Tuesday, November 11, 2008
OMECO Issue and CST
Tatlong pangunahing dimensiyon mula sa mga Panlipunang Turo ng Simbahan o Catholic Social Teaching (CST) ang ating pag-uukulan ng pansin sa ating layuning iligtas ang OMECO. Mga prinsipyong halaw sa Compendium of the Social Doctrine of the Church na ipinalabas ng Pontifical Council for Justice and Peace sa Roma noong ika-2 ng Abril, 2004:
1. Ang ating Responsibilidad para sa Paghuhubog ng Konsensya Batay sa Panlipunang Turo ng Simbahan.
2. Ang Awtoridad Bilang Isang Puwersang Moral (Authority as Moral Force)
3. Ang Paglaban sa Kasinungalingan
Ang ating Responsibilidad para sa Paghuhubog ng Konsensya Batay sa Panlipunang Turo ng Simbahan.
• Lahat ng mga mananampalataya ay may panlipunang responsibilidad sa pagsasa-katuparan at kaganapan ng katarungan at kawanggawa sa ating mga Pamayanang Kristiyano;
• Ang pakikisangkot ay bunga ng maigting na ugnayan sa bawat bahagi ng pang-araw-araw na buhay Kristiyano at dapat ito ay malayang isinasa-buhay.
• Ang partisipasyon ay esensya ng demokrasya na esensya rin ng ating pananampalataya
• Sa bawat usaping ng pagpapalakad/pamamahala sa OMECO, nararapat lamang na ito ay bukas sa lahat ng impormasyon, pinakikinggan at sinasangkutan.
Ang Awtoridad Bilang Isang Puwersang Moral (Authority as Moral Force)
• Anumang awtoridad o kapangyarihan,- kagaya ng sa mga namumuno sa OMECO, ay dapat na ginagabayan ng moralidad o mga panuntunang moral. Sa kaayusang moral dapat na hinuhugot ninuman ang kanyang kapangyarihan bilang pinuno at tagapamahala
• Ang awtoridad o kapangyarihang ito ay dapat na kumikilala, gumagalang at nagtataguyod sa makatao at moral na pagpapahalaga
• Ang awtoridad o kapangyarihang ito ay dapat magluluwal ng mga makatarungang batas na tutugon sa pagpapataas ng dignidad ng tao at kung ano ang tumutugon sa wastong katwiran
Ang Paglaban sa Kasinungalingan
• Imposibleng mapagmahal tayo sa ating kapwa kagaya ng ating sarili kung hindi tayo gumagawa para sa kabutihan sa kanila o sa ating mga manggagawa. Responsible tayo sa kanila bilang mga katiwala ng Diyos at mamamayan.
• “This path requires grace, which God offers to man in order to help him overcome failings, to snatch him from the spiral of lies, to sustain him and prompt him to restore with an ever new and ready spirit the network of authentic and honest relationship with his fellowmen”- (Catechism of the Catholic Church, 1889)
• Samakatuwid, hindi natin kinukondena dito si GM Labrador at kanyang mga kasama kundi upang ituwid niya ang kanyang sarili tungo sa katotohanan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kailangan sa OMECO makatikim ng KULONG. DASAL, MARTSA at DEMANDA, yun ang kailangan ni GM. Pag nakulong siya bahagi yun ng katarungan!
ReplyDeleteIlalagay ko lang po sa order: MARTSA, DEMANDA at KULONG. At sa bawat antas na iyan ay kailangan natin (sila at tayo) ng DASAL o PANALANGIN...
ReplyDeleteSalamat po sa pagbisita..
Hirap kasi sa ating mga Filipino madali makalimot. Ganun din yan kay GM. Kahit na anong martsa gawin diyan wala pa rin justice. kaya kelangan talaga idemanda, makulong at bayaran niya lahat ng nakurakot niya! makabawi man lang tayo!
ReplyDeleteour rally again is a failure and only few are in attendance. sometimes i do wish that the power barge will be pulled out or cut its service and the whole province will experience total darkness or black out for a long period of time. it is only then i'm sure that the people would rush to the streets and eventually realize the connection between GM Labrador's usurpation and abuse of power and this local doomsday scenario. god help occidental mindoro!
ReplyDeleteHuwag naman po sana tayo umabot sa ganoon.
ReplyDeleteSalamat po sa pagbisita.
salamat po.. hays.. u helped me out here to answer all the questions in my course in theo heheh.. thanks.. arriba!
ReplyDeleteSalamat Renier sa pagbisita...
ReplyDeleteSeminarista ka ba?