas. Sa aking pagdalo kahapon kumpara sa minutes ng May 28, 2006 GA Meeting na ipinamahagi nila, walang malaking pagbabago ang isinagawa sa proseso at maging nilalaman ng mga ito. Wala man lamang progression ang mga usapin. Halimbawa,- ang pamumutol ng kuryente kung wala ang may-ari ng bahay; ang problema sa hindi gumaganang kuntador; ang sistema ng pilahan sa mga magbabayad na consumer; at ilang petty problems na kaya namang tugunan individually at case-to-case bases ng mga akmang departamento at empelyado ng kooperatiba.
Speaking of kooperatiba,... kahit hindi implied, dama ko na wala nang balak ang pamunuan ng OMECO na ipa-rehistro ito sa Cooperative Development Authority o CDA para maging isang tunay at lehitimong kooperatiba. Kesyo nabubuhay lamang ito financially sa pamamagitan ng subsidy ng NEA o National Electrification Administration. Batay sa Annual Report 2007 ng OMECO, 13 Rehab/System Upgrading Accomplishments nito ay subsidized pa ng NEA. Pero ang masaklap, kahit yata panaginip na maging tunay na kooperatiba tayo sa susunod na pitong siglo ay wala tayo. Kaya ba hindi isinama ito sa GA target?
As of December 2007 ang OMECO ay may pagkakautang na PhP 164,972,427 at nalugi ng PhP 49,014,100. Pasensiya na kayo pero ‘yan lang talaga ang naunawaan ko sa ipinamahagi nilang 2007 Annual Report. Para bang gustong ipamukha sa atin na dapat lang malugi ang OMECO dahil nga “service oriented” naman ito at huwag nang pag-isipan pa kung mabaon man ito sa utang sa NEA at sa NAPOCOR. At huwag na tayong makialam kung hindi na nito pag-iibayuhin ang kanilang serbisyo o kung lisya na ang kanilang pamamahala sa ating kooperatiba.
Pahabol lang,... bigyan naman sana ng sapat na oras at panahon ang talakayan at gawing dialogical ang atmosphere sa bawat GA. Hindi yung GA na mas marami pa ang naging intresado sa Raffle Draw kaysa sa pagtitiyak ng patuloy na serbisyo ng kuryente dito sa atin. Sabi nga ni Kuya Rey, hindi “kinapos” sa panahon ang GA kundi sinadyang “kinapon” sa panahon!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ayoss...!!!!!!!!
ReplyDeletenice, I really like your writings =)
ReplyDelete