Saturday, December 20, 2008

Certified Batang Bubog


Ngayon ay masaya sa aming barangay. Hindi lamang dahil ang mga opisyal doon ay nakatanggap ng tumatanginting na Christmas bonus at 15th Month Pay. Lahat as in everybody,- mga elementary teacher na naka-assign sa amin, mga tanod, mga lider ng bawat purok, mga Barangay Health Worker o BHW at halos lahat ng key leaders ng Brgy. Bubog dito sa San Jose, Occidental Mindoro ay may pamasko mula sa aming El Kapitan. Nauna dito, may pasinaya din kahapon sa katatayong barber shop para sa mga miyembro ng Bubog Farmers Cooperative o BUFACO. Marami pa raw pang-ayudang tulong ang kanyang ibibigay sa aming mga ka-barangay. May pagawaan ng ice drop o popsicle, to name a few. Tila tinutupad niya ngayon ang kanyang pangako noong nakaraang halalan na gagawin niyang isang modelong barangay ang Bubog.

Ang ribbon cutting ceremony ay kumpleto with radio coverage, kaya lahat ng tagpo ay hindi nakaligtas sa Occidental Mindoro pati ‘yung berdeng joke niya tungkol sa ice drop na “ipapa-salubong” sana ng lalakeng Mangyan sa kanilang tribu. Na enjoy na enjoy namang pinakinggan at “pinagtawanan” ng aking mga kababaryo. Kunsabagay kahit sa mga opisina, ang mas nakakatawang joke naman talaga ay ang joke ni Boss, ‘di ba?

Ngayoon ay Barangay Day Celebration sa amin. Mamaya ay may street dancing competition, mga parlor games, inter-purok basketball game, variety shows na katatampukan ng ilang kilalang singer at komedyante mula sa Maynila, inter-faith activities at kung anu-ano pa. ang tema ng pagdiriwang? Original na original : “Makulay ang buhay sa modelong barangay”.

Papaano ba nagsimula ang Bubog Barangay Day Celebration? Wala pang ganito noong kapanahunan ng kauna-unahang naihalal na Teniente del Barrio na si Leoncio Chan noong 1952. O kaya ay sa termino nina Ernesto Espiritu, Enrique Perez at Teofilo Tumpalan nong 1960s. Wala nito sa mga taon ni Pantaleon “Addie” Novio, Jr. (na uncle ko at tatay ni First Kagawad Sharon "Bong" Novio-Ligaya) Nag-umpisa lang ito sa kapanahunan ni Kapitan Aquino “Panong” Acla, Jr. Ipinapalagay ng marami na ang selebrasyong ito ay isang hiwalay na selebrasyon na ipinantapat sa Pistang Parangal sa Patrong San Isidro Labrador (Ika-15 ng Mayo) ng mga Katoliko. Si Acla ay ang kauna-unahang Kapitan ng baryo na hindi Katoliko. Hindi rin naman ito ang Foundation Day ng Bubog sapagkat hindi ito opisyal na pagkilala sa pagkakatatag ng barangay na pinagtibay ni Mayor Isabelo Abeleda, Sr. ng San Jose noong taong 1950.

At ito ang mas nakakatawa sa alinmang toilet humor ng sinumang pulitiko sa entablado: ang TOTOONG PETSA ng aming Barangay Day Celebration ay hindi ngayon,- December 20, kundi sa December 30 pa! Sabi nila, wala daw kasi sa araw na iyon si Kapitan kaya inadvance na lang. Kunsabagay, malaking bagay nga naman kung wala siya sa araw ng selebrasyon...(?)

Kuwento ko lang konti. Tunay po akong taga-Bubog. Isa pa, kung ako po ba ay hindi naniniwala sa mga pinaggagawa ni GMA ay hindi na ba ako taga-Pilipinas? Komo ba hindi ibinoto ni Palin si Obama ay hindi na siya taga-Amerika? Sa Bubog ako nagkaisip. May bahay pa kami diyan. Diyan ako bumuboto. Diyan ipinanganak ang aking mga anak. Dama ko at naging bahagi ako ng buhay noon ng mga tao diyan. Katulad rin ninyo marahil.

Maiba tayo ng konti, sana ay matapos ko na ang inumpisahan kong sulatin na pinamagatang, “Brgy. Bubog: Then, Now and Tomorrow (A Historical Outline From the Stories of its People)” na noong April 1996 ko pa inumpisahan na parang tinamad na akong gawin. Ewan ko kung bakit. Pero ngayon ay ganado na naman akong ipagpatuloy. Dahil siguro may internet na. Heto ang konting silip:

“Bubog then belongs to a vast hectares of land in the province considered as friar land. It was acquired by the Philippine Milling Corporation after the Sugar Central Mill was put into operation. Some of its land are converted into sugarcane plantation but most of it are kept unproductive because its soil was not suitable for farming. Around 22,484 hectares of land in the whole San Jose has been turned to hacienda for commercial sugar cultivation” “In 1964, the Salt Industry of the Philippines was erected and put into operation. Laborers from other barangays worked as laborers for the salt factory. This paved the way for improvements of roads and bridges leading to the factory and administration building near Sitio Curanta of Brgy. San Agustin and its other pumps and installations in Bubog Barrio Proper.”

Ako ay isang bata na noon ay naliligo sa plum sa Bubog. Binatang unang nalasing sa tuba galing sa mga niyog ng Bubog. Namamadangan sa dalampasigan ng Bubog. At humabi ng pangarap na makatapos ng pag-aaral sa parang ng Bubog. Wala pa noon ang mga wala nang pampublikong silbing mga gusali katulad ng ITT-Telecom at IPC. Papaano nila idedeklarang “persona non grata” ang HINDI sampid at lehitimong anak ng Bubog? Bakit nila ako itatakwil?

Happy Barangay Day Celebration na lang sa “Model Barangay” ng lalawigan!

12 comments:

  1. iba na talaga pag tumatanda, ano pinsan? nagiging masintemyento!!!
    Tuloy mo yung sinusulat mo.dadagdagan ko naman, ng women's perspective. ano kaya masasabi ni ate bong?

    ReplyDelete
  2. Hindi naman.. Sinabihan kasi ako na hindi na naman daw ako taga-Bubog at "ipapatapon" daw ako sa Pag-Asa. Parang gusto yata na ayunan ko lang lahat ng pinaggagawa nila.

    Salamat sa pagbisita at Merry X Mas sa pamilya mo, lalung-lalo na to your kids...

    ReplyDelete
  3. what's "NAMAMADANGAN"?

    ReplyDelete
  4. Nanghuhuli ng isda sa pamamagitan ng fishing net na tinatawag naming "pukot" at sa gabi kapag walang buwan ito ginagawa.

    ReplyDelete
  5. ahmm..sa occidental mindoro ako lumaki..
    nakakalungkot isipin that until now wala paring improvement ang lalawigan na aking kinalakihan...
    mayaman naman sana sa biyaya ng kalikasan kaya lang di pinapaunlad ng ating pamahalaan..
    napakahirap ng hanap-buhay... kaya tuloy may mga kabataan na nag rerebelde...
    haaayyy sana isang araw magising nalang ako na maunlad na ang pinakamamahal kong lalawigan...
    pero kahit mahirap ang buhay sa mindoro masaya naman,..lalo na kapag nakikita ko ang magagandang tanawin...

    ReplyDelete
  6. ang pinakamamahal kong lalawigan ng occidental mindoro.. dito ako lumaki nangarap nagkaisip..
    pero dahil sa hirap ng buhay,hindi ko dito natupad ang mga pangarap ko...sana isang araw.,magising nalang akong maunlad na ang aking mahal na bayang sinilangan...
    pero kahit mahirap ang buhay dito.,masaya naman dahil sa mga magagandang tanawin...
    mayaman sana sa likas na yaman kaya lang di napapaunlad ng pamahalaan..ewan ko ba?!
    sana umunlad na ang bayan ng mindoro...
    -aiza tacugue-

    ReplyDelete
  7. sa barangay bubog.,mahirap talaga..lalo na kapag may bagyo..di makapangisda ang mga tao.. kaya tuloy hirap talaga...minsan kapag walang huli.,wala ka ring makain..hay..sana meron pang ibang kabuhayan ang mindoro.. umunlad na sana ang bayang ito...

    ReplyDelete
  8. kuya norman.,
    ahehe..taga bubog ka din po pala?!
    taga bubog din kasi ako..sa bubog 2 subdivision po..
    sig.,damihan mo pa ang pagsulat huh?!

    ReplyDelete
  9. Kaisa mo ako, Aiza sa iyong mga pangarap sa lalawigan. Salamat sa pagbisita at aasahan ko ang palagian mong pagbisita sa "Pamatok"....

    ReplyDelete
  10. kuya norman., umuwi po pala ako jan nong jan.25-feb.9
    masaya naman po..
    kea lang yung aroma beach yung ibang part po na walang cottage madilim eh..kaya tuloy maraming milagro ang nangyayari dun,,. sana malagyan man lang ng ilaw..

    ReplyDelete
  11. Salamat uli Aiza sa pagbisita.

    At tiyak bukas lalong maraming sabi mo nga ay "milagrong" mangyayari dun kasi Valentine's Day.

    Dagdag ko ang blog mo sa blogroll ko. Keep on blogging hinggil sa mahal nating lalawigan at barangay....

    ReplyDelete
  12. hi kuya..kumusta po?
    dame kong nabasa ahh...
    dito po ako sa batangas..
    lungkot dito..namimiz ko kasi ang mindoro
    thank you po pala
    ingat po kayo..

    ReplyDelete