Wednesday, January 21, 2009

Ano Ba 'Yan, Konsehal Allan?


Kahapon ay nagkaroon ng sesyon ang Sangguniang Bayan ng San Jose at kung hindi lang sa ilang mga bagay ay ordinaryong sesyon lamang ito. Pero matapos na manumpa kay Mayor Romulo “Muloy” Festin noong Lunes, ika-19 ng Enero 2009, dumalo sa kanyang kauna-unahang appearance dito si SB Member Allan Ismael. Si Ismael ang “napili” o “napisil” (pero sigurado akong hindi “napilit” dahil gusto rin niya ang kasalukuyan niyang puwesto sa pamahalaang lokal!) ng kanilang partido o grupong pulitikal para pumalit sa yumaong si Councilor Cesar C. Asilo sa nasabing lupon.

Kontrobersyal ang kanyang naging Acceptance Speech kahapon. May mga taga-media ang nag-cover nito. Hindi ko na idedetalye pa ito sa aking posting pero kung intresado kayo ay i-klik n’yo na lang ang blog ni Kenkoy @ Tirador ng Kaning Lamig mula sa aking blogroll. Si Ismael ay dating Kapitan ng Brgy. Poblacion II at project officer 'ata ng aming gobernador.

Sa panayam ng aking mga kasamahan kay Ismael kani-kanila lang, sinabi niya na walang nag-endorso sa kanya na mga taong labas sa kanilang partido. Si Ismael ay ka-partido ni Mayor Festin na kaalyado ni Gov. Josephine Ramirez-Sato sa tinatawag na “Dream Team”. Garalgal ang boses na sinabi ni Ismael na tunay lamang na mali ang salitang kanyang nagamit sa talumpati. Kumbaga, slip of the tongue lang daw ito. Hindi dapat na ipinatungkol niya ang salitang “pag-e-endorso” sa aming Obispo. Talaga lamang daw na medyo nawala siya sa kanyang mga sinasabi noon.

Sa matuling sabi ngayon: WALANG endorsement na nangyari o ginawa si Bishop Palang. Hindi pa verified kung totoong nag-endorse nga ang local religious leader ay bakit ito naging subject kaagad ito sa listeners’ opinion portion ng programa? Baka naman nga walang halong malisya ang ginawa nilang ito. Pero sabi ng isang lider ng Pamayanang Kristiyano, “Anuman ang adyenda nila kay Ismael o sa alinmang pulitiko, bakit kailangan pang kaladkarin ang pangalan ng Obispo?”. Nag-paumanhin kaagad si Ismael sa pangyayari. Tinuldukan na rin kanina ng himpilan ng radyo ang usaping sila ang nagsindi. Apoy na sila ang nagsimula. Siyanga pala, bagama't wala itong kinalaman sa isyu, ayon sa aming source, ang dalawang host ng segment ay mga non-Catholic…

Oo nga pala, kahapon ay nanumpa din si President Barack Obama bilang ika-44 na Pangulo ng Estados Unidos at nagkaroon din siya ng blooper sa kanyang oath. Ganito ang sabi ng Yahoo News, mainit-init pa:

“As first-timers on the inaugural stage, no one can blame President Obama and Chief Justice John Roberts for being nervous. Debate initially swirled around who actually messed up the oath, but MSNBC's play-by-play clears it up.”

Dagdag pa. Sa kanyang talumpati (si Ismael po, hindi si Obama) pinasalamatan niya rin si Konsehal Senen Zapanta pero ang gusto naman pala niyang pasalamatan ay si dating Konsehal Senen Delos Reyes. E, hindi naman si Zapanta ang kanyang ka-partido kundi si Delos Reyes. Ano ba 'yan, Konsehal Allan?

Ang dali talagang malito ng isip ng tao, oo… ang mga arsonista pala, pwedeng maging instant bumbero!

-------
(Photo grabbed from http://www.firenuggets.com - Kuha po 'yan sa California hindi sa San Jose..)

16 comments:

  1. ikaw ang arsonista norman. balita yun at alam mo kung sino talaga ang may mali. kayo ang nagsindi.. bumbero ka din malamang.. ang mahirap sa inyo, binabantayan nyo ang sinasabi ng ibang istasyon para may masabi ka din sa isyu.

    ReplyDelete
  2. Salamat po sa pagbisita.

    Ang balita ay maaaring kunin kahit saan. Ang intensiyon at konsekuwensiya ng balita ang kinukuwestiyon dito at hindi kung balita ba ito o hindi.

    Pareho lang sila (kayo?)ni Ismael na "nagkamali" o hindi naging maingat kaya nakaladkad ang Obispo. Kahit arsonista, ipagtatanggol niya ang kanyang mga mahal sa buhay laban sa apoy at lagablab na inumpisahan ng iba...

    ReplyDelete
  3. k. norman. sbhin mo kng talagang bukas cya sa discussion and debate on the issue ay magpakilala cya. kng ikaw nga nagpapakilalala..e..

    ReplyDelete
  4. Salamat din sa iyo sa pagbisita....

    Ikaw rin hindi nagpakilala, a. Pakilala nga kayong dalawa para magkakilalanan tayo....

    ReplyDelete
  5. hmmmm... di kaya nasa withdrawal stage si alan kaya iba-iba ang sinasabi :-)

    ReplyDelete
  6. "We didn't start the fire
    It was always burning
    Since the world's been turning
    We didn't start the fire
    No we didn't light it
    But we tried to fight it"-Billy Joel. Singer, kaedad (yata) ni norman

    Politics in Occidental Mindoro is a "Pandango sa Ilaw".You could relate it to the "arson". The dancers should be very careful in balancing the candles lest it might fall and burn them.
    So goes with the politicians. Goes with everyone.Pray that Occidental Mindoro shall not be doomed to eternity. Happy Dancing!

    ReplyDelete
  7. Nice combination Kasin: Billy Joel and Remigio Agpalo, huh... di bagay!

    Pero nabanggit ko na 'yan sa isang post ko. Tama ka, iyan pa rin ang political situation ng Occ. Mindoro since Agpalo's and Billy Joel's time...
    -----
    Withdrawal stage? Onanism ba 'yun? he..he..he..

    ReplyDelete
  8. To you Alipin ng Langit:

    Nabasa ko sa isinulat ng isang kritiko na tawagin na lang nating MS, na aminin man ng mga media people o hindi, tayo ay gumagawa ng tinatawag niyang “agenda setting”. Dahil kung tayo ang kumakalap ng balita, tayo rin ang namimili kung aling balita ang ating itatampok sa laksang paksa o isyung naka-palibot sa atin. Sa ganito, sa epekto ay lumilikha tayo ng tinatawag na social agenda dahil sa “pagsasala” (kung ano ang ibabalita at hindi) natin ng news. At ‘yung pag-se-set ng social agenda ay batay sa kung sino ang namamahala o may-ari ng istasyon, tunay layunin ng pagtatatag nito at prinsipyo o idolohiya ng organisasyong nasa likod nito.

    Kaya hindi natin maihihiwalay ang mga katotohanang ito na palagiang magmamarka sa isipan ng ating mga tagapakinig. Gaano man tayo ka-tapat, ka-dedikado, ka-galing at committed media practitioner. Ang sitwasyon niya ay tila kaparehong-kapareho nang sa atin:

    “In fact, this was proven by an action of a legislator in my former place of work. It was in occasion of a congressional election in our country when he put up his radio station. As expectedly, the radio station mouthed out -- in a manner of speaking -- critical information against his erstwhile political rival(s) and favorable information about himself. In such way, to a certain extent, he was able to set the social agenda or at least, the discussions in the barber shops or in small groups in our place.”

    Sa nga kanila isa lang, dito sa atin dalawa pa…

    Inaaamin ko, bilang isang lokal na media, nakapagbibigay din ako ng mga impormasyon at balitang hindi kailangan ng aking mga tagapakinig. Patawad po. Pahayon pa nga ng writer na parting words ko na rin:

    “This is an invitation for all of us to be extra critical of the media that we patronize. We cannot fool ourselves into believing that we are receiving what we need to know. For the fact is, we only receive a part of what we need to know.”

    ReplyDelete
  9. ...At ‘yung pag-se-set ng social agenda ay batay sa kung sino ang namamahala o may-ari ng istasyon, tunay layunin ng pagtatatag nito at prinsipyo o idolohiya ng organisasyong nasa likod nito...

    quote ko lang.

    ano po ba ang layunin, prinsipyo at idolohiya ng inyong istasyon?

    ReplyDelete
  10. i feel humbled that you referred to my non-sensical musing (MS).

    ReplyDelete
  11. To Alipin ng Langit-

    Please click "Idol Namin" from my blogroll. Search all his writings and you will find about Catholic Social Teachings and Doctrines.

    Furthermore, ask someone you know from the Catholic Church, or might as well search the internet about "Intermirifica" (Decree on the Media of Social Communication) promulgated by Paul VI in 1963 and the Pastoral Instruction "Communio Et Progressio" by the Second Vatican Council...

    Nice exchanging ideas with you. Have a good day

    ReplyDelete
  12. Postscriptum: Alipin.... pakilala ka naman ng pagkatao mo.

    ReplyDelete
  13. Alipin ng Langit, wag ka lang magtanong sa dating taga-Simbahan na si Omanio -- na alam kong kapanalig mo. Malamang, distorted na kaisipan ang maibabahagi niya sa iyo.
    In the first place, di niya alam ang turo ng Simbahang ginawa niyang daan para sa kaniyang pulitikal na ambisyon.

    ReplyDelete
  14. not all of them are the same. mr. villamar and mr. acebes sans their little private shortcomings, are the only ones using their analytical social mind
    - Mindoro Turk

    ReplyDelete
  15. Salamat sa comments n'yo (yung last two)
    -------
    Walang ganyanan. Wala po tayong pruweba diyan na ginamit niya ang CST. Wala pong magpapatunay niyan...

    ------
    To Mindoro Turk:

    I Agree.

    Thanks..

    ReplyDelete
  16. Sa iyo Alipin ng Langit -

    Ni-reject ko ang comment mo dahil mukhang hindi sa battle of ideas ka intresado kundi sa personal na tunggalian.

    Hindi po ganyan ang ibig ko. Hangga't hindi ka nagpapakilala at lumalaban ng hayagan at nagtatago ng identity ay patuloy ko itong i-re-reject. Pasensya na po....

    ReplyDelete