Sunday, November 23, 2008

Dyosa (?) at Hari

Ang mga Pilipinong kabataan ng ating panahon ay mas ibig pang sundan ang buhay ng “Takda” kaysa sa mga pulitikal na kaganapan sa ating lalawigan. Kung ano ang kahihinatnan nina Kulas, Mars at Adonis sa paborito nilang telepantasya na pinamagatang “Dyosa”. Kunsabagay, hindi natin sila masisisi sapagkat mas naka-aaliw nga naman pag-usapan ang “Josephine” na ginagampanan ni Anne Curtis sa telebisyon kaysa sa “Josephine” sa tunay na buhay na isang babaeng lider-pulitiko dito sa Kanlurang Mindoro. In short, mas ibig nang nakararaming kabataang Mindorenyo ang maaliw sa TV kaysa sa mabaliw sa mga lokal na pulitiko natin …

By the way, baka hindi n’yo pa nabalitaan, sa isang news write-up ni Jomar Canlas na lumabas sa The Manila Times noong Martes (Nobyembre 18) ay may naisulat na ganito : “The Office of the Ombudsman charged before the Sandiganbayan Occidental Mindoro Governor Josephine Ramirez-Sato for failure to surrender the mobile clinic donated by then President Joseph Estrada, after the end of her term in the year 2001… in an 11-page Resolution, approved by Ombudsman Maria Merceditas Navarro Gutierrez, the governor was indicted before the anti-graft court after being charged with the crime of “Failure to Make Delivery of Public Property, defined and penalized under Article 221, paragraph 2 of the Revised Penal Code..” At sa huling bahagi ng balita ay mababasa natin, “.. Assistant Special Prosecutor Pamela Baying-Uy recommended the bail for the governor for her temporary liberty in the amount of P2,000. On the other hand, the charge of Malversation of Public Property against Ramirez-Sato was junked for lack of probable cause to acquire the property…”

Ang kontrobersyal na mobile clinic ay nagkakahalaga ng P3,460,000. at natanggap ni Governor Sato noong ika-20 ng Oktubre 2000 na siya pa noon ang Provincial Governor. Matatandaan na noong taong 2001 ay tumakbo si Sato sa Kongreso at nanalo naman. Kaya lang ay hindi niya itinurn-over ito sa noon ay newly-elected governor na si Jose Tapales Villarosa (o JTV). Ayon sa ulat, ipinagkibit-balikat lamang ni Sato ang mga request na ito ay isauli sa Pamahalaang Panlalawigan noon.

Ngayon ay hindi na pinapakinabangan ang mobile clinic at bulok na raw ito. Tanong ng sambayanan: “Tunay ba itong napakinabangan ng mga mahihirap na pasyente?”, “Pinagkakitaan lang ba ito?”, "itinuring n'ya ba itong personal niyang pag-aari?", “Bakit hindi ito na-maintain?” at iba pa…

Isang istoryang mala-telenobela na naman na susubaybayan nating mga Mindorenyo sa mga barberya, pondahan, tambayan, paradahan at sa alinmang umpukan. Ilalahok sa papaitan at kinilaw na kambing na pulutan ng mga tirador ng alak sa bawat inuman. Sa mga palatuntunan sa radyo ng magkabilang political propagandists lalo na ngayong malapit na ang 2010. Sa mga pagkakataong iniisip at ipinapalagay natin na tayo,- kabilang yaong mga nag-papalagay na lahat nang hindi sumasang-ayon sa kanyang gusto at paniniwala ay pawang "utak-biya",- na sa usapin ng pagbibigay ng impormasyon ay pawang mga “Dyosa” o “Hari”…

Speaking of “Hari”, ngayong araw na ito ng Linggo (Nobyembre 23) ay ipinagdiriwang ang Solemnity of Christ the King. Ito ang last feast of the Liturgical Year. Pero, ano nga ba ang mensahe ng araw na ito para sa ating mga Katoliko?

Hindi natin batid kung ano ang kasasapitan ng mga panlipunan at pam-pulitikang kaganapan sa Kanlurang Mindoro. Hindi natin batid kung kailan ang kaganapan ng ganap na paghahari ng Diyos para sa atin ngunit pinaniniwalaan natin na ito ay MAGAGANAP. Pinapanday natin ito at hindi hihintayin lamang na parang naka-tanghod sa waiting shade. Ito ang ating pinapangarap at paniniwala : “In the kingdom of God, people will no longer have to worry about eating or drinking, as we do in this world, for it will be a kingdom of truth and grace, justice, love and peace. It is a kingdom built for individual and common freedom, as a thanksgiving to our King ,-Jesus Christ.” Panahong dapat nating itatag ngayon at inuulit ko, hindi natin ito hihintayin lamang na maganap. Ito ang panahon ng kaganapan...

Panahong labis na kinasasabikan natin. Panahong hindi na natin kailangang aliwin pa ng “Dyosa” at isalba ng kontrobersyal na mobile clinic!

9 comments:

  1. pakisend naman ito sa email ko.ipapasa ko sa dwsjom@yahoo.groups.

    Eto email ko ha: taubuid@yahoo.com

    Ang iyong dakilang pinsang iskular

    ReplyDelete
  2. Walandyo!

    Sinend ko na. Next time i-copy mo na lang from the blog tapos ilipat mo sa Word then i-paste mo. I-minimize mo ito t'saka buksan mo ang site na gusto mong pasukin/pagdalhan. Tapos i-minimize mo rin, buksan ang Word at i-copy mo ang text at buksan uli ang receiving site mo at doon mo uli i-paste tapos i-send mo na...

    In short, inutusan mo pa ako.. e, mas matanda ako sa iyo!!!

    Hoy, ilagay mo rin ako sa blogroll mo...

    ReplyDelete
  3. hi, nice point coming from an older gen. But I disagree with you in the points you pointed out in your first paragraph, posted a lengthy reply to your post in dwcsjom yahoo groups.

    ReplyDelete
  4. kamusta naman kayo dyan, mga pinsan?? maligayang Pasko!

    ReplyDelete
  5. To Mafet: Merry Christmas din. Uwi ka naman dito sa Mindoro para masaya... Regards

    To Lawrence: Thanks for visiting PAMATOK. God Bless...

    ReplyDelete
  6. Lawrence :

    Kababasa ko lang ng iyong komento at ako ay natutuwa.

    Hindi ako gaanong sanay sa English kaya ilang ulit ko itong pinasadahan muna bago ko ito medyo naintindihan. Matalino at mapamukaw-malay ang iyong ginawang pagsusuri, bilang kabataan mismo,- sa pag-unawa sa sitwasyon, kaisipan, mithiin ng mga kabataan ngayon. Isang itong malalim na pag-aanalisa na tiyak kong maaari at dapat ibahagi ninuman kahit na wala ang posting na “Dyosa(?)at Hari” sa “Pamatok” o kahit na hindi ko ito isinulat. At kahit na hindi isinilang si Norman Novio (at si Anne Curtis!) sa mundo, ang mga bagay na ito ang dapat malaman ng mas nakararaming kabataan ngayon. Sa bata man o sa matanda,- inuuna dapat na inilalatag ng/sa mga panlipunang pwersa’t institusyon ang pagtitiyak ng pagpapa-malay ng resulta ng pagsusuri ng sarili, ng isang sektor sa kanyang sariling sektor,- bago ito i-akma ng tinatawag mong “public sphere”.

    Sabi mo, “…our society and culture does not encourage a pro-active role for the youth”, at “..our government is demographically old, in its people, mindset and program. It was never youth oriented..” Samakatuwid, sabi mo uli, “For the youth to involve itself in socio-political issues, the public sphere must reinvent itself for the youth to identify and consequently, participate in its affair.”

    Sa puntong ito ay ganito lamang ang magiging debate: “Alin ba ang babaguhin para maging aktibo sa panlipunang pagkilos ang mga kabataan, ang ating lipunan at kultura na ‘di kumikilala sa papel ng kabataan at ang lisyang pagtingin sa kabataan ng sistema o programa ng gobyerno o pamahalaan,- sa isang panig, o ang indibidwal na pagbabad at pakikipamuhay ng isang kabataan sa masa, o sa batayang sektor kabilang ang mga Mangyan?” Alin sa dalawa ang higit na magtutulak sa isang kabataan o grupo ng mga kabataan sa panlipunang kamulatan at pagkilos? Sa aking palagay ay ang ikalawa sapagkat wala nang hihigit pang puwersa kaysa sa personal na karanasan na maaaring magtulak sa ating kumilos. Ang karanasan ng gutom ng isang indibidwal ang nagtutulak sa kanyang maghanap ng makakain at tiyakin na hindi siya muling magugutom pa. Ang karanasan ng kawalan ng makakain ang higit na nagtutulak sa ating kumain hindi lang ang ganda ng kubyertos, tinidor, plato sa kumidor o maging ang lasa ng pagkain!.

    Noong unang panahon pa man ay ganito na ang reyalidad ng lipunang Pilipino. May malalang problema na pagkilala sa papel ng kabataan sa lipunan, kultura at pamahalaan. Pero, bakit may mga kabataan kagaya ni Jose Maria Sison noon na imbes na John Wayne Fans Club of the Philippines ang itinaguyod ay ang Kabataang Makabayan (KM) ang itinatag? Sa kasalukuyan ay maraming mga indibidwal na kabataan na ang palitang karanasan nila sa poor deprived and the oppressed of society ang nagtulak sa kanilang sumapi o magtatag ng samahan para sa social reform, through active non-violence o anumang anyo ng pakikibaka. Sabi nga palasak na winika ni Abraham “Ditto” Sarmiento III ng UP “… Kung hindi tayo, sino? Kung hindi ngayon, kaylan pa?”

    Saludo ako sa mga matatalinong bata na tulad mo na nagsumikap sa pag-aaral at nakapag-tapos ng Bachelor in Public Administration and Governance sa isang kilalang kolehiyo at Legislative Staff Officer ng isang Senador.

    Salamat sa paalala at “pangaral” lalung-lalo na sa pagbisita. God Bless...

    Norman

    ReplyDelete
  7. Actually, I posted a reply to your rejoinder, it being forwarded by ms. eunice cordova to our yahoo groups. I'm sorry if it borders to being disrectful, but I guess you will understand... I used to debate when I was in college so I tend to be fiery.


    It's nice to read a blog on community concerns from San Jose.

    ReplyDelete
  8. Naiintindihan kita. Ganyan din ako noon “kainit” kahit mga debateng kanto lang ang sinalihan ko.

    Pero totoo pa rin ang mensahe sa bahagi ng sulat ni Jose Rizal noon sa kaibigan niyang si Antonio de Morga na naglalaman ng ganito: “The Filipino today prefers a beating to scolding …”. Mas mahalaga para sa aming nasa ganitong edad sa katulad na talastasan, ang paggamit ng “malumanay” na pangungusap kaysa sa substansiya ng mga sinasabi…

    Kasama ka sa ilan lamang na mga matitino at matatalinong blogger na taga-Occidental Mindoro na nabasa (at binabasa)ko…

    Mabuhay ka!

    ReplyDelete
  9. Hmm... A historical misconception. Rizal merely annotated Atonio de Mroga's chronicle of his Philippine travel. they were of a different time, but then again, maybe you are using 'friend' in a colloquial context.

    Hmm... I guess so. I'll keep that in mind the next time.

    ReplyDelete