Sunday, December 14, 2008
Pari Na (Naman?)!
Ewan ko kung nagbibiro lang siya pero in-introduce ng aming Brgy. Captain (na former Governor at ex-…Congressman ng Oksi) ang kanyang political ally at kabig na pari bilang, “…tatakbong gobernador sa susunod na eleksiyon.” Kung ating matatandaan, isa ang tinutukoy niya sa tatlong pari sa Pilipinas na sumabak noong May 14, 2007. Ang kasalukuyang kontrobersyal na gobernador ng Pampanga na si Fr. Eduardo "Among Ed" Panlilio at si Msgr. Crisanto Dela Cruz ng Zamboanga(..na kagaya niya ay natalo rin sa halalan. More or less 20 thousand votes ang lamang noon ng incumbent governor sa aming "pari-na-biglang-naging-pulitiko".) Ang tila maagang “pronouncement” na ito ay nangyari sa isang pasinaya sa proyektong pang-elektripikasyon sa Purok 7, Brgy. Bubog, San Jose, Kanlurang Mindoro noong Huwebes, ika-11 ng Disyembre, 2008 na dinaluhan din nina Engr. Parvenu Naungayan at Engr. Ricky Gonzales ng Occidental Mindoro Electric Cooperative o OMECO, mga residente at ng mga opisyales ng Brgy. Bubog. Ang proyekto ay malaking tulong para sa mga residente na higit onse anyos na 'atang naghintay para magkaroon ng kuryente sa kanilang purok. Maging ang dating Kapitan at ngayon ay Kagawad na si Aquino "Panong" Acla, Jr. ay pinuri ang inisyatibang ito ng aming kasalukuyang Kapitan, na asawa rin ng aming kasalukuyang Kongresista, na mga magulang ng kasalukuyang alkalde ng Mamburao na kabiserang bayan namin.
Hindi ako naniniwala na muli siyang ('yung mamang may gawad ng Banal na Orden)kakandidato at least sa gubernatorial post. Sigurado akong nagbibiro lang noon si El Kapitan sapagkat tunay na maaga pa para sa mga pa-anunsiyong ganito. (Hindi ba walang anumang pinal na kandidato sa mga tahidan na sa pulitika? 'Ika nga, "Nothing is final unless a COC is filed", 'di ba?) Sa Parokya ng Banal na Krus sa bayan ng Sta. Cruz huli itong na-assign bilang Kura-Paroko. Sinasabing sa Brgy. Barahan sa Sta. Cruz din ipinanganak at lumaki 'yung bigating pulitikong tinutukoy ko. Pero hindi ito ang ating paksa ngayon at wala itong kinalaman sa ating main topic or subject matter for today…..
Isang araw matapos ang insidenteng nabanggit, noong December 12, 2008 ay inordenan bilang isang pari si Rev. Ronald Dela Virgen Panganiban ng bayan ng Sta. Cruz. Ang nag-gawad sa kanya ay si Obispo Antonio P. Palang, SVD, DD. Si Father Onad ay tubong Brgy. Mulawin sa nasabing bayan. Matapos ang serye ng mga Thanksgiving Mass sa Sta. Cruz ay bumalik siya sa Saint Joseph Cathedral Parish sa San Jose ngayong araw ng Linggo, December 14, 2008 para sa Misang Pasasalamat. Si Fr. Ronald ay tubong Brgy. Mulawin sa Sta. Cruz. Sa Invitation Card ni Fr. Ronald ay may mababasang ganitong Bilical Text : “A good shepherd lays down his life for the sheep”.- John 10:11. Si Fr. Onad ay isa sa limang supling ni Ginoong Rading at Ginang Ellen Panganiban.
Sa iyo Fr. Onad, Congratulations and God Bless, kahit kami ni Dikong Rey ay hindi nakadalo sa iyong ordinasyon.
Isang pagninilay lang. Ang Sakramento ng Banal na Orden ay isa sa pitong Sakramento ng Simbahan at sabi nga ni Archbishop Oscar V. Cruz sa aklat na “Priest-Politicians”: “…the ordained Priesthood has practical primacy among the Sacraments in the Church in the sense that without it, there would be no ministers for all the other six other Sacraments in the Church…” Samakatuwid, Sakramento dapat ang prayoridad ng pari at hindi ang partisan politics. Sinulat ni Cruz ang aklat bilang eksperto sa Canon Law at 'di bilang Arsobispo ng Lingayen-Dagupan.
Pero dito ako naniniwala at alam kong hindi ito nagbibiro nang karugtong niya itong isulat: “... This not necessarily saying that politics is ethically bad or morally evil. It only says that Priesthood and politics do not mix which precisely makes the figure of a “Priest-Politician” not only very questionable but also rather disturbing". Amen.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
<“…the ordained Priesthood has practical primacy among the Sacraments in the Church in the sense that without it, there would be no ministers for all the other six other Sacraments in the Church…” Samakatuwid, Sakramento dapat ang prayoridad ng pari at hindi ang partisan politics.>
ReplyDeleteI think it's either you quoted the wrong phrase for your comment, or you wrongfully interpreted the intended phrase. The text you quoted explicitly says that Ordination "has practical primacy among the Sacraments in the Church" meaning the over the other six. Last time I checked, "partisan politics" is not one of them.
I agree with your point that ordained priests should prioritize their vocation rather than politics. It is only your interpretation of the quoted text that I question.
Sorry. Lumalabas nga pala sa komentaryo ko na kasama ang "partisan politics" sa mga Sakramento. Pasensya na...
ReplyDelete