Thursday, February 26, 2009

Karapatan sa Pagsagot


Sa isang panayam sa isang local FM radio station sa lalawigan kaninang tanghali (na kanyang pag-aari), ang aming kinatawan sa Kongreso ay tahasang naninindigan na siya ay sumusuporta sa isang panukalang batas sa Senado na inisponsor ni Senador Aquilino “Nene” Pimentel ang Senate Bill No. 2150 at sa Kongreso naman ay ang House Bill No. 3306 na isinusulong ni Rep. Monico Puentevella. Ito ay ang palasak na tinatawag ngayong “Right of Reply Bill”. Kagaya ng inaasahan, palung-palo ang Station Manager ng himpilan sa panukalang batas, imbes na sa pagsusulong at pagtataguyod sa batayang karapatang pantao at sa kalayaan sa pamamahayag. Tsk..tsk..

Personally ay kontra ako dito. Uulitin ko, personal kong opinyon ito at walang kinalaman dito ang tindig ng organisasyong aking kinabibilangan o ng DZVT na istasyon ng radyo kung saan ako nag-a-announce. Hindi ko alam kung ano ang opisyal na posisyon dito ng aking mga bossing. Ang layunin ng mga panukalang batas na nag-aatas sa lahat ng media organization na mag-publish o magsa-himpapawid ng mga tugon ng umano’y aggrieved parties ay imposibleng maipatupad. Ang takot ng ilan na maging biktima ng hindi patas na media coverage o interview ay matagal nang tinutugunan ng iba’t-ibang mga mekanismo ng self-regulation kagaya ng ipinatutupad ng Philippine Press Council (PPC), kabilang ang Ethics Body halimbawa ng Philippine Press Insitute (PPI). Maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) ay mayroon na rin 'atang ganitong mekanismo noon pa man at may mga kaakibat itong kaparusahan.

Imbes na lumikha ng mga batas kung papaano kumilos o mag-function ang media, ang pinag-ukulan na lang sana ng pansin ng ating mga mambabatas ay kung papaano i-regularisa ng media ang kani-kanilang mga sarili upang maka-likha ng kapaligirang kaaya-aya tungo sa epektibong pagganap o pagsasakatuparan sa nasabing propesyon. Isa pa sana ay kung papaano ma-reregularisa ang mga lokal o pambansang media institution na direktang pag-aari o impluwensiyado ng mga pulitiko na ginagamit upang wasakin sa ere ang kani-kanilang mga katunggali.

Tunay na lahat ng tao,- pulitiko man o karaniwang mamamayan, ay dapat bigyan ng karapatang sumagot sa mga inaakusa sa kanya o sa kanila. Ang akin lang ay hindi kayang maglaan ng patas na panahon o espasyo para sa mga ganitong pag-reply o kasagutan sapagkat lalabas na ang midya ay maaaring magamit sa iba pa nilang layuning pulitikal, lalo na kapag panahon ng eleksyon. O sa propaganda kaya.

Naniniwala ako na ang bagay na ito ay hindi na kailangan pang isa-batas. May kakayahan ang alinmang midya dito sa Kanlurang Mindoro na hindi pag-aari at direktang impluwensiyado ng mga pulitiko na mag-self regulate. Ang DZVT, Spirit-FM, DZYM at Radyo Natin halimbawa ay kayang i-regulate ang kani-kanilang mga sarili. Kalokohan lang ang panukalang batas na ito sa ganang akin.

Sinasagkaan ng Senate Bill No. 2150 at House Bill No. 3306 mga batayang kalayaan na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas,- ang freedom of the press and freedom of expression. May mga isinasaad pa nga palang multa sa mga hindi tutupad dito.

Ang dalawang panukala ay nagsasaad ng ganito: “all persons…who are accused directly or indirectly of committing, having committed or intending to commit any crime or offense defined by law, or are criticized by innuendo, suggestion or rumor for any lapse in behavior in public or private life shall have the right to reply to charges or criticisms published or printed in newspapers, magazines, newsletters or publications circulated commercially or for free, or aired or broadcast over radio, television, websites, or through any electronic devices.”

Itinatakda rin na ang mga sagot o reply ay dapat, “published or broadcast in the same space of the newspapers, magazine, newsletter or publication, or aired over the same program on radio, television, website or through any electronic device.”

Ganito naman ang pananaw ni Prof. Danilo Arao ng UP College of Mass Communication : “The danger in the right of reply bill is that it would legislate what the media OUGHT to publish or air, while casting a chilling effect that could dissuade the more timorous from publishing or airing what they SHOULD.” Idinagdag pa ng batikang mamamahayag sa kanyang blog na: “The bills would free public officials, especially the corrupt – and they are legion – of accountability and give them carte blanche to force their lies on the suffering public.”

Hindi naman ako ay nag-mamalinis bilang isang local media practitioner. Mayroon din akong malaking pagkukulang marahil sa usaping ito. Naiintindihan ko ang sitwasyon ng mga "kaawa-awang" pulitikong basta na lamang binibira't inaakusahan nang hindi pinasasagot. Sa Kanlurang Mindoro ay ganito ang kalakaran lalung-lalo na sa mga istasyon ng radyong pag-aari o direktang impluwensiyado ng mga pulitiko. Pero ang kasalanan ng ilan ay huwag naman sanang gawing sangkalan sa pakyawang panunupil sa sagradong kalayaan sa pamamahayag at freedom of expression. Kapag nangyari ito, lalong magtatagumpay ang lisyang pamamahala at maling pamumulitika hindi lamang sa ating lalawigan kundi sa buong bansa. At lalong patay tayo diyan kaya...

...Ibasura ang House Bill No. 3306 at Senate Bill No. 2150!!!

---------
(DZVT File Photo. Sen Loren Legarda with Vice-Gov. Mario Gene J. Mendiola in one of her visit to Occidental Mindoro last 2007)

16 comments:

  1. well, look who's talking? tama ka sa pagsasabing minsan..or sabihin na nating madalas eh my mga kawawang pulitikong hindi maipagtanggol ang kanilang sarili sa mga bumibira sa kanila.. matanong ko lang? sino lang ba ang inyong iniinterview at kinukuha ang mga datos ng nagawa at ginagawa? makapagtanong lang ha? may personal kabang galit sa himilang sinasabi mo at wala ka ng ginawa kundi batikusin and Manager dito? tama ka rin sa cnb mong ikaw alam mo sa sarili mo may pagkukulang ka.. salamat naman at inamin mo.. basta sana before tayo magsalita let us meditate muna kung tama nga ba sinasabi? and alam mo sa sarili mo di nga ba ako may kinikilingang tao?

    ReplyDelete
  2. i can smell that the above comment is a hound dog of a politician. never mind him, dude. keep going. i am, and a lot of us are behind you!

    -Mindoro Turk

    ReplyDelete
  3. Dear Turk:

    Ang mga ganyang pampalakas ng loob ang "Lepovitan" ng aking mga sulatin dahil "it keeps me going". At titiyakin ko sa iyo Turk, na hindi ako nakikinabang sa sinumang pulitiko gamit ang aking karanasan sa radyo.

    Salamat ulit...

    ReplyDelete
  4. sipsip kasi ang manager ng FM station na binabanggit mo norman, talo pa sya ng mga batang broadcaster na kasama nya dun mahuhusay mag tanong di gaya nya panay kasipsipan ang alam ni father?

    ReplyDelete
  5. Visit my blog, too


    http://hundredpercentkatolikongpinoy.blogspot.com

    ReplyDelete
  6. pareho pareho lng kayo......lahat ng media practitioner sa occ. mindoro may pinapanigan kung di kat sato,kay villarosa.di naman kami mga tanga para d namin maanalisa kung kanino kayo panig base sa inyong mga komentaryo sa radyo.ah ewan....papunta pa lng kau nakabalik na kaming maka-3 ulit,magbagong buhay na kau style nyo bulok!

    ReplyDelete
  7. Sa tingin ko po ay ang mga pulitiko ang sabi mo nga ay "bumulok" sa sistema ng pamamahayag at sa ating lokal na midya mismo. Nagtataka lamang ako dahil tila mas intresado po kayong matuklasan kung kani-kanino panig ang mga himpilan ng radyo at mga brodkaster kaysa sa suriin kung ano ang puno't-dulo ng kasalukuyang problema ng lokal na midya dito sa atin. Kung anu-ano ang mga panlipunang pwersa at sitwasyong nag-sadlak sa lokal na midya dito sa suliraning ito. At kung papaano ito malulunasan.

    Sa akin pong pagsusuri, ang isa sa mga ugat ng kasalukuyang mapait na sitwasyon ay ang pagpasok sa pulitika ng mga brodkaster. Ang mga brodkaster,- kapag namulitika, hindi man nila ibig, ay nahahatak sa kumunoy ng political partisanship. Opo, binigo ng maraming mga brodkaster na naging pulitiko ang kanyang mga taga-pakinig, ang kanyang mga tagahanga, ang sambayanan sapagkat ni wala man lamang komprehensibong panukalang batas silang inakda para maging isang masigla at malayang pook ng kalayaan sa pamamahayag at freedom of expression ang Kanlurang Mindoro. Marami pa pong mga bagay na dapat gawin at unang-una dito ay kung papaano natin mapaghihiwalay ang pagiging pulitiko at media practioner.

    Naniniwala ako na may malaking salik ang pamumulitika sa pagiging brodkaster. May ilan pa nga tayong lokal na brodkaster na at the same time ay elected barangay officials. Papaano mo sila maaasahang walang papanigan o ikakampanya sa pulitika? Mayroon pang mga brodkaster na lantarang inihahayag na muling lalahok sa 2010 sa isang mataas na posisyon sa lalawigan. Papaano mo nga naman kakagatin ang palad na nagpapakain sa iyo?

    Sa himig ng iyong comment ay mas matagal ka nang brodkaster kaysa sa akin ("nakabalik na kaming maka-3 ulit...")at inaasahan po ng madla, at ako bilang baguhang brodkaster, na sa tagal ninyo sa propesyon ay marami na kayong natutunan na magagamit nating higit para sa kapakanan ng madla at hindi ng mga pulitikong may kinalaman sa atin.

    Sa isang tunay na Kristiyano, ang pagninilay at pagbabagong buhay ("...magbagong buhay na kau...")ay ginagawa ng SABAY,- ng inaakusan at gayundin ng umaakusa.

    Sabi mo, "...style nyo bulok!" . Maaari. Pero sana po kayo ay hindi. Siguro nga po sariwa at dalisay ang inyong style pero tanging ang kasaysayan hahatol sa atin sa bandang huli.

    Salamat.

    PS-Pakilala ka naman. Sabi nga "Ang marangal na mananandata, bago humugot ng espada ay nagpapakita ng mukha.." Salamat uli sa pagbisita sa blog na ito. -Norman

    ReplyDelete
  8. Dear Sir Francis:

    Kagagaling ko lang sa blog ng tropa ninyo. Isasama ko ito sa blogroll ko. Taga Mindoro po ba kayo? Salamat po sa pagbisita...

    Siyanga pala, kumusta na lang kay Philip (he,he,he..). Sa uulitin..

    ReplyDelete
  9. mahusay na kasagutan at pag-aanalisa.pasesya na sa aking komentaryo sapagkat akoy nagsalita base sa aking obserbasyon sa occ. mindoro.halimbawa,c alex del valle noong nasa dzvt pa kainitan ng quintos-villaros feud halatang halata na kabig sa mga quintos kalaunan nagserbisyo kay JTV at ngayon kay SATO na naman!Paano mo ba naman paniniwalaan ang mga taong ito,Mariboy Ysibido dati non-partisan ngayon na kay JTV,Rod Agas, at etc....at baka sa huli ikaw na rin hehhee (joke!.i am always visiting ur blogs....let's wait and see.again,WORLD PEACE!

    pahabol lng....
    ang istasyon pa la na pinaglilingkuran ay walang kinikilingang kandidato?sana wag na kaung tumanggap ng mga pulitikong ngababayad ng oras para makapag-ere sa himpapawid ng kasamaan.wag sana taung KASANGKAPANIN ng mga taong ito sa kanilang mga d mabuting gawain

    ReplyDelete
  10. I remember myself once as a media practitioner too. That was many years ago. But never in my life that I defended this or that politician. Instead I tried focusing on other advocacy: writing about women's issues.Sa San Jose, bihira lang sa mga nasa media ang hindi pumapanig sa mga pulitiko, at kasama na diyan ang mga nasa DZVT. Ang iba naman na na under the auspices of politicians re: SATO and JTV, they are supposed to be called : BARKERS, or propagandists. Of course we still owe them something: entertainment!

    ReplyDelete
  11. Salamat po sa inyong lahat sa pagsama ninyo sa aking pagsusuri. Mabuhay po kayo...

    Kung ako po ang masusunod ay ibig ko ring sana ay dumating ang pagkakataon na hanggang ganito ang takbo ng pulitika sa atin ay may lalong mas malaking hamon sa mga non-aligned media practitioners na magkaisa. Dapat nating i-pulis muna natin ang ating mga sarili bago ang mga pulitiko. Dapat na ihiwalay na ang "puti" sa "de kolor", wika nga. At kung ang "puti" ay maging "de kolor" sa kalaunan ay ilagay siya sa iisang "batya" na dapat niyang kalagyan. Walang damit ang dapat na nakalagay sa dalawang "batya". At least, bilang punto de vista ng ating gagawing pag-oorganisa...

    At malaki rin ang magagawa ng mga non-aligned na mga negosyante upang tumulong sa pagsuhay sa katatayuang pang-revenue ng mga istasyon ng radyo sa atin, upang hindi na bumaling sa mga pulitiko para sa sponsorship at advertisement at iba pa ang mga media outlet dito. At siyempre pa sa pamamagitan ng iba pang mas epektibong pamamaraan para kumita ang istasyon na hindi naisasakripisyo ang kredibilidad ng mga ito.

    Tama si Eunice. Imbes na ituon ang atensiyon sa mga ginagawa ng mga pulitiko, maganda man o masama, dapat ang bawat media practitoner ay may kikilingan sa mga panlipunang isyung kinakaharap ng lalawigan. Ito ang tinatawag na adbokasiya.

    Salamat uli...

    ReplyDelete
  12. Maraming salamat sa iyong pakikiisa sa paglaban sa panukalang batas tungkol sa "right of reply." Gusto ko lang linawing hindi ako ang awtor ng dalawang sipi sa wikang Ingles na hinalaw mo sa aking blog. Ang mga ito ay mula sa pahayag na pinapaikot ng NUJP na kung saan ako ay isa sa mga pumirma.

    Muli, maraming salamat at mabuhay ka!

    ReplyDelete
  13. Dear Prof. Arao:

    Akin po ang karangalan sa inyong pagbisita sa "Pamatok". Maraming salamat sa pagtutuwid at sa pagpapamulat sa nabanggit na panukalang batas sa aming mga mamamahayag sa mga lalawigan.

    Muli, sa akin po ang lubos na kagalakan...

    -Norman

    ReplyDelete
  14. Sana maging fair ang lahat ng media institution including DZVT na considered as catholic station na naniniwala sa patas na pamamahayag at sana maging fair din ang mga lingkod daw ng simbahan na mamamahayag including Fr.(?) Omanio of Bambi FM!

    ReplyDelete
  15. wow nman nabasa ka na ni Danny Arao. Dati tayo lang ang bumabasa sa kanya!

    ReplyDelete
  16. Dear Dyoma at sa huling hindi nagpakilala:

    Salamat sa pagsama sa pagsusuri. Sama-sama tayo sa mithiing maging pugad ng malayang pamamahayag ang Kanlurang Mindoro regardless kung anong istasyon...

    ReplyDelete