Saturday, February 21, 2009
Kuwentong Murtha, Problemang Ospital
Noong ika-12 ng Pebrero, 2009 ay nagluwal ng isang premature baby sa Murtha District Hospital dito sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro si Milagros Madrid. Matapos ang ilang araw ay namatay sa loob ng ICU ang sanggol. Sa panayam kay Gng. Filomena Paula na taga Sitio Alitaytayan ng nasabi ring bayan at nanay ni Milagros, wala umanong nakapag-sabi man lamang sa kanila mula sa mga duktor at narses doon na maselan pala ang kalalagayan ng bata matapos itong iluwal. Ni wala din umanong binabanggit na sakit ang duktor na pangunahing tumitingin sa kanyang anak na si Dra. Flor Amaba, MD.
Hinala ni Aling Filomena na ang pagkakaroon noon ng dalawang oras na emergency brown-out sa lugar ang ikinapahamak ng kanyang bagong silang na apo. Maaari umanong huminto rin sa pag-function ang incubator ng bata. Kung siya ang tatanungin, naniniwala ang matanda na nagkaroon ng kapabayaan ang duktor at ang ilang tauhan ng nasabing ospital. Bukod dito, inirereklamo rin niya ang hindi umano magandang ugali ng duktora at ilang staff doon.
Ang Murtha District Hospital ay nasa ilalim ng pamamahala ng Pamahalaang Panlalawigan at ang administrador ng ospital ay si Dr. Noel S. Fernandez, MD. Ang ospital na ito ay ang pinakaabalang ospital ng gobyerno sa lalawigan. Wala itong mga makabagong kagamitan, kulang ang mga bed kung ikukumpara mo sa dami ng admittance araw-araw at higit sa lahat ay under staff pa ito. Maraming gamot ang hindi available, at kung anu-ano pang kakulangan sa usapin ng hospital care. Ang Murtha District Hospital ay luma na ang mga gusali na kung titingnan mo, sa itsura pa lang ng free ward nito ay maaari ka nang matetano at mamatay!
Ang mga pasyente dito ay hindi lamang mga taga-San Jose kundi maging mga taga ibang bayan at ibang lalawigan pa nga na malapit sa San Jose, kagaya ng mga malalapit na isalang barangay ng Northern Palawan at Antique. Ilang gobernador na ang nagpalit-palitan sa lalawigan simula ang ito ay itayo noong 1970’s pero sabi nga ng mga Bisaya, “Amo pa man gihapon…”
Hindi na bago ang ganitong mga kuwento sa Murtha. Mayroon umanong palakasan. Yung mga taga-bayan at kilalang tao raw ay binibigyan ng VIP treatment habang iniitsa-puwera ang mga mahihirap na taga-baryo at lalo na ang mga katutubong Mangyan. Kung ikaw ay taal na taga Occidental Mindoro, tiyak na may ganito ka ring karanasan o alam na karanasan sa ospital na ito dito sa atin. Mga reklamong hindi naman pormal na inihahain sa hukuman o sa alinmang tanggapan. Mga buhay na naglaho sa maaari namang maiwasan. Pinalabas sa ospital si Milagros noong ika-15 ng Pebrero.
Pero sa panayam namin kay Dra. Flor Amaba, itinanggi niya na nagkaroon sila ng kapabayaan. Noon pa umano ay batid na ng ina na pre-mature ang kanyang isisilang. Sa pagsusuri rin umano niya, nalaman niya na hindi sumailalim sa regular na check-up ang ina noong ito ay buntis pa lang. Maliban sa pagiging pre-mature, mayroon pa raw Respiratory Infection Syndrome ang sanggol na bagong luwal. Idinagdag pa niya na tunay na sa pagkakataong iyon ay “potentially at risk” na ang ina at ang sanggol dahil si Milagros noon ay may hypertension. Kaya imposible umanong hindi niya masasabi ang sitwasyon sa pasyente.
Sabi ng isang political camp, malapit nang matapos ang ganitong mga kuwento at eksena sa Murtha. Kapag nailipat na ito sa kanyang bagong proposed site sa National Highway papuntang Brgy. Central. Isa ito sa mga pangunahing proyektong pinaglaanan ng malaking badyet ni Gov. Josephine Y. Ramirez-Sato at pinaglaanan ng pondo ng ilang mga pambansang ahensiya ay pulitiko. Magiging kumpleto umano ito sa mga pasilidad at iba pang kagamitang pang-kalusugan. Sana nga….
Heto ang ratsada ng mga tanong: "Imbes na ituon na lamang ang mga gastusin sa pagpapataas ng antas ng Murtha District Hospital bakit pa ito ililipat?" "Halimbawa sa pagbili ng mga modernong pasilidad imbes na sa kontsruksiyon?" Ilan lamang iyan sa tanong ng mga mamamayan. Wala raw problema sa site, e ba’t ililipat? Bakit imbes na manpower at facilities ay construction ang pag-didiskitahan? Wala ba talagang kapalit ang donation ng lupang pagtatayuan?
Sa mga kinauukulan : Pakisagot na nga po para sa kaliwanagan ng mga ordinaryong Mindorenyo katulad ni Aling Filomena at ng mga intrigerong katulad ko…….
-------
(Photo from the Philippine Information Agency (PIA) website)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hindi na nga bago ang ganyang usapin, pero gusto ko lang magdagdag ng konti:
ReplyDelete1) Tunay nga na understaff ang ospital at napaka-"toxic" lalo na kung alanganing oras dahil sa dami ng pasyente;
2) Hindi conducive as a wellness site ang mga gusali dahil napakadilim... Sabi ng ilang nakausap ko, mas dobleng pondo ang gagastusin kung idedemolish at ire-renovate ang hospital kesa magtayo ng bago...
3) Sa bahagi ng nag-donate ng lupa, sila'y mga prospectors... 1.5 hectares ang idi-nonate mula sa mahigit 10 ektaryang nakapaligid sa loteng pagtatayuan ng ospital... Siyempre, pag nagkaroon ng ospital magkakaroon ng economic activity sa lugar at tataas ang value ng lupa na nakapaligid doon 5-10 mula ngayon...
4) Siyempre pa, ang nag-"donate" ng lupa ay nagbabayad lang din ng utang na loob dahil sa sya sa mga contractors ng probinsiya...
3)
Dear Dyoms:
ReplyDeleteSalamat sa additional info at sa pagbisita...
Cuba has the most efficient medical and health services in the world. According to one of my classmates who went there for exposure and to news articles, Cuba does not invest on physical structures, but rather on equipment and medical practitioners. Although structure is important,enhancing of medical knowledge as well as equipment is far more important. Leading American leaders actually go to Cuba to undergo treatment. Take the case of Fidel Castro who is still alive inspite of his chronic illness. In Cuba, they do not have malnourish or sickly children. And to think there is embargo in this tiny socialist country.
ReplyDeleteIn our tiny democratic province,however, a simple case can be deemed "serious" due to lack of medical facilities. In our tiny democratic province, a politician find it is enough if s/he gives a few hundred pesos (from his/her pocket daw) to help a sick constituent.
Medical/health problem has been plaguing our country and province for so many years. It has been part of the SAP (structural adjustment policy of the WB-IMF) wherein social/health services are cut off for debt servicing.
Yet, even so, the local government still owe us because we have budget for health even before the SAP. The question is where did that budget go.
Anyway, the good governor nga pala was conducting Mobile Health Clinic last year to selected barangays in Occ. Mindoro. Baka akala natin okay na yun!
sato and jtv are d same. they made the life of people who seek medical attention so miserable! the've alternatively been in power since i was born. waht a pity.
ReplyDelete-Mindoro Turk