Apat na araw na lang mula ngayon, sa ika-14 ng Nobyembre, 2008 ay muli na namang huhugos sa harapan ng Main Office ng Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) ang mga empleyado at mga member-consumer nito at kanilang mga taga-suporta mula sa iba’t-ibang sector ng lipunan, partikular sa mga bayan ng San Jose, Magsaysay, Rizal at Calintaan o SAMARICA. Hindi katulad noong nagdaang Save OMECO Prayer Rally noong ika-24 ng Oktubre, 2008, tampok pa rin dito ang pagkilos ng mga pari at pastor mula sa iba’t-ibang grupong pam-pananampalataya dito sa atin sa Occidental Mindoro.
Tiyak na kukuwestiyonin na naman ang presensya na ito ng mga taong Simbahan ng mga taga-suporta ng taong namamahala sa kooperatiba na tuwiran namang pinararatangan nang katiwalian ng mga ralyista. Mga paratang na bina-bak-apan naman ng kalalabas na NEA Audit Report. Tulad ng dati, ganito na naman ang tanong (na may halong pang-iinsulto) na ipupukol ng mga supporter ng mga namumuno sa OMECO sa mga taong Simbahan: “Bakit ba nakikialam ang Simbahan sa OMECO? Hindi ba’t nasusulat na ‘ ibigay kay Cesar ang kay Cesar at sa Diyos and para sa Diyos?” Ganito rin ang komento sa aking isang post re: OMECO noong Lunes. Abala ako sa ibang mas mahahalagang gawain kaya ngayon ko lang ito masasagot.
Nang bigkasin ito ni Hesus, hindi ganito ang ibig niyang sabihin: “Paghiwalayin ninyo ang Simbahan at ang Estado (o kaya ay OMECO) at matali lamang ang mga taong Simbahan sa spiritual realm habang ang OMECO (o ang Estado) ang siyang bahalang tumugon sa temporal affairs,- kagaya ng serbisyo ng kuryente.
Ngunit heto ang nakalimutan nating itanong sa ating mga sarili: “Anong bagay kaya ang kay Cesar na HINDI sa Diyos? Isa lang ang sagot diyan, WALANG BAGAY kay Cesar o sinuman sa atin ang HINDI sa Diyos. Maliban sa isa: ang ating KASALANAN. Lahat ng bagay kay Cesar ay galing sa Diyos at galing sa Diyos ang lahat ng sa Diyos.
In short, all things that belong to Caesar came from God, except Caesar’s sins. Inversely, all that belongs to Caesar, save his sins, belongs to God, too. But not everything that belongs to God belongs to Caesar.
Kung gagamitin natin ang katagang ito para batikusin ang mga lider-mananampalataya na mamumuno sa Save OMECO Prayer Rally sa Biyernes ay hinahadlangan natin ang kanilang pastoral duty to safeguard the morality in OMECO and we are misquoting Jesus. Sabi nga ni Fr. Bobby Titco sa isa niyang sulatin : “Give to Caesar what is Caesar’s and to God what is God’s. All things belong to God, including Caesar. Anything we hold from God, our sins not counted, is something we steal from God.”
Syut na syut ito sa mga taong umano ay nagsamantala sa katungkulan at kapangyarihan na patutungkulan ng rally sa isang linggo. Hindi nga lang pala mga Katoliko ang kasama dito kundi pati mga pastor ng ibang sekta na kabilang sa mga mainstream Protestant group...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment