Friday, July 25, 2008

Iligtas ang Calawagan at Calavite


Upang siguro ay lubusang ma-protektahan ang ganda at yaman ng kalikasan sa bayan ng Paluan, lalung-lalo na ang pamosong Bundok Calavite at Calawagan River (na makikita sa larawan sa gawing kanan),- ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan (SB) nito ang Resolution No. 16; Series of 2008. Pinagtibay ito sa pamamagitan ng SB session noong Mayo 19, 2008. Matingkad na binabanggit dito ang “vehement objection ..... to any large scale operations...” na maaaring i-propose (o buksan) sa kanilang munisipalidad. Ang resolusyon ay isinulong ni Hon. Michael O. Diaz na unanimously approved naman ng SB. Attested ito ni Municipal Vice-Mayor at Presiding Officer Edgar P. Barrientos at inaprobahan ni Mayor Abelardo S. Pangilinan ng nasabing bayan.

Bagama’t ito ay isang resolution lang (as we all know and isang reso ay temporary lamang), maganda na rin itong take-off sa mga anti-mining moves doon. Kumbaga, may ulo na ng pakong pupukpukin. Mayroon nang uumpisahan sa pag-uusap. Sabi nga sa isang bahagi ng dokumento: ”...large-scale mining operations would endanger the environmental integrity of the whole municipality to the detriment of the present and future generations of Palueños...”

Maliban kina Diaz, Barrientos at Pangilinan, lumagda din sa resolusyon sina Hon. Demosthenes R. Viaña, Antonio L. Tinaliga, Willard F. Sanchez, Joemarie T. Velandria, Melvin T. Tagumpay at ABC President Lynette C. Torreliza.

3 comments:

  1. Maaring mali ako, ngunit hindi ko nakikita na na-proprotektahan ang ganda ng Calawagan. Nito lamang Oktubre, 2008 bumisita ako at nakita kong sa halip na maging maayos ang mga pasilidad, para bagang tuluyan na itong inabandona hanggang mabulok. Sira na ang hanging bridge pati na rin ang cottages. Ang itinayong convention center ay tuluyan ng nawala, sa kabila ng malaking pondo sa pagpapagawa nito. Nagkalat ang mga basag na bote at plastic dahil sa kawalan ng basurahan. Ayokong isipin na ang walang muwang na kagandahan nito ay ginagamit sa pansariling interes. Bago sana ang pag protekta dito sa large scale mining, mas mahalaga siguro na isa-alang alang ang maliliit na bagay na unti unting sumisira dito.

    ReplyDelete
  2. Salamat po Prof. Yodz sa pagbisita.

    Tama po kayo dahil 'yung larawan po dito ay noon pang Abril 2008. At tama ka dahil noon pa man ay madumi na ang lugar nang pumunta kami. Wasak na rin 'yung hanging bridge.

    Ang tindig ko ay protektahan ang kapaligiran sa pamamagitan ng mga kontra-minang gawain kasabay ng panunumbalik ng dating ganda ng Calawagan.

    Gisingin sana ng mga taga-Paluan ang Pamahalaang Bayan.....

    Syanga pala hindi pa available sa blog ko ang Following widget. Ewan ko kung bakit. Salamat sa pag-follow sa "Pamatok" at mabuhay ka!

    ReplyDelete
  3. magandang araw po!Ako po ay isang estudyante at katulad ninyo ako'y nasasaktan sa mga nangyayari sa ating kalikasan na dahan-dahang nasisira dahil din sa kagagawan ng mga taong walang konsenya. Sana po maraming taong gaya ninyo na may malasakit sa kapaligiran.

    ReplyDelete