Sunday, February 8, 2009
Basura... Ginto
BASURA.
Ganito ang kadalasang tagpo na babantad sa iyo sa bawat istratehikong sulok sa bayan ng San Jose lalo na kapag umaga. Ang larawan sa itaas ay kuha sa daan malapit sa main gate ng San Jose Pilot Elementary School. Mga green and white colored garbage bin na naka-kalat sa buong kabayanan at bago mag-tanghali ay hinahakot ng garbage trucks na designed sa pagkakarga nito. Ito ay kung walang aberya ang mga trak at drayber. Ang usual routine ng mga taga Ecological Solid Waste Management Program ng Munisipyo sa ilalim ng Mayor’s Office at ng Municipal Engineering Office ay mag-wawalis sa plaza bago pumutok ang araw at ‘yung mga naka-assign sa trak na hahakot ay iikutan at isasakay ang mga bin at dadalhin sa Municipal Dumpsite sa Brgy. Camburay. Tatlong trak ng garbage bin ang naglalagari mula bayan hanggang Camburay at vice-versa sa pagtatapon ng basura. Dagdag na mga ipinaghahakot ay isang kulay puting dump truck at isang kulay dilaw na hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Basta ang alam ko ay ang may plaka ito na SGN 502. Ewan ko kung totoo, sabi ng “ultimo critico” ni Meyor, over-priced raw ang mga bagong equipments na ito. ‘Yung Municipal Dump Site tagilid pa rin ‘ata sa DENR…
Pero mas karima-rimarim tuwing hapon ang garbage bin na naka-lagay sa Public Market malapit dun sa dating Slaughter House. Kung idi-describe ko ito sa inyo ay p’wede kang masuka lalo na kapag mahina ang iyong sikmura. O kung ikaw ay maselan na nasa harap lang ng in-exhume, ina-awtopsiyang naagnas at nagpa-patis na cadaver ay hindi ka na makakain. ("Para ‘yun lang!")
Seriously, noon pa man ay diskumpiyado na kami sa proyektong ito ng munisipyo. Sabi namin, bago sana ipinatupad ito ay nagkaroon muna ng malawakang issue-awareness campaign on garbage segregation at nakapag-latag ng mga polisiya at patakaran para sundin ng general public. Ano-anu ang mga “kaparusahan” ng mga hindi susunod dito? Pero tila hindi ito napag-ukulan ng pansin. Walang kaabog-abog na ikinalat ang mga bin sa iba’t-ibang mga lugar, mga bahayan at public places. Kaya hayun, walang segregation na nangyari down from the households kaya’t lalong malabo ang paghihiwalay ng mga nabubulok at ‘di nabubulok na basura sa mismong pinagtatapunan.
Sabi ni Meyor Muloy, may mga “dugyot” kasi na mamamayan at tama nga rin naman. Akalain mo, ‘yung sinasabi kong eksena sa palengke, nandoon na nga ang bin ay hindi man lang mai-syut ang basura nila doon. Hinahayaan na lamang na manggitata, bangawin at mangamoy sa labas ng basurahan. ‘Yung iba namang residente, pati ba naman mga putol-putol na kahoy ay doon pa itatapon imbes na itabi na lang at gawing panggatong. Katulad sa palengke, tamad din silang itapon sa loob ng bin ang kanilang mga kalat katulad ng tae ng aso, may dugong napkin, gamit na diapers at kung anu-ano pang yucky things. ‘Kinam, dugyot!
Isa pa sa mga nakapagpapalala sa sitwasyon ay ang mga scavengers na nakikipag-unahan sa mga taga-Munisipyo sa mga garbage bin. ‘Yung mga bata ay aakyat at papasok sa loob ng bin, hahalukayin ito at kukunin ang mga mapapakinabangan at ihahagis sa labas ang walang pakinabang. Kaya hayun,.. super-kalat ang kalalabasan. Ganyan ang babantad sa iyo sa bawat umagang kay-gandang iyong inaasahan….
GINTO.
Isang aklat ang aking pinipilit na tapusin ngayon na kahit papaano ay isinisingit ko sa aking mga bakanteng oras. Para akong naka-tagpo ng bara ng ginto sa librong ito dahil muli ay aking na-appreciate ang mga pamana ng panitikang Pilipino.
Itinampok ko ito sa blog post na ito sapagkat ang isa sa tatlong sumulat nito ay taga-rito sa atin sa San Jose, Occidental Mindoro. Ang “Philippine Literary Heritage (From Spanish Period to Present)” ay inilimbag ng Mind Shapers Co. Inc. noong 2009. Ang aking tinutukoy na may-akda ay si Marlyn Guilas-Nuelo, PhD na tapos ng Bachelor in Secondary Education (BSE) major in English sa Divine Word College of San Jose. Kasalukuyan siyang propesor sa aking Alma Mater, ang Occidental Mindoro National College o OMNC.
Sa Introductory Page ng aklat ay ating mababasa: “Filipino literature contains the ideas handed down through the centuries which have been influenced the way Philippines has developed its society and civilization..” Naging nostalgic rin sa akin ito sapagkat muli ko na namang nabasa ang isa sa mga immortal na tula ng isa sa mga paborito kong makatang Pinoy (una si Amado Hernandez) sa kanyang tulang pinamagatang “If A Poem Was Just” na isinulat noon pang 1971 na sa aking palagay sa panahon ngayon ng global financial crisis, political situation ng ‘Pinas at hamon sa modern poetry ay napapanahon pa rin:
“If a poem was just
A bouquet of flowers,
I’d rather be given
A bundle of swamp shoots
Or a bundle of sweet potato tops
Gathered from a mud paddle
Or filched from the bamboo tray
Of a vegetable vendor,
Because I hunger
And my innards have not a nose,
They have no eyes.
Want has long benumbed
My taste buds
So don’t, revered poets of my country,
Don’t offer me verses
If a poem was just
A bouquet of flowers....”
Ang gintong tula na ito sa ating panitikan ay isinulat ni Jesus Manuel Santiago, isang kilalang manunulang aktibista noong Dekada ’70 at naging mang-aawit na nakilala sa pangalang Jess Santiago na lumikha at kumanta ng mga makabayang awitin noon katulad ng “Halina”, “Doon Po Sa Amin”, “Obando” at iba pa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i believe that the place is inappropriate for that thrash bin. Imagine, nasa sidewalk, daanan ng mga bata araw-araw. it circulated to our yahoo.groups already and until now the honorable mayor or whoever responsible for placing it there is still silent. The issue is no longer the garbage but the place where the "giant garbage can" is located. I wonder how the two barangay halls appreciate the sight! Well, maybe our society indeed has gone to the garbage level!
ReplyDeleteWhy I am so concerned with the matter? ako meron dalawang anak na nag-aaral sa Pilot at pinaglalakad ko sila everyday. I hope through your program you can help us to eliminate not only the garbage but also the "giant can".
Regards.
Sakto ang pagkakapukpok mo sa ulo ng pako...
ReplyDeleteSalamat rin.
sa ibang bansa, very pronounced ang pagkakaiba sa pagitan ng mga pulitiko at mga bureaucrats (sa diwa siyempre ni Max Weber, na siyang nagpasimula ng konsepto ng bureaucracy)... samantalang ang una ay kumukuha ng input mula sa huli, ang huli ay nakasalig din naman sa una. ang mga pulitiko ang nagtatakda ng mga pamantayang pampubliko, samantalang ang mga bureaucrats ang mga nagsisilbing tagapagpatupad. malinaw din ang kanilang pagkakahiwalay. ang pamumulitika ay di ang "bread and butter" ng mga bureaucrats (sapagkat di sila marunong pumasok sa anumang kumpurmiso), samantalang ang tuwirang pagpapatupad ng mga tuntuning administratibo ay wala naman sa kamay ng mga pulitiko. dagdag pa rito, ang byurukrasya ay insulated mula sa maduming pamumulitika. sa ganitong dynamics, kahit papalit-palit ng mga pulitiko, di naapektuhan ang gawaing panlipunan.
ReplyDeletesa pilipinas kasi, ang pagkakaibang ito ay di masyadong nai-emphasize.
halimbawa, sa usapin ng basura. di lamang dapat si muloy festin ang managot dito. isama din dito upang panagutin ang sangguniang bayan, at sila'y singilin kung bakit di kumprehensibo ang ordinansa tungkol sa ecological waste. dapat ding tingnan ito bilang isang isyung pang-administratibo. bakit di makapg-deliver nang maayos na trabaho ang mga direktang namamahala sa ecological problem? (MS)
MS, salamat sa muling pagpapamulat, sa uulitin...
ReplyDelete