Wednesday, January 7, 2009
Kampana ng Caguray
Regular na ‘atang nagmi-miting ang grupong ito tuwing ika-30 ng Disyembre ng bawat taon na naglalayong sumaliksik at sumulat ng anumang uugat sa Pandurucan, ang sinaunang pangalan ng aming bayan. Baka makalimutan nga lang ng mga local politician namin na sa 2010 ay Ika-100 Anibersaryo na ng pagkakatatag nito. Sana naman ay bigyan din nila ito ng pansin maliban sa halalang lokal sa taong iyon…
Ibinalita sa akin via e-mail ng pinsan ko na kasama sa tropa, na last week nga ay inilunsad nila ang isang Local History Tour sa tulong ng isang kababayan na si Mr. Ronet Santos na laking Brgy. San Roque. Maliban sa mga barangay ng Mangarin at Central sa San Jose (o Pandurucan), pumasyal din ang grupo ng mga manunulat sa Brgy. Caguray sa bayan naman ng Magsaysay. Maliban sa pagkakatuklas nila na ang Caguray pala ay pinamunuan ng isang babaeng Kapitan del Barrio simula 1978 hanggang 1982 sa katauhan ng 84-anyos na si Modesta Lualhati, nasilayan at nahawakan din nila ang isa sa pinaka-matandang kampana sa Pilipinas. Ang kampana na pinangalagaan ng mga kababaihan katulad ng pangangalaga nila sa pananampalataya.
Sa ipinadalang niyang write-up ay ganito ang Caguray sa isang sulyap: “Historically, Caguray was very rich. It was the first settlement. I assume that the Christian Missionaries found the place populated already because they established a Church here. Church documents show that on 1666 a Jesuit Diego Luis Sanvictores (now known as San Diego) baptized the people here, presumably, the Ratagnons ( a sub-group of Mangyan, natives of Mindoro).”
Ayon sa isang sulatin ni Antoon Postma, ang kampana ng Caguray ay dinala noon pang taong 1896 kaya maaari itong ihanay sa mga kampana ng Balangiga (1863) na ninakaw ng mga sundalong Amerikano matapos nilang i-masaker ang may dalawa hanggang tatlong libong inosenteng Pilipino,- bata, matanda at kababaihan sa lalawigan ng Samar noong 1901 na mabilis pa sa alas-kuwatrong pinatawad ng ating mga lider noon.
Sa mga salitang ito tinapos ni Eunice C. Novio ang kayang sulatin : “Only the Bell stood as silent witness to the unfolding of the history of Caguray. Its sound heard throughout the village was the signal of bondage… or freedom.”
Sana naman ay huwag ma-domina ng pamumulitika ang Sentenaryo ng Pandurucan sa 2010…
-------
(Photo of Caguray Bell courtesy of the History Tour participants)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
pinsan, kuya ronet grew up in Sinaoga. only his parents transferred to San Roque.Dami pa updates about the history tour.post namin later.
ReplyDeleteMea Culpa. Salamat sa correction. Mas kilala ko kasi si Fiscal Robert Santos keysa kay Ronet. Mag-utol 'ata sila sa pagkaka-alam ko. Noong hindi pa abugado si Betong o Boy, worker dati yan ng Occidental Mindoro Historical Society bago pumasa sa Bar Exam.
ReplyDeleteGood Luck sa inyong mga endeavor...
norman, pakisama rin naman sa iyong mga pinu-promote ang http://www.triond.com/users/cluves.
ReplyDeletethanks.
Okey po.
ReplyDeleteKakakilig mga poem ni Cluves...
ReplyDeletekilala mo ba si cluves? (Moron Savant)
ReplyDeleteHindi nga e. Sa iyo ko nga lang siya nalaman. Kung personal mo siyang kilala at alam mong kilala ko rin siya, penge naman ng clue...(kung pwede)
ReplyDeleteGotcha! Binasa ko lahat ng posting niya. May hula na ako kung sino siya. Kilalang-kilala ko nga siya.. Akalain mo, may itinatago palang prosa itong munting babaeng ito sa utak niyang akala ko ay puro "debit-credit" lang ang laman.
ReplyDeleteTama ba ako sa hula ko?
tama ka sa iyong debit-credit... hahaha!!!
ReplyDeleteakala mo calculator lang kayang hawakan niya, ha...
sa lagay na yan, nagpa-praktis pa lang daw siya...