Sunday, January 25, 2009
Makabagong Pilato
“May patunay ka ba na historikal na personalidad si Poncio Pilato? Ang Bibliya ay sinulat para sa pananampalataya, at hindi para magsilbing historikal na tala ng mga pangyayari, di ba?
Hindi kaya si Poncio Pilato ay isinalarawan lamang ng manunulat ng Bibliya sa isang paraang makakasuhay sa layunin nito sa kaniyang pagsusulat? Baka kasi kailangan lamang ng isang magkakanulo kay Hesus, kaya't kailangang maging masama ni Poncio Pilato...Ang tawag dito ay Hagiography...At, oo, ang kasaysayan ay itinatakda hindi lamang ng tunay na nangyari, kundi ng Hagiograpiya...Maaari bang marinig ang iyong bahagi dito?”
Halatang hindi basta-bastang Church-goer ang sumulat, 'di ba? Comment ito sa posting na may pamagat na “Hanggang Ngayon Ba Naman..” ni “Tirador…” kung saan ay na-mention niya (“Tirador..”) si Poncio Pilato. Comment ito noong January 20 sa kalagitnaan ng umuulang comments sa kanya simula nang i-post niya ang “Look Who’s Talking?” na tumitira sa mga host dun sa istasyon ng radyong hindi pag-aari ng Simbahan.
Maganda ehersisyo ng utak ang isyung pinalutang ng nag-comment. May sense ang binukas niyang discussion at hindi mapurol kagaya nung kay “Alipin (daw) ng Langit”. Ewan ko kung magkakilala sila. Anyway...
Oo nga naman. Come to think of it (naks!),.. Masamang tao ba talaga si Pilato? Maliban sa paghuhugas ng kamay, mayroon pa ba siyang ibang kasalanan? Baka nga kaya itinakda lang ito ng Hagiograpiyang sinasabi ng nag-comment.
Sa mga sulating batay o sumasangguni sa Bibliya at sa Bibliya mismo ko unang nakilala si Pilato (hindi ko alam kayo). Hindi lamang sa buong apat na Gospel kundi maging sa Book of Acts at sa Unang Sulat ni San Pablo kay Timoteo mababasa si Pilato. Pero labas sa Bagong Tipan, kung papaano siya namahala sa Judea ay naitala lamang sa pamamagitan ng pagsasangguni sa mga gawa ng Jewish historians na sina Josephus at Philo at ang historyador na Romano na si Tacitus. Nabasa ko lang ang mga ito sa aklat na ibinigay sa akin ni Edith Escalante,.. na taga-Catechetical Coordinating Office (CCO) ng Bikaryato,- na pinamagatang “Who’s Who in the Bible” na published by Reader's Digest na halos katunog din ng “Look Who’s Talking” ni “Tirador"!
Maaring Hagiography nga ito sapagkat kung talagang naging bad boy si Herodes sa buong buhay niya at hindi lamang sa panahon ng paglilitis kay Hesus, bakit ayon sa ilang iskolar ng Bibliya, may sinaunang tradisyon na lumikha ng isang gawa-gawaang (fictitious) “Acts of Pilate” na maihahalintulad natin sa hindi kinikilala o ‘di-awtorisadong ng Simbahang Katoliko na “Gospel of Judas” na naging punto rin ng mga debate ilang taon lang ang nakalilipas. (Pero sabi nga pala ni Fr. Gerard O' Collins, SJ na propesor ng Christology sa Pontifical Gregorian Seminary sa Roma, kagaya ng mga "gospel" ni Maria Magdalena, "it does not merit the name 'gospel' "). Ang “Acts of Pilate” ay naglalaman ng mga fanciful stories re: Jesus Trial. Sa mga post-Biblical Christian literature nga raw ay inilalarawan ni Pilato si Hesus hindi lamang walang-sala o inosente kundi kinilala pa niya ang kabanalan nito. At ito ang mas matindi, ang mga Coptic Christians sa Ehipto ay ibinibilang si Pilato sa hanay ng mga santong kanilang pinararangalan.
Pero may posibilidad ba na walang Pilato sa tunay na buhay? Ewan ko,… pero ang alam ko, totoo man o hindi si Pilato, kung papaano siya ipinakilala sa atin sa layuning tayo ay maging isang tunay na Kristiyanong mananampalataya ay dapat na magtulak sa atin na harapin ang hamon at tawag ni Hesus. Kagaya ng tagpong iyon sa sala ni Pilato. Halimbawa ay kung papaano natin ipagtatanggol ang ating pananampalataya at ang Simbahan sa gitna ng pressure at pambabatikos ng mga makapangyarihang tao o institusyon gamit ang mass media. Kung hindi, bibiguin natin ang mga sumulat nito sa kanilang layon. Isa pa, kung sa “Quest of the Historical Jesus” ay hirap na natin (mga ordinaryong mananampalataya) maunawaan ang mga biblical scholar, dadagdagan pa ba ng “Quest of the Historical Pilate (?)”? Hamon ito sa ating religious leaders kung papaano nila ito ipatatagos sa atin sa pamamaraang abot ng ating pang-unawa sa kanilang kapasidad bilang ating pastol o sa mga gawain pastoral.
Speaking of historical Jesus, ganito ang paliwanag nina Douglas J. Elwood at Patricia L. Magdamo na bumabanggit sa paliwanag rin ni Gunter Bornkamm sa kanilang aklat na “Christ in the Philippine Context” na puro alikabok at inaanay na nang madampot ko sa stock room ng isang parokya. Ewan ko kung outdated na ito at nabasa na kaya "itinago" na. Pero sa p. 313 ay ating mababasa :
“Our task then, in the continuing quest of the historical Jesus “is to seek the history in the central message of the Gospels and in this history to seek the message.” And. “If we are asked to differentiate between the two,” he concludes, “that is only for the purpose of revealing more clearly their inter-connection and inter-penetration.””
Pik-apin ko lang ang mga salitang "inter-connection" at "inter-penetration". Subukan nga nating i-“inter connect” at i-“inter-penetrate” ang kasalukuyang kalalagayan o karanasan at kasaysayan (ang kasaysayan ay hindi lamang ang mga lumipas na kaganapan kundi ang anumang nangyayari ngayon,indibidwal man o kolektibo,-saan mang panig ng mundo, sa mismong mga oras na ito habang binabasa mo ang “Pamatok”) sa Occidental Mindoro at kay Pilato kahit sa isang halimbawa lang…
Pero bago ito, kung ang tangi nating pagbabatayan ay ang Bibliya, totoo man o gawa-gawaan lamang ng mga sumulat nito si Pilato para sa kanilang pam-pananampalatayang layunin , ipinapakita na sa partikular na tagpong iyon,- nang hatulan niya si Hesus, si Pilato ay kinakitaan ng kahinaang likas sa tao. Isinalarawan ni Juan si Pilato bilang isang taong sumunod lamang dahil sa udyok at pananakot ng mga umakusa o nagsakdal kay Hesus : “Subukan mong palayain ang taong iyan at hindi ka na kaibigan ng Cesar” (Jn. 19;12).
Sa ating kasalukuyang konteksto ay maaaring ganito natin ito ii-inter-connect at ii-enter-penetrate: “Kapag umalma ka sa pagmimina at kapag hindi ka nagbigay ng permit sa mga aplikasyon sa pagmimina sa iyong nasasakupan,.. Kapag hindi ka gumawa ng paraan para lumabas na pabor sa Cha-Cha ang mga tao sa iyong teritoryo,…Kapag kinuwestiyon mo at pinahinto ang operasyon ng STL/PCSO sa inyo,..HINDI ka na kaalyado ng Pangulo. Hindi ka na kaibigan ng Malakanyang..”. Isa lang iyan sa maraming halimbawa ng panlipunang sitwasyon dito sa atin. Batay sa lahat ng source sa loob man o sa labas ng Kasulatan, si Pilato ay isang lider ng pamahalaan at katulad ng ating mga lider ay mayroon ding kahinaan. Pero ang mga kahinaang ganito ay hindi dapat gawing excuse sa intensiyonal at patuloy na gawaing labag sa Kristiyanong turo ng pag-ibig at katarungan.
Hindi na mahalaga kung likha lang ng imahinasyon si Pilato, o sinumang tauhan sa Bibliya,- o hindi. Trabaho na iyan ng mga biblical scholar kagaya ni Albert Schweitzer at iba pa. Sa aming mga hindi ordenado at hindi man lang naka-tuntong sa Seminaryo (para mag-aral, ha), ang mas mahalagang pagtuunan namin ng pansin ngayon,- lalung lalo na sa konteksto ng Pilipinas at ng ating lalawigan ay kung papaano namin pag-uugnayin, ilalapat, bibigyang-kahulugan, patatagusin at isasa-buhay ang mga mensahe ng Diyos sa Bibliya sa ating personal na buhay at sa paglikha natin ng kasaysayan. Maging tao man o historical event and experience ang magtulak sa ating gawin ito kasabay ng taimtim na panalangin para sa paggabay ng Espiritu. Mga daan na dapat tahakin ng isang tunay na taga-sunod ni Kristo.
Batay sa ating mga personal, panlipunan at pampulitikang karanasan,- positibo man o negatibo,- noon man ngayon at bukas, at kasaysayang ating nililikha sa bawat araw ng ating buhay,- ang tunay na hahatol kung tayo ay itatanghal sa dakong huli na "kawawang" Pilatong masama na ipininta sa utak ng maraming Kristiyanong Pilipino o ang Pilatong naging mabuti ayon sa ilang tradisyon (at naging instrumento daw ng kaganapan ng misyon ni Hesus at dapat na ikonsidera) kaya binibigyang-pitagan kagaya ng Coptic Christians sa Egypt.
Kagaya nang mensahe ng kuwento ng munting ibon, tusong bata at isang paham, ang sagot dito ay: "Nakasalalay sa ating mga kamay...." Kagaya ng karanasang nagtulak kay Pablo upang magbago...
-----
(Photo Credit: "Ecce Homo" (Behold the Man) painting by Antonio Cisceri grabbed from Wikipedia)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
salamat sa napakagandang pagkatuto...
ReplyDeleteSalamat naman at may pagkamulat akong naihatid kahit papaano sa iyo "Alipin ng Langit", AYY SORRY...si "Alipin ng Lupa" pala ito...
ReplyDeleteHindi kaya magkapatid kayo? (Joke...)
Eniwey, pasok naman tayo sa tema. Ang Enero kasi ay National Bible Month (o Week 'ata) dito sa 'Pinas...
Salamat din...
Hey, as a student of feminist theology, we do not look only to the historicity of the people in the bible, but the reasons why that particular gospel/topic was written. Hermeneutics is one way of interpreting the bible. Sabi nga ng former prof ko, it doesnt matter whether Jesus really existed or not, or married to Magdalene or not, what matters were his teachings and how these transform humanity. So goes with Pilate. Huwag maghugas-kamay sa mga desisyon. Mag-alcohol na lang!!! he,he,he
ReplyDeleteFor years I was trying to find out the existence of Jesus the man. I read volumes of books and attended lectures that spanned three countries. And I realize, Jesus is indeed in everyone of us. Happy reading the Bible and spread the good news for the modern people. Include also the story of Pilate ha.
Dear Eunice:
ReplyDeleteMay isang delikadong punto lang sa iyong comment: ang ipalagay nating si Hesus ay isang karakter lamang na likha ng imahinasyon ng mga sumulat ng Bibliya. Karamihan sa mga karakter ng Banal na Aklat ay tutoong tao,- katawan at kaluluwa na nabuhay sa mundo. Ang pinagtatalunan lamang ay ang mga pangyayari kaugnay nila kung tunay na naganap o hindi.
Ang mga sinaunang historyador,- maging yaong mga pagano at ‘di Kristiyano, matapos mamatay si Hesus kagaya ni Cornelius Tacitus at iba pang sa Wkipedia ko lang nakilala,- ay nagpapatunay sa kanilang mga sulatin na tunay ngang may Kristong noon ay nabuhay. Kaming mga walang background sa Theology ay tanging sa apat na mga Ebanghelista lamang sumasalig sa aming mababaw (at ‘di iskolastikong) na pagka-unawa dito. Pero higit dito, sa mga naging karanasan, ginawa at sinapit ng mga Apostol sa pagiging tagapatotoo nila kay Hesus namin mapatutunayang tunay na may taong tinawag na Hesus na nabuhay noon.
Isinuko ng mga naunang Kristiyano ang kanilang mga ari-arian para lamang tuparin ang misyong ipalaganap nila ang Mabuting Balita at walang katapat na paghihirap ang kanilang dinanas. Isa itong ‘di birong sakripisyo na kung sa ating panahon ngayon ay hindi magagawa ng sinumang tao,- negosyante o pulitiko sa Occidental Mindoro na kilala natin. O kahit na tayo mismo na mga hindi mayaman at pobre. Isa pa, labing isa sa Kanyang mga alagad ay namatay na martir. Ipinagsakdal, inalipusta at pinahirapan. Lahat sila ay umasa sa banal na gantimpalang makakamit lamang matapos silang mamatay. Mga sira-ulo ba silang gagawin ito sa ngalan o para sa misyon ng isang taong gawa-gawaan lang? Gagawin ba natin ito para kay o kay Dragonna kaya na likha lang imahinasyon ni Mars Ravelo na napapanood natin sa telebisyon?
At sa dami ng taong nagpanggap noon na anak ng Diyos, bakit sa partikular na Karpenterong taga-Nasaret sila sumunod?
Ang masaklap lang, ang mga diskusyon at paksang ito ay bihi-bihirang lamnin ng mga paliwanag ng ating mga pastol sa ating karaniwang paghuhubog na lampas sa bakod ng mga Theological School.
Maganda rin daw basahin tungkol dito ang aklat ni Josh McDowell na “More Than A Carpenter”. Hanapan mo nga ako at regaluhan nito. Salamat uli sa puna at in advance sa libro...
Meron ngang historical Jesus. But the problem is there are so many of them! Common name kasi. But there is one Jesus that survived history and was able to survive the test of time. It so happened that his followers ranged from the poorest to the richest. Hence, the Jesus Movement gained strength. yet it was different from the one we know now as the Roman Catholic Church. Some feminist theologian stopped looking for the historical Jesus and focus on how the evangelists portray Jesus (as we know him).Pilate indeed once lived. There were records daw.
ReplyDeleteAt any rate, it is good to discuss the historicity of our faith.It strengthened us. Please do not wonder why our topic went to Jesus. When we talk of Pilate we automatically linked him to Jesus. If we looked at it, if Pilate decided to free Jesus, would the Jesus Movement flourish? Will we have the Roman Catholic Church?Will there be Christians?
Again, thanks for the fruitful blogs! Invite nyo naman ako sa Bible Week nyo, feminist interpretation of the Bible!
Bawal na ba feminist sa Church?Yun kasi latest daw sa Vatican?!How true
Salamat din. Ikaw ang may background sa Theology kaya mas alam mo 'yan kaysa sa akin...
ReplyDeleteWala akong balita sa mga activity kaugnay ng National Bible Week dito sa Bikaryato. May Bible Quiz Bee lang 'ata para sa mga bata. Ewan ko... Yung tungkol sa Feminism at Vatican,.. Ewan ko rin...
Ingat.
i don't think feminism is banned by the catholic church, as i am not aware of any document coming from rome explicitating on the supposed ban. what i knew is feminism is being taught in seminary and in universities run by the church.
ReplyDeletei, for one, had my schooling on feminism when i was taking my philosophy.
you may refer your blog readers, norman, to find a document from the Pontifical Council for the Bible issued as a fruit of vatican ii and the accompanying instruction from the pontiff. if i remember it right, it was updated sometime in 1990's. yes, i knew of this document -- which i already left in the seminary in san jose -- because we used it in our class.
i am mentioning of this document precisely to show that it recognizes that feminism as a perspective may be a prism through which the bible is read.
a stereotypical or biased perception about the catholic church is that it is very patriarchal. well, from the feminists' point of view.
in the same manner that it is perceived as pacifist by the communists, or capitalist by the socialists.
but, as in vatican ii, the church considers herself -- see, in her identity, the church is feminine -- as in a pilgrimage. and as a pilgrim church, she is ecclesia semper reformanda (church always changing).
change may not be swift to happen, but it does happen. we just have to be extra patient, since we are dealing or trying to see reform in an institution that has been in existence for more than 2,000 years (MS).
"Hence, the Jesus Movement gained strength. yet it was different from the one we know now as the Roman Catholic Church."
ReplyDeleteNorman, this is a position that is different from what is taught officially by the Church. remember the apostles' creed: i believe in the catholic church.
granted that the statement is an "academic position," let us clarify that known theologians and historians -- male and female alike -- even of our time (read: the conventional academic position up to this time) would point to links between the twelve disciples and the catholic church.
for instance, we have hans kueng, who telling us that jesus may not have founded the catholic church directly but definitely he left the company of his disciples with the foundation of the church in its germinal period.
Salamat MS pagtugon sa mga tanong ni Eunice na hindi ko kayang sagutin...
ReplyDeleteOn Saturday, the Vatican issued a statement against radical feminism, re: destroying "manhood". It was published in Philippine Daily Inquirer. Leading feminist theologians, Fiorenza, Ruther-Radford, Pui Lan had written voluminous volumes regarding the sexism of the "known now as the Roman Catholic Church".
ReplyDeleteThe "God-ness" of Jesus was approved during the Council of Nicea. The Holy Roman Catholic Church was founded by Emperor Constantine who integrated most of his pagan practices to the newly found Church. Besides the word catholic means universal. But to many Catholics it only mean the Roman Catholic Church.
I am not a student of theology nor a catholic. Just a bloghopper who got interested in the discussion.
Thanks for all our answers. Kasi since 2004 pa, the VAtican was accusing the feminists of destroying the family. Some feminists kasi, the radical feminists,are really "against men". Kaya lang siempre iba naman ang experiences ng mga kababaihan dito sa Pilipinas. With regards to the Jesus Movement, iba kasi orientation ko dun. I studied in a Protestant University outside the Philippines and our professors came from different faiths. So my tendency is to look at the Bible or Jesus or even Pilate in a different light. Anyway, its good to have discussions on this matter. Somehow, it gives me more time to ponder on my christian beliefs. faith is a relative term.
ReplyDeleteAgain, my dear cousin, pls.post another blog that will tickle our minds!
Hope to see you soon!
Ayan na... Pasensya na hindi ko na alam kung papaano i-moderate ang ganitong mga discussion.
ReplyDeleteSalamat "Bloghopper" sa komento..
norman, take note: against radical feminism.
ReplyDeleteremember that when benedict xvi was still the orthodoxy guardian as head of the dicastery on faith, rome came out with a paper on liberation theology, highlighting the excesses of this system of thought.
again, sir norman, take note: excesses of this system of thought.
it's going to be very understandable that everything that is more than the moderate is dangerous. for one, a more-than-moderate divides rather than unites in its emphasis on its position as THE position.
but, commonsensically, in a historical time of multi-disciplinary approach, we can only admit various positions as just one of the positions.
kahit naman hindi sa ganitong usapin, ibig sabhin kahit sa pagkain o sa pag-inom ng alak, moderation ang kailangan.
moderation in this case means not really towing the "party line" hook, line and sinker. rather it means admitting that one's position is just one of the so many possible positions that we could possibly have.
bloghopper notes that catholic means universal, but to most catholics it means only the catholic church.
you know, in ecumenical circles, even leaders of protestant churches (at least, those that are mainline) agree to recognize the primacy of eminence of the pope. although they stress that the pope cannot have primacy of authority over them.
technical terms? yes, they are. simplistically put, primacy of eminence means the pope can be a figure head of christian churches; that the pope does not have primacy of authority means, the actual leadership over these christian churches -- excluding catholic church, of course -- cannot be appropriated by the pope.
and, i tell you, this is very much grounded on the history of the church (MS).
eunice is right. faith is a relative term.
ReplyDeletei would just like to add: it is a relative term lived out in an objective context -- that is, a faith community.
lalo na sa pilipinas, kung saan ang modernismo ay di pa masyadong nakaugat...
please take note of the tension between the words "relative" and "objective" (MS).
Hi MS.sana magkita tayo ng personal. Feminist ako eh. But not radical. I belong to Asian Feminist Movement whose main objective is to fight oppressions against humanity.
ReplyDeleteNice discussions. I'm requesting the blog owner if I can utilize it to one of our class discussions in UP.
Thanks a lot.
Aba may pa eye ball..eye ball ka pang alam. Yung eye ball imposible. Pero yung discussions pwede siguro. Hindi naman madamot yang si MS...
ReplyDeletehahaha!!! (MS)
ReplyDeleteTo sum this up, indeed "an informed faith is miraculous".
ReplyDeleteSalamat po sa inyong lahat sa pakikisangkot at pakikibahagi. Sa uulitin...
tinapos mo na agad, sir norman...
ReplyDeletespeaking of miracle (mula sa iyong ginamit na adjective miraculous"), ano nga ba ito?
i remember i was trying to grapple with it in my theology days. for one, it does not appeal to me the commonplace definition of miracle as suspension of natural laws. halimbawa, lumakad si hesus sa dagat, inutusan niya ang alimpuyo na tumigil, nakalakad ang pilay... at marami pang iba...
hanggang mapanood ko ang isang pelikula ni jim carrey (tama ba ang spelling?) na may pamagat na Bruce the Almighty.
sa bandang dulo ng kuwento nito, ang linya ng tv reporter na si Bruce ay: Be a miracle...
yup, an informed faith can induce one to be a miracle.. (MS)
Tama 'yung "Carrey" pero ang mali ay yung title ng sine. "Bruce Almighty" lang. Walang "the" sa gitna...
ReplyDeleteha,ha,ha,ha!
ReplyDelete