Saturday, January 24, 2009
Gracefully Done Reso?
Para sa mga nag-aabang sa kinahinatnan ng ating "propaganda campaign" para sa OMECO, para sa inyo ang posting na ito.
At tuluyan na ngang nagkaroon ng linaw kung hindi man ay lalong kalituhan kung ano ang kahihinatnan ni Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) GM Alex C. Labrador noong ika-20 ng Enero 2009 sa pamamagitan ng ginawang espesyal na pulong sa mismong pambansang tanggapan ng NEA sa Quezon City. Kumpleto ang mga Board of Director (BOD) na doon ay dumalo maliban kay Dir. Leonardo S. Dela Fuente.
Sa pamamagitan ng Resolution No. 01; Series of 2009 ay nabigyan ng aksyon ang naunang Application for Retirement ni GM Labrador. Maaaring ang graceful exit na ito ang kanyang pinili sa mga inihaing mungkahi sa kanya kung siya man ay pinag-hainan ng mga opsyon. Lumalabas na pinili niya ang mag-retiro na lang kaysa sa ma-terminate.
Ang pamagat ng Resolution ay “Resolution Accepting the Application for Retirement of General Manager Alex C. Labrador”. Dito ay sinasabing si GM ay tatagal na lamang sa OMECO hanggang ika-30 ng Abril 2009 kasabay ng pagre-request sa NEA na mag-designate ng Project Supervisor within the transition period. Anonymo,- este,..unanimously approved ang panukala.
Pero ito ang mga “Whereas” na hindi katanggap-tanggap sa ilan:
“….much that the Board is grateful for all the contributions made by GM Labrador during his stint with OMECO….”“
….in grateful acknowledgement and appreciation of the efforts of GM Labrador to surmount the challenges faced by the coop, the Board hereby grants all gratuity benefits and legal retirement entitlements due to the GM as approved by the NEA to be paid on or before 30 April 2009…”
At ito pa :
“….this Board requires the GM to make reconciliatory moves and transfer of accountabilities and to allow him to make important inputs to steer the Coop towards progress and efficient operation…”
Nasaan na ‘yung bigat ng kulay pulang Audit Report ng NEA? Parang lumalabas kasi na hindi totoo ang mga anomalyang natuklasan sa Audit Report na siya ring mga paratang ng Save OMECO Movement.
Tunay na ang mga Mindorenyo (o ang kalakhan sa Pilipino) ay mas binbigyan nang timbang ang damdamin kaysa sa pagkakamit ng katarungan. Lugmok na raw si GM, bakit pa natin sisipain? Sadyang malilimutin at madaling makalimot ang Pinoy.
Naghahasa na kaya ng legal nilang palakol ngayon ang Save Omeco Movement? Abangan…
At para naman sa mga tumutuligsa kamakailan sa akin na hindi ko dapat ginagawa ang mga sulating ito ay naririto ang sinasabi sa n.29 ng Communio Et Progressio: "The process of promoting - in what is sometimes referred to as a "propaganda campaign" - with view to influencing public opinion is justified only when it serves the truth and its objectives and methods accord with the dignity of man and when it promotes causes that are in the public interest. This causes may concern either individuals or groups, one's own country or the world at large.")
-------
(Photo Courtesy of Save OMECO Movement)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
what a waste of paper!!! at any rate, its not the first time that similar things happen in our society...
ReplyDeleteganyan din ang nangyari kay erap, sa mga marcos, gen. garcia at maraming iba pa... iba-iba nga lang ang sitwasyon at bargaining chips... bottomline: PERA
pragmatiko lang talaga siguro ang mga magnanakaw lalo na yung mga hindi pa nakakatikim ng kaso... magnanakaw man kasi ay naniniwala sa good karma... sa madaling salita, pag sila'y nabuking, umaasa silang magiging gano'n din ang trato sa kanila -- graceful exit -- as if justice is served pa natanggal sa pwesto...
at the end of the day, life goes on... but the injustice continues
Short but sharp message.
ReplyDeleteYes injustice continues. Kagaya ng tanong nga ni Lennin : "What is to be Done?". Sa akin simple lang: "Gawin mo ang buo mong makakaya sa pakikibaka alang-alang sa pananampalataya" ( 1 Tim 6:12). At ang paglubog natin sa mga kontemporaryong karanasan sa kasaysayan ang magtuturo sa atin "how to do it"
Thanks for dropping by, Bro..
hmmp. Pilato eh!
ReplyDelete