Mag-dadalawang taon na ang nakakalipas. At kung hindi ako nagkakamali ay isang serye ng pagtatalakay simula Agosto 11 hanggang 17, 2006 ang ginawa noon ng himpilang DZVT (dito sa San Jose) hinggil sa 3 buwan (Abril hanggang Hunyo) na Financial and Statistical Report ng Occidental Mindoro Electric Cooperative o OMECO.
Sa loob ng isang linggo ay malinaw na inihanay ang limang malalaking usapin na patungkol sa ilang isyung dapat pag-usapan nang bukas sa lahat hinggil sa OMECO upang mas lalong mabigyan ng kaalaman ang mga taga-Kanlurang Mindoro. Una: General Information tungkol sa OMECO; Ikalawa: Ang Buwanang Pagkalugi ng OMECO; Ikatlo: Systems Loss; Ikaapat: Ang Utang ng OMECO dahil sa Power Generation; Ikalima: Ang Consumer Deposit at ang Pangkabuuang Larawan ng Pananalapi ng OMECO. Ano na kaya ang lagay nang mga aspetong ito ngayon pagkalipas ng halos dalawang taon na...
Malinaw na sa kabuuang operasyon ng OMECO, base sa nakuhang dokumento ng Social Services Commission (SSC) noon, ang OMECO ay nalulugi ng mahigit na limang milyon kada buwan. O katumbas na PhP 166,000 araw-araw. Maaring may katotohanan ang buwelta ng kooperatiba na limitado ang basehan noon ng DZVT sa isyung inilabas ng istasyon. Ngunit sa kabilang banda, hindi rin maipag-kakailang hindi lamang mga figures ang nilalaman ng mga FINANCIAL AND STATISTICAL REPORT ng OMECO, nilalaman din nito ang operasyon at mismong buhay ng isang organisasyon.
Tandang-tanda ko pa na sa nasabing serye ng talakayan ay binuksan ang ere para sa pagbibigay reaksiyon at opinyon ng mga mamamayan. Higit naming inasahan na maglalaan din ng oras ang mga key person ng kooperatiba pero wala kaming narinig sa kanila. Hindi sila sumagot o nagpaliwanag tungkol sa aming analysis. Natatandaan ko rin ang ginawa naming pagtawag sa ilang Board of Directors para hingin ang kanilang panig hinggil sa usaping ito subalit walang nagpaunlak. Maliban sa isang miyembro ng MCEC na si G. Rodolfo Plopinio ng Mamburao.
Sinagot sa ibang himpilan ang diumano’y tugon ng pamunuan ng OMECO sa kanilang ginanap na Board Meeting . Walang pinabulaanan sa mga datos na aming inilabas, bagkus ay binigyan lang nila ito ng pagpapaliwanag.
Sa ganitong mga pangyayari, ang aming mga tanong ay hindi natugunan ng wasto. Aksyon ito mula sa kanilang panig na hindi nagbunga ng pagkalinaw sa isyu. Mga hakbang noon na lalong nakapag-dulot ng pagdududa o kalituhan noon sa mga miyembro (sige "konsumidor" na nga!) ng OMECO.
Noon at maging ngayon, ang pagiging mausisa naming mga kung tawagin ninyo ay “konsumidor” ay hindi isang usaping personal. Hindi ito tunggalian ng mga personalidad o pulitikahan. Sa usaping ito ang sangkot ay ang lahat ng mga mamamayang hindi lamang direktang gumagamit ng serbisyo ng kuryente, kundi ang usaping pagkakamit naming o nating mga mamamayan ng sapat at tamang serbisyo ng kuryente. Ito ang batayan nang aming mga pagdududa. Ito ang batayan ng aming paghahanap ng pagtatamasa sa aming karapatan sa impormasyon. Sapagkat kung hindi tayo makikisangkot at magre-resolba bilang mga miyembro ng OMECO, ano ang iba pang mas makabuluhang maiaambag natin liban sa pagbabayad ng tama sa ating mga electric bill?
Noon man o ngayon at magpasa-walang hanggan....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buti nga kayo iyan lang ang problema...
ReplyDeleteKami nga... hanggang ngayon, 5 hours pa rin ang kuryente!
Kuya!
Adventure tayo!
www.adventuresofalionheart.blogspot.com
Talo ng Lubang ang Paluan. Simula noong March 28, 2008 ay 24 hours na ang serbisyo ng Lubang Electric Cooperative o LUBELCO. Inisyatiba ni Mayor Juan M. Sanchez ang programang ito. Ang independent power producer doon ay ang Small Power Utility Group na kinatawan ni Engr. Lorenzo Marcelo.
ReplyDelete