Monday, January 5, 2009

(Hindi Kailangan)


2009 na (ngayon) pero hindi ba marami pala tayong nakasanayang gawin (at isipin) na kung tutuusin ay pagsasayang lang ng panahon, talino (kung meron) lakas (sana meron pa) at iba pa. Mga bunga ito ng ating lisyang pagpapahalaga (kabilang na ang padalus-dalos na pagpapasya). Kung hindi man, mga bagay na ang pakinabang ay atin lang (o sa ating mga malalapit na kaanak, kaalyado at kapanalig) at walang direkta at konkretong mapapala ang kalakhan sa ating kalalawigan (read: ang mga taong ating kinakatawan sa alinmang larangan). Hindi man tayo taga-Occidental Mindoro.

2009 na (pala). Kunwari ako ay isang lokal na lider (na talo pa ang member ng Harlem Globetrotters kung magbiyahe) at bubuntot-buntot lang sa mga world trip ng aking Lady Boss (sa Japan, sa New Zealand, sa Australia, sa Qatar, sa Amerika, sa Spain, at kung saan-saan pa). Bagay na maaaring may halaga (sa akin at sa tao) pero ang tanong ay HIGIT para kanino?

2009 na ngayon (na sabi ng sa Kalendaryong Tsino ay “Year of the Ox”) at sana ay ma-realize ko na may mga bagay (o kaisipan) na tunay na may halaga (o mahalaga?) ngunit hindi naman mapakinabangan sa isang (tukoy at kongkretong) sitwasyon (o pangyayari at kaganapan) sa lipunang aking ginagalawan at pinamumunuan.

Halimbawa kung ikaw at iyong mga anak ay halos mamatay na sa init at uhaw (sa inyong pagkaka-stranded) sa disyerto, mas mahalaga natural sa iyo (sa ganitong sitwasyon) ang tubig (o anumang maiinom) kaysa sa (may dekorasyong paper bag na puno ng) pera (na pwedeng pambili ng ice water, juice o Coke). May mga bagay na gaano man kahalaga ay hindi naman kailangan.

Iiwasan ko na ito hangga’t maaari (uulitin ko, kung paa ko ang nasa loob ng kanilang sapatos). Sa halip na literal (at figuratively) ay para akong sulimpat na “tagasunod” ni Lady Boss, opisyal kong kukuwestiyunin (nang buong tatag) ang ilan niyang posisyon (at inisyatiba) na batid kong tunay na hindi para sa tao kundi pamumulitika lang niya(Halimbawa kay Pangulong GMA,- ang Cha-Cha, STL, R-VAT, at iba pa). Mga bagay na hindi naman kailangan ng (kalakhan sa) aking mga kababayan.

By the way, may natisod (na kamakailan ay nabuklat ko rin sa p. 34 ng “Stainless Longganisa” ni Bob Ong) pala akong writing tips sa internet na isinulat ng isang Frank L. Visco (na pinamagatang “How to Write Good” at i-Google n’yo na lang kung intresado kayo). Ang kanyang (Visco) Tip No. 6 ay ito: “Parenthetical remarks (however relevant) are unnecessary”.

Tunay na ang karamihan sa ating ginagawa (sa publiko o sa pribadong buhay man) ay may halaga o mahalaga nga (sa ating tingin) pero kadalasan, hindi naman kailangan ...

… Kagaya ng parenthetical remarks. Kagaya ng pagbiyahe abroad na wala namang tunay na pakinabang ang bayan!

--------
Speaking of biyahe, ang Talipapa sa Brgy. Pag-Asa, Sablayan (na nasa larawan sa itaas)ay ang pansamantalang pahingahan ng patang katawan (dulot ng baku-bakong mga kalsada) ng mga commuter sa amin para sa panibagong lakas sa hinaharap na biyahe papunta ng Abra de Ilog o saan mang bayan sa Norte.

4 comments:

  1. I commend your "if I were" list...however, there is no assurance that if you really were in their (her?) shoes, you'd be doing what you indicated. There are a lot of things that influence people to change, especially in politics. So please...enough with the self-righteousness.
    This is not to say that your commentaries are not commendable. Everyone has the right to say what they think is right and wrong. All I'm saying is let's not presume that we will do better. Thank you.

    ReplyDelete
  2. Getting into politics is diving into an ocean of compromises. But there also such thing as PRINCIPLED dealings or compromises. By diving into the water, one will surely get wet. But a good swimmer can hardly be drown. It depends on our abilities and REAL motives.

    ReplyDelete