Saturday, February 14, 2009
Kailan P'wedeng Mag-"anuhan"
Hindi lang minsan kong narinig o nabasa mula sa mga community health worker dito sa amin at ilang mga feminista ang komentong katulad nito:
“In the Philippine culture, the unreasonable demand of the male partner in sexual relations can hardly be refused by the female partner. In this situation, the natural family planning method is more likely to fail. Kung ganito, ano pa ang pamamaraang mairerekomenda mo kundi artificial method?”
Tiyak na may batayan sila dito at hindi ko ito sasansalain. Tunay na mahalaga ang mga pampayanang pag-aaral at talakayan na naka-batay sa karanasan ng mga kababaihan para mailapat sa pagresolba natin sa isyu ng populasyon. With due respect sa mga may kaisipang ganito, may mga couple din akong kilala na gumagamit ng Natural Family Planning na nagsabing simula nang maging aware sila at gumamit nito ay nagkaroon na nang higit na kakaibang closeness at matinding pagtitinginan silang mag-asawa. Nagbukas ito sa kanila ng palagiang pag-uusap,- sa ibabaw man o malayo sa kama, na hindi nila dating ginagawa bago ang alam-mo-na-kung-anong-aktibidad-ang-ibig-kong- tukuyin. Lalo raw nilang nirespeto at hinangaan ang isa’t-isa. “E, ‘di walang marital rape sa inyo?”, pagbibiro ko. “Mayroong mas malaking tsansa na pagbigyan ang hindi makatwirang pagpupumilit (read: unreasonable demand) ng lalaki kung gumagamit sila ng kontraseptibo. Dahil iisipin niya na walang peligro at tiyak na walang magaganap na pagbubuntis.”
May narinig din akong isang “ligated” na ginang sa isang pamayanan na tahasang inirereklamo ang mga seksuwal na pagmu-molestiya sa kanya ng asawa. Katwiran raw kasi ng lalaki, anong oras man niya gustuhing “umano” ay walang problema dahil ligtas naman sa pagbubuntis si Misis. Samakatuwid, ang paggamit ng kontraseptibo ay nagtitiyak sa isang babae na hindi mabubuntis pero hindi ito nagtitiyak ng paggalang ng lalaki sa kanyang asawa. O kaya ay sa respeto ng mag-asawa sa isa’t-isa.
Hindi ko alam pero sa palagay ko, ang gumagamit ng Natural Family Planning Method o ang sumusunod sa turo na ito ng Simbahan ang may mas malaking posibilidad na igalang ang kanilang mga asawa at hindi ito pagmamalabisan o pagtataksilan. Yaong mga couple na nagsasabing ang mga sakramento at panalangin,- kasama ang buong pamilya, ang gumagabay sa kanila sa pagpapasya at gawaing ito. Sabi pa nila, simple lang naman ang gustong sabihin dito ng Simbahang Katolika : “Magpigil sa panggigigil. Kontrolin ang sarili at maghintay ng tamang panahon sa lahat ng bagay. Anumang sobra ay masama.”
Ang paggamit ba ng artificial method ay nagtutulak na magkaroon ng mas maayos na komunikasyon at magandang relasyon sa mag-asawa kaysa sa Natural Family Planning? Ano raw ba ang mas mahalaga, ang masaganang buhay,- sa pagkain, edukasyon, bahay, damit, kalusugan, at iba pa, o ang maayos na relasyon sa pamilya na kadalasan ay hindi natin nararanasan nang sabay?
Kuwento lang ako ng isa. Batay ito sa karanasan ng isang marriage counselor na kaibigan ng isang kaibigan ko. May magkapatid na parehong babae na kapwa may asawa. Yung mas matanda ay gumagamit ng natural na pamamaraan at yung isa ay artipisyal. Yung gumagamit ng natural ay may apat na anak at yung gumagamit ng artipisyal ay ginustong hindi muna magka-anak (dahil sa isang bagay na may kinalaman sa takbo ng kanyang career). At sa pribadong pag-uusap ng mag-ate ay ang kani-kanilang sex life ang naging paksa. Ang babaeng gumagamit ng kontraseptibo ay nagrereklamo na ang pakiramdam niya ay ginagamit lang siya ng kanyang asawa tuwing sila ay magtatalik. At pakiramdam niya ay obligasyon niyang paligayahin ang kanyang asawa kahit wala sa mood o may nararamdaman siya, kahit ayaw niya.
Sa isang sulok naman ng bahay ay may usapang lalake ring nagaganap. Ang mag-bilas ay nag-uusap din tungkol sa karanasan nila sa seks. Halos maiyak ang lalaking gumagamit ng artipisyal na pamamaraan at more or less ay ganito ang kanyang linya : “Tangna, ‘P’re.. Ano ba ito? Palagi na lang akong nagmamaka-awa sa kanya para mapagbigyan? Parang naawa ako sa sarili sa tuwing ako ay nakiki-usap. Parang sunod-sunuran lang ako at magse-sex lang kami kung kailan niya gusto. Gusto kong mag-usap kami pero, pagod daw siya, masakit ang ulo, may problema sa opisina. Kaya kung minsan nakagagawa ako ng hindi maganda. Ayaw ko rin sanang saktan siya!!”
At sa kanilang pag-uwi, ang mag-asawang gumagamit ng natural na pamamaraan ay nagtatakang tinanong ang isa’t-isa : “Hindi ba sila nag-uusap nang maayos tungkol sa seks? Ayaw ba nila ng sakripisyo hanggang sa pagkakataong puwede na, sa panahong kapwa nila inaasahan at inaasam?" Mga gabing hindi man p’wedeng mag-seks ay may pananabik naman at sabay na ina-anticipate, pinag-uusapan at hinihintay ng dalawang pusong nagmamahalan.”. At sabay nilang idedeklara : “Salamat at ang sex life natin ay okey na okey. Tutulungan natin sila!!”
Kitam. Ang gusto ko lang sabihin, hindi basta na lang pinagsasalpok ang karapatan at responsibilidad ng babae at lalake sa, oo.. patriyarkal na lipunang ito. Sa sistemang ito ay hindi lamang ang babae ang biktima kundi maging ang mga kalalakihan. Kapwa sila biktima ng lipunang hindi gender sensitive, sa kani-kanilang hindi paggalang sa isa’t-isa bilang tao, sa kani-kanilang hindi pagpapahalaga sa kanilang relasyon bilang mag-asawa.
Pero ang problema sa pagiging patriyarkal ng lipunang Pilipino ay malulunasan natin sa hinaharap. Magka-tuwang ang babae at lalake, sa pamamagitan ng gawaing panlipunang kanilang kinikilusan,- sa pamahalaan, pribadong organisasyon at mga Simbahan. Hindi nga lang biglaan kundi dahan-dahan. Moderately, ‘ika nga. Sabi nga ng isa ko pang kaibigan, “Mahirap na kaagad mabaklas ang isang kaisipan at sistemang libong taon nang umiiral…” Wala na akong espasyo pa para sakupin ang over population "myth" na kinontra na ng mga modern demographers na katulad ni Ben Wattenburg,- na obviously ay isang lalake, at ng babeng si Jaqueline Kasun.
Kaya lang, sabi ng mga lider ng ilang pandaigdigang kilusan ng mga radikal na kababaihan: “Kasi ang Diyos ng mga naniniwala sa Diyos ay lalake. Si Hesus na anak daw ng Diyos ay lalake rin!.” Kahit ako ay (pagdidiin: tunay na)lalaki, aaminin kong totoo ang nabasa ko kay Elizabeth Johnson sa kanyang aklat na “Consider Jesus”, “The problem is not that Jesus is a male, but that more males are NOT like Jesus!”,….
… si Hesus na higit sa mga teknikal na pamamaraan o metodo, ay kampiyon ng pakikipag-relasyon tungo sa pagpapaka-banal!
Maligayang Araw ng mga Puso!
-----
(Photo grabbed from http://laylasphotoblog.blogspot.com Thanks)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I thought the church also recognize that sex among married people is not only for reproduction?
ReplyDeleteTama ka sa iyong mga points. Kaya lang paano mo patatagusin yan sa maraming komunidad dito sa Pilipinas? May mga manggagawa ba kayo na nakatakdang mag-ikot sa mga "depressed areas" kung saan may mga "baby factories"? Ang RH bill ay naglalayong mabigyan ng mga pagpipilian ang bawat tao at kabilang din sa mga choices na ito ang NFP.
Isa pa sa human sexuality, ang pagtaas ng libido ng isang babae ay sa panahon ng ovulation stage (o dun sa sinasabing hindi ligtas na araw)sa NFP, ibig ba noong sabihin, set aside the woman's desire first at palipasin muna ang hindi ligtas na panahon? I am taking this stance sa mga mag-asawa. Besides, sa mga kababaihang hindi normal ang menstruation, NFP is not applicable. Even health workers testify to that fact that NFP is only for those who have regular monthly period. In my case, my period is so irregular that I have to take pills prescribed by an OB-Gyne.If the Church is pushing for NFP, can the Church provide OB-Gynecologists to guide couples? the RH bIll seeks to redress that, in fact in a provision is the establishment of hospitals staffed with OB-Gyne and it will be free to guide couples or anybody on their choices of contraception methods. There are negative effects of contraceptives, i don't deny that. Kaya nga an OB-gyne shall prescribed it and RH bill seeks to include contraceptive pills as medicine.
Indeed, the problem lies with MORE MALES ARE NOT LIKE JESUS, that's why we need contraceptives!
Sexual education is included in the RH Bill but it does not mean that how to "make love" is in there, but the scientific way of explaining to complexities of sexuality and how to prevent pre-marital sex. In a study in the US, those kids who had sexual education are less likely to engage in pre-marital sex because they know the consequences. and it helps them to prevent sexual abuses.
ACtually, there is no over-population, it is just a matter of uneven distribution of resources.
It is really an issue, especially to majority of women who never know their rights.And most importantly to men who do not know that they have to respect women's rights.
Why don't you invite me to discuss it on air as part of our advocacy?Especially this March? I am not taking this as feminist but most of all i am into it because I am a married woman.In my case, we both agreed into this choice.
even under normal condition, why not the church let na lang what a mother want to use. its up to them if NFP o contaceptive ang gamitin
ReplyDelete-Mindoro Turk
Dear Turk:
ReplyDeleteKapag hindi tayo pumanig o hayaan na lang natin na mag-desisyon kung ano ang mabuti para sa kanila, lalung-lalo sa isyung ito,- kahit na labag sa ito sa tawag ng pananampalataya o kaya ay sa batas ng kalikasan,- ay pinaliliit natin ang misyon ng Simbahan at iginagawi lamang natin ito sa pagtugon sa mga temporal o panandaliang mga bagay kagaya ng problema sa kalusugan, kagutuman, kahirapan, sexual pleasure, serbisyong panlipunan, pulitika at iba pa na hindi natin mararanasan o inaasam pa sa kabilang-buhay. Ang material well-being na wala nang saysay sa kapag tayo ay six feet below the ground na, wika nga.
Ang pangunahing layunin ng Simbahan ay ang kaligtasan ng kaluluwa at espiritwal na pagdadalisay kaya nagpapalaganap siya ng Mabuting Balita. At obligasyon ng bawat mananampalataya na makibahagi sa gawaing ito ng ebanghelisasyon. Sa isang Katoliko, ang pagpapalaganap ng NFP ay isang uri ng ebanghelisasyon.
Pero huwag mong ipalagay sa bata mong isip,- Turk, na pinag-hihiwalay natin ang “tinapay” (mga bagay na materyal) sa “Salita ng Diyos” (espiritwal o pangkaluluwa). Malaking pagkakamali na ipalagay nating hiwalay ang dalawang ito lalo na ang sabihing ito ay magka-salungat. Kung papaano tayo naninindigan sa mga kontemporaryong pangyayari sa kasaysayan, kung papaano tayo umiwas sa kasalanan (personal man o panlipunan) ay siyang magiging sukatan ng ating kaligtasang pang-kaluluwa kapag tayo ay lumisan na sa mundong ibabaw. Ang mga bagay ng daigdig ay instrumento lamang, habang ang espiritwal na kaganapan naman ang ating tunay na layon. Samakatuwid, may malaking kaugnayan ang dalawang ito…
Sabay na tumutubo ang damo at ang mabuting binhi sa taniman ng magsasaka. Sa huli, tiyak na alam ng Dakilang Magsasaka ang kanilang pagkakaiba …